Chapter 21

I was feeling comfortable on a completely different level. Ngayon lang ako naging komportable nang ganito. Iyong parang presko sa pakiramdam at napakagaan ng mundo.


Why? Ano kaya ang dahilan? Is it because I was wearing something different?


Bahagya akong umangat sa aking kinahihigaan. Though masakit pa rin ang aking likuran ay sinikap kong makabangon. I have to see it. I must see what am I wearing.


Umangat ang isang kilay ko nang makita ko ito. Kanino kayang boxers ito? At bakit gawa sa gantsilyo?


At may boxers pala na gawa sa gantsilyo?!


Kaya pala ang presko sa pakiramdam! Damn! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong boxers, parang wala na ring itinago! And the color, geez! Hindi ko na-imagine kailanman na magsusuot ako ng ganitong klaseng boxers sa tanang buhay ko!


Pero nakakatuwa, paanong naisip ng gumawa nito na gumawa ng ganito?


But wait, sino nga ba ang gumawa ng weird na boxers na ito? At kanino kaya ito?


And where am I?


Bakit ako narito sa bahay na ito?


Then suddenly, I recalled. Tiyak na ang dahilan ng lahat ay ang sugat ko sa likod. Siguro ay naimpeksyon ito dahil napabayaan ko. I can't remember anything after I passed out.


Napasintido ako. Bakit ba kasi ang tanga ko? Sino ba namang sira-ulo ang lalatiguhin ang sariling likod? Subalit hindi ko kayang hindi saktan ang sarili ko sa tuwing nasasaktan ko si Aviona. Tawagin man akong baliw pero iyon talaga. Naiinis kasi ako sa sarili ko dahil sa mga nagawa ko sa kanya!


Anyway, balik ako rito sa boxers. Iyong pakiramdam na parang wala kang saplot pero mayroon naman.


Napapiksi ako nang bumukas ang pintuan. Iniluwa niyon si Lola Peach at isa pang matandang babae pero nakatina ng itim ang buhok. "Nakow, Ser! Eh, gising na ho pala kayo?"


Kinabahan ako. Bakit hindi nila kasama s Aviona? "Where's Aviona?" I asked them.


"Naliligo, ser."


Nakahinga ako nang maluwag. "Who's she?" tukoy ko sa kasama niyang oldie rin.


"Ati ko, ser. Siya si Merdie."


So she had an older sister, huh?


"Siya muna, Ser, ang magiging nars mo."


Sumimangot ako. "I don't need a nurse."


"Yis, you du." Sagot nong Merdie. "Kung gusto nyo gumaling agad, Ser, eh kelangan nyong mag-trust sa akin. Malay nyo, baka oras na lang at matuton na kayo ng mga kalaban nyo."


Napalunok ako. She's right. Hindi ako pwedeng matunton ng mga kalaban ko na ganito ang kalagayan ko. Paano ko mapo-protektahan si Aviona kung sugatan ako? Paano kami tatakas kung nanghihina ako?


Napapikit ako. "Fine. What shoul I do then?"


Lumapit sa akin itong Merdie na may hawak na paper and pen. "I need to experiment you – este, examine you."


Serioulsy?


"Pakisagot na lang, Ser, ang mga tanong ko." Nagsulat sya sa papel. "Kailan po kayo huling kumain?"


"Can't remember," I answered.


"Kailan po kayo huling uminom?"


"Can't remember."


"Kailan po kayo huling nagsarili?"


What the fuck? Ano kinalaman non sa sugat ko?


Mukhang nabasa ni Merdie ang tanong sa isip ko. "Kailangan kong malaman, Ser, dahil nakakaapekto sa resistensya nyo yung kakulangan ng sperm nyo."


I can't take it. Napasintido ako. "Can I take a break?"


Napatulala muna sya bago tumango.


Bumaling muna ako kay Lola Peach at saka tumingin sa kanya. "Can you give us a space?"


"Kanina break. Ngayon space." Nangunot ang noo ni Merdie. "Tayo ba, Ser?"


Konti na lang talaga at mapipilipit ko na ang leeg nito. Mas malala pa pala sya kay lola Peach. "I mean, kailangan ko lang makausap si Peach."


Nagkatanguan ang dalawa bago tuluyang umalis si Merdie.


Humarap ako kay Lola Peach. "Listen to me. I need you to do something for me."


"Sige, Ser. Nakikinig ako."


"You do love Aviona, right?"


"Right, Ser."


"So gagawin mo ang lahat para sa kanya?"


"Korek, Ser."


"Kapag dumating iyong situation na nasa panganib ako, gusto kong ilayo mo sya sa akin."


"Ser?"


"Gusto kong iligtas mo sya. Gusto kong dalhin mo sya sa," natigilan ako. "Pamilya nya."


"Pero, Ser. Magagalit yun–"


"That's an order, Peach." Hindi ko na sya pinatapos. "Ako pa rin ang boss mo."


She nodded. "Sige, Ser."


Lumamlam ang mga mata. "'Tapos... sabihin mo sa kanya ang mga kasalanan ko. Ipaliwanag mo sa kanya na..." pumiyok ako. "Kasalanan ko ang lahat kung bakit sya nagkaganito."


"Ser..."


"Masyado nang mapanganib kung makakasama ko pa siya. I can never forgive myself kapag may nangyaring masama sa kanya."


"Ser..."


"Do you understand, Lola Peach?"


Tumango ang matanda.


"Look into my eyes," I commanded. "Do you understand me?"


"Yes, Ser."


"Eh, bakit dyan ka sa harapan ko nakatingin?"


"Eh kasi, Ser..."


"What?"


Bumungisngis ang matanda. "Yung kuwan niyo kasi, Ser, see-through!"


Shit!


...


"JUST LANDER, maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa 'yo?" Dali kong nilapitan si Just Lander nang madatnan ko siyang hirap makaupo mula sa pagkakahiga. Inalalayan ko siya.


Nagbuga siya ng hangin. "Wala namang masakit sa akin."


"Pero sugatan ang likod mo."


"Wala lang ito."


Napalabi ako. "Bakit mo ba nilatigo ang likod mo?"


Namilog ang asul niyang mga mata. "Kanino mo naman nalaman yan?"


"Sabi nila Lola, latigo raw ang dahilan ng mga sugat mo sa likod."


Bigla siyang tumanaw sa kawalan.


"Bakit mo nilatigo ang sarili mo? Bakit mo sinaktan ang sarili mo?"


Gumalaw ang kanyang panga. "Wag kang maniwala sa sinasabi ng mga matatanda."


Napalunok ako. Gusto kong itanong sa kanya na nagawa niya ba talaga iyon dahil sa nasaktan niya rin ako. Subalit bago pa ako magsalita ay nagsalita na siya.


"Kanino ang boxers na ito?"


"Ha?" Natakot ako dahil nakasimangot siya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang ginantsilyo kong regalo. "Ah, napulot ko lang 'yan," pagsisinungaling ko.


Pihadong magagalit sa akin si Lola Peach kapag nalaman niyang nagsinungaling ako. Pangunahing turo kasi sa akin ng matanda mula noong bata pa ako na masama ang nagsisinungaling. Iyon daw ang pinakamatinding kasalanan na pumapangalawa sa pagpatay. Ang pangatlo naman ay ang pagnanakaw.


"Bakit, ayaw mo ba?" mahinang tanong ko kay Just Lander. "Hindi mo ba nagustuhan?"


Tumingin siya sa suot niyang boxers na ginantsilyo. "Actually, gusto ko sanang hingin na lang ito sa 'yo."


Kainis! Ibig sabihin ay nagustuhan niya pala! Tumango ako. "Sige, sa 'yo na lang. Napulot ko lang naman yan kaya wala ng may-ari nyan." Naikuyom ko tuloy ang aking kamao.


"Kung sino man ay may gawa nito ay magaling ang mga kamay."


Napakagat-labi ako. "Oo nga. At kung sino man ang gumawa nyan ay siguradong panregalo nya yan."


Napalingon sya sa akin. "Regalo?"


"Kasi mukhang pinagpuyatan nya yan. Mukhang ilang araw nyang ginantsilyo yan."


"Birthday ba ng reregaluhan nya kaya sya magreregalo?"


Tumango muli ako. "Tapos na yung birthday. Pero siguro ay nahihiya syang iabot yan doon sa reregaluhan nya."


Hindi ko alam kung bakit sya nangingiti. "Bakit naman nya naisipang ipang-regalo ito?"


"Kasi..." napaisip ako. "Ito lang ang kaya nyang ibigay doon sa re-regaluhan nya. Samantalang maraming natanggap na mamahaling regalo iyong reregaluhan nya. Kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para–" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil bigla nya akong siniil ng halik.


Bumitiw ang mga labi nya sa mga labi ko. "Kung ganun, posible kayang matuwa sya kapag nalaman nyang nagustuhan ng reregaluhan nya iyong regalo nya?"


Napanguso ako. "O-oo, matutuwa sya."


Kinuwit ng daliri nya iyong hibla ng aking buhok na nakalawit sa aking tainga. "Salamat, Aviona. Ito na ang pinakamagandang reaglong natanggap ko sa buong buhay ko."


"Ha?" paano nya nalaman?


"Dahil dyan, hayaan mo namang makabawi ako sa'yo." Pagkasabi'y muli nya akong hinalikan.


Sa pagkakataong ito, banayad ang mga labi nya. Hindi ito tulad ng dati na marahas at mapanganib. Sumusuyo ito at hindi nakakasakit. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasasabyan ko na sya. Tulad ito ng isang sayaw na may tugtuging kami lang dalawa ang nakakarinig.


Malakas ang kabog ng aking dibdib hindi dahil sa takot. Tumitibok ito ng mabilis kundi dahil nanabik.


Namalayan ko na lang na naihiga na pala nya ako sa higaan nang maingat. Umibabaw sya sa akin ngunit hindi nang buong bigat. Ang magaan nyang palad ang humahaplos sa aking balat pababa sa aking puson. Hanggang sa marating nito ang pagitan ng mga hita ko.


"J-Just Lander..." usal ko. Naramdaman ko kasi ang mahinay na pagpasok ng mga daliri nya roon.


"Masakit ba?" tanong nya habang pinagmamasdan ang aking mukha.


Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa habang niroromansa ako ng mga labi niya pababa sa aking leeg, patungo sa aking dibdib. Napasabunot ako sa kanyang buhok. Hindi ko alam pero parang hinihimay niya ang kaloob-looban ko. May kung anong kumikiliti sa mga kalamnan ko.


Mas gusto ko ang ginagawa niya sa akin ngayon kaysa noon. Damang-dama ko ang mainit niyang katawan at hininga. Nararamdaman kong pinagsisilbihan niya ako. Na para bang sinasabi niya sa akin sa ligtas ako.


Nang may biglang kumatok.


Napaungol si Just Lander nang tumayo ako  upang buksan ang pinto. Bumungad sa akin sina Lola Peach at Lola Merdie. May dala silang pagkain.


"Nakow! Eh, anong ginagawa nyo?" tanong ni Lola Peach.


Nagkatinginan ang dalawa. "Pwede ba kaming manuod?" tanong ni lola Merdie.


"Ah, sige po, pasok." Bumaling ako kay Just Lander. "Just Lander, nood daw sila."


Ewan pero bigla ay may hawak ng baril si Just Lander.


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top