Chapter 18


NAKAKAPANIBAGO ang mansyon na ito. Parang lalong lumawak. Dati rati kasi ay may mga tauhan si Just Lander na nagkalat sa paligid. Sa bawat sulok ay naroon nakatayo ang mga nakaitim na lalaki.


Bakit kaya ngayon ay wala na? Kahit saan ako tumingin ay hindi ko na sila makita. Ano kayang nangyari? Nasaan na kaya sila? At maski si Just Lander, hindi ko na rin masyadong nakikita. 


Sa paglalakad ko ay napadpad ako sa saradong kuwarto niya. Gusto ko sanang kumatok kaya lang ay natatakot ako. Baka kasi lalo syang nagalit sa akin dahil akala ko ay buntis ako.


Akala ko kasi ay mabubuntis na ang isang babae kapag nakadyot. Malay ko ba? Sabi kasi ni lola Peach ay ganun daw.


Paano ko kaya ibibigay sa kanya iyong regalo ko. Iyong boxer shorts na ginagantsilyo ko na mahigit pitong gabi ko nang niyari.


Kamuntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Just Lander. Basa ang kanyang buhok na para bang kaliligo lang. Nakasuot sya ng kulay gatas na damit na ang manggas ay hanggang pulso. Hapit ang kanyang maong na pantalon kaya bakat ang kanyang santol. Ang sapin nya sa paa ay patulis na sapatos.


Ang bango-bango niya. Ang sarap singhutin.


Napalunok ako at hindi malaman kung aalis ba o hindi. Nang makita ko siya ay tila may kung anong biglang naghahabulan sa aking sikmura. Sinikap kong magsalita. "Ah Just Lander, galit ka ba?"


Hindi niya ako sinagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at dahil dito ay napakalakas ng kabog ng dibdib ko.


Nagulat ako nang bigla niyang hulihin ang aking pulso. "Halika."


"Ha?" Nagpatianod na lang ako sa kanya dahil hindi naman siya sumagot.


Hinila niya ako papunta sa ibaba ng mansiyon. Lumabas kami at pumunta sa kung saan naroon nakaparada ang kanyang mga kotse. Pumili siya ng isa sa mga iyon at pagkatapos ay may kumuha siya ng susi mula sa pader. Nakasunod pa rin ako sa kanya nang balikan namin ang kotseng napili niya. Pinatunog niya iyon gamit ang susi. "Sakay," utos niya sa akin nang buksan niya ang kanang pinto sa unahan ng kotse.


"S-saan tayo pupunta?"


"Wala kang karapatang matanong. Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa."


Napapalakpak ako. "Ay, oo nga pala. Sige sakay na ko."


Pagkaupo ko ay umikot siya sa kabila. Naupo siya sa kaharap ng manibela. Binuhay niya ang makina at pinaandar ito. Wala siyang imik habang nagmamaneho.


Gusto ko siya tanungin kung galit pa ba siya at gusto ko sanang alamin kung saan kami pupunta kaya lang ay nakasimangot siya. Ni hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin. Sa buong pagmamaneho ay sa daan lang talaga nakatutok ang kanyang mga mata. Nakakahiya siyang istorbohin dahil seryosong-seryoso siya.


Sobrang tagal ng biyahe namin na halos mamanhid na ang pwet ko sa pagkakaupo. Sobrang tagal na tila napakalayo na ng aming narating. Hindi ako gaanong nainip dahil sa sinikap kong libangin ang aking sarili sa mga dinaraanan naming tanawin. Naging abala ako sa pagkamangha sa mga bagong bagay na ngayon ko lamang nakita. Alam ko na ang mga gusali dahil may nadala na ako noon ni Patrick Only sa mall at may nakita ko na rin ang mga iyon sa mga babasahin sa mansiyon, pero kakaiba ang mga nakikita ko ngayon. Mas mararaming gusali ang naririto. Iba-iba ang itsura, laki at kulay. Marami ring malalaking larawan na nakalutang sa ere. May mga sementadong daan din na nasa itaas at may mga sasakyan na dumaraan doon. Nasaan na nga kaya kami?


Napaayos ako nang pagkakaupo nang maramdaman ang pagdahan-dahan ng sasakyan. Huminto kami sa tapat ng isa sa matatayog na gusali sa lugar na puro gusali ang makikita. Mas malaki at mas maliwanag ito kaysa sa mall na pinagdalhan ni Patrick Only sa akin dati kaya lang ay mas kaunti ang mga tao na lumalabas at pumapasok dito.


Umikot ang kotse namin sa gilid ng mall. Nagbayad si Just Lander sa babaeng humaharang sa mga kotse at pagkatapos ay pumarada na kami katabi ng iba pang magagandang sasakyan na nakaparada sa loob. Nakarinig ako ng mahinang tunog sa pinto ni Just Lander kaya napabaling ako sa kanya. Pinatay niya na pala ang makita. Mukhang dito na nga sa lugar na ito ang sadya namin. Bigla tuloy akong nanabik. Mukhang ipapasyal ako rito ni Just Lander, ah!


"Dito ka lang," sabi niya sabay baba niya ng sasakyan. Sinilip niya pa ako sa bintana ng kotse. "Wag kang aalis diyan."


Nalungkot ang mukha ko. "Hindi ako bababa?"


Tiningnanniya lang ako na tila sinasabi na wag akong makulit. Habol-habol ko na langtuloy siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob. 


Hay naku! Akala ko pa naman ay ipapasyal nya ako. Gusto ko pa naman makakita ulit ng elevator.


Ang tagal din niyang nawala, nang bumalik siya ay may bitbit na siyang mga paper bags kung tawagin. Ganito rin iyong mga paper bags na dala namin ni Patrick Only noong isinama at ipinamili niya ako sa mall. Marami iyon at lahat ay halatang may laman.


Nagpatuloy sya sa pagmamaneho. Ilang beses ko syang sinusulyapan pero wala pa rin akong maapuhap na sasabihin sa kanya. Baka kasi mamaya ay baka magalit pa sya.


Hanggang sa hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Siguro sa sobrang pagod sa byahe ay bumigay na ang katawan ko. Kung hindi niya pa ako gisingin ay baka nagtuloy-tuloy na ang tulog ko.


Inabutan niya ako ng pagkain na nasa paper bag na kulay lupa. "Kumain ka muna."


Kinuha ko naman iyon dahil kanina pa ako gutom. Lalo pa akong nagutom nang maamoy ko ang pagkain sa loob. Tinapay iyon na may hotdog sa gitna na madalas ng iluto ni Lola Peach sa akin nang mga nakaraang araw. Mas mukha lang masarap ang pagkaing ito dahil meron pa itong malapot na kulay pula at dilaw sa ibabaw. Lalantakan ko na sana ang pagkain nang matigilan ako.


Ngayon ko lang napansin ang paligid. Madilim na? Gabi na? Kung ganoon ay mukhang malayo pa ulit ang byinahe namin dahil hapon lang kami umalis sa pinuntahan namin kanina.


Hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtanong nang makakuha ako ng lakas ng loob. "Just Lander, nasaan na tayo?" Sinilip ko pa ang labas ng sasakyan mula sa katabi kong bintana. "Bakit may mga bituin na?"


"Wag ka na magtanong. Kumain ka na lang," pagkasabi niya'y bumaba siya ng sasakyan.


Ano ba talagang nangyayari? Saan nya ba ako dadalhin? Nasasabik tuloy ako. Pakiramdam ko kasi ay may surpresa sya sa akin. Sa isiping iyon ay magana kong kinain ang pagkain.


Pagkatapos ko, minuto lang ang lumipas ay bumalik na si Just Lander. Ipinagpatuloy nya muli ang pagmamaneho nang hindi tumitingin sa akin.


Hindi na ako natulog. Baka kasi paggising ko ay may liwanag naman. Hindi ko na masusulit matingnan ang mukha nya. Iyong panga nya na hindi ko alam kung bakit maganda sa aking paningin.


Hindi nagtagal ay inihinto na niya muli ang kotse. Inabot niya mula sa backseat ang mga paper bags na binili niya sa mall kanina at inilapag sa harapan ko. "O..."


Namilog ang mga mata ko nang silipin ko ang laman ng anim na paper bags. Punung-puno ang mga ito ng mga damit pambabae. "Regalo mo ito sa akin?"


"Hindi." Blangko lang ang kanyang mukha. "Mga damit mo iyan na gagamitin."


"Mga damit kong gagamitin?" Napangiti ako sa sinabi niya. "Bakit? Saan tayo pupunta? Mamasyal ba tayo?"


Hindi siya sumagot. May kinuha siyang papel sa kanyang tabi at iniabot sa akin.


"Ano ito, Just Lander?"


Napabuga sya ng hangin bago sya tumugon. "Ang pangalan ng tatay mo ay Hendrick Montemayor. Ang nanay mo naman ay Camilla Honrado Montemayor."


Napanganga ako. "Talaga ba?"


Tuwang binuklat ko ang papel na bigay niya. Sa loob pala niyon ay may nakaipit na larawan ng isang lalaki at isang babae. Pinakatitigan ko sila. Iyong lalaki ay nagtataglay ng mahahabang pilikmata at matangos na ilong na hawig ng sa akin. Iyong babae naman ay malinaw na kapareho ko ang itsura ng mga labi. Sa tagal at taimtim ng pagkakatitig ko sa larawan ay hindi ko namalayan na naluluha na pala ang aking mga mata.


"H-hala... ito ba iyong pamilya ko?" pumiyok ang boses na mahinang tanong ko kay Just Lander ng lingunin ko siya.


Ibinaling niya ang paningin sa labas ng sasakyan saka walang emosyon na sumagot. "Oo."


Hindi ako halos makapaniwala. Kung ganun, heto nga sila. Kung sila ang pamilya ko ay malamang na mga tanga rin silang katulad ko. Kapareho ko sila. Pamilya ko nga sila!


Nang hawakan ko ang mga larawan nila, pakiramdam ko ay abot kamay ko na sila.


Nagulat ako nang bumaba ulit si Just Lander ng kotse. Umikot sya patungo sa akin at binuksan nya ang pinto para sa akin.


"Baba," utos niya.


Nagtataka naman akong bumaba bitbit ang mga paper bags ng mga damit na ipinamili niya sa akin. Napalibot ako ng paningin sa paligid namin. Ngayon ko lang nabistahang maigi kung saan nakahinto ang sasakyan, nasa isang lugar kami na walang katao-tao maliban sa aming dalawa. Medyo malayo rin kami sa malalaking sementadong daan kung saan may nagdaraang mga sasakyan.


"Just Lander, saan ito? Bat tayo nandito?"


Sa halip na sumagot ay hinugot niya ang wallet sa likod ng suot na pantalon. Nakamasid lang ako sa kanya ng may kunin siyang maraming mga papel na kulay ube mula roon. Alam ko na ang tawag sa mga papel na iyon ay pera na dahil nakakita na ako noon. "Ibibigay mo sa akin ang mga 'yan?"


Iniabot niya nga lahat iyon sa akin at tinanggap ko naman. Hindi na ako magkandaugaga sa mga paper bags at sa makapal na bungkos na pera na bigay niya.


"Magagamit mo 'yan sa maraming bagay."


"Kagaya ng?"


Namulsa lang siya at hindi sumagot.


Napalunok ako nang bigla akong kutuban ng masama. "J-Just Lander, bakit mo ako binigyan nito?"


Bakit ganoon? Bakit umiiwas siya ng tingin? Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako magawang tingnan nang diretso. Parang may itinatago siya sa akin. Natatakot ako na baka tama ang kutob ko na may mangyayaring masakit at hindi maganda.


"Aviona..."


Nakagat ko ang ibaba kong labi. "Bakit, Just Lander?"


Itinuro niya ang papunta sa kabilang kalsada. Iyong daan na kailangan pang lakarin para marating pero abot-tanaw lamang rito sa kinatatayuan namin. May mga sasakyan na dumaraan at humihinto roon. Marami mga nakatayong tao sa gilid, may mga bantay rin at maraming poste ng liwanag.


"Pumunta ka sa daan na 'yan. May mga pampublikong sasakyan diyan."


"H-ha?" namaos ako. Hindi ko gusto ang sinasabi nya.


"Magtanong ka sa mukhang mapagkakatiwalaan, kung hindi sa pulis ay sa mga babaeng may kasamang bata. Itanong mo kung paano makakarating sa Montemayor Hotel."


"A-anong meron sa Montemayor Hotel, pamilya ko rin ba iyon?"


Napapikit siya na tila nauubusan ng pasensiya. "Lugar iyon at hindi tao. Isang lugar na pag-aari ng angkan mo. Kailangan mong makapunta roon at please lang... wag mo ipahalata sa pagtatanungan mo na wala kang alam. Basta itanong mo lang paano makapunta roon. Malapit lang iyon dito kaya siguradong makakarating ka agad."


Pigil ang hikbi nang magtanong muli ako. "A-anong gagawin ko roon, Just Lander?"


"Pumasok ka sa loob. Magpakilala ka lang na ikaw si Aviona Camille Montemayor sa guwardiya. Doon palang ihohold ka na nila. Hindi ka nila babalewalain dahil sensitibo at importanteng bagay ito para sa kanila. Wag kang matakot dahil bago ka pa nila maipakulong, sigurado na makikita ka na agad ng kahit sino sa mga Montemayor at makikilala ka nila." Ngumiti siya nang mapait pagkuwan at mahinang nagsalita. "You're the spitting image of your father."


Hindi ko naunawaan ang huli niyang sinabi pero hindi ko na iyon inusisa pa dahil natakot ako nang talikuran niya na ako.


"Go now. Pumunta ka na sa daan na iyon." Tinalikuran niya na ako.


"H-hindi mo ako sasamahan?"


Tinalikuran na nya ako. Matagal sya bago nakasagot. "Hindi na kita masasamahan, Aviona. Hanggang dito na lang ako."


"Ha? Eh, paano ako uuwi?"


Umigting ang kanyang panga mula sa likuran. "Hindi ka na uuwi."


Unti-unti ng naglandas ang mga luha ko. "P-pero–"


"Isasauli na kita sa pamilya mo." Bahagya nya akong nilingon. "Sa kanila ka na uuwi."


Naibagsak iyong bag na hawak ko. "A-ayaw ko."


Napasintido sya. "'Wag matigas ang ulo."


"B-bakit?" napaiyak na ako. "Bakit ayaw mo na akong umuwi sa'yo?"


"Perwisyo ka lang sa akin kaya ayaw na kitang makasama."


Ang sakit.


"Alis na, Aviona," sabi niya sa malamig na boses.


Hindi niya ako tinitingnan. Ang sakit. Parang pinipiga niya ang puso ko ngayon. Ang sakit-sakit.


Hindi ko kaya kapag iniwan niya ako. Gustung-gusto kong makasama ang aking pamilya subalit ayaw ko naman na mawalay kay Just Lander. Hindi ko kaya na wala siya sa buhay ko kaya naman nang makita kong pasakay na siya ng kanyang kotse ay hinabol ko siya. Pero nang makalapit ako sa kanya ay tinutukan niya ako ng baril.


"Babarilin kita kapag nagpumilit ka pa." Sabi nya.


Naestatwa ako dahil sa ulo ko nakatutok ang baril nya.


"Makinig ka, Aviona." Umalon ang kanyang lalamunan. "Hindi ko na kayang makasama ka. Ikaw ang sumira sa akin. Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang lahat sa akin!"


Napahagulhol na ako habang nakatingin sa malamig at asul niyang mga mata. Totoo ba ang lahat ng sinabi niya? Na perwisyo lang ako sa kanya? Na ayaw na niya akong makasama dahil ako ang sumira sa buhay niya?


"Kaya wag na wag mo na akong susundan. Dahil kung hindi ay matutulad ka sa sinapit ni Chandra, naiintindihan mo?"


Katulad ng sinapit ni Chandra?


Oo, naalala ko. kitang-kita ko kung paano sumabog ang mukha ng babaeng iyon matapos niyang barilin. Wala na siyang buhay nang bumagsak sa lupa. At ayaw kong matulad sa kanya!


Dahil sa takot nanigas ang aking katawan. Wala akong nagawa nang talikuran ako ni Just Lander at nang sumakay siya sa kotse.


"J-Just Lander..." hikbi ko sa pagitan ng pagluha.


Paano na ako nito? Parang hindi ko yata kaya? Hindi ko kayang umalis at hayaan siyang iwan ako. Paano na ako? Paano? Papatayin niya naman ako kapag sumunod ako? Pero para na rin akong mamamatay kung maghihiwalay kami ngayon dito. Sabi ko na nga ba may mangyayaring masakit at hindi maganda. Sabi ko na masasaktan ako nang sobra...


Ang mga hikbi ko at paghagulhol ay sumisira sa katahimikan ng gabi. Habang nakatanaw ako sa papalayo niyang sasakyan ay napupunit ang puso ko.


Ibinaba ko ang aking paningin sa larawan ng pamilya ko, sa aking mama at papa. Pinagmasdan ko sila. Sila kaya? Hindi nila ako iiwan? Magiging perwisyo lang rin ba ako sa kanila tulad ng kay Just Lander? Susukuan din kaya nila ako tulad ni Just Lander?


Susuko? Tama! Sinukuan na ako ni Just Lander. Pero hindi ibig sabihin niyon ay susukuan ko na sya.


E ano kung barilin niya rin ako katulad ng ginawa niya kay Chandra? E ano kung sumabog din ang mukha ko at mamatay ako? Mamamatay rin naman ako kung hindi ko na siya makakasama. Mamamatay rin ako sa sobrang sakit dahil hindi ko kakayanin na wala siya.


Kaya naman naibagsak iyong mga papel na ibinigay sa akin ni Just Lander. Pagkatapos ay buong lakas akong tumakbo upang habulin ang kanyang sasakyan.


Aabutan ko sya. Mabilis akong tumakbo.


Ang pagtakbo noon nang paikot-ikot sa loob ng kuwarto ko ang akingehersisyo.


Hindi ako titigil hangga't hindi ko naabutan ang kanyang kotse. Hindi ako mapapagod, hindi ako susuko. Minsan nang naikwento sa akin ni lola na ang prinsesa sa kwento nya ay hindi sumusuko!


"Just Lander!" sigaw ko sa gitna ng aking pagtakbo.


Subalit hindi humihinto ang kanyang minamaneho.


"Just Land–" pucha, nadapa ako.


Nasubsob ako sa lupa. Nahilo ako at halos masuka.


"J-JustLander..." Sinikap kong makatayo. May gasgas ang magkabila kong tuhod maging angkaliwa kong siko pero balewala ito. Kahit pa iika-ika ay kakayanin ko pa ringtumakbo. Tatakbo pa rin ako at hahabulin siya


Pero hindi ko na yata sya aabutan, masyado na syang malayo. Subalit hindi pa rin ako susuko kaya nananakbo pa rin ako. Hindi ako titigil hangga't may mga paa ako. Hindi ako mapapagod hangga't humihinga ako.


Hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Dahan-dahang bumagal ang aking pagtakbo na nauwi nalang sa paglalakad. Nanlalabo na ang mga mata ko sa pawis at luha pero sinisikap ko pa rin siyang abutin kahit sa tingin, pero wala na talaga siya. Doon na ako napaluhod sa kalsada.


Doon ko na naramdaman ang pagod at sakit ng katawan. Ang mangilan-ngilang sasakyan na napaparaan sa gawi ako ay nagtataka marahil kung bakit ako ganito. Ayaw kong kaawaan nila ako. Sinubukan kong tumayo ang kaso ay masakit na ang mga binti ko. Wala akong nagawa kundi ang mapahagulgol na lang.


Nakakaawa na nga siguro ako. Ganito siguro kapag tanga ka, iiwan ka talaga dahil pabigat ka. Hindi ka na babalikan dahil wala ka namang kwenta.


"Just Lander..."


Wala na nga talaga siya. Hindi ko na maaabutan. Naramdaman ko ang labis na panghihina ng katawan ko. Hindi ko na kaya, pagud na pagod na ako pero ngayon lang ito. Hindi pa rin ibig sabihin na susuko na ako. Alam ko kung saang tumungo ang kotse niya. Diretso pa-Timog at siguro ay pwede ko namang tuntunin din iyon kapag bumalik na ang lakas ko. Basta tanda ko ang kulay ng kanyang kotse ay pula. Ipagtatanong ko na lang sa mga tao na makakasalubong ko sa daan kung may nakita silang kotse na pula at kung saan ito nagpunta. Gagawin ko iyon. Magbabaka-sakali ako na masusundan ko pa siya.


Napangiti ako sa aking balak. Sa isang iglap ay tila nagbalik ang kalahati sa lakas ko na nawala. Muli kong sinikap na makatayo para lamang masilaw sa liwanag na sumalubong sa akin nang mag-angat ako ng mukha.


Bakit nandito siya?


Iniilawan ako ng kotse na hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala. Napatigagal ako ng bumaba ang nasa manibela. Mabilis siyang lumapit sa akin. 


"S-sori na... Just Lander." Sabi ko sa pagitan ng aking paghikbi. "P-pangako, hindi na ako magpapasaway sa'yo..."


Tuloy lang siya sa paglalakad papalapit sa akin habang nanlilisik ang kanyang asul na mga mata.


"B-basta wag mo lang akong iwan." Napahagulhol muli ako. "P-pangako, hindi na kita bibigyan ng sakit ng ulo..."


Malapit na siya.


"K-kung gusto mo, parusahan mo na lang ulit ako. K-kahit ikulong mo ako at itali ulit. Kahit saktan mo ako at–" hindi ko na natapos ang aking sasabihin. Dahil nang makalapit sya sa akin ay bigla nya akong siniil ng halik.


Humihingal siyang kumalas sa akin pagkatapos. Taas-baba ang kanyang dibdib at nagliliyab ang diyan niyang mga mata.


Ikinulong nya ang aking mukha gamit ang magkabila nyang palad. "You're so freaking stupid and stubborn! You know that?" nanginginig sya. "I am a monster but still you wanted to be with me! Damn it! How stupid is that, huh?!"


Hindi ko naman sya maintindihan.


Hinalikan nya muli ako ako pero saglit lang. "Why are you doing this to me? What the hell are you doing to me?!" Lumamlam na ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.


Ano raw ulit?


Niyakap nya ako nang mahigpit. "You're so stupid that I don't want let you go this time..." bahagya syang natigilan. "I will never let you go until you become my wife."


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top