Chapter 17

NAKAPANGHIHILAKBOT!


Ngayon lang ako nakakita ng ganoon. Totoo pa lang nakakapatay ang bagay na iyon na tinatawag nilang baril! Masakit sa tainga ang tunog niyon, umuusok pa ang dulo matapos kalabitin ni Just Lander ang gatilyo. Kitang-kita ng aking dalawang mga mata kung paano sumabog ng dugo ang mukha ni Chandra. Bumagsak siya sa sahig ng wala ng buhay at hindi na humihinga!


Sumuka ako sa aking kinauupuan dito sa banyo. 


Dinala ako rito ni Just Lander at dito iniwan. Hindi ko alam pero umikot ang aking sikmura sa aking nakita. Tiyak na ganoon din ang aking magiging hitsura kung ako ang binaril ni Just Lander noong isang gabi.


"Nakow! Eh, ano bang nangyari sa'yo?" sumulpot si lola Peach. "Bakit ka puro modta?"


Umiling ako. "S-sa cake po ito, icing... nasubsob po kasi ako sa cake, Lola..." garalgal ang aking tinig.


"Diyos ko! Eh, ano?! Kumusta yung cake?!"


Napangiwi ako. "S-sira na po iyong kalahati ng cake... natumbahan ko po kasi..."


"Pucha, 'buti buhay ka pa?"


"P-po?"


"Gawa yata sa diyamante ang cake na iyon, pagkamahal-mahal ba naman! Kaya nakakapagtakang buhay ka pa kung ikaw ang dahilan kung bakit nasira iyong cake ni Ser."


Napahagulhol na ako.


Lumapit sa akin si lola at umupo upang yakapin ako.


"N-nakita ko po..." humigpit ang pagkakayakap ko kay lola. "M-may pinatay si Just Lander sa harapan ko..."


"Alam ko, hija." Kumalas sya sa akin. "Normal na lang iyon na gawain nya."


"Normal?"


"Laro lang ang pagpatay sa kanya. Balewala sa kanya ang buhay ng iba."


Napalabi ako. "Pwede po palang laruin ang pagpatay?"


"Putragis naman, ang tanga, oh. Siyempre hindi pwede iyon." Humawak si lola sa mga kamay ko. "Dahil masama ang kumitil ng buhay."


"Ibig sabihin, masama po si Just Lander?"


Napayuko si lola bago sya napatango.


"Ibig sabihin, masama rin po iyong ginawa kong pagtatangka sa buhay ni Apple?"


"Masama iyon. Walang sinuman sa atin ang may karapatang bumawi sa buhay ng isang tao."


"Paano po iyon, Lola, masama po ako?"


"Hindi mo naman alam ang nangyari dahil bobita ka. Pero ngayong alam mo na ay wag mo ng uulitin, ha?"


Yumakap muli ako kay lola. "Lola, saan po ba ako nagmula?"


"Sa nanay at tatay mo."


"Pano po nangyari iyon?"


"Nagkadyutan sila. Tapos nabuntis yung nanay mo at iniluwal ka."


Ako naman ang kumalas kay lola. "Sila po ba iyong tinatawag na pamilya?"


Hinimas nya ako sa buhok. "Sila iyong totoo mong pamilya."


"Nasaan po sila?"


Lumikot ang mga mata nya. "Nakow! Eh, bakit ba ang dami mong tanong, de puta ka?"


Lumamlam ang mga mata ko. "K-kasi po... sabi sa akin ni Just Lander... may pamilya raw po ako..."


"Oo! Ako!"


Bumagsak na naman ang mga luha ko. "I-iyong kwento mo, Lola... na tungkol sa isang prinsesa... na dinakip ng isang prinsipe at ikinulong noong bata pa..."


Tigagal lang sya sa akin.


"A-ano pong katapusan ng kwentong iyon? N-nakauwi po ba yung prinsesa? N-nakalaya po ba sya? Kasi po laging hindi tapos iyong kwento nyo, eh."


Nakakapagtakang hindi na nakasagot si lola. Nakayuko na lang sya habang madilim ang mukha.


"A-ano pong nangyari doon sa prinsesa? N-nakauwi po ba sya sa pamilya nya?"


"H-hindi." Malamlam na ang mga mata nya nang tumama ito sa akin. "Hindi ko pa alam ang kasunod na istorya."


Napakapait ako sa mga braso nya. "A-ano pong pangalan ng prinsesang iyon sa kwento nyo? A-Aviona po ba?"


Nanlaki ang mga mata.


"Aviona Camille Montemayor po ba?"


Matapos nyang matutop ang knayang bibig ay mabilis nya muli akong niyakap. "P-patawarin mo ako, hija... patawarin mo ako..." napahagulhol sya.


"K-kung ganun, totoo po pala talaga... na ipinadakip ako ni Just Lander at ikinulong... at totoo rin na mahaba ang tunay kong pangalan?"


Hinawakan ako ni lola sa aking magkabilang balikat. "Isa kang Montemayor, Aviona..." pagkuwan ay pinunasan nya ang aking mga luha. "Nagmula ka sa isa sa pinakamayamang angkan na nabubuhay dito sa bansa..."


Napahikbi ako, tama nga ako, hindi ako tao kasi Montemayor ako. Kaya pala tanga ako.


"L-lola..."


"At hindi ka dapat naghihirap ng ganito. Kung noon pa man ay itinakas na kita, hindi mo sana nararansan ang paghihirap na ganito."


Kinuha ko ang mga palad niya at inilagay ito sa akin mukha. "H-hindi ko rin naman po gugustuhing umalis dito. A-ayaw ko pong umalis na," itinuro ko ang kanyang dibdb. "Hindi ko po kayo kasama." Pagkatapos ay ngumiti ako. "At si Just Lander."


"Pero masama si Ser. Pogi lang siya pero masama siya."


"Hindi po ako naniniwala." Tumayo ako at buong lakas na pinunasan ang aking mukha gamit ang aking palad. "Hindi po ako naniniwala na masama syang tao."


...



DAMN.


May back was aching like hell. Baliw na nga yata talaga ako para sugatan ang likuran ko. Sira na nga yata ang ulo ko na parusahan ang sarili ko.


A week had passed after I killed Chandra. Hindi ko na rin matandaan kung paano ko nagawa iyon. Siguro ay instinct na lang ng mga muscles ko ang humugot ng baril at iputok ito sa mukha ng kahit sino kaaasaran ko.


Pinagana ko ang koneksyon at ilang daang milyon ang ginastos ko para lang mapagtakpan ang lantaran kong pagpatay. Nabawasan na naman ang pera ko dahil don. Wala iyon sa plano pero nangyari.


I got mad at her when she called Aviona a 'bitch'. Iyan tuloy, napatay ko sya ng wala sa oras.


Wala akong pagsisisi ni konsensya.


My phone suddenly rang. I just stared at the phone's screen. I didn't want to answer it. I am sure that it was a bad news again. Ang huling report kasi sa akin ay isang planta na lang ang natitira sa mga negosyo ko. Ang iba kasi na-raid na ng mga awtoridad. 


Sooner or later ay ako na ang mahuhuli ng mga pulis, partikular ng Saavedra Phoenixes. Ang lintek na ahensiya na iyon ng Saavedra, hindi nila ako tatantanan hangga't hindi nila napapatunayan na ako ang ulo ng sindikato. Kung hindi lang nila ako ngayon pinag-iinitan, madali ko pa sana itong malulusutan.


Ibinato ko sa pader ang lahat ng bagay na mahawakan ko. Hindi magtatagal ay babagsak na ang black business.


Pero hindi ako basta-basta babagsak sa kamay ng batas. Hindi ako papahuli ng buhay.


My jaw's tightened.


Kasalanan ito lahat ni Aviona. Kung hindi dahil sa kanya ay baka asawa ko na si Apple Glasim ngayon. Isa-isa ko na sanang naisasalba ang mga negosyo ko. Unti-unti ko na sanang nababawi ang mga planta ko!


Malalaking hakbang ang aking ginawa para marating agad ang kuwarto ni Aviona. Hindi pa ako tapos sa pagpaparusa sa kasalanan niya.


Pagtulak ko sa pinto ay napatayo agad sya sa kanyang pagkakaupo. I was already aroused as I entered her room. My erection was aching for her.


Magagalit sana ako nang bigla siyang magsalita.


"J-Just Lander, buntis ako."


I was shocked. Nanlaki ang mga mata ko at literal na huminto sa pagtibok ang puso ko. What?! O baka naman nabibingi lang ako? "Anong sabi mo?"


Napanguso siya. "Buntis ako..."


"Anong sabi mo?"


Napanguso sya. "Buntis ako."


It's like bomb to me. Naestatwa ako. I just can't get enough kaya nagtanong ulit ako. "A-anong... sabi... mo?"


Napalunok sya. "Buntis ako nga ako..."


Napaatras ako. Mayamaya pa'y naramdaman ko na napasandal na pala ako sa dingding. "W-what?"


"Ha?" Kumunot ang noo niya at kumiling ang kanyang ulo.


I swallowed. "I mean... ano ulit?"


Bumuga sya ng hangin. "Sabi ko, buntis ako."


I started breathing heavily.


Damn it! Damn me and my gun between my thighs! Magkakaroon na ng nilalang sa mundo na galing sa akin! A baby is on the way. An innocent little baby! At nasa tiyan na iyon ni Aviona ngayon!


Oh, fuck! Napahilamos ako sa aking mukha sa reyalisasyos. May baby sa tiyan ni Aviona. Anong ginagawa ng baby sa tiyan niya ngayon? Baka gutom? O baka naiinitan? O inaantok? 


I scooped her in my arms and gently carried her to the Masters Bedroom on the second floor. Dito sa maaliwalas at mas malinis. Dito sa hindi sya maiinitan at magiging komportable siya.


"A-anong ginagawa mo, Just Lander?"


Maingat ko syang inilapag sa kama. "Kumain ka na ba? Naligo ka ba? Nagugutom ka ba?"


Shit! Bakit ba bigla akong nataranta?


Pumaling ang kanyang ulo. "Hindi pa ako kumaka– "


"Dammit! Bakit ka nagpapalipas ng gutom?!" dali ko syang tinalikuran upang tumawag ng kawaksi.


Subalit ilang hakbang pa lamang ako nang kusang bumalik ang mga paa ko sa kanya.


"Mainit ba? Buksan ko ba ang aircon?"


Umiling sya.


"May masakit ba sa'yo? May nararamdaman ka ba na kung ano?"


Umiling muli sya.


"May kailangan ka ba? Magpapautos ako."


Umiling na naman sya.


"Okay." Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam pero kinakapos ako sa paghinga.


Nakakawindang pa rin kasi. Wala naman ito sa plano. Hindi ko alam namangyayari 'to. Hindi sumagi sa isip ko ni minsan na baka mabuntis si Aviona.Oo nga pala wala siyang kaalam-alam sa pag-iingat. Pero ito na, buntis na siya. 


Imagine, magiging tatay na ako! Iyong ipinagbubuntis nya ay isang Montenegro!


But I don't know how to be a father. Paano ang gagawin ko? Baka hindi ako maging mabuting ama! Oh, fuck! Wala talaga akong ideya!


I swallowed the lump in my throat before facing her again. "Uhm... Dito... Dito ka lang. W-wag kang tatayo. M-mahiga ka lang. D-diyan ka lang." Bakit ganoon? Bakit nauutal? Hindi ako ganoon!


Nakatitig lang sya sa akin na parang nagtataka.


Aalis na sana ako nang may maalala ako. "Sya nga pala, nagugutom ka ba? May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang ba?" Fuck! Naitanong ko na pala iyon!


"Nevermind." Tinalikuran ko na sya at bumaba na ako ng hagdan. Subalit naisipan ko muling bumalik.


Mabilis kong tinakbo ang pinto sa kuwarto na kinaroroonan ni Aviona. Humihingal pa ako nang pumasok ulit sa loob dahil may naalala akong itanong sa kanya. Importanteng tanong na dapat kanina ko pa sana itinanong ang kaso ay nalulunod na ako sa sobrang gulat at pananabik.


Napaangat ang mukha niya nang makita ako.


"Paano mo nga pala nalaman na buntis ka? Gumamit ka ba ng PT?"


Nangunot ang kanyang noo. "PT?"


"Oo. Pregnancy Test."


"Ano yun?"


Napa-sintido ako. "Paano mo na lang nalaman na buntis ka?"


Napatingala sya. "Sabi ni Lola Peach, nagkadyutan daw ang tatay at nanay ko. Nabuntis ang nanay ko kaya iyon, ipinanganak ako."


"Huh?"


"Eh, di ba, nagkadyutan na tayo?" lumabi sya. "Ibig sabihin, buntis ako."


Oh, crap! Babarilin ko talaga ang matandang iyon  


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top