Chapter 15
"SABAY NATING HAHANAPIN ANG PAG-IBIG..."
Napapiksi ako nang marinig ko ang boses ni Just Lander. Pero hindi pala. Panaginip lang.
Iyong pinakamagandang panaginip na palagi kong binabalikan tuwing matutulog ako. Kapag iniisip ko kasi kung paano niya ako tingnan ng sinasabi niya sa akin iyon, nawawala ang lungkot ko...
Napabalikwas ako ng bangon nang malamang nasa leeg ko ang kadena. May humila nito dahilan para mapasubsob ako. Isang babae ang nasa harapan ko.
Si Chandra! Anong ginagawa nya rito?
Kung hindi pa siya nasikatan ng araw ay hindi ko siya makikilala. Nakasuot siya ng mahabang itim na damit at mataas na sapatos.
"How are you, bitch?"
Hindi ko naman sya maintindihan. Pero nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha dahil sa pagkakatitig niya sa akin.
"Dumalaw lang ako to see Lander, pero hindi ko akalaing ganito ang madadatnan ko. Kung hindi ko pa sinuhulan ang guard sa labas, hindi ko malalamang may aso rito sa basement."
Buong lakas akong tumayo mula sa pagkakalugmok. Akma ko na sana syang lalapitan nang bigla syang magsalita.
"Ano sa tingin mo ang gagawin mo? Huh?!" Pinandidilatan niya ako. "Sasaktan mo ako? Sasabunutan mo ako? Susuntukin? Di ba ganoon ang ginagawa ng mga barumbadang basagulerang walang pinag-aralan?"
Napatiim-bagang ako.
"Alam mo bang lalo lang magagalit sa 'yo si Lander?" Hinila niya muli iyong kadena sa aking leeg. "Magagalit siya kapag sinaktan mo ako!"
Magagalit si Just Lander? Hindi. Hindi pwede. Ayaw ko na lalong magalit sa akin si Just Lander!
"Do you even know who I am in his life?" tanong niya. "We met in a corporate party, and from that night hindi na kami nawalan ng contact sa isat-isa. Madalas na siya sa akin tuwing wala siyang inaasikasong negosyo o ako sa kanya kapag gusto ko siyang makasama. At tanggap ko siya kahit gaano siya kawalang puso at gaano siya kagago. We are so compatible that we became exclusive fuck buddies for years. Exclusive means no one else touches him while I'm fucking him!"
Kahit hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya ay sumusugat iyon sa aking tainga.
"Pero bigla kang dumating mula sa kung saang lupalop ka galing! Sa isang iglap, hindi na siya nagparamdam pa sa akin! Iyon naman pala, inuubos mo na ang panahon niya na kakaunti na nga lang, sinisimot mo pa! Sino ka ba?! Wala ka namang kwenta! Ni hindi ka nga galing sa mayamang pamilya, boba ka pa! Ang kapal ng mukha mo na pangarapin ang isang Lander Montenegro! Kaya 'yan ang napala mo sa pagiging ambisyosa mo! You deserve that!"
Natalisod ako kaya sumubsob ako sa semento. Masakit ang pagtama ng tuhod ko sa sahig, pero mas masakit ang narinig kong sinabi niya.
"Sinabi ko na sa'yo, di ba?" aniya sa gitna ng kanyang paglalakad. Para na rin nya akong kinakaladkad dahil hila-hila niya pa rin ang bakal sa leeg ko. "Hinding-hindi ka pakakasalan ni Lander."
Kumulo ang dugo ko sa sinabi nya. Nagdilim ang paningin ko kaya sa pagtayo ko ay nilundag ko sya. Hindi sya nakapalag nang mahablot ko ang kanyang buhok. "Pakyu ka!"
Pinipigilan ko ang aking sarili pero napuno ako. Sa halo-halong galit at sakit na nararamdaman ko ay napatid na ang pisi ko.
"Let me go! How dare you?! Let me go!" nagtititili siya.
Gusto ko sana siyang kalbuhin nang biglang may isang malakas na pwersa ang humila sa aking kadena. Talsik ako palayo kay Chandra. Sumadsad ako sa matigas na dingding.
"What the hell is happening here?!" isang baritonong boses ang dumagundong sa buong paligid. Sabay naming nilingon ni Chandra ang pinagmulan nito.
Nakakunot ang noo ni Just Lander habang nakatayo siya sa nakabukas na pintuan.
"Lander..." humagulhol si Chandra.
Natigilan ako.
"S-si Jack..." sumbong ng babae.
Lagot.
"Bigla na lang nya akong inatake. Tinatanong ko lang naman kung okay lang sya. Basta na lang nya ako sinabunutan. Walang modo iyang babaeng iyan! Asal hayup! Taong-bundok!"
Bumaling ang paningin ni Just Lander kay Chandra. "What are you doing here, Chandra?"
Sumagot si Chandra. "Bukas na ang birthday mo, di ba?"
Birthday? Ano iyon?
"Narito ako para ako ang unang bumati sa'yo. Isa pa, may regalo kasi ako sa'yo."
"I'm not interested."
"I heard what happened about Apple. I'm sorry." Ani Chandra.
Naringi ko naman ang pangalan ni Apple.
Napapikit si Just Lander. "Leave."
"How about my gift?"
"Leave it to my office."
"It can't be." Ngumiti si Chandra nang mapang-akit. "Only on bed."
Matagal bago nagsalita si Just Lander. "I said, leave." Napakalamig na ng boses ni Just Lander.
Parang biglang natakot si Chandra. Napatakbo ito paalis ng basement.
Hinawakan ko ang baba ng pantalon ni Just Lander nang kami na lang dalawa. "J-Just Lander, h-hindi ako ang nanguna... maniwala ka..." pilit na pagpapaliwanag ko.
Tiningnan niya lang ako at pagkatapos ay walang salita na tinalikuran na at iniwang mag-isa.
...
"LOLA PEACH, ANO IYONG BIRTHDAY?"
Ang saya-saya ko kasi sa wakas ay dinalaw na rin niya ako. Miss na miss ko na kasi siya. Ang paliwanag niya ay nahihiya raw kasi siya sa akin dahil wala siyang magawa para tulungan ako kaya hindi niya ako madalaw. Alam ko naman na kahit pa siga madalas si Lola Peach ay takot pa rin siya kay Just Lander. Hindi siya gagawa ng kahit ano na ikakagalit ng lalaki sa kanya.
"Lola, ano nga iyong birthday?" tanong ko ulit.
Kasalukuyan siyang nakatanghod sa akin habang kumakain ako. Sabi niya ay sasabayan niya ako sa pagkain, pero heto at ako lang ang pinapakain niya.
"Ipinagdiriwang iyong taun-taon. E paanong hindi? Iyon kasi iyong araw ng kapanganakan ng isang tao. Di ba may ganoon ka rin? Dinadalhan kita ng pansit at cake isang beses isang taon? Nireregaluhan pa nga kita ng mga bagong panulat, pangkulay at papel."
Namilog ang mga mata ko. "Kung ganoon po, kaarawan ni Just Lander bukas?"
Tumango si Lola. "Mahalaga ang araw na iyon sa kanya kaya dapat may regalo ka."
Napaisip ako. "Ano po kayang bagay ang pwede kong iregalo?"
Lumamlam ang mga mata ng matanda mayamaya. "J-Jack... Maiba ako..."
"Po?"
Humawak sya sa mga kamay ko. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nahihirapan dito? Wala ritong malambot na kutson, wala ka ring aircon, wala rin dito ang mga panulat mo, pangkulay at papel. Higit sa lahat, hindi mo ako kasama rito."
Napayuko ako. "Nahihirapan po. Pero kaunti na lang po. Alam ko po kasing mapapatawad din ako ni Just Lander." Hindi ako napanghihinaan ng loob. Sigurado akong darating iyong oras na mapapatawad ako ni Just Lander.
Napapitik si lola sa hangin. "Eh, bakit ba naman kasing lumaki kang tanga?"
Napaisip muli ako. "Tanga po ba talaga ako?"
"'Lika nga." Hinila niya ako at niyakap.
Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Minsan pa'y nakaramdam ako ng isang pagkalinga. Dahilan para lumaglag ang aking mga luha.
"Patawarin mo si Lola, ha? Wala man lang akong magawa para sa 'yo, para maalis kita rito. Hindi ko naman kasi maaring salungatin si Ser... Siya ang hari dito at hawak niya ang buhay at katapatan ko."
Naikwento na sa akin ni Lola Peach kung paano siya naging tauhan dito sa mansiyon. Noong kabataan daw niya ay naipit siya sa human trafficking. Mahigit dalawampung taon siyang naging alipin ng isang malupit na druglord. Ginawa siyang dealer, runner at human drug mule ng sindikato. Sobrang hirap daw ng dinanas niya at hindi niya na inisip na makakalaya pa siya, pero nagbago ang lahat dahil sa isang matalinong binatilyo. At ang binatilyong iyon daw ay walang iba kundi si Just Lander.
Naging kalaban sa negosyo ng mga Montenegro ang druglord na nagmamay ari kay Lola Peach. Kahit bata pa raw ay napatumba raw iyon ni Just Lander. Sobrang hanga raw si Lola noon kaya hindi na siya umuwi pa sa kanila sa halip ay hinanap niya si Just Lander para ialay rito ang kanyang buong buhay at katapatan. Medyo hindi ko maintindihan ang mga detalye sa kwento pero iyon nga, malaki raw ang utang na loob niya kay Just Lander.
Ako ang unang trabaho ni Lola Peach. Ang pag-aalaga at pagbabantay raw sa akin ang unang trabaho na natoka sa kanya. Kahit pa nga raw wala siyang alam sa pag-aalaga at pagpapalaki ng isang bata ay ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para gampanan ang tungkuling iyon. Pero para sa akin, wala nang hihigit pa kay Lola Peach. Hindi man siya perpekto ay alam ko naman na mahal niya ako.
"Hija, ipapakiusap ko kay Ser Lander na ibalik ka na lang sa kuwarto mo. Ikulong ka na lang ulit doon kaysa ganito ang nararanasan mo. At least doon ay makakakain at makakakilos ka nang maayos. Sanay ka naman na doon dahil doon ka lumaki at nagkaisip."
Tama naman si Lola Peach. Maayos ang buhay ko roon sa kuwartong iyon.
Pero bakit ganoon? Kahit papiliin ako ngayon, mas nanaisin ko pa rin ang sitwasyon kong ito. Siguro nga talaga tanga ako. Kung ano man ang ibig sabihin ng salitang 'tanga', ganoon nga siguro talaga ako.
Kahit sinasaktan ni Just Lander ang puso ko, mas gugustuhin ko pa rin ang ganito, kaysa ang mabuhay ako na hindi na siya makikita pa.
"Wag na po, Lola... Okay na po ako rito." Napayuko ako. "Mas gusto ko na rito... Kahit nahihirapan ako, gusto kong ipakita kay Just Lander na hindi ako susuko dahil baka naman may pag-asa pa na mapatawad niya pa ako. Baka naman maawa rin siya sa akin at payagan niya na ulit akong maging malaya..."
Natigilan ako nang parang marinig kong humikbi si lola.
Tiningnan ko siya, pero nakangiti naman siya sa akin. Gayunpaman, may lungkot ang mga mata niya. "Jack, may itatanong ako sa'yo."
"Ano po?"
Napaka-seryoso na naman ni lola Peach. "Gusto mo bang itakas kita?"
Gulat akong kumalas sa kanya. "A-ayaw ko po!"
Saan ako pupunta kapag pinatakas ako ni lola?! Wala akong pamilya kundi siya at si Just Lander lang! At isa pa, paano ako papatawarin ni Just Lander kapag wala na ako rito?!
"Ayaw ko po, lola! H-hindi ko na po makakasama si Just Lander kapag itinakas niyo ako. Wag niyo po akong itatakas!"
Natawa nang mahina si Lola Peach. "O, heto." Binigyan niya ako ng sinulid at panggantsilyo mula sa malaking bulsa ng suot niyang maluwag na duster. "Gumawa ka ng kahit ano para may panregalo ka kay Ser."
Saglit lang ay napalitan na naman ng saya ang mukha ko. "Yey!" napapalakpak ako. "Salamat po!" Niyakap ko ang mga panggantsilyo.
Alam ko kung paano gamitin ito. Tinuruan na ako ni Lola dati nito. Naging isa ito sa mga libangan namin noon sa kuwarto ko.
"Hala sige at ipaggantsilyo mo sya ng boxers."
...
MALALIM na ang gabi nang ipadala ako ni Just Lander sa kanyang tauhan. Hila-hila ako sa kadenang nakakabit sa aking leeg ng isang lalaking mukhang bola. Bilog kasi ang ulo nito at walang buhok.
Dinala ako nito sa malawak na balkonahe sa pangalawang palapag ng mansiyon. Naroon si Just Lander at prenteng nakaupo. May tinatanaw siyang limang katao yata ang taas sa baba ng balkon. Pamilyar sa akin ang bagay na iyon.
Minsan na akong pinakitaan ni Lola ng ganoon. Kung hindi ako nagkakamali ay cake iyon!
Taon-taon ay dinadalhan ako ni Lola Peach ng maliit na cake at pansit sa kuwarto ko kaya alam ko ang cake.
Pero sobrang higanteng cake naman yata iyong nakikita ko ngayon! Ang laki-laki!
"Leave us," sabi ni Just Lander sa naghatid sa akin. Iglap lang ay wala na ang tauhan niya sa tabi ko.
Nagsalita siya pero hindi ako nilingon. Tumayo siya at tumanaw sa mataas na cake.
"Alam mo bang ang presyo ng cake na iyan ay kaya ng bumuhay ng isang-daang pamilya sa loob ng isang taon?"
Anong ibig sabihin niyon?
"I hate cakes, actually. Pero niregaluhan ko ang aking sarili ng ganyan kamahal ngayon."
Hindi ko talaga sya maintindihan.
"I hate birthdays, I don't usually celebrate. Wala naman akong kinagisnang ina. Hindi uso ang ganitong okasyon sa mundong kinamulatan ko. Walang saysay sa akin ang ganitong araw ng buhay ko. Pero iba ngayon. Iba ang gabing ito. I want to celebrate."
Humarap siya sa akin.
"Magdidiwang ako ngayong gabi."
Magdidiwang? Pero bakit parang nagliliyab ang kulay asul niyang mga mata? Hindi siya mukhang masaya, sa halip ay mukhang galit siya.
"Magdidiwang ako hindi dahil kaarawan ko. Magdidiwang ako dahil isa-isa ng nawawala ang underground business ko sa akin. Unti-unti ng nauubos ang mga planta ko ng coccaine."
Bakit nya sinasabi sa akin ito?
Humakbang sya palapit sa mesa. "Lahat din ng business partners ko at investors sa cocaine business ay isa-isa nang nawawala, nahuhuli, namamatay. Ang iba ay umaatras o lumilipat na sa iba."
Dahil ba iyon sa ginawa ko kay Apple? Kasalanan ko ba talaga ang lahat dahil sa nagawa kong iyon?
Hindi lang pala ako ang nahihirapan. Pati pala si Just Lander ay naghihirap din dahil sa akin.
May dinampot sya sa mesa na isang bagay. "Ang tawag dito ay baril." Pagkatapos ay itinutok nya ito sa akin. "Kapag kinalabit ko ang gatilyo nito ay sasabog ang ulo mo."
Napaatras ako.
Bigla na lang kumabog nang malakas ang dibdib ko sa takot. Kapag ginawa nya iyon ay mamamatay ako!
"Papatayin na kita, Aviona Camille."
Aviona Camille? Haler, ako si Jack!
"I will fucking kill you, Aviona Camille Montemayor."
Ano bang sinasabi nya? Hindi ko sya maintindihan!
Pero habang humahakbang siya palapit sa akin ay kusa namang umaatras ang mga paa ko palayo sa kanya.
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top