Chapter 1

"SAAN PO TAYO PUPUNTA?"


Pumaling ang aking ulo sa labis na pagtataka. Sa buong buhay ko ay hindi pa kasi ako lumabas sa kuwarto na ito kaya naman hindi ako makapaniwala na hinihila ako ni Lola Peach papunta sa pinto.


Maganda naman ang kuwarto ko. Makulay ang mga pader, ang kutson ko ay malambot at marami akong iba't ibang mababangong sabon sa banyo. Kaya lang ay hindi ko makita ang labas dahil sobrang taas ng bintana. Pero masaya naman dahil palagi kong kasama si Lola Peach. Palagi akong kinakantahan ng matanda. 


"E di sa labas. Ito ang pinakamaswerteng araw mo, hija, dahil pwede ka nang lumabas rito. Gusto kang makita ni Ser Lander kaya ka nya pinapalaya."


Napapalakpak ako. "Yey! Talaga po?!"


Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang makatapak sa lupa. Wala kasing lupa rito sa kuwarto ko.


Napanganga ako nang makita ang malawak na lugar. Kumikinang ang makinis na sahig at ang mataas na kisame ay kasing taas ng kisame ng aking kuwarto. Ang kaibahan lang sa kisame rito ay malaki at kumikinang ang ilaw na nasa itaas nito. Nasisilaw ako!


Nang sikapin kong imulat ang aking mga mata ay lumitaw mula sa liwanag ang isang lalaki. Mas mataas pa siya sa akin at higit na malaki ang pangangatawan. Para siyang anghel na nasa kwento sa akin ni Lola Peach. Umiilaw siya ganoon din ang asul niyang mga mata.


Kilala ko ang lalaking ito. Ito iyong lalaking nagpakita sa akin ng wirdong santol!


"What the hell is happening to her?" sabi nito.


Bumulong ako kay Lola. "Ano raw sabi?"


"Ano raw nangyari at mukha kang impyerno?" pagkasabi sa akin ay bumaling sya sa lalaki. "Nasisilaw lang sya, Ser."


"Take her to my room for lunch." Tinalikuran na kami nito at naglakad palayo sa amin.


"Ano raw po?"


"Dalhin daw kita sa kwarto nya at kakainin ka nya."


Sumunod ako kay Lola Peach.


Hindi rin nagtagal ay unti-unti ko ng nakakasanayan ang nakakasilaw na liwanag. 


Saka ko lang natuklasan na hindi pa rin ako nakatapak sa lupa. Hindi rin ito bato kundi kumikinang na sahig. Namangha ako na makita ko ang aking repleksyon dito.


Pumasok kami sa isang pintong salamin. Sa loob niyon ay naroon ang lalaking may santol at matigas ang dibdib. Nakaupo sya sa kulay salagubang na mesa at nakalatag doon ang mga kakaibang pagkain. Pamilyar ako sa kanin pero hindi ko alam iyong bote na katabi nito. Ang madalas lang kasi sa aking ipakain ay carrots at mais. Bihira lang ako makakain ng santol kapag kasama ko si Lola Peach.


Umarko ang kilay niyong lalaki na may bughaw na mga mata. "Have a seat, Jack."


Bumulong sa akin si Lola. "Bangko daw, sa'yo na lang."


"Talaga po?!"


"Gaga, umupo ka na ron." Itinulak nya ako kaya napaupo na ako sa silya.


Hindi ko alam kung paano ako haharap sa lalaking ito na titig na titig sa akin. Lalo na ngayon alam ko na ang pagkakaiba nya sa akin. Lalaki sya at babae ako. Walang syang dibdib na tulad ng sa akin. At sabi ni lola Peach, ang mga babae ay para sa lalaki. Kaya para sa kanya ako.


Ngumiti ako sa kanya. "Kumusta, Pare?"


Nangunot ang kanyang noo. "Lander. Iyon na lang ang itawag mo sa akin."


"O sige, Pareng Lander."


"Just Lander."


"O sige, Just Lander."


Napasentido sya. "Lola Peach, pwede mo na kaming iwan."


Sumubo muna si Lola ng santol bago nagpaalam sa akin. Kinuha naman ni Just Lander iyong bote na may laman at isinalin sa basong babasagin.


"Ano iyan?" di ko napigilang itanong.


"This is wine." Nilanghap nya iyon.


"Bakit kulay dugo?"


"Bakit alam mo ang kulay ng dugo?" sumimsim sya.


"Dugo kasi iyong lumalabas sa pepe ko tuwing ika-tatlumpung araw."


Napabuga sya.


Pumaling ang ulo ko. "Ayos ka lang, Just Lander?"


Hindi ko alam kung bakit gumalaw ang kanyang panga. Pinunasan nya ang tumapon na wine daw, na naibuga nya gamit ang kapirasong tela. Panyo marahil ang tawag doon dahil minsan na akong nakagamit niyon.


"Makinig ka sa akin, Jack." Nagsalita sya. "Nagmula ako sa angkan ng mga Montenegro. Marami akong kalaban at kaaway. Hindi ko alam kung kailan sila aatake."


Nagawi ang aking paningin sa isang higaan. Malaki iyon na kulay dahon. Lumapit ako ron.


"Posibleng mapatay nila ako." Nagpatuloy sya. "Kapag nangyari iyon ay wala akong paglalaanan ng aking mga kayamanan."


Pinindot ko iyong higaan. Malambot pa ito sa puwet ni Lola Peach.


"Kaya kailangan kong makapag-asawa sa lalong madaling panahon." Bigla syang napahinto. "Nakikinig ka ba?"


Kanina pa pala sya nakamasid sa akin. Napalabi ako. "Ang sabi ni lola Peach, nagmula raw ang santol sa malaking halaman. Kung totoo iyon, bakit meron non sa'yo?"


"Dammit!" Napasuntok sya sa mesa. "Do you even know what I'm talking about, huh?!" sigaw nya.


Yari, mukhang nagalit ko siya!


...


AVIONA CAMILLE was an idiot! How can I marry her? Ipinabalik ko siya sa kwarto niya sa sobrang asar ko. But what the fuck am I doing here sa labas ng pinto niya? Malalim na ang gabi sa mga sandaling ito. 

I am not drunk kaya hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. I loosened my necktie before I opened the door. My stomach clenched at the sight of her. Umiiyak ba siya?


"S-sori po, Lola Peach..."


She thought I am her Lola? Bakit hindi kasi siya tumitingala para makita niya ako?


"N-nagalit po sa akin si Just Lander..."


It's Lander! Not 'Just Lander'!


"H-hindi ko na po matatapakan ang lupa... hindi ko na po makikita ang ulap..." iyak nya.


Natigilan ako. Parang may mali na makita siyang ganito. Na para akong may gustong gawin. Para bang gusto ko siyang patahanin.


Napalingon sya sa akin nang maramdaman niya ang presensiya ko. She stood up and quickly wiped her tears.


"Just Lander, ikaw pala..."


Naiinis ako kapag tinatawag nya akong 'Just Lander'. Pero sige, pagbibigyan ko muna sya ngayon.


Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. "Come with me."


"Ha?"


Napabuga ko ng hangin. "I mean... sumama ka sa akin."


"S-saan tayo pupunta?" basa ang mahahaba nyang pilik mata.


"May ipapakita ako sa'yo."


She pouted her lips. "A-anong ipapakita mo sa akin bukod sa santol?"


Kumirot na naman iyong sentido ko. Kung hindi nga lang sya maganda ay baka napatay ko na sya noong isang araw pa.


I grabbed her wrist. "Basta sumama ka na lang."


Hinila ko sya at lumabas kami ng kwarto nya kung saan sya nakakulong.


"Pumikit ka," I commanded her.


"Matutulog na ba ako?"


"Basta ipikit mo na lang iyang mga mata mo!" Tinakpan ko ng aking palad ang mga mata niya. Then I took her on the mansion's roof top. Kumalas ako sa kanya nang makarating na kami.


"A-anong lugar ito?"


"Kama." Pumamulsa ako.


"Kama?"


"Kama ang tawag doon kanina. Iyong malambot na higaan sa kuwarto ko."


Napapalakpak sya. "Iyong kulay dahon?"


Napapikit na lang ako. "Yeah." Pagkatapos ay tumingala ako. "Tingnan mo iyon."


Nang tingalain nya ang kalawakan ay nagliwanag ang kanyang mukha. Her eyes widened as she gazed above the stars.


"Hala ka dyan, ang ganda!!!" Gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang mapupulang mga labi.


"Nagustuhan mo?"


"Oo, Just Lander!" Nagulat ako nang bigla nya akong yakapin.


Napakainit ng yakap nya at napakalambot ng kanyang katawan.


Hindi ako sanay na may yumayakap sa akin.


"Ang ganda-ganda talaga, Just Lander!" Tuwang-tuwa siya na parang bata.


I couldn't help but smile just because I made her this happy. At ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. At ngayon ko lang nagawa ang ganito, ang gumawa ng bagay na ikakasiya ng ibang tao.


Marahan ko syang itinulak palayo. "Sinabi ko na sa'yo, Lander ang pangalan ko."


Pumaling ang kanyang ulo. "Hindi Just Lander?"


I shook my head.


"Hindi rin Pareng Lander?"


My jaw clenched and unclenched. "Just Lander."


Oh Damn!


"Just Lander nga!" Napahalakhak sya.


This is wrong. Bakit nangingiti ako? Or should I say na nangingiti na naman ako? Dahil kanina pa pala ako nakangiti mula nang makita ko kung gaano siya kasaya.


This is really wrong.


I am Lander Montenegro at ngumingiti lang ako kapag may pinapatay ako. Pero bakit ganito? Bakit ang babaeng ito ay napapangiti ako?


Sino ba talaga sya? Bakit nagbabago ako nang ganoon kadali ng dahil sa kanya?  


JAMILLEFUMAH


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top