SPECIAL CHAPTER 1

Special chapter 1: Wedding day

ELJEHANNI’S POV

NGAYONG araw ay ikakasal na kami ng fiancé ko pero paggising ko nga kinabukasan ay parang hinahalukay ng kung ano ang sikmura ko kaya nagmamadali akong bumangon para magtungo sa banyo at diretso sa inidoro.

Wala pa naman akong nakain ngayong umaga pero sumusuka na ako. Pinunasan ko ang gilid ng mga mata ko dahil may luha na rin.

“Mommy!” narinig kong sigaw ni Wez at hindi agad ako umalis sa banyo dahil nahihilo ako.

Sinara ko ang takip ng inidoro at doon ko ipinahinga ang ulo ko. Mayamaya ay nakarinig ako nang nagmamadaling yabag ng sapatos.

“Eljehanni,” sambit ni Azul sa pangalan ko at tiningala ko siya.

Geez, isang linggo ko rin siyang hindi nakita dahil inutos iyon ng both parents namin. Sumunod daw kami sa pamahiin pero tingnan mo nga naman. Sa araw pa ng kasal namin ay pumunta siya sa kuwarto ko.

“Azul,” tawag ko sa kaniya at nang lumuhod siya ay niyakap ko siya sa leeg.

“Are you okay, babe?” nag-aalalang tanong niya. Binuhat naman niya ako at muling dinala sa kama.

“Nahihilo ako, babe. Sumusuka ako kanina kahit wala pang laman ang sikmura ko,” sumbong ko pa.

Nandoon na rin si Wez na nakakapit sa damit ng papa niya. He looks worried too.

“Okay lang po ba ang mommy ko, Papa?” nag-aalalang tanong nito.

“Ayos lang siguro ang mommy mo, anak. Babe. Tatawag na ba ako ng doctor para suriin ka?” he asked worriedly. Napatingin ako sa calendar na nasa bedside table ko. Napanguso ako dahil ngayon ko lang naalala na delay na ang menstruation ko.

Alam ko na kung bakit nagkakaganito ako umagang-umaga pa lamang. “Hindi ka na dapat nagpunta pa rito, Azul. Pagagalitan tayo,” aniko.

“Natakot lang ako nang sinabi ng anak natin na nagsusuka ka raw,” sabi niya. Sumandal ako sa dibdib niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

“Tuloy pa rin naman ang kasal natin, babe. Nakahanda naman ang lahat,” I told him.

“Ayos lang naman kung ma-delay. Importante ang kalusugan mo.” I chuckled softly.

“Hindi puwede, babe. Hinintay natin ang araw na ito. Right, hon?” untag na tanong ko sa baby boy namin. Tumango siya at sumampa sa kama. Hinalikan ko agad siya nang haplusin niya ang pisngi ko.

“You okay po, Mommy ko? Bakit ka po nagsusuka?” tanong niya.

“Okay lang ang mommy mo, hon. I think, nagpaparamdam na ang baby sister mo,” sabi ko at nanlaki naman ang mga mata niya. Napatakip pa siya sa bibig niya at naramdaman ko naman na natigilan din si Azul. Sinilip nito ang mukha ko.

“What do you mean by that, Eljehanni?” tanong niya sa ’kin. Hinawakan ko ang kamay niya at dinala ko sa impis kong tiyan.

Nanginginig pa nga iyon. “Buntis na yata ako sa second baby natin, Azul.” Ilang beses tuloy siyang napakurap-kurap at umawang pa ang labi niya sa gulat.

“Really po?! May baby brother na ako?!” excited na tanong ni Wez. I snorted.

“It’s baby sister, hon,” I corrected him kahit na hindi pa namin alam ang gender ng kapatid niya. Pero isa lang ang sigurado ako. May nabubuo na kami ni Azul at sintomas na ng pagbubuntis ang nararanasan ko ngayon. Hindi na ito ang unang beses na nangyari kaya alam ko na pinagbubuntis ko na ang pangalawang anak namin ni Azul.

“Oh, okay po! Baby brother it is!”

“Baby sister, honey!” sigaw ko at nagkanda-haba na ang nguso ko.

Gusto ko ng baby girl, eh. Kaya hindi siya puwedeng makipag-argument sa mommy niya. Babae ang gusto ko.

“Okay, okay. It’s a baby sister, Wez.” Napangiti ako nang marinig ko iyon mula kay Azul.

“You heard that, Wez? Baby sister, okay?”

“Baby sister, Wez.” Nagkatinginan pa silang dalawa na tila nag-uusap din ang mga mata nila hanggang sa kumibot-kibot na rin ang labi niya.

“Sige po. Sa third baby ay baby brother na, ’My?” munting request nito.

“Yes po, honey. He’s gonna be our bunso,” sabi ko.

“Maraming salamat, Eljehanni.” Hinaplos pa ng fiancé ko ang bandang tiyan ko sabay halik sa gilid ng labi ko.

“Lagot tayo nito. Lumabas na kayo ni Wez. Okay naman na ako, babe,” aniko.

Napagalitan nga kami ng parents namin dahil nahuli pa rin kami. Sa tingin ko naman ay matutuloy pa rin ang wedding day namin. Sinabi na rin namin ang dahilan kung bakit bigla na lang pumasok sa loob ng kuwarto ko si Azul. Masaya naman sila pero pinagalitan pa rin nila kami. Nauna na naman daw kasi ang baby kaysa sa kasal namin.

Nang makita ang pagtulis ng labi ko at paglalambing kay Azul ay tumahimik din sila. Alam kasi nila na sensitive ang mga buntis.

Mermaid silhouette ang wedding gown na suot ko. Pina-design pa ito ni mama kahit na ang gusto ng parents ni Azul ay sila na ang gumastos sa lahat. Pero gusto lang ng aking ina na kahit ito lang ay mabilhan daw ako ng wedding gown ko. Infairness maganda siya kahit may kabigatan pa dahil sa kapal ng tela. Komportable naman ang fabric nito at hindi mainit.

Sa villa gaganapin ang kasal namin at ang ganda pa ng decoration. Parang nasa fantasy world ka. Grabeng effort ang ginawa nila.

“Nasaan po ang mommy ko?” Napalingon naman ako sa pinto nang marinig ko ang boses ng anak ko.

Nakaupo na ako sa paanan ng kama ko dahil tapos na rin akong inaayusan. Iyong buhok ko ay nakabungkos at maganda siyang tingnan. Parang naging diwata ako. Hehehe.

Napangiti ako nang makita ko naman ang outfit ni Wez. Naka-tuxedo rin ang baby boy ko at nag-s-spark ang buhok niya na maayos ang pagkakasuklay nito. Visible tuloy ang mukha ng papa niya. Parang little version lang ni Azul si Wez. May idea na tuloy ako sa hitsura niya noong bata pa lamang siya.

Malapad din ang ngiti niya nang makita ako at sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap. Pinaghahalikan ko ang mukha niya.

“I love you, hon. Are you happy?” I asked him. Pinaupo ko siya sa lap ko kahit nag-aalanganan siyang umupo dahil baka raw magusot ang gown ko at masaktan niya raw ang baby sister niya. Hindi na niya iginigiit pa sa akin na baby brother.

“Super po, ’My! Ikaw po?” Tumango-tango ako.

“Opo, masaya si mommy.” Ngumuso ako at mabilis niyang hinalikan ang labi ko.

“Ang ganda-ganda mo, Mommy. Hindi po ako naniniwala kay papa na ginayuma mo siya. Siya lang po ang patay na patay sa ’yo.” Natawa ako sa tinuran niya. Kung makapagsalita nang ganoon ay akala mo naman alam na niya ang ibig sabihin no’n.

“Sabi ’yan ng papa mo na ginayuma ko siya?” tanong ko at tumango siya.

“Opo,” tipid na sagot niya at hinalikan niya ang pisngi ko.

“Señorita, magsisimula na raw po ang wedding ceremony,” anunsyo ng isa naming kasambahay. Bumaba na si Wez at inalalayan akong makatayo ng make-up artist ko. Nagpasalamat ako sa kaniya.

Ibinigay naman sa ’kin ni Wez ang bouquet ko. “Mommy, oh.”

“Thank you, anak ko,” malambing na sabi ko. Humawak siya sa kamay ko at sabay na kaming lumabas. Si Wez ang magdadala ng singsing namin ng papa niya.

Naalala ko lang ang mga pinaggagawa ko dati. Kinulit ko lang naman siya at gumawa ng mga bagay-bagay para mapansin niya. Na sa huli ay siya rin naman ang sumuko. Naging kami, kahit noong araw na niligawan niya ako ay sinagot ko agad siya.

Tapos noong nagkaroon ng conflict ang relasyon namin at umabot sa puntong naghiwalay kami dahil na rin nagkasakitan ay heto. Sa huli ay bumalik pa rin kami sa isa’t isa at ngayon nga ay ikakasal na rin.

Sina mama at papa ang naghatid sa akin patungo sa groom ko na halata na ring excited para sa araw na ito. Nakikita ko na panay ang pagpunas niya ng mga luha.

Sa nararamdaman kong saya ay hindi ko na rin namalayan na hawak na rin pala niya ang kamay ko. Masuyo niyang hinalikan ang noo ko at narinig ko ang pagsinghot niya. Naiiyak na rin ako pero pinipigilan ko lamang.

“Finally,” he uttered at mahigpit pa niya akong niyakap.

“I love you, Azulenzure,” I said.

“Mahal na mahal din kita, Mrs. Belgica.”

“Hindi pa ako officially Mrs. Belgica,” sabi ko naman.

Tatlong beses pa niyang hinalikan ang noo ko bago kami humarap sa magkakasal sa amin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top