EPILOGUE (2)
Epilogue (2)
“MAY balak ka pa bang umalis sa probinsya natin?” tanong naman niya sa akin isang araw.
Lulan kami pareho ng sasakyan niya at hawak-hawak niya ang bulaklak na ibinigay ko sa kaniya. Kanina pa nga niya na inamoy-amoy iyon.
“Bakit? Hahanapin mo ako kapag umalis na ako?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Iiwan mo rito si Isabella?” balik na tanong niya. Kanina ko pa napapansin na puro Isabella siya, ha.
“Bakit gusto mong sumama?” I asked her.
“Azul! Huwag mong ibalik ang tanong ko! Sagutin mo lang ako nang matino! Pumapangit ka kapag ganyan!” sigaw niya na halos ikangisi ko na.
“Hindi ako aalis,” matinong sagot ko. Ayon sa gusto niyang marinig. “Eh, ikaw. Bakit dalawang taon kang nawala?” Nang makita ko ang pagngisi niya ay napairap ako at kumibot-kibot na naman ang labi ko.
“Nagtanong ka tungkol sa akin, ano? Kaya alam mo na wala ako rito ng dalawang taon. Ayie. . .” Nabigla naman akong sundutin niya ako sa tagiliran ko.
“Tumigil ka nga,” sita ko.
“Yey, crush na ako ni Azul!” I sighed. Hindi ko rin talaga mapigilan ang mapangiti.
“Kung aalis ba ako. Sasama ka?” tanong ko naman nang makarating na kami sa patutunguhan namin pero malayo pa ang hihintuan namin.
“Naka-drugs ka ba, Azul?” sa halip ay iyon pa ang naging tanong niya.
“Ako ba’y mukhang adik sa iyong paningin, Eljehanni?” kunot-noong tanong niya at napataas naman ang kikay niya.
“Why are you asking me if sasama ako kapag aalis ka, ha? Hindi ba dapat si Isabella ang tatanungin mo niyan? Sa halip na ako?” naiinis na tanong niya. Hayan na naman siya. Puro siya Isabella.
“Bakit ba puro ka Isabella? Baka masamid iyon o madapa siya,” komento ko naman.
“Pútang-ina mo, Azul!” malutong na mura niya nang magpreno ako. “Fvck you! Bakit bigla ka na lang nagpreno?!” naiinis na asik niya. Sinamaan ko nga siya nang tingin dahil sa malutong niyang pagmumura. “Why are you looking at me like that, huh?!” she screamed and I grinned.
Just like that ay nakahanap ako ng dahilan para halikan siya at nagkasugat pa nga nang kagatin ko ang labi niya.
I kissed her and told her na wala akong girlfriend pero hindi siya naniwala. Pinuntahan pa niya si Isabella para lang magtanong. Nag-alala nga ang parents niya dahil ang aga-aga ay nawala na agad siya. Mabuti na lamang ay mayroong nakakita sa kaniya.
Nasabi ko rin naman sa kaniya ang totoo kong nararamdaman dahil hindi ko na rin kaya pang itago.
Sa may batis ay muntik nang may mangyari sa amin. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko pero kalaunan ay nakontento lang ako na hanggang doon lang ang gagawin ko. Dumating kasi sina King at Nica, kakilala iyon ng papa ni Eljehanni.
***
NAGPAALAM din ako sa mga magulang niya na liligawan ko siya. Oo, naglakas loob ako na sabihin sa kanila na gusto ko si Eljehanni at seryoso ako sa anak nila.
Akala ko nga noong una ay tatanggi sila dahil baka isipin nila na pinaglalaruan ko lamang ang unica hija nila pero gaya nang sinabi ko ay seryoso nga talaga ako kay Eljehanni. Pinatunayan ko rin iyon sa kanila kaya pumayag sila sa panliligaw ko.
“Aakyat ako ng ligaw. Nakapagpaalam na ako sa mga magulang mo,” sabi ko at halatang nabigla ko siya.
“For real?! Liligawan mo ako?! Seryoso na ’yan?!” hindi makapaniwalang tanong pa niya.
“Kailangan kong panagutan ang ginawa kong kapangahasan sa ’yo kahapon, Eljehanni,” bulong ko sa kaniya at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpula ng pisngi niya.
Yumakap naman siya sa baywang ko. Binigyan ko ulit siya ng bulaklak na gusto niya.
“May maginoo pa rin pala sa panahon ngayon, Azul. Ang suwerte ko naman sa ’yo,” sabi niya. “Dahil diyan, sige tayo na. Sinasagot na kita.” Ako naman ang nagulat sa biglaan niyang pagsagot at ilang beses pa akong napakurap kung hindi ba ako nagkakamali sa nairinig ko. “Oh, bakit?” natatawang tanong pa niya.
“Eljehanni, nanliligaw pa lamang ako sa ’yo,” paalala ko sa kaniya na ikinatango niya.
“Eh, tayo na nga. Sinasagot na kita agad. May mali ba roon?” Mariin akong napapikit at napabuga ng hangin sa bibig.
“Hindi ka man lang ba magpapakipot? Iyong pahihirapan mo muna ako sa panliligaw ko sa ’yo bago mo ako sagutin,” suhestiyon ko. Inaamin ko na parang sasabog na rin ang puso ko.
“Azul, hindi ako ganoon. Hindi ako mahilig magpakipot at ayaw kitang pahirapan pa,” aniya.
“Karapat-dapat ka pa rin na paghirapan, Eljehanni,” matigas na saad ko.
“Eh, sa gusto ko na tayo na,” giit pa rin niya. Wala na akong ibang ginawa pa kundi ang panggigilan ang pisngi niya at mahigpit ko siyang niyakap.
“Kakaiba ka talagang babae, Eljehanni. Walang katulad. Liligawan pa rin kita kahit nobya na kita,” malambing na sabi ko. Ngayon lang talaga ako nagkaganito. Sa kaniya lamang ako nagiging corny.
“May 3, alalahanin mo ang araw na ito, Azulenzure, ha?” paalala niya na tinanguan ko naman.
“Opo, aking magandang Señorita,” sabi ko.
Hinintay ko na lamang siya dahil mag-aayos pa raw siya. “Ano na, hijo? Pumayag ba ang unica hija namin na magpaligaw?” tanong ng mama ni Eljehanni.
Nahihiya nga ako sa na sabihin sa kanila ang totoo. Na girlfriend ko na ang anak nila at nakuha ko ang matamis niyang oo ng walang kahirap-hirap.
“Panigurado naman na tatanggapin niya agad si Azul, hon,” sabi naman ni Sir El. Bumuntong-hininga na muna ako.
“Ang totoo po niyan, hindi ko po alam kung nagbibiro lang ba siya o ano. Pero mukha po siyang seryoso sa sinabi niya,” sabi ko.
“Ano ang ibig mong sabihin, Azul?” nagtatakang tanong pa ni Sir El.
“Sinagot na po agad ako ni Eljehanni,” nahihiyang sambit ko at nagulat sila pareho. Kaya ang tungkol doon ang pinag-usapan namin.
Napatayo na ako nang makita ko ang pagdating niya. “Eljeh, ikaw talagang bata ka,” sabi ng mama niya at mabilis na lumapit ito sa akin sabay yakap sa braso ko.
“Meet my boyfriend, ’Ma, ’Pa,” pagpapakilala pa niya kaya napailing ang kaniyang ama.
“Hindi mo man lang pinahirapan ang nobyo mo, anak,” sabi pa nito.
“Hmm, tama ho kayo, ’Pa. But he needs to remember na I don’t do second chance.” Pinagpagan pa niya ang dibdib ko at natigilan ako. “So, ikaw babe. Ayos-ayusin mo ang buhay mo, ha? Tandaan mo kapag nag-away tayo at may ginawa ka na hindi ko magugustuhan ay hindi kita bibigyan ng second chance. Kahit gaano pa kita kagusto ay marami pa namang lalaki riyan na mas deserving,” pananakot niya at aminado akong natakot ako roon. Hindi ko yata kayang makita siya na may kasamang ibang lalaki.
Bayolenteng napalunok ako ngunit nagsalubong lang ang kilay ko. Susubukan ko na huwag siyang galitin dahil ayokong mangyari na maghihiwalay kami tapos hindi na niya ako bibigyan pa ng second chance. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay niya.
“Darling, masyado ka namang seryoso. Sige na, may date pa kayo. Just enjoy,” sabi ni Mrs. Ciesta. Hindi na nga maawat pa ang mabilis na tibok ng puso ko.
“Take care of my daughter, hijo,” her father said.
“Opo, Sir,” magalang na sagot ko naman at hinila na ako ng girlfriend ko palabas.
Nasa labas na rin ang kabayo ko at hinaplos ko ang ulo nito. “Kapag nag-away tayo bawal ang maghiwalay, okay?” sabi ko at nakita ko pa ang pagkaaliw niya habang kinakagat ang labi niya.
“Depende sa ugali mo, babe. Huwag mo lang akong galitin o awayin,” she said and my lips rose.
Naglahad ako ng kamay at nakangiting tinanggap niya iyon. Masuyo kong hinalikan ang noo niya.
“Hindi. Hindi kita aawayin,” bulong ko sa tainga niya at inamoy-amoy ko ang buhok niya. I love her smells.
“Maganda ba ang dress ko? Hindi ako nagsuot ng damit ni Isabella,” mayamaya ay tanong niya.
“Shh, tahimik,” sambit ko lamang. “Ayos lang. Mas maganda ka kapag ganyan. Pasensya na kung pinipilit mo maging katulad ni Isabelle.” She caressed my jaw.
“Just let’s go. Saan mo ako dadalhin para sa first date natin?” she asked.
Binuhat ko na muna siya para makasampa na siya sa kabayo saka ako sumunod at pumuwesto sa likod niya. Agad siyang humilig sa dibdib ko at nagawa kong haplusin ang kaniyang baywang.
“Sa palengke,” sagot ko na ikinatango niya. Wala akong narinig na reklamo kung dadalhin ko siya roon sa palengke. “Hindi ka magrereklamo na roon kita dadalhin kahit na. . . Dapat ipasyal kita?” tanong ko at mabilis siyang napasulyap sa akin.
Dahil sa lapit ng mukha niya ay halos magdikit na rin ang mga labi namin kaya pinagkiskis ko ang tungki ng aming ilong na ikinangiti niya.
“Kahit saan mo ako dadalhin ay sasama ako. Basta nga ikaw ang kasama ko,” sagot niya ng walang kaarte-arte kaya siniil ko nang mariin na halik ang mga labi niya at nakahawak ako sa baba niya.
Natutuwa talaga ako sa ugali niyang ito at napakasuwerte ko dahil sa akin din siya nagkagusto.
Okay naman ang relasyon namin at masaya naman kami pero hindi rin pala maiwasan ang magkaroon din ng misunderstanding. Lalo na kung isa sa amin ang may lihim.
Inaamin kong isa rin ako sa nagtatago ng isang mahalagang bagay na dapat ngang malaman ni Eljehanni.
Pero sa nalaman ko mula sa kaibigan niyang si Snow na nagkaroon ng on and off boyfriend ang nobya ko ay nagalit na lamang ako bigla.
“Come with me, Azul. Ipapakita ko sa ’yo ang totoong kulay ni Eljeh.” Nang hawakan niya ako sa braso ay nagpumiglas ako.
“Ayoko. Umalis ka na lamang. Nakaiistorbo ka na sa trabaho ko,” malamig na sabi ko sa kaniya.
“Gusto mo talaga ang pinapaikot ka lang ni Eljeh?!” sigaw niya at tiningnan ko siya nang masama.
“Wala ka nang pakialam pa sa relasyon namin, kaya umalis ka na.”
“Heto tingnan mo!” sigaw pa niya at hindi ko sana titingnan ang screen ng cellphone niya pero bigla niyang ipinakita iyon.
Nakita ko nga ang mukha ng girlfriend ko na may kasamang ibang lalaki at namumukhaan ko ito. Siya ang lalaking minsan kong nakita sa villa nila. Ang lalaking hinatid ni Eljehanni sa Manila na pilit niyang itinatago sa ’kin. Hindi ko iyon pinansin dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya pero sa nakikita kong litrato niya ay nakaramdam ako nang pagkirot sa dibdib ko.
Parang nawala ako sa isip ko noon at basta na lamang akong sumama sa kaniya. Nagulat pa siya nang ipakita ko ang passport ko at nagtanong pa siya ng kung ano-ano pero hindi ko na siya sinagot pa. Ang isip ko ay nandoon mismo kay Eljehanni.
Mahal ko siya pero sa parte ko ay masakit ang paglilihiman na lamang. Na tila ba wala siyang tiwala sa akin.
’Sakto pa noong pinuntahan namin siya sa condo niya ay nandoon ang lalaki at iba agad ang tumakbo sa isip ko.
Sa nakita kong eksena ay parang sinasakal na ako sa leeg at nahihirapan na akong huminga. Pagbalik ko sa hotel ay nagpa-room service agad. Ang gusto ko lang noon ay maglasing at dumating naman si Snow. Magkaiba naman ang suite na kinuha namin ngunit hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa niya rito.
Wala na ako sa huwisyo dahil sa dami ng alak na nainom ko at pumasok ako sa banyo pero sumunod pa rin ang babaeng iyon. Ang alam ko ay hindi ko naman sinasadya ang nangyari pero nakita ko na lamang ang sarili ko na hinahalikan si Snow.
Bago ko pa man siya mabitawan ay siya namang pagdating ni Eljehanni.
“Walang hiya ka, Snow! Bakit ang fiancé ko pa ang ginagamit mo?!” Nanginig agad ako sa takot dahil sa pagsugod niya pero nangingibabaw talaga ang galit na nararamdaman ko.
“What? Wala na kayo ni Azul at puwede ng maging kami. Cheater ka kasi! Kayo pa nga ni Sydney pero naging boyfriend mo na si Azul! Dahil niloloko mo siya!”
“Wala akong alam sa sinasabi mo!” Hindi ko sila inawat noong una pero nang makita kong nahihirapan siya ay roon ko na sila pinigilan pa pero iba pa rin ang lumabas mula sa aking bibig na agad kong pinagsisisihan.
Malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin at ramdam ko roon ang galit niya.
“Ang kapal ng mukha mong sumbatan ako sa isang bagay na hindi ko naman nagawa! Ang kapal ng mukha mo, Azul! In-English mo pa ako para maging cool ka?! You called me a cheater but you’re the only one who cheated while we’re still in a relationship!” naiiyak niyang sigaw at nawala lang ang ekspresyon ng mukha ko.
“Patas na tayo, Eljehanni. Pareho tayong nagloko,” walang emosyon na sabi ko pa.
“Fvck you! Fvck you, Azulenzure!” malutong na mura niya. “Magsama kayo ni Snow! Sige! Sige, ituloy ninyo ang ginawa ninyo kanina!” asik niya sabay tulak sa kaibigan niya at nasalo ko naman ito.
“Eljehanni!” sigaw ko sa pangalan niya at nang susundan ko na sana siya ay pinigilan ako ni Snow.
“Huwag mo na siyang sundan pa, Azul! Ituloy na lamang natin ang gina—”
“Shut the fvck up! Umalis ka na lang bago pa mandilim ang paningin ko at hindi kita matansya!” sigaw ko at doon lang ako nagmura nang ganoon.
“Azul. . .”
“Labas!” sigaw ko ulit sa kaniya at nagmamadali na siyang umalis.
Nangangatog ang mga binti ko at hinayaan ko na lang na bumagsak ang sarili ko. Pakiramdam ko ay kalahati ng pagkatao ko ang nawala dahil sa nangyari kanina.
Ni minsan ay hindi ako umiyak ng dahil lang sa isang babae. Pero mahal ko talaga siya. Mahal na mahal ko.
PAGBALIK ko sa Pilipinas ay dumiretso ako sa Villa Ciesta at sinabi ko ang lahat sa mga magulang niya. Hindi man lang sila nagalit kahit plano ko noon na makuha ang loob ni Eljehanni. ’Saktong wala rin siya sa Sta Rosa Province.
“Pero, Azul. Sigurado ka ba sa desisyon mo? Puwede mo namang sabihin sa aming anak at maiintindihan ka naman niya siguro,” sabi ni Mrs. Ciesta. Umiling lamang ako.
“Babawiin ko po ang anak ninyo kapag naging maayos na ang lahat. Sa ngayon po ay kailangan kong harapin ang lolo ko,” mahinahong saad ko. Napatango si Sir El.
“Sige, gawin mo ang gusto mo, hijo. Sana hindi ka matagalan dahil alam kong pareho kayo ang masasaktan at magtitiis,” sabi pa niya.
“Mahal ko po si Eljehanni, pero sa ngayon ay kailangan ko po muna siyang pakawalan dahil nasaktan ko rin po siya,” pag-amin ko.
***
Dinala ko sa beach ang mag-ina ko ayon naman sa kagustuhan ng anak ko. Hindi ko siya magawang tanggihan dahil bumabawi pa rin ako sa kanila ng mommy niya.
“Babe, wala tayong dalang pamalit. Kay Wez ay isang damit at shorts lang,” sabi ng fiancé ko.
“Hindi ’yan problema. May shop dito. Puwede tayong bumili, babe,” sabi ko at napatango siya.
“Tara. Bumili muna tayo?” pag-aaya niya. Ibinigay ko sa kaniya ang wallet ko at nagtataka naman niyang tiningnan iyon. “Para saan naman ’yan, Azul?” tanong niya.
“Pambayad natin mamaya,” sagot ko.
“May pera naman ako rito, babe. Hindi na kailangan,” aniya. Umiling naman ako.
“Kunin mo na. Ikaw na rin ang pumili sa susuotin ko,” wika ko pa. She nodded again. Hinalikan ko siya sa pisngi at napatingin naman ako sa baba. Nang makita kong patakbong lumapit sa tabing dagat si Wez ay mabilis ko siyang hinabol.
“Wez! Hindi pa tayo maliligo!” sigaw ng mommy niya pero natatawang tumakbo pa rin siya.
Huli na nang pigilan ko siya dahil tumalon talaga siya sa dagat. Mabilis ko siyang inahon mula rito at binuhat ko siya. Pinunasan ko agad ang mukha niya at napansin ko na mariin nakatikom ang bibig niya.
“Wez, anak,” nag-aalalang sambit ko at ibinuga niya ang nainom niyang tubig dagat sa bibig.
“Pwe! Ang alat, Papa!” reklamo niya at napangiwi na siya. Ilang beses niyang inilabas ang dila niya.
Naglakad ako at sinalubong kami ng kaniyang ina. “Wez! Wala pa kaming sinasabi na puwede ka nang maligo!” sigaw pa nito at napanguso ang anak namin.
“Bakit po ba, Mommy? Maliligo rin naman tayo, ah?” pangangatwiran pa ni Wez. Hinila-hila nito ang coat ko na parang gusto niya ring isuot iyon. Ibinaba ko na muna siya at hinubad ko ang suot ko saka ko binalot iyon sa kaniya.
“Hayaan mo na siyang ginawin, Azul.”
“Mommy naman po! Hindi ka na naaawa sa anak mo, ’My ha!” pag-arte pa nito. Binuhat ko na lamang siya ulit.
“Huwag ka nang sumagot sa mommy mo, anak. Tama si mommy. Hindi ka puwedeng maligo agad nang hindi kami nakabantay sa ’yo. Maliit ka pa lang, Wez. Puwede kang dalhin ng alon sa malalim na dagat,” paliwanag ko sa kaniya ss mahinahon na boses.
“I can swim, Papa,” he reasoned out and I nodded.
“Kahit na ba,” sabi ko at higit siyang napanguso.
HINDI rin naman nakatiis ang mommy niya at pinunasan siya nito gamit ang puting panyo.
“Ikaw, hon, ah. Ang kulit-kulit mo. Nabasa tuloy ang sapatos ng papa mo.”
“Sorry po,” paghingi naman nito ng paumanhin habang nakatitig sa akin. Ngumiti lamang ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo.
“Ayos lang iyon, anak,” sabi ko para hindi na siya ma-guilty lalo. Bata lang siya, normal na ang pag-uugali niya. Maliban na nga lang sa dati niyang pagmumura dahil talagang namana niya iyon sa kaniyang mommy.
“Kunsintidor talaga ang papa mo, Wez. Sarap ninyong pag-uuntugin sa ulo, eh ’no? Tara na. Bibili muna tayo ng damit,” pag-aaya ng fiancé ko at pinulot niya ang hinubad na sapatos ni Wez.
Pumasok kami sa isang store at nagsimulang maghanap ng susuotin namin si Eljehanni. Wala naman kaming ibang ginawa ni Wez kundi ang sumunod sa kaniyang ina.
Hanggang sa may itinuro ang anak ko na isa sa mga laruan. Nilapitan ko iyon at sinenyasan ko siya kung ano ang gusto niya.
“Here, Papa, oh.” Marahan pa niyang pinagdikit ang daliri niya sa laruan na water gun.
Kinuha ko iyon at ibinigay sa kaniya. Tuwang-tuwa naman siya at nagpasalamat. Napatingin pa ako sa iba’t ibang laruan hanggang sa mapako ang tingin ko sa life jacket at iba pang puwedeng proteksyon para sa mga bata kapag maliligo na sila. Kinuha ko ang dapat na bilhin namin at hinanap namin ang mommy niya.
May bitbit na rin siyang mga damit na pinili niya at nakasumbrero na rin siya.
“May bibilhin pa kayo, babe?” she asked. I shook my head.
“Wala na,” sagot ko at napangiti.
Binayaran na niya ang bills namin saka kami nagtungo sa hotel at nag-check in ng suite. Pinalitan ko ng manipis na damit si Wez at nagbihis na rin si Eljehanni.
Umigting ang panga ko sa nakita kong kasuotan niya. Hindi ko alam kung matatawag pa ba ’yong dress kung kita naman ang suot niyang panloob.
Kahit may anak na siya ay maganda pa rin ang hubog ng katawan niya. Mas lumaki nga ang dibdib niya kumpara sa dati. Dahil siguro ’yon kay Wez.
“Ano’ng klaseng tingin ’yan, Azul?” tanong niya at napangisi pa. Lumapit siya sa akin at tinanggal ang butones sa suot kong beach polo.
“Babe—”
“Shh. . . Nasa beach tayo. Huwag mong i-close lahat para makita ang abs mo, babe.” I frowned.
“Pero hindi ako komportable—”
“Shh! Naka-vest ka pa nga dati. Ano’ng hindi ka komportable?” Hinawi ko ang buhok niya at hinalikan ko siya sa batok niya. “Babe, ang anak mo!” sigaw niya at sinulyapan ko lamang ang anak namin na abala sa bago niyang laruan. May laruang pato rin siya na iniipit sa kilikili niya.
“Papa, lagyan na po natin ’to ng tubig, please?” pakikiusap nito. I approached him at agad siyang naglahad ng mga braso niya. Muli ko siyang binuhat at binitbit ang bag na dala ni Eljehanni.
“Azul, paglakarin mo na lang si Wez. Palagi mo na lang siyang binubuhat,” suway nito sa akin. Totoo naman ang sinabi niya. Bihira na nga kung maglakad si Wez kung hindi lang siya naglalarong mag-isa.
“Ayos lang. Hindi rin naman magtagal ay kusa itong bibigat,” sabi ko.
“Palagi mo rin po akong binubuhat, ’My, ah,” sabi naman ni Wez dahilan na mapangiti ako.
“Ang galing mangatwiran, ha,” mariin na saad ni Eljehanni.
“Mana po ako sa ’yo, ’My,” sabi na naman nito. Napahalakhak na lamang ako.
“Ang galing, Wez, ah. Hindi ka na palamura?” tanong ko at mabilis siyang umiling.
“Hindi na po,” may lambing na sagot nito.
“Hindi na po,” panggagaya ni Eljehanni. Nakatutuwa talaga silang kasama. Akala mo ay hindi sila mag-ina. Paminsan-minsan ay nagbabangayan pero alam din naman ni Wez ang limitasyon niya. Mommy pa rin niya ito at malaki pa rin naman ang respeto niya.
***
“Come here, Wez. Lagyan kita ng sunblock, honey,” aniya.
“Puwede ba siyang lagyan niyan?” tanong ko naman. Pinaupo ko si Wez.
“Yes, for babies ’to, babe. Sayang ang kutis ng anak mo kapag nasunog lang ng sinag ng araw. Hindi agad ito aahon sa dagat,” aniya at sinimulan na niyang lagyan ito ng sunblock.
Naging masunurin ito at hindi man lang kumikilos. Hinintay niyang matapos ang mommy niya at pagkatapos niyon ay isinuot ko na ang life jacket niya. Kumunot pa ang noo niya pero hindi naman siya nagtanong kung bakit ko siya sinuotan ng ganoon.
“Maliligo na po ako, Papa?” tanong nito at nakatingin sa dagat. Kanina pa talaga niya gustong pumunta roon.
“Nope. Diyan ka muna, hon. Ang papa mo naman ang lalagyan ko ng sunblock,” ani Eljehanni.
“No need, babe,” umiiling na sabi ko.
“Oh, ayaw mo? Sige ako na lang muna ang lagyan mo ng sunblock,” nakangiting sabi niya at nagsalubong ang kilay ko nang hinubad niya ang dress niya.
“Eljehanni,” mariin na sambit ko sa pangalan niya.
“Chill. Nasa beach tayo. Normal na ito, babe,” sabi niya na sinabayan pa nang pagtawa. Pinasadahan ko nang tingin ang ayos niya ngayon. Ano’ng klaseng undergarments ’yan? “Bikini ito kaya malamang sexy,” saad pa niya na tila nababasa niya ang nasa isip ko.
Itim ang kulay niyon at ang nakatakpan sa dibdib niya ay halos wala ng tela. Kitang-kita ang kalahati ng dibdib niya at pakiramdam ko isang haklit lang ay matatanggal na iyon.
“Babe.”
Dumapa lang siya sa kabilang lounge chair. “Sige na, Azul.”
Napabuntong-hininga na lamang ako. Kumuha ako ng sandwich na binili namin kanina at binigay ko iyon sa anak namin para hindi siya mainip sa kahihintay. Umupo ako sa tabi ni Eljehanni at ibinigay ang sunblock.
“Dapat ba ganyan ang suot mo?” tanong ko.
“Parang hindi ka na sanay sa mga nakikita mo, ha,” wika niya at tumingin pa siya sa paligid.
Maraming tao at iba ang ay foreigner pa. Normal na nga ang makakita sa mga taong halos hubad na pero hindi ko matatanggap kapag siya na ang nakasuot ng mga ganoon. Sinasabi ko lang iyon hindi dahil seloso ako. Ayoko lang na may makita sa kata—Oh, good God. Parang iyon na nga ibig sabihin no’n.
“Dahil ikaw ’yon,” sabi ko pa. Nagpahid na ako sa palad ko ng sunblock at dinampi ko iyon sa likuran niya. Nakarinig ako nang mahinang ungol sa kaniya. “Eljehanni,” sambit ko sa pangalan niya na may pagbabanta.
“It feels so good, babe.” Binilisan ko na lamang ang paglalagay ng sunblock at pati binti niya ay kailangan ko rin daw iyong lagyan. Pagkatapos ay tumihaya siya. “Iyong dibdib ko pa, Azul.” Mariin akong napapikit at malakas na natawa siya. “Wala ka namang gagawin kundi lagyan ako ng sunblock. Ang OA mo.”
Nang mapatingin ako sa direksyon ni Wez ay nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko na siya makita pa roon. Parang aatakihin ako sa puso.
“Si Wez!” sigaw ko at napatayo na ako para hanapin ang batang iyon.
Nakahinga lang ako nang maluwag dahil hindi naman siya lumayo. Nahagip agad kasi ng mga mata ko ang dilaw niyang salbabida.
“Papa!”
“Ano’ng papa ka riyan, Wez. Hindi ka man lang nagpaalam sa amin. Suwail ka,” sabi ko at nang makita niya na walang ekspresyon ang mukha ko ay napatitig lang siya. Hindi na siya kumibo pa. Yumuko pa siya at napansin ko na sinasadya niyang lumayo kaya hinuli ko na siya. “Nagbibiro lang si papa, anak ko. Natakot lang ako dahil nawala ka na roon bigla,” pag-aalo ko sa kaniya at yumakap ang maliliit niyang mga braso sa leeg ko.
“Sorry po, Papa. Ang tagal ninyo po kasi ni mommy,” sabi niya at nang tumingin ulit ako sa kinaroroonan namin ay ang mommy na naman niya ang nawala roon.
“God. Where’s your mom?” Nagmana nga talaga ang anak ko sa ina niya. Parehong suwail.
Nagulat naman ako nang may yumakap sa likuran ko at malakas na napatili pa si Wez na halatang nagulat din.
“Ampüta!” sigaw nito at dahan-dahan ko siyang nilingon. Nagpanting pa kaya ang tainga ko sa narinig.
“Hala, babe. Nagmumura pa rin ang makulit na batang ’yan.”
Nakaawang ang mga labi ni Wez na napatingala sa ’kin. “G-Ginulat po kasi ako ni mommy, Papa, eh,” he reasoned out.
“Ginulat kita pero nagmura ka pa rin,” pang-aasar pa ng fiancé ko sa aming anak. Hinapit ko siya sa baywang para ipuwesto siya sa harapan namin. Nakakawit na ang isa niyang braso sa leeg ko. “Ampüta raw,” natatawang saad pa niya. Pinitik ko ang labi niya kaya hinampas niya ako sa dibdib.
“Wez,” sambit ko sa pangalan ng batang suwail na ito.
“Sorry na po, Papa.”
“Sorry na po, Papa. Ang galing mang-uto,” panggagaya na naman ni Eljehanni.
“Mommy naman po. Nagiging bully ka na naman po,” nakasimangot na sabi nito. Sinabuyan niya ito ng tubig dagat saka niya pinaghahalikan ang pisngi.
“Yeah. Don’t worry, anak ko. Mas mahal pa kita kaysa sa papa mo, eh. Kaya kong mabuhay na wala siya. Ikaw ay hindi.” Ako naman ang napasimangot sa narinig at si Wez naman ay napangiti na.
“Oh, I love you too, ’My.” At ipinakita pa nga kung gaano sila sa kalambing sa isa’t isa. Parang nang-iinggit lang sila.
Masuwerte pa rin naman ako dahil sa akin silang dalawa at sila ang pamilya ko. Naligo lang kami hanggang sa magsawa si Wez.
Kumain kami sa resto at marami na namang nakain si Wez. Bago pa siya makatulog ay napaliguan ko na siya.
Naglakad ako patungo sa balkonahe ng suite namin dahil doon pumunta si Eljehanni. Nasa dulo siya ng railing kaya walang ingay na nilapitan ko siya. Nang yakapin ko siya mula sa likuran ay napaigtad pa siya sa gulat.
Hinalikan ko ang dulo ng balikat niya at dumampi rin ang labi ko sa sentido niya. Hinawakan niya ang mga braso ko na nakapulupot sa baywang niya.
“Parang gusto ko ang beach wedding, babe,” sabi niya dahilan na bumilis ang pintig ng puso ko.
Wala na rin talagang atrasan ang pagpapakasal namin dahil pati siya ay ramdam ko na ang excitement niya.
“Gusto mo ’yon?” tanong ko.
“Pero mas bet ko pala na maging bisita natin ang mga trabahador sa villa.” She’s indeed kind-hearted and humble.
“Okay, noted. Doon na lang sa villa ninyo para makadalo ang mga tauhan ng papa mo,” aniko.
“I can’t wait for that, babe. Tapos saan na tayo after ng wedding?” tanong niya at nasa boses niya ang interes. Pinaharap ko naman siya at dinala ko sa leeg ko ang mga braso niya.
“Saan pa ba pupunta ang bagong kasal?” balik kong tanong at naintindihan niya agad ang pagngisi ko.
“Ah, honeymoon?” sagot niya at namumula pa ang pisngi niya. Hinalikan ko iyon at tumigil sa mga labi niya. “After that, saan naman tayo?”
“Sa Sta Maria. Hindi ba sasama ka sa ’kin?” I asked her and she nodded.
“Sasama kami ni Wez sa ’yo, babe. I love you.”
“I love you more,” I said and kissed her lips again.
Mahal na mahal ko talaga si Eljehanni, kaya ngayon ay hindi ko na hahayaan na muli siyang mawala sa akin. Minsan ko nang naranasan na mawalay sa kaniya at sobrang hirap niyon. Kaya naman ngayon ay sisiguraduhin ko na hinding-hindi na kami maghihiwalay.
She’s my ideal girl after all.
Alam ko sa buhay ay walang perpekto kaya lahat tayo ay dumadaan sa pasakit pero naniniwala pa rin naman ako na nauuwi rin sa masaya at magandang buhay ang lahat.
“Sa Sta Maria tayo titira?” mayamaya ay tanong niya nang pinakawalan ko na ang mga labi niya. Sinapo ko ang pisngi niya.
“Kung saan ang gusto mo, mahal ko,” nakangiting sagot ko.
“Siyempre kung nasaan ka ay roon kami ni Wez. Hindi na tayo puwedeng maghiwalay pa dahil hindi na rin ako nagbibigay pa ng third second chance, babe. Tandaan mo ’yan, okay?” I nodded.
I promised to myself that I keep her forever.
Ako si Azulenzure El-Greco Belgica, dito man magtatapos ang kuwento namin ni Eljehanni ay alam ko rin naman na patuloy pa rin ang buhay namin kasama si Wezeinlure at ang magiging anak pa namin ng babaeng minamahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top