CHAPTER 7
Chapter 7: Nililigawan & Selos
HINILA ni Azul ang maliit na mesa at malapit iyon sa akin. May chair din naman sila at doon umupo si Lola Molai. Mga gulay na lamang ang paninda nila. Mukhang naubos na ang isda nila. Ang galing naman talaga ng kulay asul na ito na magbenta ng paninda nila. Aba, pinipilahan siya ng mga customer nila.
Adobo at dinuguan ang ulam namin. Siyempre si Nanay Lore ang nagluto nito. Alangan naman ako? Chars. Hindi ako marunong magluto. Marunong lang akong lumamon.
Doon sa States ay si Sydney ang nagluluto sa amin ng breakfast, lunch and dinner namin. Hindi naman siya roon nakatira. Mahilig lang siyang tumambay sa unit ko. Ang kapal nga ng face niya kung hindi ko lang siya boyfriend.
Binigyan ako ni Azul ng pinggan at nakita kong wala kaming kutsara. Awits, Eljehanni. Magkakamay ka po.
May ulam silang gulay na mukhang masarap kasi kalabasa iyon. Napangiti ako at iyon ang una kong kinuha. Wala na akong kahihiyan sa face ko. Bago ko pa man makuha iyon ay nagawa nang abutin para sa akin ni Azul. May pritong isda rin sila at paksiw? Ang sarap... Huhu.
“Hala, amoy palang po ang sarap na!” tuwang-tuwa saad ko. Mahinang humalakhak si Lola Molai.
“Ang apo kong si Azul ang nagluto niyan, hija,” pagbibida niya. Binalingan ko si Azul na nakaupo pa rin sa tabi ko at nasa bandang kanan naman niya ang batang babae na binibigyan ng pagkain ng lola niya. Iniiwasan nito ang mapatingin sa gawi ko. Parang kakainin ko siya kung makapagtago siya, ah.
“Marunong ka palang magluto?” tanong ko. He ignored me na naman kaya inapakan ko ang paa niya. He groaned and I grinned.
“Ayos ka lang ba, apo?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kanyang lola.
“Opo, ’La,” sagot niya at marahan na sinipa ang binti ko. Malakas ko naman siyang ginantihan. Tumigil na rin siya kasi alam naman niyang gaganti pa rin ako. Lintik lang kasi ang walang ganti, right?
Nagsimula na rin akong kumain at ’yong ulam lang nila ang kinain ko. Masarap kasi dahil magaling magluto si Azul. Hindi lang siya pogi at yummy, aba nakabubusog din ang mga pagkain niya, pati na ang kanyang pandesal. Titigan mo lang ay busog ka na.
“Kuya, gusto ko pa ng dinuguan,” pagsingit ng batang kasama namin.
“Hindi ba galit ka sa taong nagbigay nito, Asthasia?” sabi niya sa bata. Asthasia pala ang pangalan nito, ngayon ko lamang nalaman.
“Eh, binigay na po niya, Kuya. Iba naman po siya at sa ulam na dala niya.” Pinagtaasan ko ng kilay ang bata. Ang galing magdahilan, ah. Sumimangot ito at inirapan na naman ako.
“Huwag mong tingnan ng ganyan ang bata,” suway sa akin ni Azul at siya naman ang inirapan ko.
“Kapatid mo ba iyan? Isasako ko ’yan. Ganyan na ganyan ang attitude mo,” wika ko.
“Ganyan lang talaga siya, hija. Hayaan mo na. Galit ’yan sa mga babaeng lumalapit sa Kuya Azul niya,” sabi ni Lola Molai.
“Hindi ko naman po kakainin ang kuya niya, Lola,” ani ko at napatikhim pa ang katabi ko.
Masayang kakuwentuhan ang pamilya niya kaya naman hindi ko namalayan na marami na pala akong nakain. After that ay hinila na naman ako ni Azul. Siyempre binawi ko ang kamay kong hawak niya.
“Ihahatid na kita,” he volunteered.
“Pero gusto ko pang mag-stay rito, Azul.”
“May lagnat ka, oh,” aniya at hinawakan pa niya ang noo ko. Malakas na tinabig ko iyon.
“Ayos nga lang ako. Ang kulit mo rin,” masungit na sabi ko.
“Sasabihin ko ito sa mga magulang mo,” pananakot na naman niya sa akin. I pouted. Naglakad na lamang ako at siya ay hawak na niya ang tali ng kabayo ko.
Nang makalayo na kami sa bayan ay tinapik niya ang likuran ni Vip. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. “Maaga pa talaga para umuwi, Azul,” giit ko at nagpakawala siya nang hangin sa bibig niya. Nang hawakan niya ang baywang ko ay ngumiwi ako.
Binitawan niya rin ako at bumuntong-hininga na naman siya. “Hindi ka puwedeng maglakad, Eljehanni,” problemadong saad niya.
“Dito muna tayo.” May isang kubo na hindi kalayuan dito kaya nilapitan ko iyon.
“Eljehanni.” Bumalik na lamang ako sa kanya kasi may babala ang paraan nang pagsambit niya sa pangalan ko. Natakot ako bigla. Nauna siyang sumakay sa kabayo at naglahad ng kamay sa akin. “Huwag ng matigas ang ulo mo dahil marami pa akong trabaho.” Workaholic nga pala siya.
I took a deep breath at tinanggap ko na lamang ang palad niya. Sa paraan na iyon ay nagawa niya akong iangat pataas at pumuwesto na ako sa likuran niya.
“How old are you, Azul?” pangdaldal ko sa kanya. Hinintay ko pa ang isasagot niya kasi nananahimik na naman siya pero mabagal ang pagtakbo niya sa kabayo. “Ano na, Azul?”
“Tatlong araw pa lamang tayong magkakilala. Bakit ang komportable mo sa akin?”
“Ewan ko.”
“At ang dibdib mo. Puwede bang dumistansya ka nang kaunti? Nakadikit na naman sa likuran ko,” reklamo niya kaya umayos ako mula sa pagkakaupo ko.
“Kapag ako ay nahulog ipapasipa kita kay Vip!” sigaw ko sa kanya at kinurot ko pa ang tagiliran niya.
“Huwag kang gumalaw,” he uttered at tumalon siya pababa. Nagtatakang tiningnan ko siya. I was about to ask him sana nang mabilis na siyang nakapuwesto sa likuran ko.
Mariin kong naitikom ang bibig ko. Ang lakas nang kabog sa dibdib ko at pakiramdam ko ay namanhid na rin ang batok ko dahil pumuwesto siya sa likuran ko. Naka-pants na ako kaya paharap ang pag-upo ko.
Namimilog pa ang mga mata ko nang lumusot sa magkabila ko ang mga braso niya para lang hawakan ang tali at parang nakayakap na rin siya sa akin. We’re so close, oh my goodness.
Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya na tumatama sa batok ko. Na-conscious na tuloy ako kung ano na ang amoy ko. He started to run the horse again at hindi ko na alam kung saan pa ba ako hahawak.
Napapikit ako dahil tumatama ang likuran ko sa matigas niyang dibdib hanggang sa hinawakan na rin niya ang baywang ko at tila hindi ko na rin kailangang humawak pa sa kanya kasi secure na nga ako sa mga bisig niya.
Bago ako nagsalita ay tumikhim pa ako. Grabe naman kasi ang impact niya sa akin. Nabubuhay ang lahat ng sistema ko sa aking katawan at isama mo pa ang mabilis na pintig ng puso ko. “Ano na? Ilang taon ka na ba?”
“Dalawampu’t walo.” Nagbilang pa ako sa kamay ko kasi hindi ko agad na-gets.
“Twenty-eight! Kailan ang birthday mo?” He cleared out his throat na naman.
“May 10.”
“Oh. October 30 naman ako.”
“Tsk.”
“Bakit ba palagi kang galit? Inaano ba kita, ha?” Sinilip ko siya sa likuran pero mabilis ko ring iniwas ang tingin kasi ang lapit ng face niya sa akin.
“Ganito ka ba sa lahat ng lalaki? Masyado kang...malapit?”
“Ha? Baka ang sinasabi mo ay feeling close? Hindi, ah. Ang suwerte naman ng mga lalaki kapag ganoon,” ani ko.
“Ang init mo, tumataas ang lagnat mo. Ang kulit-kulit mo. Alam mong may lagnat ka pero tingnan mo, nasa labas ka pa rin.”
Dumating kami sa villa at maingat pa niyang ibinaba. Tiningnan ko pa siya kung aalis na rin ba siya. Pinagtaasan niya ako ng kilay nang mapansin niya ang panonood niya sa akin.
“Aalis ka na?”
“Magtatrabaho na ako.” Napatingin ako sa wristwatch ko. Malapit ng mag-1PM.
“Tapos babalik ka sa palengke?” Wala siyang isinagot sa akin dahil sa halip ay inakay niya si Vip sa kuwadra kaya sumunod naman ako sa kanya. “Sasama ako, ha?” Still, walang sagot. “Azul.”
He held my pulse and pulled me. Napatingin sa amin ang mga kasambahay at si Mama na nasa sala ay napatayo pa siya sa gulat nang makita niya kami.
“Magandang hapon po, Señora Certiza. Hinahatid ko lang po ang anak niyo dahil may lagnat po siya.”
“Akala ko ay hindi mo sasabihin, Azul?” nagtatampong tanong ko.
“Sige po, Señora. Lalabas na ako.”
“Salamat, hijo. Hindi ko tuloy alam na may sakit na pala ang anak ko.” Gusto ko pa sanang tawagin si Azul pero lumabas na siya. Wala na akong nagawa pa nang dinala na ako ni Mama sa kuwarto ko.
MAHIGIT dalawang linggo ay hindi na kami nagkita pa ni Azul. Sa isang linggo na iyon ay binantayan ako ng aking mama kasi nga may sakit ako. Nalaman na rin nila na nahulog ako at nakiusap na lamang ako kay Papa na huwag niyang ibenta si Vip. Kasi nga good boy naman iyon, eh. Pina-check up pa nila ako kaya kailangan ko tuloy magpunta sa Manila para sa CT scan ko. Kailangan daw iyon, baka mamaya raw ay hindi na ako mabubuntis kapag nag-asawa na ako. Wala pa sa isip ko iyon.
Naging maayos naman at walang nabali na kahit na ano sa akin. Namaga lang siya kasi malakas ang pagbagsak ko sa lupa. Pati sa OBY-GYNE ay magpa-check up pa rin kami at wala ring problema. May mabubuo pa raw ako. Haist.
Sa isang linggo naman ay nalaman kong umalis pala siya kasama ang Tito niya. Wala akong idea kung saan siya nagpunta at nahihiya naman akong magtanong kay Lola Molai. Hindi ko rin naman maaasahan si Asthasia kasi nagsusungit siya palagi.
Tambay pa rin ako sa palengke nila. Hindi ko pa rin ka-close ang kapatid ni Azul. Nagmana nga siya sa kuya niyang snob at masungit. Psh.
“Alam mo, hija. Kung gusto mo talaga na mapansin ka ng aking apo ay subukan mong magsuot na ayon sa mga gusto niya sa babae,” out of nowhere na sabi naman ni Lola Molai.
“Ano po ba ang tipo niya sa mga babae, Lola?” interesadong tanong ko sa kanya. This is about Azul’s ideal girl, eh. So napukaw nito ang interest ko.
“Ayaw niya sa mga babae na halos kita na ang kaluluwa nito. Gusto niya ang babaeng mahinhin, na maayos ang pananamit. Sa ugali ng aking apo ay mas gusto niya rin ang tahimik ito at marunong magluto. Kasi baka raw hindi makakain nang maayos ang magiging anak nila kapag nasa trabaho siya at kumakayod. Ayaw niya sa babae na tatamad-tamad at umaasa lang sa kanya.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Wala roon ang mga katangian ko na gusto niya. OMG. What to do ba?
“Gusto niya rin po ba sa magagandang babae?” tanong ko pa at umiling siya.
“Aanhin niya raw ang magandang babae kung hindi naman marunong magluto at gumawa ng trabaho sa bahay?” Ang daliri ko na naman ang kinagat ko. “Hindi siya tumitingin sa pisikal na anyo nito. Basta raw wife material,” ani pa ni Lola.
Ganoon pala iyon. Hala...
“Ah...”
“Teka lang. Dito na muna kayo at pupunta lang ako sa palikuran,” paalam ni Lola Molai. Naiwan kaming dalawa ni Asthasia.
“Hoy, bata. Saan ba nagpunta ang Kuya mo?” Hindi ko na napigilan pa tanungin siya. Kaysa naman ang manahimik siya sa gilid at may pinaglalaruan siya. Nasa edad sampu pa lamang siya.
“Huwag mo nang hanapin pa ang kuya ko,” masungit na saad niya.
“Bakit naman?” nagtatakang tanong ko.
“May nililigawan na si Kuya Azul at kahit mas maganda ka pa kaysa sa babaeng nililigawan niya ay gusto pa rin siya ng kuya ko.” Sa hindi ko malaman na dahilan ay sumikip ang dibdib ko sa narinig. Totoo kaya iyon? Parang ayaw kong maniwala kasi hindi ko naman matanggap.
“Totoo ba ang sinasabi mong iyan? Imposible naman kasi, eh.”
“Gusto mong samahan kita na pumunta sa kabilang bayan? Doon pumupunta ang kuya ko. Gabi na siya kung umuuwi kaya hindi mo talaga siya makikita rito,” paliwanag pa niya.
“Eh, ano naman ang ginagawa niya roon?” kunot-noong tanong ko.
“Nanliligaw nga siya! Maraming karibal si Kuya Azul at kailangan niya ring patunayan ang sarili niya na karapat-dapat siya sa babaeng gusto niya. Mahigpit kasi ang tatay no’n.”
“Saan ’yan? Puntahan natin, ngayon na?” Tumayo pa ako pero hinila niya ang bestida ko.
“Ayoko. Baka magalit pa sa akin ang kuya ko. Ikaw na lang. Kung gusto mo ay ituturo ko na lamang sa ’yo ang daan.”
“Sige!”
“Pero bukas na. Baka gabihin ka sa daan. Hapon na, oh. Maliligaw ka sa loob ng kagubatan,” sabi pa niya at napanguso ako.
“Miss ko na si Azul.”
“Tss. Kadarating mo pa lang dito at hindi mo pa lubos na kilala ang kuya ko. Tigilan mo na siya dahil masasaktan ka lang. Mukhang may pag-asa na kasi siya. Siya ang gusto ng babaeng iyon at ’di hamak na mas mabait iyon kaysa sa ’yo.” Pinitik ko ang noo niya at napadaing siya sa sakit.
“Aray! Isusumbong kita kay Kuya Azul!” sigaw niya.
“Diyan ka lang, magbabanyo rin ako. Tse!” Naabutan ko pa si Lola Molai sa banyo nila at ngumiti lang ako sa kanya.
Medyo natagalan ako kasi ang bagal kong kumilos. Pagbalik ko ay natuwa pa ako nang makita ko si Azul. Ang lapad-lapad ng ngiti ko pero naglaho iyon nang makita ko na inalalayan niya ang isang babae na sakay ng kabayo niya.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nakita kong pagngiti niya rito. Sa akin ay hindi naman siya ganyan. Pero sa ibang babae pala ay hindi mahal ang bawat ngiti niya. So, tama nga talaga si Asthasia. Nililigawan niya ang babaeng iyan?
Lumapit na ako roon para malaman ko at napako agad ang tingin sa akin ni Azul. Walang reaksyon at ang hirap basahin ng facial expression niya.
“Azul! Long time no see!” masayang bulalas ko at umigting na naman ang panga niya.
Napatingin sa akin ang babae at totoo nga ang kapatid ni Azul. Mas maganda ako. Hehe. Kakaiba lang ang kasuotan niya. Old fashion...
“Sino naman siya, Azul?” tanong ng babae kay Azul. Pati ang boses niya ay ang hinhin din at malambing. Sa akin kaya? Walang kalambing-lambing. Palagi pa akong sumisigaw at nagmumura pa ako.
“I’m Eljehanni Elites Ciesta,” I uttered my name at naglahad ako ng palad sa kanya. “How about you?”
“Isabella Ledesma.” Ang common ng name niya. Well, bagay naman sa kanya at mahinhin din kagaya niya.
“Kaano-ano mo si Azul? Kapatid ka ba niya? Pinsan?” parang tangang tanong ko. Kahit halatang may something sa kanila.
“Ha? Hindi, ah,” tanggi niya na sinabayan pa nang pag-iling.
“Ano?”
“Manliligaw ko siya,” sagot niya sabay hawak sa braso ni Azul. Matagal kong tinitigan iyon at hindi iyon tinanggal ng kulay asul. Napanguso ako kasi totoo palang may nililigawan siya.
Bakit naman kaya ngayon lang sinabi sa akin ng batang iyon? At si Lola Molai ay wala man lang siyang sinasabi sa akin na malapit na palang magka-girlfriend ang apo niya. Ang daya naman nila.
“Ah...” tumatangong sambit ko lang kasi parang may tinik sa lalamunan ko. Nahihirapan na akong huminga. Ang sakit pala sa heart na malaman na may nililigawan na ibang babae ang crush ko. Aw, sakit.
Inaamin ko na may crush na ako kay Azul. Kasi hindi naman ako magkakaganito kung wala akong crush sa kanya. Masyado akong desperada pero oks pa naman. Hindi pa naman sila at puwede pang sirain ang relationship nila.
“Ikaw? Nakababatang kapatid ka ba ni Azul?” tanong niya sa akin inilingan ko.
“Mukha ba kaming magkapatid? Ang pangit kaya ng Azulenzure na ’yan,” ani ko at itinuro ko pa ang manliligaw niya. Feeling ko habang binibigkas ko ang pangalan niya ay ilang beses tumutulis ang labi ko.
“Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?” malamig na tanong niya. See? Kapag ako ay sinusungitan niya. Sabagay, ano ba ang pakialam niya sa akin? Eh, hindi naman niya ako kaibigan. Hindi ko nga puwedeng sabihin sa kanya na ‘hindi kami bati’ kasi hindi kami friends.
“Tumutulong ako sa Lola mo na magtinda ng mga gulay at isda niyo. Eh, ikaw? Lumalandi ka lang sa ibang bayan!” asik ko and he clinched his teeth again. Mahinang natawa si Lola Molai sa naging katwiran ko.
“Eljehanni,” he uttered my name with a warned.
“Ano ba ang ginagawa niyo rito?” I asked him.
“May binili kasi kami at dumaan na rin kami rito,” sagot ni Isabella.
“Kainggit naman,” nakangusong sambit ko.
“Ha? Bakit naman?” nalilitong nito.
“Naiinggit ako kasi kasama mo palagi ang crush ko.”
“Ano?”
“Eljehanni.”
“Crush ko kasi si Azulenzure kahit na pangit siya. Ang yummy niya kasi at nakabubusog ang pandesal niya,” wala sa sariling saad ko.
“A-Ano kamo? P-Pandesal?”
“Sandali lamang, Isabella.” Azul approached me at hinaklit na naman niya ako. Sa waiting area kami nagtungo at tinanggal niya ang tali ng kabayo ko saka niya iyon ibinigay sa akin.
“Ihahatid mo ako?” nakangiting tanong ko.
“Hindi. Umuwi ka na at huwag ka nang mag-abala pa na samahan ang Lola ko sa tindahan namin.”
“Totoo bang nililigawan mo siya?”
“Oo,” mabilis na sagot niya at mas masakit pala kapag lumabas mula sa mga bibig niya ang katotohanan.
“Bakit mo siya nililigawan?” Katangahan ang magtanong talaga ng ganoon.
“Dahil gusto ko siya.”
“Ako na lang ang ligawan mo. Hindi kita pahihirapan! Sasagutin kita agad!” Nagtaas-baba pa ang kilay ko pero wala siyang reaksyon.
“Bakit ko naman gagawin iyon?” nakataas ang kilay na tanong niya.
“Kasi crush kita!” Malakas ang loob ko na aminin iyon sa kanya. Hindi ko na inalala pa ang rejection na ibibigay niya sa akin.
“Hindi kita gusto. Umuwi ka na, Eljehanni.” I snorted.
“Ngayon nga lang tayo nagkita ulit tapos pagtatabuyan mo lang pala ako,” malungkot na sabi ko.
“Sakay na at umuwi ka na.” Nakasasawang pakinggan ang salitang iyon, tsk.
“Ihahatid mo pa ba ang babaeng—”
“May pangalan siya,” putol niya sasabihin ko.
“Sama naman ako kapag ihahatid mo na siya tapos ako naman ang ihahatid mo sa villa niyo.”
“Hindi puwede. Sumakay ka na.” Nag-init ang sulok ng mga mata ko.
“Ang bad-bad mo talaga sa akin, Azulenzure,” ani ko. “Mas maganda naman ako kaysa kay Isabella, ah.”
“Para sa akin, mas maganda siya. Malayo ang ugali mo sa kanya,” aniya. Napakamot ako sa kilay ko.
Napatingin pa ako sa mga taong nanonood na naman sa amin. Sila kaya? Alam na nila na may nililigawan si Azul? Pero bakit naman nasabi nila noon na may babae itong dinala?
Sumakay na lang ako sa kabayo ko at tiningnan ko pa siya sa baba. There’s mo expression written on his face.
“Azul! Tara na! Umuwi na tayo dahil baka gabihin tayo!” Humigpit ang hawak ko sa tali. Saglit pa akong hinagod nang tingin ni Azul saka niya ako tinalikuran at nilapitan niya si Isabella.
Pinanood ko pa ang pag-alalay niya sa babae at sa likuran ito pumuwesto sa kanya. Walang lingon-lingon na umalis na nga sila at kasabay nang pagpatakbo ko kay Vip. Matulin ang pagtakboy nito at hindi na ako natakot na baka mahulog ako.
Na-busted lang naman ako ng crush ko, ay. Masakit sa heart at masama na agad ang loob ko. Ang daya. Naunahan ako ng babaeng iyon pero gagayahin ko pa rin naman siya.
Magiging Maria Clara ako sa paningin ni Azul. Ay gagawin ko talaga ito. Pero ngayon lang yata ako nakaramdam ng selos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top