CHAPTER 50

Chapter 50: Officially in a relationship

HUMIGA pa si Wez sa kama at inaaya niya kami ng papa niya para tabihan siya pero umiling ako. His eyes are puffy. Kawawa naman ang baby boy ko but in the end masaya naman siya.

“Ang mabuti pa ay maligo na lang kayong dalawa. Mayamaya niyan ay tatawag si mama o Nanay Lore para kumain na ng dinner,” aniko at itinuro ko ang pinto ng banyo ni Wez. Nasa dulo iyon.

“Yes, yes. Maligo po tayo, Papa,” pag-aaya pa niya at naglahad ng kamay para buhatin na naman siya nito. Iyon na nga ang ginawa ng kaniyang ama.

Tumayo na ako at naunang naglakad sa banyo at binuksan ko ito. Kompleto naman ang mga gamit dito. Sinenyasan ko si Azul na pumasok na sila sa loob.

“Ilagay mo na lang ang marumi niyong damit sa basket, Azul. Bukas ko na lang iyan asikasuhin,” sabi ko at medyo nabigla pa siya.

“Ikaw ba ang naglalaba ng mga damit ni Wez?” tanong niya na nasa boses ang pagtataka. Tumango ako.

“Ako lang ang naglalagay ng mga damit namin sa washing machine. Kapag marumi talaga ay sila naman ang gumagawa niyon. Bakit?” curious kong tanong.

“Wala naman. Akala ko ay mag-isa mo lang ginagawa ’yon,” aniya.

“Puwede naman,” nakangiting sabi ko. “May toothbrush ka na ba?”

“May dala ako.” I nodded again bago ko sila iniwan sa banyo.

Nagtungo ako sa closet ng anak ko para kumuha ng pamalit niyang pambahay. Asul na jacket at pajama ang pinili ko. Napatingin naman ako sa duffle bag ni Azul na nakapatong sa carpeted floor. Dinala ko sa kama ang damit ni Wez at binuhat ko ang gamit ng papa niya.

Binuksan ko ito at tiningnan ko ang laman. Dalawang itim na coat ang nasa loob at tatlong puting t-shirt. Dalawa lang ang pantalon niya at dalawang pajama. Maayos din nakalagay sa maliit nitong bag ang underwear niya kasama na ang boxer.

Napanguso ako. Dinala ko sa cabinet ni Wez ang mga damit niya. Baka matupi ang coat niya kaya isa-isa kong itinabi iyon sa damit ng anak namin. Kumuha na rin ako ng susuotin niya at nandoon na kasama iyong kay Wez.

Lumabas na ako pagtapos kong ayusin ang mga iyon. Bababa rin naman sila. I went straight to the kitchen. Sina Mama at Nanay Lore lang ang nandoon.

“Darling,” sambit ng aking ina nang makita niya ang pagpasok ko.

“Kakain na tayo mayamaya, Señorita,” sabi naman ni Nanay Lore. Nginitian ko silang dalawa.

“Nasaan na ang mag-ama mo, anak?” tanong ni mama.

“Naliligo pa ho, ’Ma. Pero patapos na rin po sila siguro,” sagot ko at umupo ako sa highchair saka ko pinapanood ang paghahanda nila ng dinner namin mamaya.

Umupo naman sa tapat ko si Mama at ipinatong ang magkabilang siko niya sa kitchen island.

“Look at yourself, darling. Ang blooming mo na. Ang aliwalas na ng mukha mo at nagagawa mo nang ngumiti kapag nandiyan na si Azul,” saad ni mama.

“It’s been three days since nagkabati po kami, ’Ma. Ewan ko lang po kung bakit nagawa ko ulit na maging komportable sa presensiya niya at wala na akong doubt pa sa tuwing kasama ko siya,” pag-amin ko sa katotohanang iyon.

Napansin ko kasi na iyon agad ang naramdaman ko noong naging maayos ulit ang relasyon namin ni Azul. Sa pagbibigay ko sa kaniya ng second chance ay wala akong regrets.

Na tila ba bumalik lang kami sa nakaraan at ganito pa rin ang trato namin sa isa’t isa.

“Dahil siguro natabunan lang iyon ng galit mo, anak. Kaya ganyan pa rin ang nararamdaman mo. Na kumbaga ay natural lang iyan,” ani pa ng mama ko at napangiti na lamang ako.

“Señorita, hinihintay na po namin ang engrande ninyong kasal,” pagsingit ni Nanay Lore na ikinalaki ng mga mata ko at kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Eh, matagal pa po iyan,” nahihiyang sambit ko at namula ang magkabilang pisngi ko.

Hindi ko pa nga naisip na ikasal agad kami ni Azul at saka wala pa rin siguro sa isip ng isang iyon. Ewan ko nga lang kung aabot kami sa ganoon pero siguro nga pero matagal pa.

Nang matapos silang magluto ay tumulong na ako sa paghahain at dinala sa dining area. Magkarugtong lang ito ng kusina namin.

Dadalhin ko na rin sana ang manok na sinabawan na niluto ni mama nang lumitaw naman ang malaking kamay. Nagulat pa ako at napalingon sa kaniya.

“Nakagugulat ka naman, Azul,” nakangiwing sambit ko. Tipid lang siyang ngumiti sa akin at humalik sa sentido ko.

“Salamat sa pag-ayos ng mga gamit ko, babe.” Lumubo ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko pa siya natatawag na ganoon kasi manliligaw ko pa lamang siya pero siya? Aba, ilang beses na niya akong natawag na ganyan.

“Wala iyon,” sabi ko lang at tinapik ko ang balikat niya para dalhin na niya ang malaking bowl.

Nang gabing iyon ay sabay-sabay kaming kumain. Nandoon din si Tatay James kaya masaya ang dinner namin. Natulog ako sa kuwarto ko at ang mag-ama ay nasa kabilang silid.

***

Abala ako sa loob ng opisina ko. Cottage lang ito pero naka-close na kasi pinagawa iyon ni Azul para hindi raw ako maabala kapag maingay sa labas. Maganda rin ang partnership namin at talagang magaan na ang mga trabaho ko kasi madalas tumutulong siya sa ’kin.

Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula nang mapatawad ko siya at nabigyan na ng pangalawang pagkakataon. Deserve naman niya iyon kasi pinatunayan niyang nagsisisi na siya sa mga ginawa niya at higit niyang pinaramdam sa akin ang pagmamahal niya sa amin ni Wez.

And until now ay hindi ko pa rin siya nasasagot. Nakatatawa lang, kung dati ay lumabas na easy to get ako at sinagot ko agad siya pero ngayon na may anak na kami ay saka ako nagpakipot. Minsan kasi ay nakalilimutan ko na rin kung sasagutin ko pa ba siya kasi iyong relasyon namin ay parang magkasintahan na rin kami. But the truth is wala pa kaming label.

Mahaba naman ang pasensiya niya at hindi siya napapagod sa panliligaw araw-araw. Suot ko na nga ulit ang bracelet na binili namin noon. Iyong nandito pa sina King at Nica. I heard din na sila pa rin ang nagkatuluyan at may mga anak na rin. Good for them.

Kailangan ko na ngang ibigay kay Azul ang matagal na niyang hinihintay.

Napahinto naman ako sa ginagawa ko nang makarinig ako nang tatlong pagkatok sa pinto.

“Pasok,” aniko at kasabay na bumukas ang pinto.

Unang bumungad ang malaking teddy bear, pink ang color nito at isang punpon ng bulaklak. Iyong tulips.

Tumayo ako para salubungin ang dalawa. Sila lang naman kasi ang dumating at palaging nagdadala ng bulaklak. Napuno na nga ang opisina ko, maging sa kuwarto ko.

“Mommy, surprise!” sigaw ni Wez at namilog ang mga mata ko nang makita ko ang hitsura ng aking anak.

“Hala! Nasaan na ang anak kong mahaba ang buhok?!” namamanghang sigaw ko at nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Lumuhod ako at hinawakan ko siya balikat.

Puting polo ang damit niya at naka-black shorts lang siya. White ang sneakers niya at yellow ang medyas. Hinawakan ko ang pulso niya kasi bagong bili rin ang relo niyang pambisig.

Ang papa na naman niya ang bumili ng mga gamit niya. Ang kuwarto niya ay mas napuno lang iyon ng mga bagong laruan at nagpabili talaga siya ng divider. Lahat ng cartoon heroes ay kompleto na siya. Spoiled na spoiled siya ng kaniyang ama. Alam ko kasing bumabawi rin ito.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko akalain na ma-m-miss ko rin pala ang long hair niya at ang nakatali niyang buhok.

“Parang na-miss agad kita, anak, ah,” wika ko. Hinalikan ko ang pisngi niya at niyakap ko rin siya nang mahigpit. Naramdaman ko lang ang paghagod ni Azul sa likod ko.

“Para masanay naman siya sa buhok niya, babe,” aniya at hinalikan pa niya ang sentido ko.

“Ano’ng ginawa mo sa anak ko, Azul?” naluluhang tanong ko. Napahalakhak lang siya.

Tinitigan ko ulit ang mukha ni Wez. Ang guwapo niya. Lumabas tuloy ang malaki nilang pagkakahawig ng papa niya.

“Love ka pa rin ni mommy. Ang guwapo mo naman, honey,” I told him and kiss him on the lips. I stood up at napatingin ako sa dala ni Azul. “Nagpunta kayo ng Manila?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.

“Yeah. Nagpagupit kami ni Wez,” sagot niya at napansin ko nga na same hairstyle na sila ngayon ng aming anak. “Tapos bumili kami nito para sa lunch natin mamaya,” dagdag niya.

Nagsalubong naman ang kilay ko. “Parang kanina lang kayo nagpaalam sa ’kin na uuwi sa bahay. Paanong nakabalik agad kayo?” namamanghang tanong ko pa.

Bumitaw naman si Wez at tumalon-talon siya.

“'My! May helicopter po si Papa! Doon kami sumakay,” paliwanag niya. Binalingan ko si Azul na nagkibit-balikat lamang.

“Hindi ka pa ba gutom? Kumain na lang tayo,” pag-aaya niya sabay hapit sa baywang ko at iginiya ako patungo sa sofa. “Anak, tara dito.” Sumunod naman si Wez at umupo sa gitna namin. Isa-isa na inilabas ni Azul ang binili nila sa Manila. “Binilhan ko na rin nito ang mga magulang mo.”

May pizza, fries, spaghetti at tatlong putahe ng manok. Bumili pa siya ng ice cream at red ribbon. 

“Ang dami naman nito,” sabi ko at kumuha ng paperplate. Nilagyan ko ng kanin at ulam para kay Wez. Napapalakpak pa siya at nang mabigyan siya ng kubyertos ay agad siyang kumain. Inilapit sa kaniya ng papa niya ang drinks na may tatak na Mcdo.

Nilagyan ko siya ng table napkin sa damit niya kasi baka madumihan ito. Sunod-sunod ba naman ang pagsubo niya.

“Dahan-dahan ka lang, anak. Hindi ka namin uubusan ng mommy mo,” naaaliw na paalala ni Azul sa anak namin.

“Parang hindi ka na nasanay. Ganyan talaga siya kung kumain. Matakaw, eh,” komento ko at ngumiti lang ito sa amin. Naramdaman ko naman ang pagsulyap niya sa akin.

“Kung ganoon, noong pinagbubuntis mo pa siya ay matakaw rin siya?” may pagkamanghang tanong niya. Tumango ako.

“Kawawa ang mama at papa ko na nagigising nang madaling araw para lang ipagluto ako. Sa tuwing bumibiyahe sa Manila si Papa ay Mcdo ang pasalubong niya kasi nag-c-crave ako ro’n, eh,” paliwanag ko at wala sa sariling napatingin siya kay Wez.

“Kaya naman pala. Paborito na niya agad ang Mcdo kasi pinaglihi mo siya sa ganito.” I nodded. Dahil totoo iyon. “Sa susunod, ako na ang abalahin mo. ’Di baleng magising ako nang madaling araw para lang ipagluto ko kayo.” Umirap ako.

“Matagal pa iyon, ’no,” usal ko at nagkibit-balikat na naman siya.

“Malakas ang kutob ko na ngayong taon mabubuntis ka.” Hinila ko ang buhok niya pababa na ikinatawa niya lamang.

“Hindi ka yata takot na ma-basted, ’no? Nagagawa mo pa akong sabihan niyan? Mabubuntis pala, ha?” masungit na tanong ko. Wala naman talaga akong nakikitang takot sa mga mata niya na baka hindi ko siya sasagutin. Malakas nga rin ang kutob niya na sasagot pa rin ako ng oo sa kaniya.

Bigla naman siyang tumayo at kinuha ang tulips na nakapatong lang sa office table ko. Nakaupo sa swivel chair ko ang teddy bear. Nakangiting lumuhod siya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Go, Papa! Go, Papa!” pag-c-cheer up sa kaniya ni Wez nang makita nga ang pagluhod niya.

“Eljehanni, can you be my girlfriend?” mahinahon at may lambing na tanong niya dahilan na bumilis ang heartbeat ko.

Hindi muna ako sumagot na parang pinag-iisipan ko pa. Kaya naman tiningnan pa niya ako at sa huli ay ngumiti rin ako. Tinanggap ko na ang bulaklak niya.

“Yes, I can be your girlfriend,” sagot ko at nanlaki pa ang mga mata niya. Namula pa nga iyon.

Kahit na kakaiba na nga ang relasyon namin ay mabibigla pa rin siya kapag sinagot ko na siya. Ibang klase rin pala kapag binigyan mo na siya ng label.

Tumayo siya at hinila ako patayo. Bago pa man ako maka-react ay siniil na niya ako nang mariin na halik. Ito ang unang halik namin simula nang magkabalikan na kaming dalawa at masasabi kong. . .na-miss ko rin ito.

***

Ilang beses na kaming bumisita sa Sta Maria para kumustahin ang pamilya ni Azul at pinaalam na rin sa kanila na officially in a relationship na nga kaming dalawa.

Masaya sila para sa amin at huwag na raw ako magulat kapag nasa villa sila para mamanhikan. Naisip ko nga na nagbibiro lamang sila.

Ngayon naisipan namin ang magbahay-bahayan. Kidding aside. Gusto lang namin ang mag-overnight sa bahay nila ng Lola Molai niya.

Bago pa lang kami pumunta rito ay namalengke pa kami. Bumili ng mga gulay at isda. Marami namang ingredients sa bahay nila.

“Ako na ang magluluto, babe?” nakangiting pagpresenta ko. Inilingan niya ako. Sumimangot naman agad ako.

“Bisita ko kayo ni Wez. Ako ang magluluto mamaya,” sabi niya.

“Ano’ng bisita?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

“Ako na lang. Dito na lang kayo magliwaliw ng anak natin. Manood kayo ng TV. Maraming DVD diyan,” aniya.

“Bahala ka nga,” pagsuko ko. Si Wez ay abala na sa pangingialam sa mga gamit. “Huwag kang malikot, anak.”

“Opo, ’My!” sagot nito. Binuksan ko naman ang bintana sa loob ng silid ni Azul. Napapikit pa ako dahil sa malamig na hangin na tumama agad sa mukha ko. “May alaga pong mga manok si Papa!” sigaw niya at itinuro ang mga manok.

“Yes,” tipid na sagot ko lamang.

“Puwede ko ba silang pakainin, ’My?” tanong nito.

“Ask your father, honey,” I answered and he nodded saka siya lumabas. Sumunod naman ako sa kaniya.

“Papa, puwede ko po bang pakainin ang mga manok mo sa labas?” narinig kong tanong nito.

“Puwede naman, anak. Basta mag-ingat ka, okay?” paalala nito sa kaniya.

“Opo!”

Patakbong lumabas na naman siya at hinayaan ko na siya. Hindi naman siya lalabas. Nagtagpo ang paningin namin ng boyfriend ko. Nginitian ko siya at lumapit ako.

Mabilis na pumulupot ang mga braso niya sa baywang ko at inikot ko rin mga kamay ko sa leeg niya. I kissed his cheek na mabilis siyang gumanti ng halik sa mga labi ko saka niya ako binuhat paupo sa maliit nilang island counter. Pumuwesto siya sa gitna ng mga hita ko at hinigpitan ko naman iyon. Narinig ko ang pagdaing niya.

Nakasuot siya ng apron at bagay iyon sa kaniya. Bagay rin pala siyang maging chef.

“I love you,” bulong niya sa tainga ko at hinawakan ang chin ko saka niya ako hinalikan nang mariin. Walang pagdadalawang isip na tumugon ako sa mga halik niya.

Sa ginagawa namin ni Azul ay nakalimutan na rin niya na magluluto pa siya ng dinner namin mamaya at hindi na kami natakot pa na baka babalik si Wez, tapos makita ang posisyon namin.

Nalihis na nga pataas ang itim black dress ko at humihimas na roon ang isa niyang kamay na nagbibigay na sa ’kin ng init at kiliti.

“Ohhh, babe. . .” mahinang ungol ko nang naabot ng kamay niya ang garter ng panty ko.

“Kailangan nating huminto, babe,” humihingal na sambit niya. He’s in control again.

“Bakit tayo hihinto?” I asked him seductively.

“Magluluto pa ako at si Wez. Nasa labas kanina pa,” sagot niya.

“Okay,” sabi ko na lamang at muli pang nagtagpo ang mga labi namin saka kami naghiwalay.

Paglabas ko ay naubos ni Wez ang isang garapon. Pagkain iyon ng mga manok. Tinawag ko agad siya at pinapasok na. Satisfied na naman ang bata.

“Babe! Inubos ni Wezeinlure ang nasa garapon!” sumbong ko sa papa niya at mabilis na tumulis ang labi niya.

Nagsalubong ang kilay ni Azul at tumingin sa anak niya. “Papa kasi gutom sila!” pagdadahilan nito.

“Ang dami no’n, Wez,” sabi ng papa niya.

“Eh, sa gutom po sila, Papa. Ano ang magagawa ko?” Umiling na lamang ito at binuhat siya para paupuin na. Nakahain na rin kasi ang pagkain namin.

“Ano’ng magagawa ko your face, Wez,” komento ko at mas lalo siyang napanguso.

“Ayos lang. Gutom ang mga manok, eh. Kawawa naman pala,” ani Azul. Napairap ako. “Babe, paborito mo pa rin ba ito hanggang ngayon?” Tinutukoy niya ang kalabasa. Tumango ako kaya pinagsandok niya ako no’n sa platito ko.

“Thank you, babe,” nakangiting sabi ko at ako na ang naunang kumain.

“'My, ah. . .” Ngumunguya na ako nang magsalita si Wez at itinuro niya ang bibig niya. Sinubuan ko naman siya. Hinaplos ko ang buhok niya.

“Si Papa ang magsusubo sa ’yo, anak ko,” his father uttered. Hinarap na siya nito.

“Hayaan mo na siyang kumain nang mag-isa, Azul,” aniko. Hindi kasi siya makakakain kapag susubuan pa niya ito. Marunong naman itong kumain nang mag-isa.

“Okay,” tipid na sambit niya.

Kahit ganitong klaseng bahay lang ang mayroon kami ay ayos na siguro. Basta kasama ko silang dalawa. Hindi naman importante ang tirahan. Maayos na ito at pareho financially stable na rin kami. Hindi din naman ako maarte pagdating sa materyal na bagay.

Ako na ang nagpresenta na maghugas ng mga pinagkainan namin. Si Azul ay pinatulog na si Wez sa kuwarto niya. Maaga pa rin namang natutulog ang bubwit at simula nang dumating ulit siya sa buhay namin ay madalas siya na ang nag-aasikaso kay Wez. Paminsan-minsan ko na lang itong napapaliguan at napapalitan ng mga damit.

Masyado niyang mahal ang anak niya at halos siya na rin ang mag-isang nag-aalaga rito. Nagampanan niya nga nang maayos ang pagiging ama niya sa aming anak at parang ang perpekto niya ring tingnan.

“Eljehanni. . .” Muntik ko nang mabitawan ang hinuhugasan kong plato nang marinig ko ang boses niya.

“Azul, nanggugulat ka na naman,” reklamo ko at tinulungan na niya akong tapusin ang hinuhugasan ko.

“Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay roon sa ’yo,” aniya.

Hinayaan ko na siyang ilagay isa-isa ang mga iyon at yumakap ako sa likuran niya. Naramdaman ko pa ang paninigas ng katawan niya.

“I miss you so much, babe,” I whispered at pumikit ako.

“I miss you too, Eljehanni,” sambit niya at hinawakan ang kamay ko para paikutin ako sa harapan niya. Isinandal agad niya ako at tinitigan sa mukha. Namumungay naman ang mga mata kong sinalubong ang kumikislap niyang mata. “Where is the magic word, babe?” he asked in a husky voice. I shook my head.

“Wala pa, eh,” I replied. His lips rose.

Tumingin pa siya sa isang direksyon at parang may naisip na kalokohan.

“What if, ituloy natin ang naudlot kanina?” nakangising tanong niya dahilan na napahampas ako sa dibdib niya.

“Ang pervert mo na ngayon, ha,” panunukso ko sabay kurot sa tagiliran niya at hinuli naman niya ang kamay ko. Natawa pa siya at binuhat na nga niya ako. Pinaupo sa island counter. “Wala pa akong ligo, babe,” wika ko.

Napabungisngis ako nang sumiksik siya sa leeg ko at inamoy-amoy pa niya ako roon.

“Hmm, mabango ka pa rin naman.”

“Amoy pawi—Azul!” sigaw ko nang paglandasin niya ang dila niya sa leeg ko.

“Sshh, marinig tayo ni Wez at magigising iyon, Eljehanni,” mahinang suway niya sa ’kin at itinaas niya ang binti ko sa counter.

“Babe, maligo muna ako, please. Bago tayo maglandian,” biro ko at napahalakhak na naman siya. Wala siyang nagawa at dinala na lamang niya ako sa banyo nila na nandito sa kusina.

Napahinto pa ako nang napatingin ako sa kabuuan nito at napakurap-kurap. Parang may naaalala ako.

“Bakit? May problema ba, Eljehanni?” tanong niya.

“Uhm, may naaalala lang ako,” sagot ko. Mukhang naintindihan niya kung ano ang tinutukoy ko. Hinila niya ako palapit doon sa shower at binuksan niya agad iyon kaya pareho kaming nabasa ng ulan. “Azul. . .”

“Ano’ng nakita mo, Eljehanni?” seryosong tanong niya at hinaplos ang pisngi ko. Nakasandal na ako sa malamig na pader at magkadikit ang aming katawan. “Sabihin mo sa akin, mahal ko. . .” nagsusumamong saad niya.

“H-Hinawakan mo ang. . . dibdib ni Snow.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang dahan-dahan na gumapang ang kamay niya sa dibdib ko at kahit mayroon pang telang nakaharang doon ay ramdam ko agad ang mainit niyang kamay. Lalo pa na nababasa na rin kami ng tubig.

Higit siyang lumapit dahilan na maipit na ako sa pader pero sa paraan na hindi ako masasaktan.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at pinagsiklop niya ang mga daliri namin saka niya pinihid ito sa gilid ng ulo ko.

“Gusto kong. . .burahin mo na iyon sa alaala mo, Eljehanni at ito lang ang alalahanin mo,” sambit niya at saglit na pinakawalan ang dibdib ko para ilagay niya sa baywang niya ang mga binti ko.

Nang siniil niya ako nang mariin na halik ay nagsimulang siyang gumalaw. Nagbigay pa rin iyon ng kiliti dahil tumatama ang bukol niya sa pagkababae ko.

Iniyakap ko na lamang ang isa kong braso sa leeg niya at sinabayan ang paggalaw ng mga labi niya. Gusto ko na nga rin iyon makalimutan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top