CHAPTER 5
Chapter 5: Rejected
LUMABAS na ako mula sa kuwarto ko para puntahan ang Mama ko. Maki-chitchat sa kanya at kumuha ng info about Azul. I am so interested talaga sa kanya. Suplado and snob, binibigyan niya lang ako ng challenge na makuha ang loob niya. Hindi naman ako manggagamit, okay? Gusto ko lang makilala si Azul.
Naabutan ko pa rin sa aming sala ang parents ko. Nakikipagkuwentuhan at tungkol pa yata sa akin. Pinagmamasdan nila ang pasalubong ko.
Si Papa ang nakapansin agad sa akin at ginawaran ako ng matamis na ngiti. Kaya araw-araw nahuhumaling sa kanya si Mama. Kasi ang pogi ng tatay ko, ay. Sa kanya ko nakuha ang light green eyes ko tapos sinabihan lang ako ng poging hardin na may inilagay ako sa mga mata ko? Grr. Hindi ako gumagamit ng fake.
“Halika rito, anak. Kumain ka muna ng meryenda. Nagluto ng paborito mong kakanin si Nanay Lore,” pag-aaya ng aking Papa. Umupo ako sa single-sofa na nasa gilid lang ng coach na inuupuan nilang dalawa.
Binigyan naman ako ng maganda kong ina. Kinuha ko ang pinggan na may laman ng kakanin.
“Thanks, ’Ma.”
“Welcome, darling.”
“Babalik ka pa ba sa States, Eljeh?” Umiling ako.
“Natapos ko na po ang two years master of degree ko, ’Pa. Nakapag-work na rin naman ako there. So, ako na po ang bahala sa business natin ngayon. Mag-retire na lamang po kayo ni Mama,” ani ko.
“Magandang balita ’yan, anak. Tatapusin ko muna ang mga pending works ko sa rice mill. May buyer pa akong hinihintay. Siguro next month pa ’yon darating sa atin,” pahayag ng aking ama.
“Buyer? May ibebenta kang lupain natin, Papa?” tanong ko at curious ako sa ibenenta niya. Ngunit alam kong nagbebenta si Papa ng lupain. May mga tao rin kasi ang lumalapit sa kanya para ibenta iyon sa kanya.
Iyon ang mga lupain na hindi na kayang alagaan ng may-ari. Minsan kasi nagtatanim sila ay hindi na tumutubo ang mga halaman o kahit ang cassava man lang. Hindi naman binibili ni Papa sa maliit na presyo. Binabayaran niya sa mas malaking halaga at tinatanong pa kung hindi na ba ulit ito bibilhin mula sa kanya. Kaya naghahanap na rin siya ng buyer pero gusto pa rin niya iyong susubukan sa taniman ng mga halaman.
“Sige po, Papa. Maiba po tayo. Ilang oras po ba nagtatrabaho rito sa atin si Azul, ’Ma?” I asked my mother. Mabilis niya akong sinulyapan.
“See, hon? Interested talaga ang anak natin kay Azul,” nakangising saad niya. I snorted.
“Mahirap makuha ang loob ni Azul, anak,” sabi ni Papa na inilingan naman siya ni Mama.
“Nagawa na siyang pasakayin sa kabayo ni Azul at napilit pa niyang kumain ng breakfast kasama ito habang nasa kalagitnaan ito ng work niya, honey. Kilala mo ang batang iyon, ayaw niyang pinapakialaman siya,” ani Mama. Tumulis ang mga labi ko.
“Sabihin mo na lang po sa akin, Mama.”
“Sa umaga ay 6AM pa lamang ay nasa villa na natin siya, darling. 9AM siya natatapos. Then sa hapon naman ay 1 to 2PM lang siya. Kasi tinutulungan niya ang Lola niya na magtinda sa palengke.” Napatango ako.
“But matagal na po ba rito si Azul? Bakit parang hindi ko siya kilala?” nalilitong tanong ko.
“Two years pa lang since nanirahan siya sa lola niya, anak. Kaya hindi mo talaga makikilala si Azul,” si Papa naman ang nagpaliwanag. Iyon na siguro ang nga panahon na wala na ako sa probinsya namin.
“Where did he come from?” I asked my father.
“I don’t know, hija.” Father shrugged. I nodded.
“Sino po pala ang Lola niya?”
“Si Aling Molai.” Si Lola Molai iyon.
“Ah.” Napatango ako kasi alam ko na kung saan ako pupunta. “Sa ganitong oras po ay nasa palengke siya?” curious ko pang tanong.
10 pa naman kasi, hindi pa kami kumakain ng lunch pero nag-snack na kami. Inubos ko ang lahat ng kakanin na bigay sa akin ng mama ko at pareho pa nila akong tiningnan.
“Dahan-dahan naman, darling. Mabubulunan ka niyan, eh,” paalala sa akin ni Mama sabay bigay sa akin ng drinks ko.
“Tapos na po ako! Lalabas na po muna ako!” ani ko at agad akong napatayo. Napatingin pa ako sa kakanin. “Marami po bang kakanin na nailuto si Nanay Lore?” tanong ko.
“Oo, anak.”
“Sige po!”
Bago ako umalis ay nagdala muna ako ng supot para paglagyan ko ng kakanin at kumuha na rin ako ng drinks. Nagtataka pa si Nanay Lore kung para saan ang mga dinadala kong meryenda ngayon. Ngiti lang ang naitugon ko sa kanya saka ako lumabas ng villa namin.
“Saan ka pupunta, Eljeh?” tanong ng aking Papa habang hawak niya ang magkabilang baywang niya.
“Kay Azul po, ’Pa,” sagot ko.
“Hija...”
“Mag-t-thank you lang naman po ako sa kanya, Papa.” Bumuntong-hininga siya at itinuro niya ang kuwadra namin.
“Halika. Alam kong makulit ka talaga.” Sumama naman ako sa kanya kasi pahihiramin niya ako ng alaga naming kabayo. Hinaplos ni Papa ang ulo ng itim na kabayo. “Heto si Vip, hindi ka ipapahamak nitong alaga natin, anak. Good boy siya at sunod itong si Zip.” Pagtukoy naman niya sa isa na katabi lang nito. Brown ang kanyang kulay.
“Yes, ang cute,” ani ko at humalik pa ako sa ulo nito na ikinatawa ni Papa.
Binuksan niya ang pintuan at inilalabas niya si Vip. “Just be careful, anak.” Inalalayan pa ako ni Papa upang makasakay na rin at pinahawak niya sa akin nang maayos ang tali nito. “Babalik ka bago lumubog ang araw, okay? Kahit hindi ka na umuwi sa tanghalian natin.”
“Duly noted po, Daddy,” malambing na sabi ko. When I was bata pa, paiba-iba talaga ang tawag ko sa kanila ni Mama. Minsan ay Mommy at Daddy.
“Vip, ingatan mo ang anak ko, ha? Kapag nalaman kong napahamak siya ay ikaw ang ibebenta ko sa maliit na presyo pa.” Mahinang natawa ako sa pagbabanta niya sa alaga niyang kabayo. Love na love talaga ako ng tatay ko.
“Thank you po ulit, ’Pa. I love you!”
“I love you too, anak. Sige na, umalis ka na.” Binitawan na rin niya ang tali kaya sinimulan ko nang patakbuhin ito.
Ipinanganak ako sa probinsyang ito, four years old pa lamang ako ay nagawa ko ng pasakitin ang mga ulo ng mga magulang ko. Dahil sumasama raw ako sa ibang mga bata para lang maglakwatsa. Pumunta sa kung saan-saang lugar at madalas daw nila akong nahahanap sa putikan kasama pa rin ang mga batang kaedad ko, na mas marami ang matanda kaysa sa akin. Naglalaro lang naman kami ng taguan.
Sumuko raw noon ang babysitter ko kaya si Nanay Lore na lang ang nag-alaga sa akin. Gusto ko raw kasi na palagi akong nasa labas ng villa namin at namamasyal. Hindi na isang beses na nagawa kong paiyakin ang Mommy ko. Buong araw kasi ay madalas hindi nila ako nahahanap.
Ganoon ang ugali ko bata pa lamang ako at dito na nga ako lumaki, nagkaisip. Kung kaya’t pamilyar na ako sa lugar namin. Hindi ako maliligaw.
Kulay asul ang suot kong blouse na puwedeng itali ang dulo nito, naging crop top style na naman siya. Ang white shorts ko naman ay umabot lang sa itaas ng binti ko ang haba nito and a pair of brown boots. Saka ang red beanie ko. Hindi na rin ako nag-shades pa.
Matulin ang pagpapatakbo ko kay Vip sa kalsada hanggang sa makarating ako sa munting bayan at diretso agad ako sa palengke. Panay ang tingin sa akin ng mga tao at pilit nila yata akong kinikilala. Halos kilala ko naman ang mga taong nakatira rito sa amin pero hindi ko na muna sila pinansin pa. Mas mahalaga ang pakay ko kaya ako nagpunta rito. Oh, ’di ba? Effort ’yan.
Alam kong hindi puwedeng ipasok sa palengke ang kabayo. Kasi naman maliit lang ang espasyo nito pero ginawa ko pa rin. Makulit nga ako, eh sabi ni Papa.
“Kilala niyo po ba si Azul?” tanong ko sa kanila.
“Si Azul? Nasa bandang iyon... Parang pamilyar ang mukha mo, Eneng,” sabi niya at nag-thumbs up lang ako saka ko marahan na pinaglakad si Vip. Marami pa ang napasinghap sa ginawa ko kasi malakas daw ang loob ko at nagdala ako ng alaga sa loob ng palengke.
May sarili namang mayor ang probinsya namin at ninong ko iyon. Matalik na kaibigan ng aking ama. Kaibigan ko ang mga anak niya.
Tumaas ang sulok ng mga labi ko nang makita ko na si Azul. Naghihiwa siya ng malaking isda at marami siyang customer na pumipila pero nakatingin sa mga braso niyang maugat. Mabuti na lamang ay may suot siyang sleeveless pero sana mahaba ang manggas. Hindi ganyan.
“Yah!” Nag-ingay ang kabayo ko dahilan na magulat ang mga taong nasa mesa nila at napaatras ang mga ito.
Kunot-noong tumingin sa direksyon ko si Azul at nang makita ako ay nawala ang emosyon sa mukha niya.
“Ano’ng ginagawa mo? Bawal magpasok ng kabayo rito sa loob,” malamig na sabi niya. Nagkibit-balikat ako at bumaba. Hinila ko si Vip patungo sa mesa at muling dumistansya ang mga tao. “Eljehanni.” Nakatutuwa na tanda pa niya ang pangalan ko.
“Bakit ba nag-uunahan kayo rito? Puwede naman kayong bumili sa iba. Hindi niyo po ba nakikita? Naiinitan si Azul dahil sa dami niyo,” ani ko at napataas ang kilay ng mga babae. Marami pa ang mga kaedad ko.
“Eljehanni,” muling sambit ni Azul sa pangalan ko.
“Bakit po?” nakangiting sagot ko.
“Masyado ka ng nakaaabala sa amin. Umalis ka na,” pagtataboy niya sa akin pero tinulak ko pa ang isang matabang babae.
“May dala akong meryenda, kain muna tayo?” pag-aaya ko sa kanya.
“Nakikita mo naman na may trabaho pa ako. Busog ako at umuwi ka na lang.” Ibinalik niya ang atensyon niya sa paghihiwa ng isda at may isang batang babae ang tumulong sa kanya.
“Hi, ako pala si Eljehanni.” Hindi ako sinagot ng bata at inirapan niya lamang ako. So, ako naman ay pinagtaasan ko lang siya ng kilay. “Azul.” Hindi ako pinansin ni Azul pero dakilang makulit ako kaya naman lumapit pa rin ako sa kanya. “Tutulungan na lamang kita,” pagpresenta ko at napatingin pa siya sa dibdib ko. Sinundan ko naman iyon nang tingin.
Nakabukas ang tatlong butones sa itaas kaya litaw na litaw ang cleavage ko. Ngumiti ako sa kanya pero umigting na naman ang panga niya.
“Bakit ka ba nandito?” seryosong tanong niya.
“Dahil nandito ka,” mabilis kong sagot na higit lumalim ang gatla sa kanyang noo. “Joke lang. Gusto ko lang namang mag-thank you sa ’yo kaya nagdala ako ng meryenda.” Ipinakita ko pa iyon sa kanya.
“Hindi ako gutom. Sinabi ko na sa iyon sa ’yo. Umuwi ka na lang sa inyo at huwag kang mang-abala sa iba. Nakikita mong naghahanapbuhay kami,” he said coldly. I shrugged.
“Tutulungan naman kitang ibenta ’yan,” ani ko at hahawakan ko na sana ang isang isda nang nabigla ako dahil sa itak niya. Muntik nang maabot no’n ang kamay ko at bumilis pa ang tibok ng puso ko. “Tatagain mo ang kamay ko, Azul?” nanlalaki ang mga matang tanong ko, gulat na gulat.
“Pakiusap, umalis ka na lang at dalhin mo na sa labas ang kabayo mo. Baka rito pa iyan dumumi.”
“Dito na lang ako uupo at hihintayin ka,” giit ko pa rin at humugot siya nang malalim na hininga. Nagbulong-bulungan na nga ang mga customer niya.
Hinaklit naman niya ang siko ko at itinulak ako palabas sa espasyo ng kanilang maliit na tindahan. Napasinghap pa ako nang buhatin niya ako at marahas niyang ibinigay sa akin ang supot na dala ko. Hindi pa nga siya naghuhugas ng kamay, amoy malansang isda siya. Huhu.
“Huwag kang makulit. Umuwi ka na lang. Gusto mo yata ng maraming atensyon. Hindi namin kailangan na panoorin ka dahil isa kang malaking abal sa amin.” Inaamin kong nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib dahil sa sinabi niyang malaking abala ako.
“Hindi naman ako ganoon, oh. Doon nga lang ako sa upuan na maghihintay sa ’yo kahit mamayang gabi mo pa iyan mauubos. Azul...”
“Mamaya mauubos ito at darating pa ang gulay namin, ibebenta pa namin iyon,” mariin na saad niya. Bababa pa sana ako nang pukulan niya ako ng masamang tingin.
“Gusto ko lang naman na mag-thank you sa ’yo.”
“Nakapagpasalamat ka na sa akin. Ano pa ba ang gusto mo?”
“Ang harsh mo naman, Azul. Gusto kong makipagkaibigan sa ’yo!” sigaw ko at mariin siyang napapikit.
“Umalis ka na bago pa mag-init ang ulo ko sa ’yo,” pagbabanta niya at halos mamutla ako nang tagain niya ang mesa niya gamit ang kanyang itak. Sa halip na matakot sa kanya ang mga tao ay natuwa pa ang mga ito.
Ako naman ay parang pinagpawisan. Takot po ako sa itak.
Nakangusong umalis na lamang ako pero maghihintay pa rin naman ako sa kanya. Baka akala niya ay susukuan ko agad siya? Ha, magsawa siya sa face ko kasi araw-araw ko siyang kukulitin hanggang sa makuha ko na ang loob niya.
“Ang kapal talaga ng mukha. Halatang nang-aakit lang siya kay Azul.”
“Oo nga.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top