CHAPTER 42

Chapter 42: Suspecion

BASANG-BASA na kami pareho ni Azul ng ulan. Dahil si Wez lang ang sinigurado niya na hindi ito mauulanan, na kahit isang patak lang ng tubig ay wala. Malamig nga dahil sa aircon ng mansyon nila pero dahil nakayakap siya sa akin ay napapalitan iyon nang init.

Ramdam na ramdam ko ang matigas niyang dibdib na nakadikit sa likuran ko. Ang mga braso niyang nasa baywang ko at ikinukulong ako ng mainit niyang katawan at ang pamilyar niyang amoy.

“A-Alam ko kung gaano kita nasaktan noon. Pero hindi ba ako puwedeng bumawi sa inyo ni Wez, Eljehanni? H-Hindi ko ba puwedeng akuin ang responsibilidad ko sa anak natin? Wala n-naman akong ibang gusto pang hilingin. Kayo lang naman ni Wez. Kayo lang ang gusto kong makasama, Eljehanni.  Mahal kita. Mahal pa kita at mas lalo kitang minamahal dahil ikaw ang ina ng anak ko.  Eljeh.  Tanggapin mo na ulit ako. N-Nakikiusap ako sa iyo. Tanggapin mo na ulit ako sa buhay ninyo ni Wez,” mahabang pakikiusap niya. Ramdam ko talaga sakit at hinagpis sa timbre ng boses niya.

May kung ano pa akong naramdaman sa dibdib ko dahil lang sa pagmamakaawa niya na tanggapin ko ulit siya. Hindi nga lang sa buhay ko, pati na kay Wez. Pero hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang mag-risk ngayon dahil may takot pa akong nararamdaman.

Iyong ginawa niya ay naka-t-trauma iyon. Wala siyang tiwala noon sa akin kaya umabot kami sa punto na kailangan din naming maghiwalay.

“I-I can’t.  N-Natatakot pa ako. N-Natatakot ako,” humihikbing sambit ko.

Mayroon pa akong takot na nararamdaman at hindi ko pa talaga kayang sumugal kung alam kong masasaktan din ako sa huli.

Hindi naman kasi ako naniniwala na magtitino ang isang tao, nagkamali siya. Oo alam kong wala namang perpekto sa mundo at lahat tayo ay nagkakamali pero puwede namang iwasan iyon ni Azul. Pero ano ba ang ginawa niya? Sinaktan niya ako at doon nawala ang tiwala ko sa kaniya.

“Maghihintay ako. Hihintayin ko kung kailan mo ulit ako matatanggap, Eljehanni... Hayaan mo akong. Ligawan ka ulit sa tamang paraan.” Wala akong naisagot dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Pareho kaming umiiyak ngunit mayamaya lang ay kumalas siya mula sa pagkakayakap niya. Marahan pa niya akong pinihit paharap. Hindi na ako nakatingin pa sa mga mata niya dahil nakayuko na lamang ako. He hugged me again at ilang beses na hinalikan ang ibabaw ng ulo ko.

Hinang-hina ako sa mga oras na iyon at wala nang lakas pa para magprotesta.

Siguro sa pagod na rin mula sa mahaba naming biyahe ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako na nakahiga na sa kama at tulog pa rin sa tabi ko si Wez. Nakayakap na siya sa ’kin. Tapos iba na ang suot ko. Puting bestida na tinatali pa ang strap nito.

Sino naman kaya ang nagbihis sa akin? Imposible naman kung ang lalaking iyon, ’di ba? Maingat kong inilipat sa unan ang ulo ng baby ko. Hinalikan ko pa nang tatlong beses ang pisngi niya saka ako dahan-dahan na umalis sa kama.

Hindi ko pa napasadahan nang tingin ang kuwarto pero basta malaki siya tapos pamilyar ang amoy. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang banyo. Nagulat pa ako dahil alam ko na kung kanino ang silid na ito. Base pa lang sa mga gamit nito sa loob. I sighed. Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na rin ako pero ’sakto naman nang pagbukas sa isa pang pintuan.

Si Azul ang pumasok at nagtagpo agad ang paningin namin kaya iniwas ko ang tingin ko. Nagulat naman ako nang makita kong gising na rin ang aking anak.

Nakaupo na nga siya sa gilid ng malaking bed at nakatutok sa isang direksyon ang tingin niya.

Humakbang ako palapit sa kaniya at tinawag siya. Seryoso ang mukha niya nang ibaling ang tingin sa side ko. Magulo ang mahaba niyang buhok at humihikab pa siya.

“You’re awake, hon,” sabi ko sabay halik sa noo niya. Binalewala ko ang presensiya ni Azul.

“Mommy?”

“Yes, honey?” tugon ko at umupo ako sa tabi niya. Mula sa sulok ng mga mata ko ay naglakad ito palapit sa amin.

“Bakit po kasama mo si Azul?” inosenteng tanong niya dahilan nang pagkakunot ng noo ko.

“Kasama ka namin, Wez,” pagtatama ko pero umiling siya at may itinuro sa kung saan. Sinundan ko iyon nang tingin at nanlaki ang mga mata ko sa nakitang picture frame sa bedside table.

Marahas na binalingan ko si Azul at maski siya ay nagulat din. Namutla pa nga siya at dali-dali niyang tinaob ang picture frame. Take note, tatlo pa iyon!

Iyong isa ay picture namin sa favorite spot namin dati, doon sa ilalim ng narra tree. Kung saan na nag-propose siya dati. Tapos ang pangalawa ay sa room ko at ako ang kumuha niyon. Nasa tapat namin ang malaking salamin at makikita pa rin ang pagyakap niya mula sa likuran ko at ang panghuli.

“Tàng-ina ka talaga, Azul!” malutong na pagmumura ko sa kaniya. Sa last picture ay hindi na para sa bata! Nasa loob kami ng kuwarto niya, siya mismo ang kumuha niyon.

Nasa kama kami nakahiga, kumot lang ang nakatakpan sa hubad naming katawan dahil katatapos lang naming mag-ano!

Nakasubsob siya sa leeg ko hindi dahil trip niya lang kasi nakahalik siya roon. Nakasabunot pa nga ang kanang kamay ko sa kaniyang buhok at ang isa ay mariin na nakahawak sa braso niya. Tapos ang landi pa ng looks ko! Kagat-labi pa ang bruha! Nakapikit pa nga at bahagyang nakaangat ang ulo para lang bigyan ng laya ang paghalik niya sa leeg ko! God! My son’s innocent eyes!

Bakit hindi ko nakita kanina para matanggal iyon bago pa magising si Wez?!

“Hindi iyon ako, Wez,” pagsisimula ko sa kaniya at kumiling ang ulo niya saka ako mariin na tinitigan.

“But she looks exactly like you, Mommy,” giit niya at ilang beses akong umiling.

“Siguro kamukha ko lang ang babae, hon,” sabi ko pa rin. Sana makuha siya sa palusot ko lamang.

“No. I know you very well, Mom. Your smile, kahit na po ang eyes mo. Do you think po paniniwalaan ko na coincidence lang na same color lang ang eyes ninyo?” Parang napako tuloy ako mula sa pagkakaupo ko. Bakit ganoon kaseryoso ang boses niya at bakit ganoon ang paraan nang pananalita ni Wez?

“Hon. . .” tawag ko sa kaniya at bumaling siya kay Azul.

“Bakit kasama mo ang mommy ko, Azul? Bakit nakayakap ka kay mommy from behind and most of all. Bakit kini-kiss mo ang leeg niya?” Pakiramdam ko ay nanlamig ang mga palad ko at pinagpawisan na agad ako.

“Wez.”

“Answer me. Bakit may picture kayong magkasama? What is the meaning of that?” sunod-sunod niyang tanong. Napabuntong-hininga na lamang ako. “Nakatatang-inà naman! Bakit ayaw niyo akong sagutin?!”

“Wezeinlure!” sigaw ko sa buo niyang pangalan. Ngayon ko hindi nagustuhan ang pagmumura niya. Parang hindi bata kung makasigaw nang ganoon!

“I just want your answer, Mom!” he fired back. Sa inis ko nga sa batang ito ay ginulo ko lalo ang buhok niya. Gustong-gusto kong sabunutan. Oh my God! “Do you know each other, Mom?” he asked. I avoid looking at him. “Do you know each other, Azul?” he asked again.

“Hindi.”

“Yes,” halos magkasabay na sagot namin ni Azul.

“Ampûta!”

“Kanina ka pa nagmumura, Wezeinlure! Hindi na ako natutuwa pa sa iyo!” sigaw ko sa kaniya sabay pisil sa pisngi niya at lumapit na si Azul para lang pigilan ako.

“Please, huwag mo na siyang sigawan pa, Eljehanni,” pagpipigil na saad ni Azul kaya ’sakto sa pagyuko niya ay inabot ko ang buhok niya saka ko hinila ito pababa.

“Kasalanan mo ito, eh! Bakit may picture frame tayo riyan?! Sinadya mong dalhin kami rito sa kuwarto mo para makita ng anak ko ang pûtàng-inang litrato na ’yan, ’di ba?!” Mula pa kagabi ay highblood na highblood na ako at mas lalo na ngayon. Dinagdagan niya lang ang inis ko.

“H-Hindi. Nawala lang sa isip ko iyan,” sagot niya at binitawan ko na ang kaniyang buhok. I even glared at him.

Nang ibaling ko ang tingin ko kay Wez ay nakapangalumbaba na siya sa tuhod niya.

“Wez, honey.” Nang hinawakan ko ang balikat niya ay umangat naman ang ulo niya. Nakita ko ang pagpula ng mga mata niya. Parang maiiyak na rin siya. Nagulat siguro sa pagsigaw ko sa kaniya. Naawa naman ako. “I’m sorry, anak ko,” paghingi ko nang paumanhin sa kaniya.

“Mom, can I ask you something?” he asked and I sighed.

“What is it, anak?” malambing na tanong ko at niyakap ko siya. Sinipa-sipa ko si Azul dahil masyado siyang malapit sa amin.

“Sino po ba ang daddy ko?” tanong niya at hayan na naman ang malakas na kabog sa aking dibdib.

“Si Sydney,” mabilis na sagot ko. Nakarinig ako nang pag-tsk ng kung sino riyan.

“Hindi po. Alam ko pong hindi si Daddy Sydney, Mom. Alam ko pong hindi siya. Please, be honest with me. Sino po ba talaga ang totoo kong daddy?” muling tanong pa niya.

“Wez, si Sydney nga—”

“Ako.” Marahas kong binalingan ulit si Azul. Ano ang karapatan niyang pangunahan ako?

“Hindi siya—”

“Sinungaling ka po, Mommy. Alam kong nagsisinungaling ka sa ’kin. Ikaw ang syota ng mommy ko, ’no Azul? Nag-kiss kayo sa picture at siya ang daddy ko, Mommy?”

“What syota?! Hindi kami mag-syota, Wez!” hysterical na tanggi ko pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top