CHAPTER 41

Chapter 41: Argument

ELJEHANNI’s POV

SIMULA nang makauwi kami ay hindi na binitawan pa ng anak ko ang saranggola na ginawa sa kaniya ng lalaking iyon. Ang lapad-lapad pa ng ngiti niya at parang hindi na rin niya ako napapansin pa.

Nagmistulang invisible na ako sa paningin ni Wez. Naririnig ko pa nga ang mahinang halakhak niya. Kumikislap nga ang mga mata niya. He looks happy and contented.

“Ack! This is so amazing!” he chanted. Napanguso pa ako at naisipan ko na ang lapitan siya. Nakaupo kasi siya sa paanan ng kama at kanina pa niya itinataas ang kite.

Umupo ako sa tabi niya at hinintay ko talaga siya na pansinin na niya ako pero wala talaga kaya inagaw ko na iyon sa kaniya. Nagtatakang tumingin na siya sa akin. Pero kinuha naman niya ulit iyon.

“Hindi mo na ako pinansin pa simula nang umuwi tayo rito, hon,” sabi ko at nang tumulis ang labi ko ay mahinang natawa siya.

“You’re so pretty, Mommy,” he said at binitawan na nga niya ang nasa kamay niya. Kumandong siya sa ’kin nang paharap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “I love you, Eljehanni.” I rolled my eyes.

Táng-ina, kasalanan siguro ng lalaking iyon kung bakit madalas din akong tawagin ni Wez sa buo kong pangalan. Kulang na lang ay banggitin ang second name ko. Ampûta!

Pero dahil ako lang naman ang pinagmanahan ng anak ko ay ayos lang. Nevermind na lang sa face niya, basta nakikita ko ang mga mata ko sa kaniya, na namana pa namin kay papa.

“I love you too, hon. Stop calling my name,” I said at marahan kong kinagat ang pisngi niya na ikinabungisngis niya.

“But I love it everytime I call you that, Eljehanni,” he reasoned out.

“Shut up, little man,” I hissed him. Tumawa lang siya.

“Oh, I love you even more, Mom,” natatawang sambit pa niya sabay halik sa kamay ko. Naiiling na lamang ako sa kaniya. Makulit siya at bibo pero sobrang sweet din sa mommy niya.

Oh, yeah. Sa akin nga talaga nagmana ang baby Wez ko na ito. Love na love ko ito at kahit sa totoong ama niya ay ipagdadamot ko siya.

IN THE next day ay sabay-sabay na kaming nag-breakfast kasama ang parents ko. Busy si mama sa pag-aasikaso sa kaniyang apo.

Kasama rin namin si Sydney at in-invite naman ni papa si Zilla para saluhan kami sa breakfast. May pag-uusapan din yata sila. May itinuturo kasi ang papa ko kay Zilla.

Nasa gitna ako nina papa at Sydney. Sa tapat namin ay nakaupo naman sina mama, Wez at Zilla.

Ayos na ayos na nga si Zilla at parang may meeting siyang dadaluhan. Samantala, hindi pa nga kami nakaliligo ni Wez. Si Sydney naman ay fresh na ngang tingnan ang hudas na ito.

“Anyway, Eljeh. Bago ko makalimutan, anak. May survey tayong gagawin ngayon at sa susunod na araw ay saka natin i-p-present,” pagsisimula ni papa at napahinto ako saglit sa pagkain.

“Survey? Saan po tayo this time, ’Pa?” tanong ko. Palagi naman kaming nagkakaroon ng survey, every year ay limang beses naming ginanahan iyon, lalo na sa farm namin or sa working place ng farmer. Para na rin malaman ng lahat ang background nito. Advantage na rin iyon para mas gumanda ang reputation ng farm namin.

Dinadayo kasi kami ng mga agriculturist and from university pa ang iba. Professional din sila.

“Sa factory ng pamilyang Belgica,” mabilis na sagot ni papa at tiningnan ko agad si Zilla. Tama ba ang narinig ko? Sa place ng lalaking iyon?

I glanced at my assistant. “Mag-aasign ka ng mga tauhan natin para pumunta roon, Zilla,” utos ko.

“No, anak. Ikaw mismo ang gagawa niyon para malaman ng mga tao na ang owner mismo ang nag-conduct ng survey. Dahil tayo ang nagtiwala sa factory nila at naging supplier din,” paliwanag ng aking ama dahilan na kumunot ang noo ko.

Paanong ako na? Ako na ang mag-s-survey? Hindi ba puwedeng mag-utos na lamang kami ng mga tauhan namin?

“Puwede naman po sigurong iutos natin ito sa mga tauhan namin, ’Pa? Busy po ako sa farm,” I reasoned out. Nilingon ko naman ang assistant ko. “Ikaw, Zilla? Wala ka naman sigurong gagawin, ’di ba?”

“Mayroon pa, Ma’am. Makikipagkita po ako sa may-ari ng factory kung saan natin pinapadala ang mga bigas,” sagot niya. Hindi iyon puwedeng ipagpaliban. On the spot ang bayad, eh. I mean cash agad ang pag-deliver namin. Isa iyon sa nagustuhan kong negosasyon.

“Sydney, hindi ka naman siguro busy? Since nasa villa ka naman namin, right?” tanong ko naman sa katabi ko. Puwede ko siyang utusan kasi hindi naman siya tumatanggi.

“Hmm. Actually, humingi ng request ang papa mo na samahan ko ang secretary mo sa Manila.” My eyes widened.

“What the—’Pa, hindi kailangan ni Zilla ng kasama. She can handle herself po. Huwag ninyong ipasama si Sydney. Baka kung ano ang gawin ng isang ito, eh,” ani ko at siniko ko pa si Sydney. Narinig ko pa ang pagdaing niya.

“Grabe ka naman, Eljeh,” nakasimangot na sabi nito.

“'Ma—”

“Isama mo na si Wez sa ’yo, darling.” Hindi pa nga ako nagsasalita ay may sinasabi na agad ang aking mama.

Wala tuloy akong choice kundi ang pumunta na lamang doon para sa survey at kasama ko pa ang aking anak. Mabuti na rin siguro iyon para maibaling ko kay Wez ang atensyon ko.

Sa kalagitnaan nga nang biyahe namin ay naabutan na kami ng malakas na ulan. Gusto kong magmura sa totoo lang. Pero pinipigilan ko dahil kay Wez.

Dinala niya sa isang kuwarto si Wez. Nagulat pa nga ako dahil inuwi niya kami sa mansyon. Dito siguro siya nakatira dati, ano? Gàgo talaga. Sa dami nang mapuntahan namin ay rito pa sa tahanan ng hudas.

Maingat niyang ibinaba sa kama si Wez at kumunot pa ang noo ko dahil nagtungo siya sa paanan nito para hubarin ang sapatos ng bata.

Tinabig ko ang kamay niya na ikinagulat pa niya. “You don’t need to do that. I can handle my son alone,” malamig na sabi ko at narinig ko ang paghinga niya nang malalim.

“Puwede ko bang alagaan siya kahit tulog lang siya, Eljehanni? Hayaan mo na akong gawin ito sa kaniya,” pakikiusap niya sa mababang tono. I gritted my teeth.

“Para ano pa? Hindi ka naman kilala ng anak ko. Inaabala mo pa ang sarili mo,” salubong ang kilay na saad ko at saglit na dumilim pa ang bukas ng mukha niya pero nang nag-iwas siya nang tingin ay lumambot ulit ang ekspresyon ng mukha niya.

“Eljehanni. Ayoko sanang sabihin ito sa iyo pero kailangan.” Sumama lang ang timpla ng mood ko. “Pinaghirapan naman natin si Wez, ’di ba?” tanong niya para lang kumunot ang noo ko.

“Ano’ng pinagsasabi mo?” may bahid na galit na tanong ko at pinagkrus ko pa ang mga braso ko.

“Si Wez, hindi lang naman ikaw ang gumawa sa kaniya, ’di ba? Tayong dalawa ang naghirap na buuin siya,” he said in a flat tone. Pakiramdam ko ay nagkulay kamatis na ang mukha ko nang ma-gets ko ang pinagsasasabi niya. Bumilis pa ang tibok ng puso ko.

“Naghirap? Ako ang naghirap!” sigaw ko at mabilis siyang lumapit para lang hawakan ako sa siko. Hindi ako nakapalag dahil iginiya niya ako palabas. Siniko ko nga siya at sinuntok sa sikmura. Mahinang daing lang ang ginawa niya at napahawak sa tiyan niya. “Ang kapal ng mukha mo para sabihin na pinaghirapan natin si Wez?! Sarap lang naman ang naramdaman mo at nilabasan lang! Puwede pa nga na hindi ka na magkaroon ng pakialam at kalimutan ang tungkol sa kaniya. Parang nag-donate ka lang naman ng sperm mo sa akin kaya nabuo si Wez!” sigaw ko sabay duro sa dibdib niya.

Tumigas ang ekspresyon niya na tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Gusto ko tuloy siyang pagtawanan. Kung ako ang masusunod ay hinding-hindi ko na ipapakilala pa ang anak ko sa kaniya. Wala na siyang karapatan pa.

“Anak ko si Wez, nabuo natin siya dahil mahal natin ang isa’t isa!” sigaw niya rin pero pinipigilan niya ang tuluyan na sumabog ang emosyon niya.

“Noon iyon! Oo! Mahal natin ang isa’t isa! Dati! Siya nga ang bunga ng pagmamahalan natin pero dati pa iyon!” nanlilisik ang mga matang sigaw ko pa at mariin siyang napapikit dahil sa inis.

“Ano ba ang dapat kong gawin para tanggapin mo ulit ako sa buhay mo, Eljehanni?” tanong niya sa mahinahon na boses. Sarkastikong napahalakhak ako at bigla naman siyang lumuhod kaya umatras ako.

“I don’t want to say sorry, dahil gasgas na iyon. Para saan pa ang paghingi ko nang paumanhin kung nasaktan na kita? Na hindi ko na kayang ibalik pa ang oras na iyon at hindi ko na mababago pa. But at least, bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon, Eljehanni. . . Patunayan ang pagmamahal ko sa iyo.” Binawi ko ang kamay ko nang sinubukan niya akong hawakan.

“Tàng-ina mo! Apat na taon, Azul! Apat na taon na ang nagdaan! Kung gusto mo akong bawiin ay dapat noon pa! Hindi mo pinaabot na magkaisip pa ang anak mo! Nakakatàng-ina ka talaga!” Sa sobrang inis at galit ko ay gusto ko tuloy siyang tadyakan sa bird niya! Wala akong pakialam kung mabaog pa siya!

“W-Wala akong lakas nang loob, Eljehanni,” pagdadahilan niya.

“Fvck you!” malutong na mura ko at tinabig ko siya para sana pumasok ulit sa silid nang hilahin niya ang baywang ko saka niya ako niyakap mula sa likuran. “Bitawan mo ako!” Nagpumiglas ako mula sa pagkakayakap niya pero masyado siyang malakas kompara sa ’kin.

He buried his face on my neck at nararamdaman ko rin ang pagkabasa niyon. Sinusundo ko pa ring tanggalin ang mga braso niya pero ayaw talaga.

Hanggang sa hindi ko na nga namalayan pa na umiiyak na ako, maririnig din ang paghikbi niya. Bumalik sa ’kin ang lahat ng sakit na ibinigay niya noon. Ngayon ay parang fresh na fresh ang mga alaalang iyon kahit apat na taon na ang nakalipas.

Hindi ko lang talaga mapigilan na balikan ang mga masasakit na pangyayaring iyon. Nakaiinis, nakaiinis na talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top