CHAPTER 4

Chapter 4: Breakfast with Azul

BASE pa nga lang sa panlabas na anyo nito ay mahirap siyang pakisamahan. Emotionless kasi siya. Tama nga si Nanay Lore. Hindi siya pala-kaibigan at hindi rin talkative. Seryoso lang siya at tahimik. Focus siya sa work niya. Tapos hindi rin mahilig makipag-interact sa iba.

Gayunpaman ay hindi pa rin ako susuko na kulitin siya. Gusto kong makipagkaibigan kay Azul. Ewan ko kung bakit at kung ano ang reason ko para magkaroon ng interes na kaibiganin siya.

“Sabay na tayong mag-breakfast, Azul? Ako nga pala si Eljehanni Elites Ciesta, 27 years old na ako. Ikaw? Azul lang ba ang pangalan mo? Of course may karugtong pa iyon, right? Ang unique ng name mo, ha. Azul, as in color blue?” daldal ko sa nanahimik na poging hardinero namin.

Iniluhod niya ang isang binti niya sa lupa kaya nag-squat naman ako. Para ma-level ko ang face niya. Mabilis siyang nag-iwas nang tingin, nakaharap nga kasi ako sa kaniya para makita ko ang ginagawa niya.

“Señorita, nandito na ang agahan ninyo,” sabi ni Nanay Lore. I looked at her at nakataas ang sulok ng mga labi niya.

“Ilapag niyo na lang sa table, Nanay Lore,” ani ko at sinulyapan ko si Azul. Pinagpapawisan na siya kasi tumutulo na iyon mula sa buhok niyang nalalaglag sa noo. Ang tangos ng ilong niya at parang hindi siya pure Filipino. Baka may half-half siya. Ang panga niya, ilang beses ko nang nakita ang pag-igting nito. Natural na mapula ang lips niya. “Tara, Azul. Breakfast muna tayo?” pag-aaya ko. “Bawal tanggihan ang grasya, Azul. Alam mo ba iyon? Bad iyon.”

Bumuntong-hininga siya na parang naiinis na naman siya sa presensiya ko o kaya naman ay naingayan siya sa kadaldalan ko.

“May trabaho pa ako,” sabi niya lang. Halos hindi ko pa marinig sa hina ng kaniyang tinig.

“Puwede mo namang tapusin iyan mamaya. Sige na, kain muna tayo,” pamimilit ko pa rin. Ginulo niya ang buhok niya para lang mapatingin ako sa kili-kili niya. Lalaking-lalaki at may bigote pa siya. Ayiee. Bakit kaya pinili niya ang ganitong klaseng trabaho?

Puwede nga siyang ipasok sa modeling. Aba, sure ako na maraming agency ang kukuha sa kaniya at pag-aagawan pa siya. Magiging sikat siya kapag natuloy iyon. Hakot award siya kapag nagkataon.

“Tsk.” I snorted. Kasungit nito, ay.

“Gutom na ako, Azul,” sabi ko at hinawakan ko pa ang impis kong tiyan. Napatingin siya roon at umikot ang eyeballs niya. Hala, marunong pala siyang mag-roll eyes. Binitawan niya ang hawak niya at naglakad palapit sa mesa. Napangiti ako dahil napapayag ko rin siya. Isinuot niya ulit ang t-shirt niya. Sayang iyon, libre show sana ang abs niya.

Umupo na rin siya kaya pumuwesto na ako sa tapat niya. Toasted bread, fried rice, half-cooked eggs and sandwich ang nakahanda. May isang pitcher ng strawberry juice and two cups of coffee. Umuusok pa sa init nito.

Nagsalin ako ng juice sa baso at iniusog ko iyon sa kaniya. Napatingin pa siya roon saka niya ito kinuha at inisang lagok lang. Ang sexy nang pagtaas-baba ng adams apple niya. Sumimsim ako ng kape ko habang pinapanood ko siya. Muntik pa akong mapaso nang makita ko na nabasa ang lips niya. Nag-p-panic ang system ko sa nakikitang ka-sexy-han niya.

Inilapag ko iyon sa table at saka ako nagsandok ng fried rice. Lahat ng ulam ay inilagay ko sa pinggan. After that ay ipinalit ko iyon sa kaniya. Kinuha ko ang walang laman na plate niya. Wala sa sariling napatingin na naman siya roon.

“Ubusin mo iyan, ha? Bawal magtira,” ani ko.

Sinabayan niya nga akong kumain at napansin ko naman na may ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa amin. I glanced at my balkonahe kasi roon ko naramdaman ang titig na iyon. I smiled at my parents at si papa ay nailing na lamang siya. Si mama naman ay nag-thumbs up pa sa ’kin.

Ganyan talaga sila, hindi nila ako sinusuway sa mga bagay na gusto ko at parang supportive pa sila sa anak nila.

Nakontento ako sa pananahimik niya basta kasalo ko siya sa breakfast. Ano kaya ang mayroon kay Azul at nagagawa niya akong gawin ang mga bagay na hindi ko naman madalas na ginagawa? Guwapong-guwapo pa ako sa kaniya. Siguro nga ay crush ko na siya. Ang heartbeat ko ay hindi na naman normal but I ignore na lang. Focus muna ako.

Natapos na niya ang food niya pero ako ay hindi pa at mukhang busog na rin ako. Baka dahil iyon sa kaniya, nabusog agad ako sa kaguwapuhan niya.

“Busog na yata ako! Hindi ko na kayang ubusin,” nakangiwing sabi ko at nang tingnan ko ang reaction niya ay hindi na naman maipinta. He’s always grumpy.

“Ubusin mo iyan,” mariin na utos niya. I frowned. Wala na akong choice pa kundi ang ubusin na lang lahat. When I finally done ay napasandal ako sa headrest ng upuan ko habang hinimas-himas ko ang tiyan ko.

“Kailangan kong i-digest ang food sa tummy ko dahil baka tumaba pa ako nito,” ani ko at mabilis kong nilapitan ang iniwan niyang gawain kanina. Nang hawakan ko iyon ay medyo mabigat siya pero sinubukan ko pa ring magbungkal ng lupa. Ang kaso lang ay nanakit ang braso ko. “Pûta! Ang sakit! Sobrang bigat ng tang-inang ito!” malutong na mura ko at inagaw iyon ni Azul. Masama na agad ang tingin niya sa akin. Parang may ginawa na naman ako na hindi niya nagustuhan. Hay naku, always na lang. “May problema ba at bakit ganyan ka makatingin sa ’kin, Azul?” na-c-curious kong tanong.

“Saan mo natutuhan ang magsalita ng ganyan?” malamig niyang tanong. Tila hinukay pa sa libingan ang kaniyang boses, malamig pa sa yelo.

“Ang alin?” kunot-noong tanong ko. Kasi naman hindi ko agad na-gets.

“Ang magmura. Kababae mong tao ay palamura ka na.” Napakamot ako sa pisngi ko. Hinawakan niya ang pulso ko at ibinaba iyon. Para siguro huwag kong kalmutin ang pisngi ko. May sparks pa rin sa kamay niya.

“Iyon ba? Uso kaya iyon ngayon. Sinasabi ng mga kabataan. Like pûta, gágo, tang-i—” Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko and he even glared at me. Ang laki talaga ng palad niya at kaya niyang sakupin ang mukha ko. Super.

“Subukan mo pang magmura dahil may kalalagyan iyang bibig mo,” banta niya. Tinanggal ko ang kamay niya at napangisi ako.

“Pûta.” Umatras ako dahil parang isa siyang mabangis na leon na handa nang kumain ng taong buhay.  Napatalon naman ako nang makaramdam ako ng kirot sa paa ko. “Fvck! Fvck! Fvcking shít!” sunod-sunod na mura ko dahil kinagat yata ako ng langgam! Hinubad ko ang slipper ko at naiiyak na pinagpagan iyon. Ilang beses ko pang kinalmot. Iniluhod na naman niya ang isang binti niya at tiningnan ang paa kong nagsimula nang mamula. “Ang sakit at ang kati niya! Pûtàng-ina ng mga langgam na iyon!” naiiyak kong sigaw.

Tumayo siya at akala ko ay iiwan na niya ako pero bumalik din pala siya. Muling lumuhod sa harapan ko kasi nakaupo na nga ako sa damuhan. May ilang pirasong dahon ang nasa kamay niya at pinahid niya iyon sa kaliwang paa ko. Nag-kulay green na nga ang balat ko pero kahit papaano ay nawala na ang sakit at pangangati. Nabawasan na iyon.

“Ito ang karma mo. Tsk.”

“Ha? What’s karma? Wala naman akong ginagawang masama, ah,” depensa ko sa sarili ko. Karma raw? Bakit naman ako kakarmahin. Good girl kaya ako.

“Ang hilig mo kasing magmura,” sabi niya at napakamot na lang ako sa ulo ko.

“Ano pala ’yan?” tanong ko at itinuro ko ang dahon na pinapahid niya pa rin sa balat ko.

“Dahon ito ng sili,” sagot niya at pinagpapalo ko na ang kamay niya. Pinukulan na naman niya ako matalim na tingin.

“Masakit pa rin ang sili!”

“Ito ang mabisang lunas para sa kagat ng mga langgam,” giit niya. Kahit na ba!

“Kailan pa naging lunas ng langgam ang dahon ng sili?!” hysterical na sigaw ko at iritadong hinila niya ang buhok niya.

“Nawala naman ang sakit at kati, hindi ba?! Bakit ka nagrereklamo?!” sigaw niya para lang tumulis ang labi ko. Nagawa niya akong sigawan.

“Sinisigawan mo ba ako?! Püta ka!” Mariin siyang napapikit at hinatak ako patayo.

“Gamutin mo ’yan ng ointment o kung ano na puwedeng mawala ang pamumula niyan,” sabi niya. Nang hindi ako kumilos ay itinuro niya ang pintuan ng back door namin.

“A-Ano pala ang pangalan mo?” tanong ko na naging kalmado rin sa huli.

“Alam mo na, ’di ba?” Naputol na agad ang pisi ng pasensiya niya.

“Azul lang?” tanong ko. “Azul lang talaga? Ang damot mo naman sa pangalan mo. Hindi ko naman kakainin iyan.”

He took a deep breath before he uttered his name. “Azulenzure El Greco Belgica.” My lips parted in shock. Ang haba naman pala ng pangalan niya!

“Belgica?” gulat kong sambit sa last surname niya. Sounds social.

“Apelyido iyon ng papa ko at ang El Greco naman ay sa mama ko,” paliwanag niya na tinanguan ko tapos tinitigan niya ang eyes ko. “May inilagay ka ba sa mga mata mo?” bigla ay tanong niya. Marunong din pala siyang ma-curious.

“Ginawa? Ano naman ang ibig mong sabihin doon? Ano’ng ginawa ko?” Napakurap pa ako nang ilang beses. May ginawa ba ako sa eyes ko? Hindi kaya ako naka-make-up ngayon.

“Natural ba na kulay berde iyan?” Inirapan ko siya nang makuha ko na ang ibig niyang sabihin.

“Bakit akala mo fake ito?! Natural ito, ano! Nakuha ko ito kay papa! Nakita mo naman kaya ang color eyes niya!” sigaw ko sa kaniya. Mariin niya lang naitikom ang bibig niya.

Hindi niya kasi nakita ang color eyes ko kahapon. Dahil naka-shades ako. Ngayon niya lang nakita sa malapitan.

“Tss.” Tinapos na niya ulit ang work niya at pumasok na ako sa bahay namin.

“Azulenzure El Greco Belgica. Iyon pala ang buo niyang pangalan. Grabe, as in Azulenzure?” namamanghang tanong ko sa sarili ko.

“Darling, ano ang nakita namin ng papa mo kanina, hmm?” Nakasalubong ko naman sina mama at papa. Nakaangkla ang kamay niya sa braso ni papa at may pilyong ngiti pa ang mama ko. Si papa naman ay napa-tsk lang at umiiling.

“Hayon nga po, pinasabay ko siya sa breakfast ko. Para na rin mag-thank you sa kaniya, pero behave lang po siya, eh. Kaya hindi ko nasabi,” sagot ko.

“Paano mo naman siya napapayag na sabayan kang kumain, anak?” curious na tanong ng aking ama.

“Ayaw pa nga niya noong una, papa. Sabi ko gutom na ako. Hayon nagkusa siya at inubos niya ang lahat ng pagkain na inilagay ko sa pinggan niya. Tapos alam niyo po ba ng hindi ko na kayang ubusin ang food ko? Sabi niya, ‘ubusin mo iyan’, aba po, tunog nambabanta na siya. When I muttered a curse ay nagalit siya kasi at pinagbawalan ako, kababaeng tao ko raw po ay pala-mura na ako,” mahabang paliwanag ko at pareho silang natawa.

“Mukhang may katapat na ang anak natin, hon,” sabi ni papa sabay halik sa sentido ni mama.

“Well, suportahan na lang natin ang anak natin, honey.” I shrugged.

“Inosente po ako sa sinasabi ninyo at sa mga iniidolo niyo ngayon,” ani ko at patakbong umalis na ako roon. Dinig na rinig ko ang tawanan nilang dalawa.

Dumiretso agad ako sa banyo at naligo. After that ay ginamot ko ng ointment ang paa ko. In fairness naman ay mabisa nga ang dahon ng sili. Paano niya kaya naisip iyon? Siguro iyon din ang ginagawa niya kapag kinakagat siya ng mga langgam, ano? Since hardinero rin siya.

After that ay sumilip ako sa balkonahe ko para silipin kung nandoon pa siya pero wala na. Ilang oras kaya siya nagtratrabaho rito sa amin? Sa umaga lang kaya?

“I need to ask my mother for that,” I muttered and went to my door.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top