CHAPTER 38

Chapter 38: Contract & 10 years, expiration

“OPO, tita. Kadarating ko lang po noong isang araw. Ayos lang po kami ni Lola Molai,” sagot ni Azul at sumulyap pa sa gawi ko pero nang makitang walang emosyon akong nakatingin sa kaniya ay mabilis siyang nag-iwas nang tingin. Hindi rin nakatakas sa ’kin ang bayolente niyang paglunok.

Ang hayop na ito, ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sa villa namin. Tapos ang kaswal lang kung makipag-usap sa mama ko. Na parang wala siyang atraso sa anak nito, ah? Ang kapal-kapal ng mukha niya. Táng-ina niya.

“Imbitahan ko nga minsan si Aling Molai sa villa, para makipagkuwentuhan sa kaniya,” saad ni mama at ang labi ko naman ang kumibot-kibot.

Seriously, mama? Kailangan mo pa ba talagang makipaglapit sa mga taong iyon? Nakalimutan na yata ng mama ko ang ginawa ng lalaking ito sa ’kin. Pünyeta!

“Sasabihin ko po sa lola ko, tita. Baka po ay hindi kayo tanggihan no’n,” sagot na naman ng hudas kaya nang magtama ang mga mata namin ay napatikhim siya. Nahuli ko ang pagpula ng magkabilang pisngi niya. Feeling close na siya ngayon, ha?

“Ampüta,” bulong ko at tumalikod na ako.

“Halika, hijo. Mag-agahan na muna tayo,” narinig kong pag-iimbita ng aking ina sa lalaki. Say no, Azulenzure!

“Sige po, tita.” Fvcking shït!

Nakarinig naman ako nang marahan na paghalakhak from Sydney kaya siya tuloy ang napagbuntunan ko nang galit at inis. Kanina pa nga ako nagtitimpi.

“Aw, sweetheart,” mahinang daing niya nang kinurot ko ang tagiliran niya. Napahagikhik pa nga si Wez.

SA DINING room, si papa ang nasa dulo ng mesa. Bale nasa gitna talaga siya at sa side niya ay si mama tapos ang táng-inang makapal ang mukha ang katabi nito. Kami naman ang nasa tapat nila at nakaupo sa gitna namin ni Sydney si Wez. Abala ang isang ito sa pagpapakain sa anak ko.

Kitang-kita ko ang pag-asikaso ni mama sa lalaking ito. Samantala, si papa naman ay tahimik lang siyang nagmamasid. Kaswal lang din ang pakikitungo niya sa lalaki.

“Kain ka lang nang kain, Azul. Huwag kang mahiya sa amin, hmm?” may lambing na tanong pa ng aking mama.  I looked at my father. Nagkibit-balikat lang siya at sinenyasan ako na kumain na lang daw.

I took a deep breath at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko pero hindi ko yata kayang lunukin ang fried rice dahil sa nararamdaman kong dalawang pares ng mga matang nakatingin sa ’kin. Kanina pa siya, ha.

“Salamat po, tita.” I almost rolled my eyes.

“How are you, Azul? Nasa Sta Maria ang farm ninyo, ’di ba?” Sta Maria? Kung ganoon alam talaga ni papa ang tungkol sa pinagmulan ng gagóng ito?

Oh, dámn. Napaghahalataan akong bitter dahil kanina pa ako nagmumura at kanina ko pa siya tinatawag ng kung ano-ano na bagay naman itawag sa kaniya. Pinakalma ko na lamang ang sarili ko pero nakaiinis ang bilis nang tibok ng puso ko. I sighed.

“I’m fine, tito. Opo, inasikaso iyon ni lolo,” sagot nito.

“Nagkita kami noong nakaraang buwan ng lolo mo. Nabanggit niya na gusto niyang mamasyal sa Sta Rosa. Kaya dadalhin ko siya sa farm namin kung may oras na siya,” ani pa ni papa.

“Matutuwa po si lolo niyan.” Nagtagpo ulit ang mga mata namin at pekeng umubo pa siya. Umikot ang mga mata ko at nakita iyon ni Sydney. Pangisi-ngisi na ang lintik na ’to!

“Mommy, water po,” pakikisuyong saad ni Wez. May nag-abot naman ng basong tubig at akmang kukunin ko na iyon nang mapansin ko ang kamay nito. Kumuha ako ng iba at hindi ko pinansin ang baso na hawak ni Azul. Alam kong napansin iyon ng parents ko pero ano naman ang pakialam ko? “Mom, hayon po ang tubig kay Azul, oh!”

“Shut up!” sigaw ko sa aking anak at napanguso siya sabay hawak sa dibdib niya.

“Darling, huwag mo namang sigawan ang anak mo,” may lambing na saad ni mama.

“Sorry po, ’Ma. Inaabala po niya ang ibang tao,” pagdadahilan ko.

“Galit ka na agad, Eljehanni? Wala naman akong kasalanan sa ’yo, ah,” nakasimangot na sabi ni Wez.

“Apo, don’t call your mom like that,” sita naman ni papa.

“Inaaway po ako ng anak mo, lolo,” sumbong niya at nang tingnan ko si Azul ay salubong ang kilay niya habang nakatingin kay Wez.

“Wez, mommy mo siya,” ani naman ni mama.

“Alam ko po! Pero inaaway po ako palagi ni Eljeh—”

“Mommy, call her like that, Wez. She is your mother, always remember that,” sabat ni Azul. Ano naman ang karapatan ng isang ito na pangaralan ang anak ko?

“Ampüta! Pinagtutulungan na nila ako, daddy!” sigaw nito na may kasama nang pag-iyak.

Nagawa pa rin naman siyang patahanin ni Sydney dahil kung ano-ano na naman ang pinangako niya sa bata. Kahit na kailan talaga ay in-spoiled niya ito. Noong tumahan na nga ay inilabas pa ang dila para lang asarin ako. Napapatanong na lamang ako kung minsan. Kung anak ko ba talaga ang batang ito o kapatid ko lang na mahilig mang-asar?

Madalas nga kasi na nag-aaway kami at nagmumurahan pa kaya nasanay na siyang magsalita ng bad words. Inaasar kasi ako ng batang ito.

Nang matapos nga kami ay nauna akong pumanhik sa aming silid at narinig ko pa ang pagtawag ni Wez pero hindi ko siya pinansin.

Sumunod lang siya noong natapos na rin akong naligo at bihis na bihis na. Nakabalot lang siya ng malaking tuwalya. Si Sydney na yata ang nagpaligo sa kaniya.

“Mommy, bihisan mo na po ako,” sabi nito. Inirapan ko siya.

“Doon ka sa daddy mo!” sigaw ko at tumulis ang labi niya.

“Nagagalit ka na naman po sa akin! Palagi mo na lang akong inaaway, mommy!” nagtatampong sigaw niya at tumalon-talon pa para lang ipakita sa ’kin na frustrated na rin siya.

Kinuha ko na ang damit niya dahil kanina ko pa ito inilabas para maisuot na niya. Ibinato ko iyon sa kama.

“Magbihis kang mag-isa mo,” ani ko. Hindi na nawala pa ang pagnguso niya. Lihim akong napangiti dahil na-c-cute-an ako sa hitsura ng baby ko.

“Mommy naman po. . . H-Hindi po ako marunong. Sorry na po if may ginawa akong bad sa ’yo. . . Love na love pa rin kita, mommy kahit minsan ay iniinis mo na ako,” sambit niya. Hindi naman siya umiyak pero namula lang ang mga mata niya. Lumambot ang puso ko at nilapitan ko na siya.

Umupo ako sa kama at hindi ko pa nga siya tinatawag ay lumapit na siya sa akin. Binuhat ko siya at pinaupo sa lap ko.

“Sorry, hon. Malapit na yata ang red tide ni mommy kaya nagsusungit na siya sa ’yo,” I reasoned out. Pinatuyo ko ang mahaba niyang buhok at inosenteng tumitig ito sa mukha ko.

“Okay lang po.” Inilabas niya ang maliit niyang kamay at kumunot ang noo ko nang pisilin niya ang dibdib ko. “Mommy, may gatas ka pa ba?” inosenteng tanong nito. I chuckled.

“Matagal ka nang huminto, anak. Kaya wala na iyan,” sagot ko at hinalikan ko siya sa sentido niya.

Puting t-shirt ang pinili kong isusuot niya at jumper suit. Isasama ko siya mamaya since wala naman yata silang lakad ng daddy niya. Si Sydney ang tinutukoy ko.

Pagkatapos ko siyang bihisan ay binuhat ko siya at nagtungo kami sa vanity table. Ibinaba ko siya at kitang-kita namin pareho ang mukha namin sa salamin. Sinuklay ko ang buhok niya at pinatuyo ito gamit ang hairdryer.

“'My, i-tie mo po rito, oh,” request niya at itinuro ang bumbunan ng kaniyang ulo. Tumango ako at tinali ko ito nang mataas. Sinuklay ko rin ang bangs niya. Mukha talaga siyang babae kapag ganito ang ayos niya. Nilagyan ko siya ng face powder and perfume.

Nang matapos ay ilang beses ko siyang pinanggigilan na hinalikan sa magkabilang cheek niya at sa leeg niya. He smell so good kasi. He just giggled.

I wore my white white peplum blouse and dark blue cargo pants. Ankle boots ang suot kong panyapak at rubber shoes na puti naman iyong kay Wez.

Whole day kami sa farm kaya kumuha na rin ako ng extra niyang damit in case na pagpapawisan na naman siya sa paglalaro doon. Nasa backpack na niya iyon at ang iba pa niyang mga gamit. Like his tumbler na may laman na gatas.

Sinukbit ko ang backpack niya sa balikat ko. “Let’s go na, hon,” pag-aaya ko sa kaniya at naglahad ako ng kamay. Nagmamadali siyang lumapit sa gawi ko at humawak sa kamay ko.

“'My, ang airplane ko po?” tanong niya na nakatingin sa center table. Puro laruan niya ang nasa loob ng kuwarto ko.

Mayroon pa nga sa bedside table, sa bed namin, sa sofa na maayos namang nakalagay roon. Wala kang makikita na pakalat-kalat ang mga ito sa sahig. Hindi ako ang nag-aayos nito. Siya mismo. Pagkatapos niya kasing maglaro ay ibinabalik niya ito sa pinaglalagyan niya. May sarili naman siyang playroom pero madalas sa labas siya kung maglaro. Wala siyang kasama kaya nagiging pasaway niya.

“Gusto mong dalhin natin?” I asked him and he nodded. Ngumiti ako sa kaniya at ako na ang nagdala niyon. May kalakihan talaga siya. Mabigat pero kayang dalhin ng bubwit na ito. Hawak naman niya ang remote control nito.

Nasa sala naman sina mama at Nanay Lore. Abala sila sa panonood ng movie sa TV. Naririnig ko pa nga ang pagtawa nila. Nang mapansin nila kami ay ngumiti sila sa amin.

Lumapit kami ni Wez para halikan sila sa pisngi at nagmano naman ang anak ko sabay halik sa kaniya ng mga ito sa pisngi.

“Si Sydney po, ’Ma?” magalang kong tanong.

“Kasama ang papa mo, darling. Maglalaro daw sila ng golf,” sagot ni mama. Last two years ay nagpagawa ako ng golf club para kay papa. Para na rin may iba siyang panlibangan habang nasa villa siya at marami na siyang mga kaibigan na nasa politika, na dinadalaw siya para lang makipaglaro sa kaniya ng golf.

“Ah, okay po. Isasama ko na po si Wez sa farm, mama,” paalam ko.

“Sige-sige. Dahan-dahan ka lang sa pagmamaneho, darling,” she said saka kami lumabas ni Wez.

Nagtungo kami sa kotse ko at isinakay ko siya roon. Pinili naman niyang hawakan ang laruan niya at inilagay sa lap niya. Inilagay ko lang sa backseat ang backpack ng aking anak at pinaharurot ko na ang sasakyan ko.

Sa kalagitnaan naman ay kumakanta na si Wez. Sinasabayan ko siya sa pagkanta na sinasadya niyang palitan ang lyrics, sa pangalan ko talaga iyon. Naiiling at natatawa na lamang ako sa kaniya.

Pagdating namin ay napatingin agad ako sa labas ng bintana at naibaba ko pa ito. Ang kotseng ito ay nakita kong naka-park sa labas ng bahay ni Lola Molai. So, ano’ng ginagawa nito rito?

Nauna akong bumaba at umikot sa side ni Wez. Binuksan ko ito at tinanggal ko ang seatbelt niya. Kinuha ko na muna ang eroplano niya at inalalayan ko siyang makababa.

“Thanks po, mommy ko!” masayang bulalas nito. Pinisil ko lang ang pisngi niya.

Magkahawak kamay kami ni Wez nang maglakad kami patungo sa kubo at sinalubong agad kami ni Zilla.

“Ma’am, nandito na po si Mr. Belgica,”  pahayag niya. I frowned.

Belgica? Hindi ba ay surname iyon ng hudas?

Nang mas makalapit pa kami sa kubo ay nandoon na nga ang lalaking tinutukoy niya at nakaupo siya. May mga papeles ang nagkalat sa mesa at abala siya sa laptop niya. Naninibago ako sa suot niya ngayon. Higit na ang trabaho niya.

Puting longsleeve na naka-fold hanggang siko niya ang pababa naman ay pants na hapit na hapit sa mahahaba niyang binti. Ngayon ko lang siyang nakita sa ganitong kasuotan at nakapaninibago. Ibang-iba na rin ang hairstyle niya. He looks very formal and freaking handsome.

Napansin naman niya agad kami kaya napatayo siya. Tumingin saglit sa mukha ko at bumaba iyon sa kasama kong bata.

“Good morning,” he greeted us. Dámn it. Bakit ganito ang heartbeat ko? Pati ang pagsasalita niya ng Ingles ay kakaiba. Hindi siya mukhang hardinero lang. Kakaiba ang accent niya.

“Morning, Azul!” masiglang bati ni Wez at bumitaw sa ’kin. Nagulat naman ito nang hawakan ni Wez ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon. Literal na nagmano nga sa kaniya ang bata.

Oo, palamura man ang anak ko at aakalain mo na walang disiplina ay may manners naman ito. Alam niya kung kailan siya magiging mabait at mag-behave.

“G-Good morning,” nauutal na bati niya ulit. Bumalik din si Wez sa tabi ko at itinuro niya ang hawak kong laruan niya.

“Palipad po tayo niyan, Azul,” sabi niya. “Bili po iyan sa akin ng daddy ko. Super ganda po niya, ’di ba?” pagbibida pa niya.

“Hindi.” I snorted nang marinig ko iyon. Ano naman ang trip ng tipaklong na ito?

“Po? Bakit po hindi maganda?” tanong ni Wez at inosente niyang tinitigan ito.

“Mas maganda kung saranggola na nililipad ng hangin at walang limitasyon ang paglipad niya,” paliwanag nito. Nakikipagkumpitensya ba siya kay Sydney?

“What po? What is sayang—I mean saranggola?” nahihirapang tanong ni Wez. Parang umikot pa ang dila niya sa loob ng kaniyang bibig. Binalingan naman niya ako. “'My, what is sayang—sarang—ack, what’s that?” kunot na kunot ang noong tanong niya.

“It’s a kite, honey and hassle lang iyon, Wez. You need to make the kite. Come on, doon ka na muna sa upuan,” pag-aaya ko.

“I can make him a kite,” pagboluntaryo nito. I rolled my eyes.

“At sino ka para gawan ng anak ko ng saranggola? Wala kang pakialam at hindi naman iyon hinihingi ni Wez. Ikaw lang ito ang pabida-bida,” supladang sabi ko sabay hila ko kay Wez. Binuhat ko siya at pinaupo. Ibinaba ko sa mesa ang eroplano niya. “Zilla, ano pala ang ginagawa ng lalaking iyan, dito?” tanong ko sa assistant ko.

“Isa po siya sa kliyente natin, ma’am,” sagot ni Zilla.

“Ano?” tanong ko at nagulat ako sa balitang iyon. Paanong naging kliyente namin siya nang hindi ko alam?

“Dalawang taon na po sa kompanya nila na binibenta natin ang kape at ngayon nandito siya para sa partnership.”

“Hindi natin tatanggapin,” mabilis na saad ko at nagtagpo ang paningin namin ni Azul. “Maraming factory ng kape, hindi lang sa kanila kaya hindi natin tatanggapin.”

“You can’t do that. May walong taon pa ang kontrata bago ito mawalan ng bisa,” seryosong saad niya. Natigilan naman ako.

Walong taon pa ang kontrata? Sabi ni Zilla ay dalawang taon na rin namin siyang naging kliyente.

“Tang-iná, sino ang pumirma ng kontrata at sampung taon ang expiration?!” sigaw ko at muntik nang mahulog mula sa kinauupuan niya ang anak ko dahil sa biglaan kong pagsigaw. Inayos ko ang pagkakaupo nito.

“Ma’am, si Don El po ang pumirma ng kontrata,” sagot ni Zilla.

“Sampung taon talaga?! Paano kung hindi aabot ng limang taon ay wala na tayong maaani na kape?! Ano iyon?! Madedemanda ba tayo kapag wala na tayong maani at mabebenta sa kanila?!” hysterical na sigaw ko at napahilot ako sa sentido ko. Alam ko ang kalakaran ng ganitong kontrata. Kung wala na kaming ma-s-supply pa ay may babayaran kami o kaya naman ay idedemanda pa nila ang farm namin.

“Hindi. Wala iyon sa kontrata,” pagsabat ni Azul. Hindi ko kailangan ang opinyon niya!

“Shut up! Hindi ikaw ang kinakausap ko!” asik ko sa mukha niya.

“Calm down. Puwede pa rin nating pag-usapan ito nang maayos,” sabi pa niya na mas lalo akong nainis.

“Tumahimik kang pünyeta ka!” Dinuro ko pa siya at doon lang siya hindi umimik.

Sa muli naming pagkikita ay ganito pala ang mararamdaman ko. Galit at pagkapoot, higit na kung mararamdaman ko pa ang presensiya niya sa tabi-tabi.

“Pünyeta! Away mo mommy ko, Azul?!” sabat naman ni Wez. Mariin na napapikit si Azul.

“Hindi ko inaaway ang mommy mo and stop cursing. May deal tayo, Wez,” mahinahon na saad niya rito.

“Shít! I don’t care na about our deal! Just don’t away my mommy! Laban tayo, Azul! Ha?! Ha?!” nanghahamon na sigaw niya at napasapo na lamang ako sa noo ko.

“Wez,” I called his name. Pangit yatang pakinggan mula kay Wez ang pagbigkas ng pangalan ng lalaking ito. Muntik na akong matawa nang makita ko ang pagtaas ng pareho niyang kamay na nakakuyom. Na tila handa na siyang lumaban at wala siyang pakialam kung mas malaki pa ito kaysa sa kaniya.

“Away ka po niya, mommy?” tanong pa nito at masama pa ang tingin niya. Hinawakan ko ang maliit niyang kamao, lumambot naman iyon.

“Sit down, anak. Bawal kang sumabat. Nag-uusap ang mga matatanda,” suway ko at muli ko siyang pinaupo.

“Sumbong ko siya sa daddy ko, mommy,” sabi pa niya. Ack, kung alam mo lang kung sino ang lalaking ito, Wez. Hindi ko na talaga alam ang magiging reaksyon mo.

“Hey, stop it. Wala ito. Just behave, Wez,” mariin na saad ko. Mabilis naman siyang tumango at masamang tiningnan niya ulit si Azul. “Isusumbong kita kay papa, dahil nagmumura ka na naman ulit,” pananakot ko. Mariin niyang naitikom ang bibig niya.

Ngumiti lang ako at hinalikan ko siya sa noo. Nang ibaling ko ang atensyon ko kay Wez ay kumalma na agad ang tibok ng puso ko at hindi na ako mukhang highblood. To the rescue talaga itong si Wez.

Inilabas ko ang phone ko para tawagan si papa. Lumabas na muna ako sa kubo at sinenyasan si Zilla na bantayan ang anak ko. Baka mamaya niyan ay may gagawin na naman ang isang ito.

Tatlong ring lang ay agad nang sumagot ang aking ama sa tawag.

“Napatawag ka, anak?” agad na tanong niya.

“Papa, alam ninyo po ang tungkol sa 10 years partnerships natin sa kompanya ng Belgica family?” tanong ko. Ayoko ng paligoy-ligoy.

“Belgica, ah oo. Si Azul ang humahawak niyan, ’di ba? Sila mismo ang nag-suggest niyon at hindi ko naman tinanggihan dahil sa nakalipas na dalawang taon ay maganda naman ang partnership natin sa kanila, anak,” paliwanag ng papa ko. Ngayon alam ko na kung bakit ginawa nitong sampung taon.

“Paano po natin mapuputol iyon, Papa?” tanong ko.

“Anak, kung hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa kaniya ay huwag mong isama ang negosyo mo. Ilayo mo ang problema ninyo ni Azul ang pagtatrabaho mo. Walang personalan ito, trabaho lang, hija,” he said. Tama naman si papa. Hindi ko dapat ihalo ang galit at personal problem ko sa taong iyon pero hindi na kasi ako komportable pa sa presensiya niya.

“Paano ako magtatrabaho kung alam kong kasama ko siya, ’Pa? Alam ninyo naman po kung gaano ako nasaktan noon,” mahinang saad ko.

“Ayokong pangunahan ka sa mga desisyon mo sa buhay, Eljeh. Hinahayaan kitang gawin ang mga gusto mo at ang nararapat. Pero may mga bagay ka pang hindi nalalaman tungkol sa nakaraan. Hayaan mong dahan-dahan mong tuklasin iyon. Kung nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon ay pakawalan mo na ang sakit sa iyong dibdib, anak. Walang magandang maidudulot iyan. Maiintindihan mo pa rin ang ginagawa namin kung may malalaman ka na,” mahabang pahayag niya.

“May alam po ba kayo, papa?” naguguluhan kong tanong.

“It’s not my story to tell, anak,” he answered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top