CHAPTER 37

Chapter 37: Baby horse

“WEZ, huwag ka nang babalik pa sa bahay na ito, okay?” pagpapaalala ko sa aking anak. Naririnig ko ang pagsinghot-singhot niya. Wala ng tali ang buhok niya pero hindi pa rin magulong tingnan iyon. Kagigising pa lamang niya, halata iyon sa namumungay niyang mata.

“Why po?” nagtatakang tanong niya.

“Hindi mo naman kilala ang mga taong iyan, Wez. Bakit mo ba sila kinakausap?” I asked him. Ayokong magalit sa kaniya dahil wala pa siyang nalalaman tungkol sa past namin ng kaniyang. . . Tsk.

“Mommy, bigay po ni Azul ang kabayo niya. Akin na raw po iyon. Tapos sabi ko Asul name niya,” magulong paliwanag pa nito. Kumunot ang noo ko. Asul?

“Ano’ng Asul ang pangalan niya? Bakit iyon ang pinili mong pangalan?” tanong ko pa. Sa dami-rami ng pangalan ay iyon pa talaga?

“Basta po,” sagot niya at napanguso pa.

“Honey, simula ngayon ay ako na ang magbabantay sa ’yo. Hindi ka na puwedeng umalis sa villa nang hindi kasama si mommy. Maliwanag ba, Wez?”

“Bakit po?” nalilitong tanong niya.

“Basta, huwag nang maraming tanong, Wez,” ani ko. Tumango na lamang siya. Masunurin naman siyang bata ngunit minsan lang naman iyon.

“But akin pa rin po ang horse ni Azul, mommy?” makulit na tanong pa niya.

“No, honey. Marami tayong kabayo sa villa. Hindi mo kailangang manghingi sa kanila ng kabayo,” giit ko pa. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim at kumibot-kibot ang labi niya. Parang may sasabihin pero hindi naman siya nagsalita. Isang tao tuloy ang naaalala kong madalas nitong gawin.

Pagdating namin sa villa ay kinarga ko siya. Iba ang amoy ngayon ni Wez. Dinala ko siya kuwadra at pinapili ko siya sa gusto niya.

“Mommy. . .” tawag niya at umiling siya.

“Pili ka na, anak. Sabi ko naman sa iyo ay hindi mo kailangang manghingi ng kabayo. Marami tayo niyan, honey.” Nang ituro ko sa kaniya ang puting kabayo na bihira lang ang ganitong kulay ay hindi man lang siya nagkaroon pa ng interes. Nag-iwas lang siya nang tingin. “Wez, baby.” Yumakap lang siya sa leeg ko at tinalikuran ang mga ito.

“Ayaw ko po niyan, mommy. Big na po sila,” narinig kong sabi niya.

“Eh, ’di mas mabuti kung malaki na sila kaysa naman sa maliit,” ani ko. Para magbago na rin ang isip niya at kalimutan na ang kabayong hindi naman niya puwedeng hingin. Para na rin huwag na siyang bumalik pa sa lugar na iyon.

“Ayaw ko po. Gusto ko po iyong maliit lang. Parang baby po, mommy. Maliit naman po ako,” he reasoned out.

“Wez, hindi naman puwedeng humingi ng kabayo kung mayroon na tayo,” saad ko pa. Naramdaman ko lang ang pagsipa-sipa ng mga paa niya. He rested his head on my shoulder. I sighed at hindi ko na siya pinilit pa.

Umalis na rin kami sa kuwadra at pumasok na sa villa para hanapin si Sydney.

“Oh, Azul. . .” Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang pagkanta niya at ang pangalan pa ng buwisit na iyon. “My Azul—”

“Shut up, Wezeinlure,” sita ko sa kaniya.

“Bakit ba, Eljehanni?!” sigaw niya at hinawakan pa niya ang pisngi ko para tingnan ko siya.

“I told you don’t talk to stranger, Wez,” mariin na saad ko.

“And why po?! Kilala ko na po siya! Siya si Azul!” sigaw niya rin pabalik at dumaing pa siya. Ibinaba ko siya at namaywang ako sa harapan niya.

“Sinisigawan mo ba ako, Wez?! Gusto mong paluin kita sa puwit?!” nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Ginaya niya rin ako at kunot na kunot ang noo niya.

“Ampûta! Siyempre po ayaw ko!” sigaw niya rin pabalik na may kasama pang pagpadyak. Napalabi ako at pinisil ko ang pisngi niya. Mayamaya lang ay sabay na kaming humahalakhak.

Binuhat ko ulit siya at mariin na hinalikan sa pisngi. Gumanti rin siya at nagtitigan pa kami.

“Mag-ina nga kayo at manang-mana talaga itong si Wez sa mommy niya. Walang filter ang bunganga.” Boses iyon ni Sydney. Nilingon ko lamang siya.

“Daddy!” Nagpababa naman agad ang anak ko at patakbong lumapit kay Sydney. Lumuhod pa nga si Sydney at nang makalapit sa kaniya si Wez ay agad niya itong binuhat. Inikot pa niya ito at hinalikan sa pisngi.

“Na-miss mo ba si daddy, hmm?”

“Yup po! Pati pasalubong ko, daddy!” Naglahad agad siya ng kamay niya. Natatawang hinawakan iyon ni Sydney. Malapit ang loob ni Wez kay Sydney at daddy talaga ang tawag nito dahil iyon ang gusto ng isa. Ewan ko kung aware ba si Wez tungkol sa pagkakaroon niya ng sariling ama na hindi si Sydney. Hindi naman siya naghahanap dahil sa isang ito.

“I-guess mo kung ano ang pasalubong ni daddy, Wez?”

“Big airplane po!” tuwang-tuwang bulalas nito.

“Darling.” Nginitian ko si mama. “Ayos ka lang ba?” bigla ay tanong niya.

“Dahil po ba ito sa sinabi ko kanina? 'Ma, okay lang po ako. Nakita ko na po siya ulit pero wala na po akong pakialam pa,” sambit ko.

“Kung ganoon. Nandito na pala siya?” gulat niyang tanong na ikinatango ko. “Well, what’s your plan, Eljeh?” Umiling ako.

“Wala po, mama,” tanging sagot ko lamang.

***

PAREHO lang namin na pinagmamasdan ni Sydney si Wez. Tuwang-tuwa ito sa pasalubong sa kaniya na toy airplane na remote control. Natuto agad siya nang tinuruan siya.

Kasalukuyan na kaming kumakain ng meryenda. Si mama ay pumanhik na sa kuwarto niya. Nagpaalam naman siya sa amin.

Napaigtad naman ako nang hawakan ng katabi ko ang kamay kong mau suot na singsing.

“May nag-propose ba sa ’yo, Eljeh? Bakit may singsing ka na?” kunot-noong tanong niya. I chuckled.

“Baliw. Binili ko ito last month. Nagandahan ako kaya binili ko,” sagot ko. May pink diamond kasi ito.

“Parang kasal ka na sa lagay na ’yan, ha. Gusto mong palitan ko?” Nagtaas-baba pa ang kilay niya.

“Tse! Hindi ikaw ang pakakasalan ko, baliw!” sigaw ko at natawa na naman siya.

“Sino? Iyong ex mo?” he asked. Napahinga ako nang malalim.

“Wala na akong pakialam pa sa hudas na iyon, Sydney. Kontento na ako sa life ko kasama ang anak ko. Si Wez lang ang kailangan ko,” sabi ko sabay tingin kay Wez.

“Well, I can’t blame you for that, Eljeh.  Hindi naman kita mapipilit kung ayaw mo. But think about Wez. Hindi niya hinahanap ang biological father niya dahil sa akin.”

“Hinding-hindi niya hahanapin ang buwisit na iyon. Wala na ring karapatan pa ang lalaking iyon,” naiinis kong saad.

“Daddy, I want something po!” Patakbong lumapit sa amin si Wez na dala ang remote control niya.

“What is it, Wez? Ibibigay ’yan ni daddy.” In-spoiled din niya ito kaya lahat ang gusto ng bata ay ibinibigay niya.

“May horse po si Azul, daddy! Hinihingi ko po iyan at sabi niya po ay ibibigay niya basta bawal daw po akong mag-say ng bad words!” kuwento nito at tumingin sa gawi ko si Sydney. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Si Wez, grabe rin kung magmura ang isang ito. Madalas niya kasi akong naririnig na nagmumura. Hindi ko naman akalain na gagayahin niya ako. Pinagalitan pa nga ako ni papa pero ewan ko kung bakit sa halip na magtampo rin ay balewala pa rin iyon. Kasi sa akin lang nagmana si Wez. Kapag nagmumura na siya ay ako pa ang natatawa.

Ngayon ay napagsabihan na rin siya ng lalaking iyon na hindi siya puwedeng magsalita ng bad words.

“Did he meet his father?” mahinang tanong ni Sydney. Nagkibit-balikat ako. “Wez, sinong Azul?” tanong niya sa bata.

“Si Azul po. Ang may-ari ng baby na kabayo! Iyon po ang gusto ko, daddy.” Naglalambing pa ito para lang pagbigyan siya.

“Babay na kabayo? Wez, ang dami ninyong kabayo rito sa villa. Hindi mo kailangang humingi sa ibang tao,” he said.

“But daddy! Bigay na po iyon sa akin ni Azul!”

“Wez,” sabay na sambit pa namin ni Sydney. Mayamaya lang ay naiyak na siya.

“Bigay na po iyon sa ’kin ni Azul! We made a deal po, mommy, daddy!” naiiyak na sigaw niya.

“What’s going on here?” Dumating naman si papa at nang makita siya ng apo niya ay nilapitan siya nito.

“Lolo!” Pinangko naman agad siya ni papa.

“Why are you crying, Wez?”

“Lolo, gusto ko po ng horse ni Azul. Binigay na po iyon sa akin pero ayaw po nina daddy at mommy! I want a baby horse po, lolo ko!” sumbong niya. My father looked at me.

“Noong nawala na naman po siya sa villa ay naroon siya sa bahay ni Lola Molai,” paliwanag ko sa aking ama.

“I see. Paano naman ibinigay iyon sa ’yo, Wez?” he asked him.

“Hiningi ko nga po, lolo! Basta raw po ay bawal ang bad words!” umiiyak na sagot pa rin nito.

“Bakit ka naman nanghihingi? Marami tayong alagang kabayo rito, apo.” Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Napailing na lamang ako dahil sa pagiging spoiled brat nito. Ngayon lang siya nagkaganito.

Pagdating naman ni mama ay nagsumbong ulit siya. Pinatahan na siya ng grandparents niya at sinabing kukunin nila ang kabayong hiningi nito. Sa pagtatampo niya na hindi ko siya pinayagan ay natulog siya sa tabi nina mama at papa.

Kaya nang magising ako sa umaga ay pinuntahan ko agad ang kuwarto ng mga magulang ko. Wala na sila roon kaya bumaba na rin ako.

Baka nasa dining area na sila at kumakain na ng breakfast. Hindi nga rin ako nagkamali at nandoon sila pero wala roon ang anak ko.

“Si Wez po ay nasaan?” tanong ko.

“Good morning, Eljeh,” bati pa ni Sydney. Tumango ako.

“Sabi ni Wez ay gigisingin ka raw niya,” ani mama.

“Pero hindi ko po nakita roon si Wez,” sabi ko. Nakapagtataka naman. Sa naisip na baka umalis na naman siya sa villa para lang pumunta sa bahay na iyon ay agad na akong lumabas.

Napahinto lang ako nang marinig ko ang malakas na pagtawa ni Wez. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang lalaking iyon na inaalalayan niya si Wez. Nakasampa ito sa maliit na kabayo at paikot-ikot ang paglalakad.

Inipon ko sa dibdib ko ang hangin. “Wez!” sigaw ko sa pangalan niya at napatingin sa gawi ko ang lalaki.

“Mommy! Nandito na po ang baby horse ko!” Halata sa boses niya ang kasiyahan at ilang beses pa siyang kumaway. I stepped towards them.

“Wez, get down,” kalmadong sambit ko.

“Mommy, one moy yide po,” he said but I shook my head.

“Get down, honey. Kakain ka pa ng breakfast.” Hininto ng lalaki ang kabayo at doon ko na binuhat ang aking anak. Dumaing pa siya sa inis.

“Eljehanni!” sigaw nito.

“But mommy! Isa pang ikot ng horse ko, please!” he pleaded. Umiling ulit ako at pilit ko na siyang inilalayo sa lugar na iyon.

“Bring your horse with you. Hindi iyan kailangan ng anak ko,” sabi ko.

“Mommy, no!”

“Hindi. Ibinibigay ko na ito sa kaniya.” I stopped at binalingan ko ulit siya.

“Okay, name his price at babayaran ko iyan,” walang emosyon na sabi ko at matapang kong sinalubong ang kaniyang tingin.

“Hindi ko iyan pinapabayad. Bigay ko iyan sa bata,” sambit niya. Ang hirap basahin ng emosyon niya pero ano naman ang pakialam ko sa hudas na ito?

“At bakit mo naman siya bibigyan niyan, aber?” may bahid na galit na tanong ko.

Kumibot-kibot na naman ang labi niya at bago pa siya makapagsalita ay sumulpot na si Sydney.

“We will take it. Thank you,” Sydney uttered at kinuha niya mula sa ’kin si Wez.

“Totoo po, daddy? Kukunin na natin ang baby horse ni Azul?” natutuwang tanong ni Wez.

“Yes, son,” he answered and nodded.

“Azul, ikaw ba iyan?” Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Si mama.

“Magandang umaga po,” magalang na bati ng isa at yumuko pa siya.

“Ikaw nga iyan, hijo. Long time no see. Kumusta ka naman? Ang lola mo?” Lumapit pa ang ama ko sa lalaking iyon at nagmano pa ito.

Bakit ganoon? Bakit parang hindi galit ang aking ina sa tàng-inang ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top