CHAPTER 33

Chapter 33: The break-up

“ANO’NG ginagawa mo rito?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Siya nga. . . Siya nga ang nakikita ko sa mga oras na ito. Napahawak ako nang mahigpit sa bestida ko at napatitig ako sa mukha niya.

Yumuko ako at pinunasan ko ang mga luha ko. Akala ko ay hindi ko na siya makikita pa. Nag-angat ulit ako nang tingin sa kaniya. Mula sa likuran niya ay ang tuluyan nang lumubog ang araw at kulay kahel na rin iyon.

“I just want to talk to you,” mahinang wika ko.

“May dapat pa ba tayong pag-usapan? Hindi ba malinaw na sa atin na wala na tayo?” malamig na tanong niya at humakbang siya palapit sa akin. Kung sabagay, ang mga katagang iyon ay pareho ko na ring binitawan. May pag-uusapan pa nga ba kami ni Azul? Malinaw na sa aming dalawa ang totoong nangyari.

Ngunit iyon lang? Iyon lang ang sasabihin niya at idadahilan na niya agad iyon? Iyon lang talaga?

“B-Bakit napakadali sa ’yo. . .na pakawalan na lang ako, Azul?” tanong ko na nabasag pa ang boses ko. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko.

Dapat galit ako. Dapat galit na galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya. Pero nang makita ko ulit siya ay lumambot lang ang puso ko. Parang gusto kong itapon ang sarili ko para yakapin niya nang mahigpit. Gusto kong magsumbong na nasasaktan ako. Pero para saan pa iyon kung wala na kami?

“Niloko mo ako, Eljehanni. . . Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para madali lang sa ’kin na pakawalan ka? Ikaw na rin ang nagsabi na hindi ka nagbibigay ng pangalawang pagkakataon,” mahabang pahayag pa niya at ramdam ko ang hinanakit sa timbre pa lang ng boses niya.

Bakit nga ba kailangan naming masaktan nang ganito? Kung puwede namang aysuin ang gulong ito? Pero paano rin kung tiwala namin sa isa’t isa ang nawala? Paano namin maayos iyon?

“G-Ganoon lang? I-Iyon lang at kaya mo na a-akong. . . Pero b-bakit mo n-nagawa iyon? B-Bakit si Snow pa?” sunod-sunod na tanong ko. Nag-iwas siya nang tingin.

Nakatayo lamang kaming dalawa sa tapat ng kanilang bahay at nagsisimula na ring dumilim ang paligid. Ang bestida kong sinasayaw na rin ng hangin. Ang buhok ko na wala na sa ayos nang pagkakatali nito.

“Ikaw? Bakit nagawa mo rin iyon sa ’kin?” he fired back.

“Tiwalang-tiwala ako sa ’yo, Azul. Malaki ang tiwala ko sa ’yo at ikaw lang ang minahal ko nang ganito. . . Pero ikaw. . .ni hindi mo ako pinagkatiwalaan at mas naniwala ka pa sa ibang tao kaysa sa akin,” may hinanakit na saad ko. Nag-uulap na ang paningin ko. Sunod-sunod ba naman ang pagpatak ng mga luha ko.

“Mas mabuting kalimutan mo na rin ako. Hindi na ako. . .babalik pa rito at oo nga pala. Gusto ko lang sabihin sa ’yo na hindi ako seryoso kay Isabella. Niligawan ko lang siya para sa lupain at kapag naging asawa ko siya. Maaaring mapasakamay ko ang lupa nila.” Nagulat naman ako sa biglaan niyang pag-amin tungkol doon. Parang ang hirap i-process sa utak ko.

Hindi siya seryoso at ginamit niya lang si Isabella para sa sarili niyang hangarin? Para sa lupa?

“W-What? What are you—”

“Katulad mo rin ako, Eljehanni. Marami akong pangarap bilang isang agrikultor at utos iyon ng aking abuelo. Magpapanggap ako na isa lang magsasaka pero may iba akong layunin,” saad pa niya na tuluyang tumigil ang pagpatak ng mga luha ko.

Natatakot ako sa susunod pa niyang sasabihin. Lalo na kapag kasama ako sa plano niya.

“Bakit mo sinasabi ito sa akin?” walang emosyon na tanong ko.

“Iyon naman talaga ang balak ko. Pagbalik mo ay sasabihin ko ang dahilan kung bakit ako nasa probinsya ninyo at ang totoo niyan. . . Ikaw ang plano kong ligawan at kunin ang loob. Pero sa nakalipas na dalawang taon ay nasa Amerika ka. Bukod sa unica hija ng pamilyang Ciesta ay kilala rin ang ama ni Isabella na pangalawang mayaman dito sa Sta Rosa at marami ring lupain.”

“D-Don’t tell me ibinaling mo lang sa akin ang panliligaw mo dahil sa nauna mong plano?” mariin na tanong ko. Tila gusto ko siyang sampalin dahil manggagamit siya.

“Hindi. Totoo ang nararamdaman ko sa ’yo,” seryosong sabi niya.

Walang buhay na natawa ako. “Gusto mong paniwalaan kita sa sinabi mong totoo ang feelings mo sa ’kin? You just told me na plano mong kunin ang loob ko pero wala ako rito! Kaya si Isabella ang pinili mong paglaruan! But now bumalik na ako kaya sinunod mo na ang plano mo! Dahil dapat si Eljehanni nga iyon! Pabor na sa ’yo, Azul. . . Dahil ako ang unang lumapit sa ’yo!” nanggagalaiting sigaw ko. Parang ang hirap nang paniwalaan ang mga katagang lumalabas mula sa bibig niya.

Marami na akong doubt sa kaniya at hindi na niya maibabalik pa ang tiwala kong sinayang niya lamang. Kaya ni isang salita niya ay wala na akong paniniwalaan pa.

“I didn’t! I love you at iyon ang katotohanan! Kaya ako nasasaktan sa nalaman kong may nobyo ka dahil mahal kita!” pagalit na sigaw niya at nagpadyak pa siya sa lupa na parang frustrated din siya. Nagawa pa niyang sabunutan ang buhok niya.

Nagulat ako dahil hayan na naman ang pagsasalita niya ng English. Hindi nga siya isang hardinero lang. Sa accent nang pananalita niya ay parang rich kid siya? Iyon ba ang isa sa pagkatao niya ang hindi ko alam? Hindi ko pa nga siya nakikilala nang lubusan. May inililihim pa siya.

Hindi na ako nakapagsalita pa at naiyak na lang ulit ako. Nararamdaman ko pa rin naman. . . Nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal niya pero bakit may kirot pa rin?

“M-Mahal din kita. . .p-pero bakit. . . Bakit nasasaktan pa rin ako? B-Bakit may nararamdaman pa rin akong kirot? B-Bakit g-ganito pa rin?” naiiyak na tanong ko at marahan ko pang tinapik ang dibdib ko.

Kahit sinabi na niya ang katotohanan na iyon ay ang sakit pa rin tanggapin. Sobra-sobra ko nga siya minahal kaya ako nasasaktan nang ganito.

Nang pumikit ako ay naramdaman ko na lamang ang mahigpit niyang yakap. Ramdam ko ang pag-uga ng balikat niya. Ewan ko kung bakit kailangan pa niya akong yakapin nang ganito gayong sasaktan pa rin naman niya ako.

“Go. . . P-Please go. . .” Nagulat naman ako sa mga katagang lumabas mula sa bibig niya. Pagtatabuyan na nga niya ako kaya iyon ang nasabi niya?

“Azul. . .”

“I. . . I will chase you in the right time. . . We. . .can’t fix this toxic relationship kung pareho tayong nasasaktan. Please, go. . . Bago ko pa mabawi ang mga sinabi ko sa ’yo. . . Mahal kita. . . Mahal na mahal kita, Eljehanni. . .”

“J-Just tell me, Azul. M-May nangyari ba sa inyo ni Snow nang araw na iyon?” tanong ko at nanginginig na ang boses ko. Sana wala. Sana walang nangyari sa kanila. Iyon sana ang sinabi niya pero parang gumuho lang ang mundo ko.

“Yes.” Doon na ako napabitaw. Hinayaan naman niya akong makawala. Sapat na iyon upang bumitaw na rin ako.

Hinding-hindi na ako magpapauto pa sa kaniya. Hindi niya deserve ang pagmamahal na ibinigay ko sa kaniya. Hindi. . .

Four years later

I was busy at my work when my phone rang and when I checked it ay si mama lang pala ang tumatawag sa ’kin.

“Wait lang po. I will accept this call first,” paalam ko sa kausap kong kasosyo ko. Nasa farm pa rin ako at may negosasyon kami ng partner ko sa business. Tumango lang siya bilang response. “Yes, ’Ma?” sagot ko.

“Darling, wala na naman dito si Wez sa villa,” agad na sabi ni mama. Napahilot ako sa sentido ko. Halos araw-araw ay ganito kami ni mama.

“Paanong wala na naman diyan sa villa, Mama? Natakasan na naman po ba si Nanay Lore ng alaga niya?” naaliw na tanong ko sa kabilang linya. I heard my mother giggled.

“Ganoon na nga ang nangyari, anak,” sagot niya.

“Nasa labas lang po siya, ’Ma. Pabayaan ninyo na po at uuwi naman iyan agad,” ani ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni mama. Hindi ko naman kinukunsinti si Wez at hayaan na lamang siyang gumala sa kung saan-saan.

Sa akin nagmana ang batang iyon. Mahilig gumala at kahit siya lang ang naiiba sa lahat ng kasama niya ay sige go lang siya basta makaalis lang sa villa. Kung hindi tatakas mula kay Nanay Lore ay mag-iimbita naman siya ng mga bata sa villa. Walang kaso iyon kay mama pero parang isang buong batalyon ang kasama niya.

Bata pa naman siya at normal na sa kaniya ang ganitong personality niya dahil naniniwala akong magbabago pa rin naman siya.

“Darling, ang init ng araw sa labas. Alam mo naman ang batang iyon kung hindi ikaw ang maghahanap sa kaniya ay hindi iyon uuwi,” problemadong sambit pa ng aking ina.

“Uuwi rin po ’yon kapag gusto niya,” sabi ko lamang. Napatingin ako sa labas ng kubong kinalalagyan ko.

Mataas na nga ang araw dahil pahapon na. Uuwi rin iyon kung gugustuhin niya at alam niya kapag tirik ang araw ay hindi siya puwedeng magtagal sa labas ng villa.

“Darling,” may lambing sa tono ng boses ni mama na ikinatawa ko.

“Sige po. Ako na ang maghahanap. Alam ko naman kung saan iyon hahanapin.” My mother hang up the phone.

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Mr. Chavez bago ako nagpaalam sa mga tauhan ko. Kung makikita nilang aalis ako nang maaga ay alam na nila ang dahilan.

Sinukbit ko ang shoulder bag ko sa balikat ko at saka ako sumakay sa sasakyan ko. Ang kailangan ko pang ay maglibot ng villa namin dahil sure naman ako na hindi lumalayo ang batang iyon ng wala siyang kasama pero kapag mayroon. Pumunta ka na lang sa dulo ng lupain namin at doon mo siya mahahanap.

Ilang minuto akong pabalik-balik at sumasakit na ang ulo ko dahil wala akong nakita kahit dulo ng buhok niya.

Nadaanan ko ang housing project ng mga magsasaka ni papa at wala pa ring pinagbago iyon. Pero nagtaka naman ako nang madaanan ko ang isang pamilyar na bahay at may nakaparadang asul na sasakyan.

Mukhang mamahalin. Bumagal pa ang pagpapatakbo ko ng kotse ko at tinitigan ko iyon nang maayos. Nang tumingin ako sa mga bintana ay nakabukas na iyon. Kung ganoon, may tao na ulit sa bahay na iyon?

Nilagpasan ko na lamang iyon. Ano naman ang pakialam kung bumalik na ang may-ari ng bahay iyon? Tsk.

Napahinto naman ako sa pagmamahal ko ng kotse nang makakita ako ng pamilyar na pigura ng batang lalaki na may mahabang buhok. Napailing ako at saka ko binuksan ang pintuan. Bumaba ako mula rito at namaywang.

“Wez!” sigaw ko sa pangalan ng bata na may hila-hila na maliit na kabayo. Nagulat pa ito ay namimilog ang mga matang nilingon ako.

“Eljehanni!” masayang bulalas nito sa pangalan ko at basta na lamang bumitaw sa tali ng kabayo kaya hinawakan iyon ng mga kasama niya.

Patakbong lumapit siya sa direksyon ko na may malawak na ngiti kaya kitang-kita ang ngipin niya na may bungi sa gitna. Ang haba ng damit nito na lagpas tuhod na.

Lumuhod ako para salubungin siya at nang makalapit sa ’kin ay yumakap agad ang maliliit niyang mga braso sa leeg ko kaya binuhat ko na siya.

Dumampi agad ang dulo ng ilong ko sa leeg niya na ikinabungisngis niya.

“Amoy araw ka na naman, Wez,” komento ko sa kaniya at tinigan ko ang maamo niyang mukha. As usual ay may dumi na naman siya sa face niya. Binasa ko ng aking laway ang thumb ko saka ko ipinahid iyon sa pisngi niya.

“Eljehanni!” tawag pa niya dahil sa ginawa ko.

“Lagot ka kay mama kapag ganyan ang tawag mo sa ’kin! Sutil ka, liit!” natatawang sabi ko at inayos ko ang buhok niya na lagpas na sa balikat niya at may bangs pa siya. Kung titingnan mo siya nang mabuti ay aakalain mong babae siya pero hindi. Lalaking-lalaki siya. Ayaw niya lang magpagupit kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko na lang siya ng bangs. Puwede ko naman daw siyang gupitan basta slight lang daw. Hinalikan niya lang ang pisngi ko at naglalambing na siya sa akin. Tiningnan ko ang mga batang kasama niya na mas malaki pa kaysa sa kaniya. “Kaninong kabayo ’yan?” tanong ko.

“Hindi po namin alam, Senyorita Eljeh. Si Wez po ang may bitbit nito,” sagot nila at tiningnan ko naman si Wez. Ngumuso siya at may itinuro.

“Doon po. Palakad-lakad siya, Eljehanni. Kaya bitbit ko na lang siya,” nahihirapan na paliwanag pa nito.

“Baka pag-aari iyan ng mga magsasaka ni papa. Ikaw talagang bata ka. Ang kulit mo!” ani ko at pabiro kong pinisil ang tungki ng ilong niya. “Oh siya mga bata. Kayo na ang bahala sa kabayong ’yan, ha? Balitaan ninyo na lamang ako kung sino ang owner niyan,” saad ko.

“Opo!”

Dinala ko na sa kotse ko si Wez at kinabitan ng seatbelt. Napangiti na lamang ako dahil sa suot niyang rubber boots na may mahaba pang medyas.

“Lagot ka kay mama. Hinahanap ka niya at si Nanay Lore. Lagot ka po,” pananakot ko na sinamahan ko pa nang pagkanta. Natawa naman siya at inabot ang pisngi ko.

“Kampi ako Eljehanni,” sabi niya. Ang ibig niyang sabihin doon ay dapat ko raw siyang kampihan o kakampi ko raw siya.

“Tse! Huwag mo akong idamay sa pagiging makulit mo. Tapos na ako riyan!” sigaw ko pa na ikinagusto niya. Hinalikan ko lang ang labi niya saka ako umikot sa driver’s seat.

“Sige na po, mommy. Kampi mo ako,” naglalambing na wika niya na ikinangiti ko nang matamis.

“Sige po. Kakampi ka ni mommy!” Napapalakpak siya sa sinabi ko.

Wezeinlure Ciesta, iyon ang full name niya. Wez for short at hindi lang siya isang batang lalaki na makulit dahil galing siya sa ’kin. Yes, ako mismo ang nagsilang sa kaniya at dala-dala ko siya sa loob ng siyam na buwan.

One month after that ay nalaman kong buntis pala ako. Sobra akong depress sa mga panahon na iyon at hindi ko na namalayan pa ang pagbabago ng katawan ko. Kung hindi lang siguro ako hinimatay at sinuri ng family physician namin.

Ang pasalubong ko sa taong iyon ay hindi na niya natanggap pa dahil wala naman na siya. Nagsimula nga ako ng panibagong buhay kasama ang anak kong si Wez.

Minsan ang tawag sa akin ay Eljehanni dahil ginagaya niya ang grandparents niya.

Makulit, bibo at pasaway talaga si Wez. Alam na kung kanino ito nagmana. Mahilig siyang mag-explore sa kung saan-saan pero kapag pinagalitan mo na ay maaawa ka sa reaction niya.

Nakanguso kasi at nakayuko lamang. Hindi ko naman siya in-spoiled. Pinapagalitan ko rin naman siya at kapag sinabi mong bawal niyang gawin ito o iyon ay hindi makikinig naman siya.

Kahit sutil na bata pa siya ay mahal na mahal ko naman siya. Siya ang dahilan kaya naging maayos ulit ang buhay ko.

“I love you, mommy,” pahabol na sabi pa niya at nag-flying kiss pa.

“I love you more, honey,” I said. Napatakip siya sa bibig niya at namula ang magkabilang pisngi. Ganito siya palagi kapag iyon ang mga katagang lalabas mula sa aking bibig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top