CHAPTER 32

Chapter 32: He’s Gone

“ELJEH. . . Tumahan ka na. Magpapaliwanag ako sa fiancé mo,” sabi ni Sydney at pilit niya akong pinapatahan.

“Huwag mo akong kausapin!” sigaw ko pa sa kaniya. Paano kasi iyak nang iyak ako. Parang baliw kanina na napapatingin sa ’kin ang mga tao. Noong paalis na ako sa hotel ay nakasunod na pala agad siya at siya mismo ang nag-uwi sa akin pabalik sa condo ko.

Dumiretso agad ako sa kama at umiyak nang nakadap. Binaon ko pa nga ang mukha ko sa unan ko. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Naghalo-halo pa at nahihirapan lamang akong huminga.

Hindi ko alam kung bakit kami umabot sa puntong ito. Nang hindi naman ako aware ay pinagdududahan na pala ako ni Azul. Ni hindi man lang siya nagtanong sa ’kin.

Paano kaya sila nagkakilala ni Snow? Bakit ngayon lang sumulpot ang babaeng iyon?

“Eljeh. . . Nakalimutan kong sabihin sa ’yo na gusto ni Snow na magbakasyon sa villa ninyo.” Hinampas ko siya sa dibdib niya nang sinusubukan niya akong yakapin.

“Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon na sabihan ako na cheater, eh siya itong cheater! Pûtàng-ina niya! Màmatay na siya! Màmatay na sila ni Snow!” galit na galit na saad ko at napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit nito. Sumisikip ang dibdib ko at ang hirap. . . Ang hirap huminga.

“Eljeh. . .”

“A-Ang sakit niyang mahalin. . . S-Sobrang sakit, Sydney. . . P-Parang pinapatay ako ng sakit. . . A-Ang unfair niya. Iba na pala ang iniisip niya sa ’kin pero hindi man lang siya nagsabi. . . T-Tapos ikaw. . .” sumbong ko at sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko. Kinabig niya lang ang ulo ko at dinala sa dibdib niya.

“Everything is gonna be alright, Eljeh. Maaayos pa naman siguro ang relasyon ninyo. Mahal mo nga talaga ang lalaking iyon kaya ka nasasaktan ngayon.”

“Oo mahal ko siya! Mahal ko ang tàng-inang iyon pero hindi na! Hindi na ako makikipagbalikan pa sa kaniya! Baka sa mga oras na ito ay nag-s-sèx na sila! Nakadidiri sila ni Snow!” umiiyak na sigaw ko. Ang isipin ko pa lang na may kasiping na ibang babae si Azul ay parang hindi ko na kaya. Sobrang sakit. . .

Ang mga bagay na ginagawa niya ay iyon din ang pinaparamdam niya sa babaeng malandi na iyon! Sa pûta na iyon!

“H-Hindi naman siguro magagawa niyan ng fiancé mo kung talagang mahal ka niya, Eljeh.” Pinagtatanggol pa niya ang hudas na iyon! Ang sarap ipalasap sa leon!

“Magagawa niya, Sydney! Magagawa niya iyon dahil inakala niya na niloloko ko rin siya kaya gusto niyang gumanti! Tàng-ina niya! Gumaganti pa ang hudas na ’yon!” umiiyak na sambit ko pa.

Iniyak ko lang ang sakit ng nararamdaman ko. Isang araw ko lang ginawa iyon at kung ano-ano na ang ginagawa ni Sydney para lang patahanin ako. Wala rin naman siyang nagagawa pa kundi ang panoorin akong humahagulgol.

One week akong nag-stay roon at sa mga nakalipas na araw ay parang lutang na lutang ako. Tila naging robot ako at walang gana pa sa lahat ng bagay.

Nang sinabi ko kay Sydney na uuwi na ako sa Philippines ay sumama siya. Siya pa ang bumili ng plane ticket ko. Hinayaan ko na lamang siya. Mas mabuti na siguro ang may kasama ako. Wala pa rin ako sa sarili ko.

Halos hindi ko na nga rin namalayan pa ang paligid. Nakatulog naman ako sa eroplano at ginising ako ni Sydney. Hanggang sa makauwi kami sa Sta Rosa. Si mama ang sumalubong sa akin. Yumakap agad ako at umiyak sa dibdib niya. Tila isa akong bata na nakahanap na ng kakampi at ang sarili kong ina.

“Darling. . .” Pumiyok pa ang boses ni mama. It seems may alam na rin sila sa nangyayari kahit wala pa akong sinasabi.

“M-Mama. . . A-Ang sakit po. . . Ang sakit po ng p-puso ko. B-Bakit ganito kasakit, ’Ma?” tanong ko na may kasama pang paghikbi. Umuulap na nga ang paningin ko. Hinalikan lang ng aking ina ang noo ko at naramdaman ko ang pag-uga ng balikat niya.

“I’m sorry, darling. . . N-Noong bumisita sa villa natin si Snow ay maayos namin siyang sinalubong dahil best friend mo siya pero hindi ko akalain. . . Magagawa niyang kausapin si Azul at sabihin sa fiancé mo na. . . may on and off boyfriend ka pala habang may relasyon kayo ng fiancé mo. . .” she said. Sabi ko na nga ba. May alam na sila.

“'Ma. . . M-Matagal na kaming tapos ni Sydney. . . Matagal ko na pong tinapos ang relasyon namin na wala namang patutunguhan,” ani ko para maniwala siya na wala na talaga kaming relasyon ni Sydney. Kapag kasi sinabing on and off ang relationship namin ay walang opisyal na break-up. Puwede kaming magkabalikan kung kailan namin gugustuhin. Sinabi ko na rin iyon kahit na nandito pa si Sydney.

“I b-believe in you, darling. I knew you’re telling me the truth.” Humagulgol lamang ako sa sinabi ng aking ina.

Ang alam lang ng parents ko ay misunderstanding lang ang nangyari sa amin ni Azul at iyon din ang sinabi ni Snow. Na baka puwede pa naming ayusin ang relasyon namin.

Nalaman din kasi nila na sumama si Azul kay Snow para puntahan ako sa States. Hindi ko na lang sinabi ang nakita ko sa hotel room. Tamang ako na lamang ang makaaalam niyon.

Buo na rin ang pasya ko na hihiwalayan na siya. Sa nalaman kong wala siyang tiwala sa ’kin ay nawala na rin ang tiwala ko sa kaniya. Hindi ko matanggap ang sinabi niyang niloloko ko lamang siya kahit inosente naman ako. Ni hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag at basta na lamang niya akong tinalikuran. Tapos iyon pa ang makikita ko?

Ang lakas ng loob niyang sabihan ako na cheater pero siya itong may ginagawang hindi maganda. Pumatol pa siya sa ex-best friend ko. Kung sabagay, pareho ko na silang ex.

But I need to see him para ibalik ang singsing sa kaniya. Hindi ko na ito kailangan pa. Ang kaso lang ay hindi ko kayang hubarin ang engagement ring ko sa daliri ko! May sumpa!

“Anak, kapag sinubukan mo pa ’yang hubarin ay masasaktan ka lang lalo,” ani papa nang maabutan niya akong hinuhubad ko ang singsing.

“Papa, ayaw niya po talagang matanggal. Nilagyan ko na nga po ng sabon pero ayaw po talaga,” problemadong saad ko.

Lumapit ang papa ko at tumabi nang upo. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos niya ang singsing.

“Namumula na tuloy ang daliri mo. Nag-usap na ba kayo ulit ni Azul, anak?” Umiling ako.

“Para saan pa ho ang pag-uusap namin, ’Pa? Kilala ninyo naman po ako na hindi na ako nagbibigay pa ng second chance at kahit mahal ko pa si Azul ay hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya,” malamig na sabi ko.

“Parang. . .ang laki ng galit mo sa kaniya, Eljeh.”

“Papa, tama po ba ang pagdudahan agad ako tapos noong magpapaliwanag na ako ay saka niya ako tatalikuran? Sasabihan niya akong cheater pero hindi ko naman magagawa iyon?” may hinanakit na tanong ko pa at nagpakawala ako nang malalim na hininga.

Niyakap lamang ako ng aking ama at muli na naman akong umiyak sa dibdib niya. Ganito nga pala kasakit ang magmahal. Parang dinudurog ang puso mo.

“May mga bagay na kailangan mong bitawan, Eljeh. Mga bagay na nagpapabigat sa dibdib mo. Kung gusto mong tuldukan ang relasyon ninyo ni Azul ay sige. Susuportahan pa rin kita. Dahil naniniwala naman ako. Kung para talaga kayo sa isa’t isa ay gagawa pa rin ng paraan ang tadhana na magkabutihan kayo at bumalik sa dati. Normal na ang masaktan pagdating sa pag-ibig, anak. Pasasaan ba’t magiging okay ka rin.”

***

Napatitig ako sa bahay ni Azul. Ilang linggo na ring walang katao-tao rito. Hindi ko alam kung saan na sila nagpunta kasama ang lola at kapatid niya. Simula nang mag-away kami sa States ay hindi na kami nagkita pa ulit.

Ilang beses na rin akong pumupunta rito at umaasa na makikita ko siya para lang kausapin siya. For our closure. Pero sa tuwing iisipin ko na wala na kami at matatapos na ang relasyon namin ay naiiyak ako.

I can’t even imagine na basta na lamang kaming maghihiwalay na hindi kami nag-uusap. Pinunasan ko ang luha ko at pinigilan ko lang ang mapahikbi. Napatingin ako sa daliri ko na suot ang engagement ring. Napatingala ako at nakita kong palubog na rin ang araw.

“Kung panonoorin mo ang paglubog ng araw ngunit malungkot ka. Tandaan mo ang araw na ito, Eljehanni. Sa paglubog ng araw ay nakaluhod ako sa iyong harapan upang hingin ang mga kamay mo.”

“Kung ano man ang nais mo ay sabihin mo sa akin. Lahat ng bagay ay puwede kong ibigay sa ’yo. Eljehanni Elites Ciesta, maaari mo bang tanggapin ang inaalok kong kasal at maging kabiyak mo?”

Kahit hindi ka man nangako ay parang ganoon na rin ang nangyari, Azul. Napakadaya mo. Ikaw pa naman ang may kasalanan sa ’kin ay ikaw pa pala ang may lakas na loob na mang-iwan.

Siguro makakaya ko pa rin. Lilipas din ito. Lilipas din ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi naman siguro kawalan sa ’kin si Azul. Sasanayin ko na lamang ang sarili ko na wala na siya at kung ano man ang nangyari sa amin noon ay ibabaon ko na rin iyon sa limot. Ako lang kasi ang masasaktan kapag aasa pa ako sa wala at totoo ang sinabi ko na hindi ako nagbibigay ng second chance.

Hinding-hindi na. Suwerte naman niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top