CHAPTER 31
Chapter 31: Cheating
HINDI na ako nagpahatid pa kay Azul sa Manila dahil baka magbago pa ang isip ko at hindi ako matuloy sa States.
Nangako rin naman siya na gagawa siya nang paraan kung paano niya ako matatawagan. Simula nang naging kami ni Azul ay hindi kami gumagamit ng smart phone. Madalas naman kasi kaming nagkikita kaya ganoon.
Pagdating ko nga sa States. Paglabas ko pa lang na bitbit ang maliit kong maleta at ’saktong pagbukas ko ng phone ko ay may tumawag na sa ’kin na unregistered number.
“Hello?” Boses iyon ng fiancé ko!
“Babe! Na-miss ko agad ang boses mo!” sigaw ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya.
“Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone mo. Pero nakapatay,” sabi niya.
“Kalalapag pa lang ng sinasakyan naming eroplano, babe. Tapos ngayon ko lang nabuksan ang phone ko. Kaninong cellphone pala itong gamit mo?” tanong ko naman.
“Basta. Ngayon ay makahihinga na ako nang maayos. Dahil ligtas ka namang nakarating diyan. Tatawagan na lamang kita mamaya kapag nakauwi ka na sa condo mo, okay?” I nodded kahit hindi naman niya ako nakikita.
“Sure, babe!”
“Mahal kita. Ingatan mo ang sarili mo dahil pakakasalan pa kita,” hirit niya at effective iyon para kiligin ako lalo.
“Opo,” maikling sambit ko lamang saka ako pumara ng taxi at nagpahatid sa condominium.
***
Ngunit nagulat ako nang makita kong nasa condo ko si Sydney at ang mas masaklap pa ay may ginagawa silang milagro sa living room ko!
“Sydney!” Umalingawngaw sa apat na sulok ng aking condo ang boses ko at napahinto sa kanilang ginagawa ang mga malalandi.
“Eljeh?!”
“God! Fix your fvcking self, Sydney!” sigaw ko dahil wala siyang suot na kahit na ano.
Pinalabas niya rin ang babae pagkatapos nitong nagbihis at masama pa ang loob. Inirapan niya ako kaya nakatikim siya ng maluto kong mura. Sa huli ay siya pa rin ang napikon. Foreigner kasi ang bobita na iyon.
Basta ko na lamang iniwan sa sala ang maleta ko at nagtungo ako sa banyo para kumuha ng puwedeng pang-spray-an sa sofa ko.
“Eljeh!” sigaw ni Sydney dahil pati siya ay in-spray-han ko.
“Gàgo ka! Halos nangalahati na ang taon ay wala ka pa ring pinagbago, Sydney! Magkakasakit ka na niyan ng aids, for God’s sake!” sermon ko sa kaniya. Napakamot naman siya sa batok niya. “Ano pala ang ginagawa mo rito sa condo ko, Sydney?” I asked him.
“Matagal na akong nandito, Eljeh,” he answered.
“Wala ka bang balak na mag-stay na for good sa Philippines at dito ka nagpapakasarap sa sèx?” naiinis na tanong ko. Napasabunot siya sa buhok niya.
“Kadarating mo lang ba, Eljeh?” pag-iiba niya ng topic.
“Sagutin mo ang tanong ko,” mariin na saad ko.
“Mayroon pero gusto ko pang mag-stay rito nang mas matagal. Alam mo naman na ayokong pinapangunahan ako palagi ni dad,” pahayag pa niya.
“Whatever. Bumalik ka na sa condo mo,” pagtataboy ko sa kaniya saka ako nagtungo sa kuwarto ko. Napangiti ako dahil naka-lock ito. Salamat naman at hindi siya nagdala ng babae sa room ko.
Friends pa rin naman kami ni Sydney at parang bumalik kami sa dati pero nakaiinis lang ang mga babae niya.
Paminsan-minsan pa rin naman kung pumunta rito ang isang iyon para lang manood ng movie. Abala na rin ako sa pag-aasikaso ko ng papers ko at ang pagtuturo ko.
***
“Ano pa ang ginagawa mo rito, Sydney?” gulat kong tanong kay Sydney nang makita ko siyang nasa bed ko. Katatapos ko lamang maligo. Wala siyang suot na pang-itaas at tanging ang boxer shorts niya lang. “We’re done na,” I added.
Napahawak ako sa bathrobe ko at inayos ko pa ang tali nito. “Maliligo muna ako rito bago ako aalis sa unit mo, Eljeh.” Nagsalubong ang manipis kong kilay at hinablot pa niya ang bimpo ko. Binalot pa niya iyon sa baywang niya.
“Bakit? Hindi ka ba puwedeng umalis na lang nang hindi ka na maliligo pa?” naiinis kong tanong sa kanya.
“Pinagpawisan ako sa exercise natin kagabi. Amoy pawis na rin ako at malagkit na ang katawan ko,” sabi niya at napabuga ako ng hangin sa bibig.
“Bakit ang bastos ng pagkakasabi mo? Ano’ng exercise? Tang-ina mo, ha! Hindi ka naman dito natulog kagabi!” sigaw ko sa kanya at sasapakin ko na sana siya nang may nag-doorbell sa pintuan ng condo ko. “Baka ang mga babae mo na naman iyan, Sydney? Tang-ina ka talaga, nagdadala ka ng babae sa condo ko?!” inis kong tanong sa kanya at naglakad ako para pagbuksan ang kung sino mang tao ang nasa labas.
Naramdaman ko rin ang pagsunod niya. “Wala akong babae, Eljeh at kung mayroon man—” Binuksan ko na ang pinto at pagagalitan na sana ang mga babae niyang sumugod dito kasi sa loob ng isang buwan ay iyon ang palagi ang ginagawa ko. “Ikaw lang ang babae ko...” dugtong niya at pumulupot pa ang braso niya sa baywang ko pero ako...
Parang nakakita lang ako ng multo. Nanlaki ang aking mga mata at malakas na kabog sa dibdib ko ang naririnig ko, na parang mabibingi na rin ako. Tila tatakasan din ako ng kaluluwa.
“A-Azul...” sambit ko sa pangalan niya. Walang emosyon ang mga mata niya at ang lamig talaga no’n. Umiigting na ang panga niya. Binalot na ako nang kaba at takot sa posibleng isipin niya. Sa reaction niya lang ay alam ko na kung ano na ang kahihinatnan ng lahat ng ito.
“Sana naniwala na ako noong una na niloloko mo lang pala ako, Eljehanni,” malamig at mariin na saad niya.
“Babe, a-ano naman ang ibig mong sabihin? Wait, magpapaliwanag ako, Azul,” sabi ko at hinawakan ko ang braso niya pero tinabig niya lamang ito. Nasaktan ako sa ginawa niya.
“Siya ang boyfriend mong si Sydney Montessori, hindi ba?” tanong niya sa akin at tiningnan pa niya si Sydney. Tinanggal ko ang braso nitong nasa baywang ko at lumapit kay Azul.
“Let me explain, Azul... Mali ang iniisip mo ngayon,” kinakabahan na sabi ko pero humakbang na siya palayo sa akin. “Babe...”
“Tingnan mo ang sarili mo, Eljehanni. Sa lalaking nasa tabi mo? Malinaw na niloloko mo lang naman ako. Simula nang akitin mo ako ay may nobyo ka na pala! Kaya ayokong mapalapit sa ’yo dahil ganito ang ugali mo, Eljehanni!” pag-aakusa niya sa ’kin.
“What? What are you talking about, Azul?! Wala... Wala akong—”
“Salamat sa matalik mong kaibigan, Eljehanni. Nagawa kitang puntahan dito para malaman ko ang panlolokong ginawa mo sa akin.”
“No! Mali ang iniisip mo! Hindi kita niloloko, Azul!” Nang tinalikuran niya ako ay hinabol ko siya kahit tanging bathrobe lang ang suot-suot ko. Ayokong iwan na lamang niya ako bigla nang hindi pa ako nakapag-explain sa kanya. “Babe! Azul!”
Hindi ako nakaabot sa elevator dahil sumara na ito agad. Ilang beses ko pang pinindot pero hindi na talaga siya bumukas. Nangingilid na ang luha ko at sasakay pa sana ako ng elevator nang hilahin ako ni Sydney.
“Susundan mo siya na ganyan lang ang suot mo?”
“Bakit ba kasi hindi ka pa umalis sa condo ko at bakit lumabas ka pa?!” sigaw ko sa kanya na galit na galit. Hinampas ko ang dibdib niya.
“Sino ba ang lalaking iyon at iniiyakan mo pa siya?”
“Fiancé ko!” naiiyak kong sigaw na ikinabigla pa niya.
“S-Sorry...”
Ang sabi niya ay kasama niya ang best friend ko. Hindi ko alam kung bakit magkasama sila at may sinabi pa siya na hindi ko maintindihan. Ano’ng niloloko ko lamang siya? Wala akong alam sa sinabi niya.
Tinawagan ko si Snow dahil siya lang naman ang tinutukoy nitong best friend ko pero dahil noong umuwi na ako sa Philippines ay nagkasamaan kami ng loob. Pero bakit kasama niya ang fiancé ko?
Hindi sinagot ng babaeng iyon ang tawag ko at gusto niyang ako pa ang magpunta. Nagbihis agad ako at balak pa sanang sumama ni Sydney nang pinigilan ko siya.
Nasa hotel siya naka-check-in. At that moment ay wala talagang kahit na ano ang pumasok sa utak ko kundi ang sugurin si Snow. Ewan ko na parang may galit na naman siya sa ’kin.
Pagdating ko sa hotel suite niya ay nakabukas ito dahil may slipper sa baba para hindi tuluyang magsara. Binuksan ko ito at hinanap ko pa siya sa loob kasi mukhang wala siya rito but I saw her phone sa bed. May mga luggage pa siya sa gilid nito. Napatingin ako sa pintuan ng bathroom niya dahil sa naririnig ko ang paglagasgas ng tubig. Baka naliligo pa ang bruha.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagtungo na ako roon. Sa pagbukas ko ay tila may bumaon na patalim sa dibdib ko.
Naumid ang dila ko sa nakita at hindi na ako makapagsalita pa. Kung kanina ay napuno ako nang galit sa dibdib pero ngayon... Sakit at kirot sa puso lang ang naramdaman ko.
“Ohh, Azul...” Nanginig ang kamay ko at tila napako na rin ako mula sa kinakatayuan ko.
Nakita ko ang fiancé ko na kahalikan niya si Snow. Nakasandal ito sa pader dahil ang magkabilang binti nito ay nasa baywang ni Azul. Basang-basa sila pareho ng tubig dahil nasa ilalim sila nito. Walang suot na t-shirt ang fiancé ko pero si Snow... Halos hubad na siya at ang isang dibdib niya ay sinakop ng malaking palad nito. He was kissing her neck at gumagalaw rin siya na parang...
Nandilim ang paningin ko at nakita ko na lamang ang sarili ko na sinasabunutan ko na si Snow. Ilang beses ko rin siyang pinagsasampal. Hindi siya tinulungan ni Azul dahil nanood lang ito sa amin.
“Walang hiya ka, Snow! Bakit ang fiancé ko pa ang ginagamit mo?!”
“What? Wala na kayo ni Azul at puwede ng maging kami. Cheater ka kasi! Kayo pa nga ni Sydney pero naging boyfriend mo na si Azul! Dahil niloloko mo siya!”
“Wala akong alam sa sinasabi mo!” Ibinuhos ko ang galit ko kay Snow pero nahinto lang ako nang pinigilan na kami ni Azul. Malamig pa rin ang boses niya.
“Want to watch with us, Eljehanni?While I’m having sèx with your best friend?” Malakas na sampal ang ginawa ko sa kanya. Hanggang sa nagsunod-sunod pa iyon. Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil bayolente na ang paghinga ko.
“Ang kapal ng mukha mong sumbatan ako sa isang bagay na hindi ko naman nagawa! Ang kapal ng mukha mo, Azul! In-English mo pa ako para maging cool ka?! You called me a cheater but you’re the only one who cheated while we’re still in a relationship!” naiiyak na sigaw ko. Ni hindi man lang nagbago ang facial expression niya. Blangko pa rin. Ni hindi rin siya kumurap at malamig na tinitigan niya lamang ako.
“Patas na tayo, Eljehanni. Pareho tayong nagloko,” walang emosyon na sabi pa niya sa akin.
Bumuhos lamang ang mga luha ko. Gumanti siya. Gumaganti siya sa akin kaya nagawa niya ring halikan si Snow? Gumanti siya dahil lang sa nakita niya kanina sa condo ko?
“Fvck you! Fvck you, Azulenzure!” malutong na mura ko. “Magsama kayo ni Snow! Sige! Sige, ituloy ninyo ang ginawa ninyo kanina!” sigaw ko pa at tinulak ko pa si Snow sa kanya. Hindi niya ito sinalo kaya nawalan nang balanse.
“Eljehanni!” Mabilis na tumalikod na lamang ako. Dala-dala ang hinagpis, sakit at nadudurog kong puso ay umalis ako sa lugar na iyon.
Ang sakit pala niyang mahalin, wala siyang tiwala sa ’kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top