CHAPTER 3
Chapter 3: Naughty Eljehanni
“MAY mga pangalan na po ito, Nanay Lore at mama. Tingnan ninyo na lamang po,” sabi ko at sabay na nilang binuksan ang luggage ko.
“Nag-abala ka pa talaga, Señorita.”
“Oo nga naman, anak.”
“Hindi naman po puwede na wala akong pasalubong sa inyo. Kagagaling ko lang from abroad,” ani ko na tinanguan nilang dalawa. Bumalik sa pagkaupo si mama at muli akong humilig sa kaniya. Iyong pagod ko ay nabawasan ng kaunti.
“Tatawagan ko ang papa mo, darling. Alam kong magugulat iyon kapag nalaman niyang nandito ka na.” Tinipa-tipa niya ang keyboard ng phone niya. Napangiti pa ako nang makita ko ang locked screen wallpaper. Picture namin iyon ni papa pero nasa five years old pa yata ako at that time. Buhat-buhat ako ng papa ko at nakadikit ang pisngi namin pareho. Matamis ang ngiti namin at nakatingin sa camera.
Sa home screen wallpaper naman niya ay tatlo na kami. Kuha iyon noong graduation day namin. Nasa gitna ako pareho ng parents ko at yakap ko ang mga braso nila.
I sipped my strawberry juice with a straw at tiningnan na nila ulit ni mama ang mga pasalubong ko. Damit, other accessories and chocolate ang mga iyon.
“Salamat dito, hija.” Bakas ng kasiyahan ang face ni Nanay Lore.
“No probs po, Nanay Lore. May dress po kayo riyan na alam kong magugustuhan ninyo ang tela nito. Hindi po siya mainit kung susuotin at hindi rin po siya manipis. I suggest po kay Tatay Jerome na i-date ka niya. May mga damit din po siya riyan. May pasalubong din po ako para sa anak ninyo saka chocolate para ganahan siyang mag-aral,” mahabang saad ko.
“Hay naku. Ang dami mong alam, Señorita. Salamat dito. Mabuti pa ay pupuntahan ko na muna ang mag-ama ko. Nasasabik na akong isuot ito at maipakita ang mga pasalubong mo.”
“Sige po.”
“Babalik ako mamaya, Señora,” paalam niya sa aking ina.
“Kahit huwag na po, Nanay Lore.” Mas matanda si Nanay Lore kaysa kay Mama kaya iyon na rin ang tawag niya. Maski nga si papa, eh ganoon din ang tawag. Kay Tatay Jerome ay kuya lang ang tawag niya. Minsan ay magkasama sila sa trabaho. Sa rice mill.
“Grabe, darling. Mas gumanda ka yata at alagang-alaga mo ang sarili mo. Thanks God naman.” Sinapo ni mama ang pisngi ko at titig na titig na lamang siya sa ’kin.
“Of course po, mama. Kayo rin po ang inaalala ko kapag pinabayaan ko ang sarili ko.”
“Hindi ka na ba aalis, anak?”
“Hindi na po, Mama. I-take over ninyo na po sa ’kin ang kompanya nito ni papa. Gusto ko po ng baby brother,” pagbibiro ko na ikinatawa niya.
Busy sila palagi ni papa kaya ako na lang ang naging anak nila. Pero sinubukan pa rin naman nila at sadyang si Eljehanni Elites lang ang magiging anak nila. Nakontento naman sila na isa lang ang baby nila. Kahit abala nga sila sa work nila ay hindi pa rin nila ako napabayaan. May time management kasi sila at priority pa rin nila ang family.
Maiiwasan natin ang pagiging broken family kung may oras tayo palagi sa mga taong mahal natin. Hindi lang love, trust and loyalty ang kailangan dahil pinakamahalaga rin ang communication, ang oras natin para maiwasan ang pagkakaroon ng lamat ng relasyon.
Kahit gaano pa tayo ka-busy sa mga ginagawa natin, sa trabaho man iyan o ano ay mas importante pa rin ang komunikasyon natin sa kanila. Madali lang naman iyon, kahit sampung minuto lang. Advance technology na tayo ngayon, through text message, call just for one minute ay masasabi na natin na communication na iyon.
“Hon! What’s wrong?!” Napatingin ako sa front door ng marinig ko ang boses ni papa. Nag-p-panic siya at nang makita ko na ang pagpasok niya ay namumutla na siya. Parang ang layo pa nang tinakbo niya makarating lang sa villa namin. “Eljeh?” He’d stop when he saw me. I stood up from my chair.
“Hi, Papa,” I greeted him. Bumagal pa ang paglalakad niya patungo sa a
’kin. Mahinang humalakhak ako at sinalubong ko na lang nang mahigpit na yakap ang aking ama.
Naramdaman ko ang paghalo niya sa ibabaw ng ulo ko. “Nakauwi ka na pala, anak. Ikaw yata ang tinutukoy ng mama mo. God, akala ko ay may nangyari na sa kaniya na hindi maganda,” sabi niya. Pati ang amoy ni papa ay na-miss ko. Tuluyan na ngang mawala ang pagod ko nang mayakap ko ang unang lalaking minahal ko.
“Miss you, Papa.”
“I miss you too, anak. Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na pala. Nasundo ka sana namin,” sabi niya. Ganoon din ang sinabi kanina ng aking mama.
“Surprise po ito, Papa.” Hinawakan niya ako sa likod at lumapit kami kay Mama. Hinalikan niya sa labi ito at dumaing naman ako. Natawa sila pareho. As ever ay sweet pa rin sila.
Nakaupo na ako sa gitna nila at ilang beses pang hinalikan ni Papa ang sentido ko.
“Nasaan na ang pasalubong ko, anak?”
“See, Mama? Si Papa po ay excited sa pasalubong ko. Tapos kayo ni Nanay Lore ay ayaw na niyo ang pasalubong.” Inabot ko ang backpack ko kasi maliban sa mga damit ay may binili akong wristwatch. Couple ito. Kinuha ko ang purple velvet box at binuksan ko ito.
“Wow... Ang ganda naman iyan, darling.”
“Couple po ito, Mama. Sa inyo po ni Papa. Noong nakita ko ito ay kayo ang naalala ko.” Hinawakan ko ang pulso ni Papa at isinuot iyon sa kanya. Maganda nga.
“Thank you for this, anak.”
“You’re welcome po, Papa. Ikaw naman po, Mama.”
“Hindi mo talaga kami nakalimutan, darling,” nakangiting sabi naman ng aking ina.
Umabot ng isang oras ang kuwentuhan namin bago nila ako pinaakyat sa room ko para magpahinga. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko at wala pang ilang minuto ang nakalipas ay bumigat ang talukap ng mata ko. Hanggang sa nakatulog na rin ako.
Nagising ako noong dinner time na at si Mama ang nagluto ng mga pagkain namin. Marami na naman akong nakain kasi dalawang taon ko ring hindi ito natikman.
Maaga pa rin akong nagising kasi wala na akong nararamdaman na kahit na ano pa. White sando lang ang suot ko at pink na shorts. Kalahati ng hita ko ang makikita.
Nagtungo ako sa balkonahe ko at hinagod ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok. Nang isinandal ko ang siko ko sa railings ay lumihis pababa ang sleeves ko. Hindi ko iyon inayos dahil napatingin ako sa kalangitan.
“Good morning, Sta Rosa Province,” nakangiting sabi ko at ang isang kamay ko ay nangalumbaba habang titig na titig ako rito.
Malamig ang simoy ng hangin na humahalik sa balat ko. Napahikab pa ako at saka ako nag-stretch ng katawan. Habang ginagawa ko iyon ay napansin ko ang pagtitig sa akin ng kuya sino mang tao kaya napasulyap ako sa left side ko.
His eyes meets mine at nang napatingin siya sa katawan ko ay inayos ko ang sarili ko saka ako naglakad sa dulo ng balkonahe ko.
“Good morning, Azul,” I greeted him. Feeling close lang, Eljehanni?
Hindi niya ako binati kasi as usual ay snob na naman siya. Ang aga-aga ay ang suplado na niya. Pinapanood ko siya habang nagbubungkal siya ng lupa. Nasa second floor ang kuwarto ko at alam kong maririnig pa rin naman niya ang boses ko. Naisip ko na lang ang bumaba para puntahan siya.
“Señorita, gising ka na pala.”
“Opo, Nanay Lore. Puwede po bang humingi ako ng breakfast? Dalawang tasa po ng kape.”
“Oo naman, hija.”
“Doon po sa garden, Nanay Lore. Salamat po and good morning.” Humalik pa ako sa pisngi niya at lumabas na nga ako.
Sinulyapan pa ako ni Azul pero nagpatuloy siya sa trabaho niya. Umupo ako at nangalumbaba sa table. Half-naked siya, itim na pantalon lang ang suot niya pababa at iyong boots niya.
Grabe, ang laki ng muscles niya. Parang gusto kong pisilin iyon nang paulit-ulit. Nag-f-flex kasi. Ang kisig pa niya. Parang alagang work out. Hindi pa siya pinagpapawisan, what more na kaya kapag may sweat na siya?
Oh, my God. Parang ang hot and sexy na siya. I can’t wait to see that.
I stood up at nasa likuran ko ang dalawang kamay ko. I stepped towards him. Huminto ako sa kaliwa niya at tiningnan ko ang lupang binubungkal niya.
Maraming pananim na mga bulaklak. Ang iba ay binago niya yata kaya nagtatanim siya.
“Nag-breakfast ka na ba, Azul?” tanong ko sa kanya. Hindi na naman niya ako pinansin. Hay naku, snob talaga oh. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niya. Hindi ko maiwasan na singhutin iyon at natigilan siya. Nang bumaling siya sa akin ay salubong ang kilay niya. “Ano ang gamit mong perfume? Puwede ko bang malaman?” pangungulit ko.
Ewan ko kung bakit ang lakas ng loob ko na kausapin siya nang ganito na parang friends kami at close rin sa isa’t isa. Baka rin kasi na-adapt ko ang mga ugali ng foreigner?
Tumikhim siya at lumipat sa kabila. Dahil dakilang makulit ako ay sumunod pa rin ako sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top