CHAPTER 27

Chapter 27: Sydney’s arrival

PINUNASAN ng boyfriend ko ang tubig sa gilid ng labi ko. Maayos na ang lalamunan ko kasi nagawa ko nang lunukin ang kinakain ko kanina pero hindi naman nawala ang pagkakunot ng kanyang noo. Pinapagalitan niya ako kasi hindi raw ako nag-iingat.

“I’m okay na po,” sabi ko. Pinisil pa niya ang chin ko at kumibot-kibot ang labi niya. Gusto pa niya akong pagalitan pero pinigilan na lamang niya ang sarili niya. Ang cute. “Ouch! Ang mata ko!” drama ko at mabilis kong tinakpan ang isang mata ko.

He stop me nang subukan kong kusutin ito. “Huwag mong kusutin.”

“M-May pumasok yata sa kaliwang mata ko, babe.” Naramdaman ko ang paglapit niya sa mukha ko.

“Hihipan ko,” sabi niya.

“Sige,” sambit ko at bago pa man mahipan niya ang mata ko ay hinalikan ko na ang labi niya. Napangisi ako nang magulat siya sa ginawa ko. Inulit ko iyon ng dalawang beses.

Malakas na humalakhak ako. Hinagod ng mahaba niyang daliri ang buhok niya. Kitang-kita ko kung paano umigting ang panga niya. Pulang-pula na rin ang tainga at leeg niya.

“Eljehanni,” sambit niya sa pangalan ko na may warning pa.

Tumayo na ako at itinuro ko ang mangga. May hinog na at gusto kong kumain no’n.

“Kumuha ka na ng mangga, babe. Sumisigaw na siya na Eljeh, kainin mo na ako,” biro ko pa at sinadya kong palitan ang boses ko. Narinig ko ang mahina niyang halakhak. Tumayo siya at napatili ako nang hinila niya ang siko ko. Bago pa man ako makapagprotesta ay sinakop na niya nang mariin na halik ang mga labi ko.

Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at tumugon sa mapupusok niyang mga halik. Good kisser si Azul. I wonder kung paano siya natutong humalik nang ganito. Napaungol ako nang pisilin niya ang hips ko at ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. He was sucking my tongue. Dahan-dahan naman siyang naglakad kaya napaatras ako. Naramdaman ko na lang ang punong mangga sa likod ko at napasandal na ako roon.

Umaalon ang dibdib ko sa taas ng tensyon at may kung ano ang nabubuhay sa loob ko. When he let go of my lips ay gumapang sa panga ko ang labi niya, pababa pa sa leeg ko at mahigpit niyang hinawakan ang strap ng dress ko. Hinawi niya iyon at sinipsip ang balikat ko. Sinuklay ko lang ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Nag-iinit na ang cheeks ko at mas uminit pa yata sa bandang ito. Hala, wala ng hangin.

“E-Enough na, Azul...” Itinulak ko na siya sa dibdib niya at siya naman ang nakangisi ngayon.

Ang pula ng labi niya. Napapikit ako nang hinalikan niya ako sa noo. Napangiti na ako at humalik sa leeg niya sabay nguso ko sa itaas.

“Sandali lang.”

Humiwalay na siya sa ’kin at sinubukan na niyang umakyat sa punong mangga. Mababa lang naman ito dahil crafting.

“Be careful, babe,” paalala ko sa kanya. Kumunot ang noo ko nang makitang nahirapan pa siya. “Azul, hindi ka sanay umakyat ng puno?” tanong ko. Tumikhim lang siya pero nakikita kong nahihirapan talaga siya pero nagawa naman niyang makaakyat.

Hindi niya ito inihulog instead hinubad niya ang vest niya at doon niya inilagay ang mga napipitas niyang mangga. Parang batang tumatalon-talon pa ako sa dami ng napitas niya.

Pagbaba niya ay tinalon ko siya para yakapin nang mahigpit. Muntik pa kaming mabuwal kung hindi lang siya nakabalanse. Hinawakan niya ang baywang ko saka niya ako ibinaba.

Masaya kong kinain ang hinog na mangga at sinusubuan ko pa siya. Minsan ay sinasadya kong bitinin siya. Iyong isusubo ko na sana sa kanya ay didiretso lang iyon sa bibig ko pero ang hudas. Gumaganti siya rin siya, kinakabig niya ang batok ko at para makuha ang mangga sa bibig ko ay hinahalikan niya ako at susungkitin iyon ng dila niya.

Anyway, he’s the best boyfriend for me. Hindi naman kami ganito ka-sweet ni Sydney.

***

IT’S been two weeks nang maging kami na nga ni Azul at smooth, going stronger pa rin ang relationship naming dalawa. Sa aming dalawa rin ay ako ang madalas na magtampo at sinusuyo naman niya ako palagi. Iyon ang isa sa pinakagusto ko kay Azul.

Nag-successful na rin ang seedlings namin. Siguro lucky charm ko ang boyfriend ko. Char.

Kung tatanungin pa ba ako kung may nangyari na sa amin ni Azul? Hmm, wala pa pero kapag naiiwan kami sa isang lugar na tanging kami lang ay roon namin ginagawa ang making out pero kontrolado pa rin niya ang sarili niya. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang pasensiya niya na huwag ako tuluyang angkinin.

To be honest, panatag na ako kung si Azul na ang makakasama ko habang-buhay. Tahimik man siyang lalaki at hindi masyadong transparent ay mabuting tao siya at mabait naman talaga siya. Maasikaso rin at gentleman pa.

And until now ay wala pa rin siyang endearment pero okay lang, sweet naman siya kapag kumikilos na siya. Lalo na kapag ano. Hmm, basta.

Hinanap ng mga mata ko ang nobyo ko at nakita kong may inaasikaso pa siya. My phone rang at si Sydney ang tumatawag. Himala na ngayon lang siya tumawag. Sinagot ko naman ito agad.

“Hello, sweetheart. How are you?” malambing na bungad niya sa ’kin. I rolled my eyes. Wala pa ring pinagbago.

“Sweetheart your face. Bakit ngayon ka lang yata tumawag?”

“Oh, did you miss me?” Kahit hindi ko nakikita ang pagmumukha niya ay alam kong nakangisi ang gágo.

“Asa ka, dude,” sabi ko lang at humalakhak siya.

“Anyway, patungo na ako sa villa niyo at nag-stop over lang ako sa baya—”

“What the hèll?! Ano’ng ginagawa mo rito, Sydney?!” sigaw ko at alam kong hindi siya nag-j-joke time. Seryoso siya na nandito nga siya sa Sta Rosa.

“To visit you, sweetheart,” mabilis na sagot niya.

“The fvck, Sydney! Hindi ka welcome sa villa namin for God’s sake!” I yelled.

“Ouch, Eljeh. You’re so harsh.”

Kinuha ko ang susi ng car ko sa mesa at nagmamadali na akong lumapit sa kotse ko. May tumawag pa sa pangalan ko pero hindi ko na ito nagawa pang lingunin. Sumakay na lamang ako at mabilis ko itong pinaharurot.

Ayokong magkita sina Sydney at Azul, dahil hindi iyon magandang idea. Iba ang iisipin ni Azul kapag nakita niya ang ex-boyfriend ko. Yes, ex-boyfriend ko na ang lalaking iyon dahil hindi naman kami seryoso sa isa’t isa. Tsk.

Sa bilis nang pagmamaneho ko ay hindi na ako nagtaka pa nang makarating na ako sa bayan. Mabilis ko lang nahanap si Sydney kasi naman agaw pansin ang asul niyang sasakyan.

Paano kaya nalaman ng lalaking ito ang probinsya namin at sa Villa Ciesta talaga ang destinasyon niya?

Tinawagan ko siya at ilang beses akong bumusina saka niya lang napansin ang car ko. May kinakain pa siya.

“Ikaw ba ’yan, Eljeh?” tanong niya mula sa kabilang linya.

“Sumunod ka, tang-ina mo!” sigaw ko at hinagis ko sa dashboard ang cellphone ko. Sumunod naman agad siya at sinadya kong ilayo para makapag-usap kami nang walang tao ang makakakita sa amin.

Kilala na kasi ako sa probinsya namin na boyfriend ko na si Azul at ayokong makarating sa kanya ang tsismis na may kausap akong ibang lalaki. Hindi pa nga ako nakapagpalaam sa kanya kanina.

I parked my car sa gilid ng kalsada at agad na umibis ako. Naglakad ako palapit sa kotseng naka-park na rin sa likod.

“Hi, sweetheart,” nakangiting bati pa nito. Nang makalapit ako sa kanya at sinipa ko siya sa tuhod niya. Napaigik siya sa sakit at nagsalubong lang ang kilay niya. “Hey! What was that for?!” he yelled at me.

“Sino ang nagsabi sa ’yo na pumunta ka rito, ha?! Bakit hindi ka nagsabi?!” I fired back.

“This is surprise, Eljeh. Last month ko pa sinabi sa ’yo na gusto kitang dalawin pero ngayon ko lang nalaman ang address mo. Grabe ka naman... Bakit ba galit na galit ka?” kunot-noong tanong niya.

“Talagang magagalit ako sa ’yo dahil nandito ka!” Dinuro ko pa siya at na-stress na ako sa presensiya niya.

“What? Eljeh...”

“Please, umalis ka na lang.”

“Hindi ka man lang masaya na makita ako ngayon? Ganyan ka ba ka-heartless sa boyfriend mo, Eljeh?” nakangusong sabi pa niya.

“Alam mong ayaw ko sa second chance, right? Kaya naging on and off ang relationship nating dalawa. Kapag may babae ka ay meaning break na tayo at kapag tinawagan kita ay tayo ulit. Ayoko na sa ganoong relationship, Sydney and besides hindi tayo seryoso sa isa’t isa kaya okay pa sa akin ang ganoong set-up natin. Parang wala ring commitment. Ang lahat ng iyon ay isang laro lang at pansamantala,” mahinahon na paliwanag ko sa kanya.

“I knew. But aside from that ay ano naman ang ikinagagalit mo?”

“May boyfriend na ako, Sydney at seryoso ako sa kanya,” mariin na sagot ko. Tumango lang siya.

“Hindi naman ako nandito para guluhin kayo. All I want is to visit you para malaman ko naman na you’re doing good pero heto ka, pinagtatabuyan mo pa ako kahit kadarating ko lang—actually nasa bayan pa nga ako,” he said.

“Sydney.”

“Please, let me stay. Pagod na ako sa biyahe, Eljeh. I need to rest.” I took a deep breath at tinawagan ko na lamang si Mama.

Itinuro ko sa kanya kung paano makapunta sa villa. Nagpasalamat siya pero mahigpit pa niya akong niyakap kaya tinulak ko siya at sinamaan nang tingin. He just laugh so loud. Gusto ko nga siyang tadyakan ulit dahil nakaiinis na siya.

Bumalik na ako sa farm at nakaabang na agad si Azul. Bumilis pa ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Ganito na ito palagi kapag nakikita ko siya at kung siya rin ang kasama ko.

“Babe,” tawag ko sa kanya. Humalik ako sa pisngi niya at inangkla ko ang kamay ko sa braso niya.

“Bakit nagmamadali ka kanina? May problema ba sa villa niyo?” tanong niya. Sinisilip niya ang mukha ko at kapag tumitingin ako sa iba ay hinahawakan niya ang chin ko para lang magtagpo ang aming mata.

“May bisita kasing dumating. Kakilala ni Mommy at naligaw lang siya. Nag-stop over daw siya sa bayan kaya itinuro ko na lamang kung paano pumunta sa villa namin,” I lied. Hindi naman halata na nagsisinungaling ako pero nakararamdam ako ng guilt.

Hindi ko gusto ang magsinungaling pero kasi isang bagay ang hindi ko pa nasasabi sa kanya. About Sydney na nagkaroon na nga ako ng ex-boyfriend at nandito siya ngayon sa villa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya kapag nakita niya ang lalaking iyon. Natatakot ako. Kasi bago pa lamang kami sa relationship namin. Ayokong masira again.

“Tara, kumain na muna tayo ng meryenda,” pag-aaya niya. Tumango ako at nagpatianod na lamang sa kanya.

Pasensiya ka na talaga, babe. Hindi ko pa magagawang magsabi ng katotohanan. Kaya kailangan ko pang mag-lie.

Hindi ko na lang din pinahalata pa sa kanya na kabado ako. Sana lang ay mag-behave ang isang iyon sa villa namin. Dahil kung hindi ay ako mismo ang kakaladkad sa kanya pabalik sa Manila.

Hatid-sundo na ako palagi ni Azul. Iniiwan niya sa villa namin ang kabayo niya para kapag ihahatid na kita ako pauwi ay may masasakyan naman siya. Siya kasi ang nagmamaneho ng kotse.

Nang makababa na kami ay hinalikan pa niya ako sa pisngi. “Magpahinga ka nang maaga, okay?” I nodded. Yumakap pa ako sa baywang niya kasi isang halik na naman ang ginawa niya sa ulo ko.

“Mag-iingat ka. See you tomorrow, babe,” ani ko at matunog na hinalikan din siya sa pisngi niya. Nagsalubong naman ang kilay niya at napatingin sa kung saan, kung kaya’t sinundan ko iyon nang tingin. “May problema ba, Azul?” tanong ko sa kanya.

“Bakit bukas na agad ang ilaw sa iyong silid? At may nakita ako na  pigura ng isang lalaki?” Parang sasabog agad ang dibdib ko sa lakas nang tambol nito.

Nakita niya na si Sydney? At ano naman ang ginagawa ng lalaking iyon sa kuwarto ko? Tang-ina no’n, ha!

“Hindi ko alam. Baka si Nanay Lore lang iyon, babe,” ani ko.

“Pero alam mo naman na umuuwi na sa ganitong oras si Aling Lore,” sabi niya. Napahilot ako sa sentido ko.

“Baka si papa iyon? Maliban sa kasambahay namin ay wala na kaming kasama,” sabi ko.

“Sige na. Pumasok ka na. Aalis na rin ako.” He kissed my temple again. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad ako nang patalikod. Tumaas ang sulok ng mga labi niya. “Pasok na. Huwag ka nang makulit, Eljehanni,” malambing na sabi pa niya pero maski siya ay hindi rin siya bumibitaw.

“I like you, so much, Azulenzure,” I uttered. Hinila niya tuloy ang aking kamay at napahawak ako sa balikat niya. He lowered his face to kiss me at nagtagal pa nga iyon nang ilang minuto bago niya pinakawalan ang mga labi ko.

“Gustong-gusto rin kita. Gusto mong...maligo tayo sa batis bukas?” bulong niya sa tainga ko at nakiliti pa ako sa mainit na hininga niyang tumatama sa aking leeg.

“Hmm... Kakainin mo ulit ako?” nakangising tanong ko at ang mukha na niya mismo ang namula. Bayolenteng napalunok siya at umaalon ang lalagukan niya. Natatawa na lamang ako sa reaksyon niya kapag sinasabi ko iyon in a vulgar words. “Gusto rin sana kitang kainin pero ayaw mong magpaka—”

“Ang ingay mo, Eljehanni,” mariin na wika niya at nagtatagis na ang bagang niya. Pinisil ko ang nipple niya at mabilis siyang umatras. Takot talaga siya kapag inaasar ko na siya nang ganoon.

“Sige na, babe. Umuwi ka na. Ingat ka,” sabi ko at nag-flying kiss pa ako saka ako pumasok sa villa namin.

Nilingon ko pa siya at nakatayo lang siya roon. Sinenyasan ko na siya. Tanging pagtango lang ang sagot niya at tumalikod na rin siya.

Hinanap ko agad si Sydney at dire-diretsong nagtungo ako sa aking silid. Baka nga totoong siya ang nakita ni Azul. Malalagot talaga ang lalaking iyon. Ang daming kuwarto pero napili pa niya iyong akin.

Hindi nga ako nagkamali at prenteng nakahiga na ang hudas sa malaking bed ko.

“Welcome home, sweetheart.”

“What are you doing here sa room ko, Sydney?!” I shouted.

“Chill. Hinihintay lang kita kaya ako nandito sa room mo,” sagot niya at bumangon na siya.

“Ang kulit mo, ha!” Hinaklit ko siya sa braso para ilabas na rin siya. Tatawa-tawa lang siya. “Bawal ka rito sa room ko,” ani ko pa at ’saktong nasa labas naman ang parents ko.

“Good evening, Tita, Tito,” bati niya sa mama at papa ko kaya napairap ako.

“May problema ba?” nagtatakang tanong ni Papa.

“Wala naman po, Papa. Pinapalabas ko lang po si Sydney. Oh, kilala niyo na po siya?”

“Yes, sinabi mo rin, darling. Hijo, come on. Magkape muna tayo,” pag-aaya ni Mama.

“Sure po, Tita.” Nakahinga ako nang maluwag.

“How about you, anak?”

“Hindi na po, ’Ma. Magpapahinga na muna po ako at saka maliligo pa ho ako. Kayo na po ang bahala sa kaibigan ko,” ani ko at malakas kong tinapik sa likod si Sydney. “Mabait ang parents ko kaya dapat ikaw rin, okay?”

“O-Okay,” nauutal na sagot pa niya.

Humalik ako sa pisngi ng mga magulang ko at tinanaw ko na muna sila sa pag-alis nila. Bakit ba kasi nandito ang lalaking iyan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top