CHAPTER 26

Chapter 26: First Date

PINILI kong isuot ang dati kong outfit. Red orange na summer dress. I wore my white sandals. Hinayaan ko na rin ang hair ko na nakalugay sa balikat ko pababa sa baywang ko. Wala naman akong make-up. Kahit na inaya ako ng boyfriend kong mag-date. Tama. May date kami ni Azul at hindi pa rin siya makapaniwala na sinagot ko agad siya.

Nasa living room namin naghihintay si Azul kasama ang parents ko. Naabutan ko pa si Papa na napahilot sa sentido niya. Samantalang si Mama naman ay natatawa na lamang.

I wonder kung ano ang pinag-uusapan nilang tatlo at mukhang stress agad ang aking papa.
I approached them to kiss my parents.

“Eljeh, ikaw talagang bata ka.” Mukhang alam ko na kung ano ang naging topic nila. Ngumisi lang ako at inangkla ko na agad ang kamay ko sa braso ng pogi kong boyfriend. Nakatayo na kasi siya.

“Meet my boyfriend, ’Ma, ’Pa.” My father shook his head. Pulang-pula naman ang pisngi ni Mama.

“Hindi mo man lang pinahirapan ang nobyo mo, anak,” naiiling na sabi pa rin ni Papa.

“Hmm, tama ho kayo, ’Pa. But he needs to remember na I don’t do second chance.” Pinagpagan ko pa ang dibdib ni Azul at natigilan siya sa sinabi ko. “So, ikaw babe. Ayos-ayusin mo ang buhay mo, ha? Tandaan mo kapag nag-away tayo at may ginawa ka na hindi ko magugustuhan ay hindi kita bibigyan ng second chance. Kahit gaano pa kita kagusto ay marami pa namang lalaki riyan na mas deserving,” pananakot ko sa kanya.

Napalunok pa siya pero kalaunan ay nagsalubong lang ang kilay niya. He seems afraid sa kaya kong gawin or sa mga sinabi ko sa kanya na babala.

“Darling, masyado ka namang seryoso. Sige na, may date pa kayo. Just enjoy,” sabi naman ng aking magandang Mama. Binalingan ko siya at ngumiti.

“Take care of my daughter, hijo.”

“Opo, Sir.” Ako na mismo ang humila kay Azul palabas at nakaabang na agad ang alaga niyang kabayo.

Hinaplos pa niya ang ulo ng alaga niya at saka niya sinulyapan. “Kapag nag-away tayo bawal ang maghiwalay, okay?” I bit my lower lip. Takot pala talaga siya.

“Depende sa ugali mo, babe. Huwag mo lang akong galitin o awayin,” sabi ko pa. Tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.

Naglahad siya ng kamay sa ’kin at nakangiting inabot ko naman iyon. Parang may paruparo sa loob ng aking tiyan nang halikan na naman niya ang noo ko.

“Hindi. Hindi kita aawayin,” bulong niya sa tainga ko at nagawa pa niyang amuyin ang buhok ko.

“Maganda ba ang dress ko? Hindi ako nagsuot ng damit ni Isabella.”

“Shh, tahimik,” pagpigil niya. “Ayos lang. Mas maganda ka kapag ganyan. Pasensya na kung pinipilit mo maging katulad ni Isabelle. Hinaplos ko lang ang panga niya at matamis siyang nginitian.

“Just let’s go. Saan mo ako dadalhin para sa first date natin?” I asked him. Hinawakan niya ang baywang ko para buhatin ako at nang makasampa na ako sa kabayo niya. Inayos pa niya ang dress ko, ’sakto lang ang haba nito sa tuhod ko.

Mabilis din siyang sumampa at nasa likuran ko na siya. Komportable agad ako dahil may masasandalan ako sa likuran ko. He caressed my waist at pinatakbo na niya ang kabayo.

“Sa palengke,” sagot niya. Tumango ako. Kumapit ako sa braso niya kahit na hawak naman niya ang baywang ko para hindi ako mahulog. “Hindi ka magrereklamo na roon kita dadalhin kahit na... Dapat ipasyal kita?” Mabilis ko siyang sinulyapan. Dahil nakahilig siya ay halos magdikit na rin ang mga labi namin.

Ang ginawa niya ay pinagkiskis niya ang tungki ng ilong namin. Sinundot ko ang tagiliran niya.

“Kahit saan mo ako dadalhin ay sasama ako. Basta nga ikaw ang kasama ko,” sabi ko. Mariin na hinalikan niya ang mga labi ko at pinisil ang chin ko.

***

Magkahawak kamay kami ni Azul nang lumapit na kami sa tindahan nila at napapatingin sa amin ang mga tao sa palengke. Ako na dakilang maligalig ay ganoon ang bumabati pa ako sa kanila ng magandang araw. Huminto naman ang kasama ko sa isang nagtitinda ng mga bulaklak.

“Pabili ho ako ng isang tangkay nito,” sabi niya sa babae at siya mismo ang kumuha ng tulips.

Nakangiting ibinigay niya ito sa akin. “Pero may ibinigay ka na kanina. Nailipat ko na nga sa flower vase ko,” ani ko.

“Iba naman ’to,” sabi niya at wala na akong nagawa pa kundi ang kunin na lamang. Inamoy ko pa ito at humilig sa balikat niya.

Binayaran niya iyon. “Nililigawan mo ba si Señorita Eljeh, Azul?” curious na tanong ng babae.

“Opo, pero nobya ko na po siya,” pag-amin niya at nanlaki ang mga mata nila.

“Akala ko kayo ni Isabella. Pero ang unica hija pala ng pamilyang Ciesta ang napupusuan mo.”

Walang sagot si Azulenzure. Tipid lang siyang ngumiti saka ako iginiya sa lola at kapatid niya. Hayan na naman ang matatalim na mga nito.

“'La, si Eljehanni po.”

“Hala, kilala ko naman si Señorita, apo,” natatawang saad ni Lola Molai.

“Alam ko po. Pero gusto ko siyang ipakilala sa inyo dahil nobya ko na po siya.” Ngumiti lang ang kanyang lola sa sinabi niya at parang hindi man lang ito nabigla sa nalaman.

Maybe nasabi na ito ni Azul and he told her din na liligawan pa niya ako but now, sinagot ko agad siya.

Kung sabagay ay may kanya-kanya naman tayong opinyon when it comes sa pagsagot sa isang lalaki. Ang iba, mas gusto nilang makita ang effort ng manliligaw nila. Gusto rin nila na mas makilala pa ito nang lubos. Pero sa part ko, mas gusto kong makilala lalo si Azul nang kami na.

Kaya kong kilalanin ang isang tao at malalaman ko pa ang mga katangian niya kapag magiging close na kami. Oo napakadali lang at sinagot ko siya agad. Pero wala, eh. Mas gusto ko ang huwag siyang pahirapan.

Puwede ko naman siyang pahirapan kahit kami na. Hehehe. Magiliw akong niyakap ni Lola Molai at gumanti rin naman agad ako.

“Azul, sabihan mo rin ang kapatid mo na huwag na niya akong awayin,” hirit ko at ininguso ko ang batang babae na nahuli namin pareho ang pag-ikot ng mga mata nito. Pinagsabihan naman niya ito kaya lumapad ang ngiti ko. Nagawa ko pang hawakan ang ulo niya.

“Aalis na po kami, ’La. Dumaan lang po kami rito para ipakilala sa inyo si Eljehanni.” Pinagsiklop niya ulit ang mga daliri namin. Kinikilig ako sa simpleng gesture niya. Parang matutunaw na naman ang puso ko.

“Sige, mag-ingat kayong dalawa.”

“Bye po!” Kinawayan ko pa sila saka kami umalis.

May dala ng bayong si Azul. Ewan ko kung ano ang laman niyan. Basta ako busy sa pag-amoy ng tulips na bigay niya. Naglakad lang kami at hawak niya ang tali ng kabayo niya.

“Pagod ka na ba?” mayamaya ay tanong niya.

Mataas man ang sikat ng araw ay hindi rin ito mainit. Nasa province nga kami kaya fresh always ang air dito sa amin.

At oo, medyo matagal na rin kaming naglalakad pero hindi naman nananakit ang mga paa ko. Iyon nga lang pinagpawisan pa ako, pati kili-kili ko nga. Chos. Manipis ang dress ko at malaki ang strap nito.

“Hindi pa. Kaya ko pa,” sagot ko na sinabayan ko pa nang pag-iling.

Feeling ko rin ay hindi ako mapapagod kapag siya na ang kasama ko.

Simpleng puting t-shirt ang suot niya na may pulang vest. Maong na pants at leather boots din pababa. Ang bayong niya pala ay bitbit ng kabayo niya—este nasa taas nito.

Tumigil din kami sa malaking punong mangga na may table at upuan na gawa sa kahoy. Tapos sa tapat nito ay ang malawak na palayan. Humiwalay si Azul para itali ulit ang kabayo niya.

May kataasan itong puwesto namin kaya makikita talaga nang malinaw ang palayan. Ikinumpas ko ang dalawang braso ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Ang bango ng aroma ng mga palay.

“Heto ang buhay na gusto ko, babe,” sabi ko sa aking boyfriend at nilingon ko siya. Dahan-dahan na siyang naglalakad palapit sa gawi ko. Nakasuksok na agad ang isang kamay niya sa bulsa ng pants niya.

“Bakit nasa ibang bansa ka ng dalawang taon?” tanong niya at nasa tinig niya ang interest.

“Nag-aral ako at nagtrabaho roon,” sabi ko. Hinawakan ko ang braso niya nang pumulupot ito sa baywang ko. Hinalikan niya rin ang dulo ng balikat ko kaya sumandal na ako sa dibdib niya.

Ilang minuto kaming nasa ganoong sitwasyon ni Azul. Iginiya naman niya ako paupo at pa-side ang ginawa ko kaya kailangan niya ring umikot para may masandalan ulit ako. Nasa gitna na ako ng mga hita niya.

May dala siyang kakanin at tikoy. Siya rin mismo ang nagsubo sa akin—actually, share kami. Tapos may juice rin sa tumbler. May mga prutas at kapag iyon ang gusto kong kainin ay inaabot niya iyon. Ang mansanas ay kailangang hihiwain pa niya. Ayaw niyang ipakain ng buo, eh.

Masyado nga siyang mabait at napaka-green flag niya, ika ng mga teenager. Natatakot ako na baka magbago na lamang siya bigla. Sana lang ay mahaba ang pisi ng pasensiya niya at huwag siyang mapagod sa ugali ko. Mahirap kasi akong intindihin.

“Gusto mo pa?” Tumango ako sa kanyang tanong.

“Babe, may endearment ka ba for me?” I asked him.

“Endearment?” confuse na tanong naman niya.

“Oo, tawagan ganern. Like me, tawag ko sa ’yo ay ‘babe’, so ikaw ano naman?”

“Eljehanni.”

“Ang pangit mo naman po ka-bonding!” sigaw ko at inagaw ko sa kanya ang hawak niyang kakanin. Kinurot ko pa ang binti niya. “Ang sweet mo para pangalan ko lang ang itatawag mo?” nakangusong tanong ko na tila nagtatampo agad.

“Ano ang gusto mo?” tanong niya at pinisil na naman niya ang chin ko.

“Hmm... Dapat ikaw ang mag-isip,” sabi ko pa.

“Gusto mo bang tawagin kitang...mahal ko?”

“Eh, hindi mo pa ako mahal,” sabi ko at napairap.

“Ang pagkagusto ko sa ’yo ay aabot din ang pagmamahal,” sabi niya at lumubo ang pisngi ko. Sa huli ay napangiti rin ako. “Pero mas gusto ko pa rin na tawagin kang Eljehanni.” I pouted again.

“Tsk.”

“Kasi gusto ko na tawagin palagi ang pangalan mo. Iyong tipong hindi naman ako magsasawa. Gustong-gusto ko ang pangalan mo, Eljehanni,” he reasoned out.

“Hay, ewan ko nga!” sabi ko na lamang at sinubuan ko na siya ng kakanin.

May baon din si Azulenzure na ulam at kanin. Mamaya pa naming kakainin. Meaning ay buong araw kaming magsasama at ito ang simpleng date pero gustong-gusto ko. Kakaiba ito sa lahat.

“Bukas. Balik trabaho tayo?” I nodded.

“Kailangan maging successful ang farm ko. Lalo na ako na mismo ang humawak no’n. Sa tingin mo ay tutubo agad iyon, Azul?” tanong ko.

“Sigurado ako na tutubo iyon lahat at ano ang balak mo pagkatapos?”

“Magpapatayo tayo ng kapehan. Hindi literal na coffee shop, ha? Sa halip na ibenta ito ay tayo mismo ang gagawa. Samahan mo ako sa business ko in the near future, ha babe?” parang batang pakiusap ko. Gusto ko kasi na makasama siya sa business ko.

“Hindi ako aalis sa tabi mo. Maaasahan mo ako sa lahat ng oras, aking Señorita.” Sa tuwa ko ay hinalikan ko ang gilid ng labi niya at niyakap siya. Hanggang sa nauwi sa malalim na halikan. Pulang-pula tuloy ang pisngi ko.

Nakatulog ako sa bisig niya nang hindi ko na namalayan at wala na kami sa upuan. May nakalatag ng picnic blanket sa lupa. Nakasandal siya sa punong mangga at nakaunan ako sa hita niya.

Hinahaplos niya ang pisngi ko at sinusuklay ang aking buhok. Napatingin ako sa itaas dahil nakita ko ang bunga ng mangga.

“Babe, may bunga, oh.” Instead na tumingin siya sa itinuturo ko ay sa akin na muna siya sumulyap.

“Ang haba nang tulog mo,” komento niya.

“Hala, sorry.” Umiling lang siya at tumingala na sa itaas.

“Mamaya ka nang kumain niyan. Mananghalian muna tayo,” saad niya at inalalayan pa niya akong makabangon. Sinuklay na naman niya ang buhok ko para ayusin iyon. “Hindi ka ba gutom?”

“Hindi pa. Pero kumain na tayo tapos mangga,” ani ko.

“Masusunod po, Señorita,” saad niya.

Ang suwerte ko talaga at ako ang naging girlfriend niya. Napakabait niya at maasikaso.

Ang ulam namin ay may kalabasa na naman at minudo. Kung hindi niya lang ako nilalagyan ng manok sa plato ko ay hindi ako kakain no’n. Wala siyang dalang kutsara. Dahil gagamit daw kami ng kamay. Ayos lang naman iyon. Kasi sanay ako na gumamit lang ng kamay. Tinitingnan niya iyon kung kaya ko ba. Kahit minsan na niya akong nakita.

“Don’t look at me like that, babe. Probinsyana ako, okay?”

“Oo. Pero...isa ka ring heredera,” sabi niya at nagkibit-balikat lamang ako.

“Totoo iyon,” wika ko. Pinupunasan niya ang gilid ng labi ko kapag nakikita niyang may dumi iyon, na minsan ay butil lang ng kanin.

Masarap talaga siyang magluto. Ako walang future. Psh. Husband material nga siya—err what?!

Bigla ay hindi ko na kayang lunukin ang kanin at natataranta na naman siya na kumuha ng tubig.

“Mag-ingat ka naman, Eljehanni!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top