CHAPTER 25

Chapter 25: Manliligaw at Label

ASH green one shoulder fitted shirt na may slit sa bandang tiyan ang suot ni Nica at ako mismo ang pumili no’n para sa kanya. Visible tuloy ang pusod niya and her sexy cleavage but there is akin tone cloth at ang pababa naman ay short pants na litaw na litaw rin ang mapuputi niyang binti at hita.

Blue maxi mini dress naman ang outfit ko hanggang hita rin ang haba nito at mababa rin ang neckline. Nagulat pa siya nang makita ang outfit na pinili ko.

Matagal kami sa villa dahil kasama namin si Mama na ipakita ang mga damit namin at tuwang-tuwa pa siya noong kinukuhanan niya kami ng picture. Nakarating din kami sa hacienda ng Verracia brothers. Si Rolf ang unang sumalubong sa amin.

“Good evening! Thank you for coming, Eljeh and Nica. Akala ko ay hindi talaga darating si Nica. Because I thought nahihiya ka lang. Come on. Dumating na kayo kaya magsisimula na ang pool party natin,” pag-aaya niya sa amin ni Nica kaya sumunod na rin kaming dalawa. Sa pool area nga kami nagtungo at may iilan na bisita na sila roon.

Si Wolf ay may katabing babae at nakaakbay siya rito. “Playboy ang kakambal mo, eh,” komento ko na ikinatawa ni Rolf at tumango siya bilang pagsang-ayon.

“Yeah. Alam mo na,” sabi niya na parang proud pa ang hudas.

“Huwag na kayong magtaka pa kung may babae na ang maghahanap sa kanya at nabuntis niya ito,” komento rin ni Nica and I agree to that.

“That’s very good. May pamangkin na ako kung ganoon,” nakangising sabi niya. Ay ang pûta supportive pa siya.

Sa isang round table ay may apat na lalaki ang nakaupo roon at may couple na rin ang naliligo sa pool.

“Good evening, here’s my new guests,” anunsyo niya sa mga kasamahan niya kaya napatingin ito sa amin. Pamilyar na ang face nila dahil mga schoolmates ko naman sila dati sa high school.

“Eljeh,” tawag nilang lahat sa akin.

“This is Nica, guys,” pakilala ni Rolf.

“Is she single, Rolf?” tanong ng isa.

“Sad to say, no...” sagot ni Rolf.

“Sayang,” sabay-sabay na sabi nila. Pinagtaasan tuloy sila ng kilay ni Nica.

“No need the introduction, guys. No...no, huwag ka nang makipagkilala pa sa kanila, Nica. Mga babaero ang mga ’yan,” Rolf said with a laugh.

“Rolf, sinisira mo naman ang reputasyon namin, ah,” sabi pa nila at sunod-sunod na silang nagpakilala pa.

“Nica, right? I’m West.”

“Yeah, nice meeting you, West.”

“New friend? This one is Breck, the blue hair.”

“I love your hair, Breck but I don’t like your name. Parang ang hilig mo ring mang-break ng mga babae.”

“This boy with earrings, his name is—”

“Chand.”

“Your name is innocent, but your face,  whatever.”

“Lastly, I’m Kervy.”

“Nice meeting you guys. How about that one?” tanong ni Nica sabay turo sa isang lalaki.

Lahat sila ay napatingin sa gawing iyon. “Oh, he’s North, my brother and beware of him. He’s the most playboy among us,” sabi naman ni West. May warning pa siya.

“I see,” she said and nodded.

Pinaupo na rin kami ni Rolf at siya ang kumuha ng pagkain namin.

“Naka-bikini suit tayo, Nica. I told you na huhubarin mo lang ang suot mo at pahihiramin naman tayo ni Rolf ng bathrobe,” suggestion ko sa kasama ko.

“Nahihiya ako. Sina King and Azul nga ay halos hindi na ako makatingin sa kanila nang diretso,” kinakanta na sabi pa niya.

“No need to worry about them. Hindi naman sila mga manyak, right guys?” untag na tanong ko sa iba.

“Silly you, Eljeh. May mga kapatid kaming babae,” natatawang sagot ni Breck sa akin.

“Eh, bakit ang playboy mo?” tanong ko. Hindi na siya nakaimik pa at makipagsayawan na sa mga babae nila.

“Huwag tayong magpapatalo sa mga babae rito, Nica. Show your beautiful body,” sabi ko.

“Eljeh,” she warned me.

Binigyan ko ng drinks si Nica pero mabilis pala siyang malasing kaya hindi na niya namamalayan sa tabi niya si Wolf.

“Fvcking hell,” Wolf let out a curse.

“What the fvck, Gennica?!” Napaigtad pa ako nang marinig ko ang boses ni Mr. Dwight. Si King!

“Oh, here comes the boyfriend,” Wolf blurted out.

Nang lumingon ako ay si Azul agad ang bumungad sa akin na umiigting ang panga niya.

“What are you doing here, Azul?” kunot-noong tanong ko sa lalaking ito na lumalapit na rin sa gawi ko. Wala siyang facial expression. Mukhang galit na naman ang tukmol.

“Oh, I thought you don’t want to come here...” Rolf said.

“He’s the boyfriend of Nica?”

“Let’s go home, Gennica,” mariin at malamig na sambit ni King.

“Eljehanni.” Nica looked at me.

“Come on, Azul. Lumapit ka na lang dito at maupo. Let’s drink this first before we go, come here, Mr. Hardinero...” pag-aaya ko sa kanya na may lambing pa sa boses ko. Umupo naman siya sa gabi ko at tinitigan niya ang mukha ko. I smiled at him but he gritted his teeth.

“Amoy alak ka, Eljehanni,” seryosong sabi niya at pabirong ibinuka ko pa ang bibig ko. Natawa lang ako sa reaction niya.

“Hindi pa naman ako lasing,” depensa ko at marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi ko.

“Mainit na, oh. Tss.”

“Tss,” panggagaya ko.

“Mr. Dwight, come here. Join us. Huwag muna kayong umuwi.”

“Later,” sabi lang ni King. “Can we use your comfort room?” King asked them.

“Sure, over there.” Ibinalik ko ang atensyon ko kay Azul.

“Bakit ka pala nandito?” tanong ko at braso niya ay nasa sandalan na ng upuan ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa table niya at hindi ko na pinansin pa ang iba dahil may sariling mundo na kami ni Azul.

“Dahil nandito ka,” pilosopong sagot niya at nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko ay tumigas ang ekspresyon ng mukha niya. Hinawakan niya ang neckline ng dress ko. “Hindi ka ba nilalamig?”

“Hindi,” umiiling na sagot ko. Bumalik na rin ang dalawa.

“Hindi ba may gagawin ka sa inyo, Azul? Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Nica sa kanya.

“Yeah, tatanggi-tanggi pa eh gusto naman,” panggagatong ko naman.

“Umuwi na lang tayo. Inaantok ka na,” I heard King said.

“Eljeh,” Nica called me.

“Okay... Mauna na kami, guys. Thanks for inviting us, Rolf... See you again!” paalam ko naman sa iba.

***

“May dala kaming sasakyan,” ani King.

“Aba, maaga pa para sunduin niyo kami, mga aber,” nang-aasar na saad ko.

“Hindi pa nga kami nakapag-swimming,” sabi naman ni Nica.

“Hindi ba kayo nilalamig?” Azul asked at nang malaglag ang strap ng dress ko ay inayos niya iyon.

“Hindi malamig. Ang sarap kaya ng hangin... Heaven na heaven,” masayang sabi ko pa.

“Comfortable ang suot ko, Azul,” Nica said and she even spread her arms. “Sorry,” hinging paumanhin niya nang matamaan ng kamay niya si King.

Sumakay na rin kami at umupo kami ni Azul sa backseat. Si King ang driver at sa tabi niya si Nica. Kumunot ang noo ko dahil malamig yata sa loob. Nakita ko pa ang makahulugan na titig ng dalawang lalaking kasama namin.

“King, p-pakihinaaan naman po ang aircon,” utos ni Nica. “What the hèll?”

“Sabi niyo ay hindi naman kayo nilalamig. So, walang-wala ang aircon na ’yan. You used to it, right?” Lumingon sa akin si Micah na same reaction na kami. Nilalamig na rin ako.

“I-It’s cold, Mr. D-Dwight. T-Turn off the aircon, please,” nanginginig ang boses na saad ko.

“Maniwala ka, Eljehanni. Makakatulog ka pa sa lamig ng aircon,” sabat naman ni Azul at mariin akong napapikit. Gágo talaga.

Aliw na aliw pa ako kung titigan ng lalaking ito. Grabe...

“K-King...” Feeling ko ay may yelo na sa loob ng sasakyan. Parang hihimatayin ako.

“Ibaba mo ang paa mo, Eljehanni,” matigas na suway ni Azul. Paano kasi itinaas ko na iyon para mayakap ko na rin ang binti ko.

“N-No way... It’s very very cold...” umiiling na sabi ko. Walang pumansin sa amin kaya halos maiyak na rin ako sa lamig. Ang bagal pa nang pagmamaneho ni King.

“We’re here...” he announced.

“F-Finally...” sambit ko at inabot ko agad ang pintuan saka ko binuksan. Hinawakan pa ako ni Azul. “D-Don’t touch me, idiot! Sumbong kita kay Dad, eh!” Wala na, naiyak na ako.

“Baba na, Nica.”

“What the hell?!” narinig kong mura naman ni King. “B-Bakit sobrang lamig ng pisngi mo, Nica?” Aba’t may gana pa talagang magtanong.

Nawalan nang malay si Nica pagkababa niya mula sa kotse at ako naman ay patakbong lumapit sa mama ko. Nagsumbong ako pero tinawanan lang niya ako.

***

In the next day ay nabungaran ko na lang si Azul na may hawak na punpon ng red tulips. Nakatanaw ako mula sa balkonahe ng kuwarto ko. Napanguso ako. Magulo pa ang buhok ko at hindi pa ako nakapanghilamos. Siya ay mukhang fresh na, ready na laplapin. Kidding aside.

“Ano ’yan, ha?” bungad na tanong ko na nasa boses ko ang pagiging suplada ko. Hindi ko pa rin nakalilimutan ang ginawa nila kagabi sa amin ni Nica. Muntik na akong mamatay, chos. Mas malala ang nangyari kay Nica dahil nahimatay siya.

“Magandang umaga sa pinakamagandang babae na nakilala ko sa Sta Rosa Province,” malambing na sabi niya at napahagikhik ako. May kung ano na naman sa tiyan ko ang tila lumilipad.

“Hoy, tengene. Ang aga-aga mong mambuwiset, eh ’no?” nakataas ang kilay na saad ko.

“Bumaba ka na riyan. Nangangawit na ang leeg ko, Señorita,” poker faced na sabi niya.

“Huwag mo akong utusan, hudas ka.” Sa halip na magbanta siya sa akin dahil sa lumabas mula sa bibig ko ay sinenyasan niya lamang ako. “Wait lang po.”

Nagmamadali na akong bumaba at hindi ko na pinansin pa ang suot ko. Naka-strap sando pa rin ako at pajama naman pababa.

When I approached him ay agad niyang ibinigay sa akin ang bulaklak. Kinuha ko naman iyon at inamoy-amoy. Ang fresh pa. Bagong pitas.

“Aakyat ako ng ligaw. Nakapagpaalam na ako sa mga magulang mo,” sabi niya at nabigla pa ako roon. Hindi ko inaasahan iyon.

“For real?! Liligawan mo ako?! Seryoso na ’yan?!” nagugulat na tanong ko at tumango naman siya sa akin sabay halik sa sentido ko. Ang bango ni Azul. Hihihi.

“Kailangan kong panagutan ang ginawa kong kapangahasan sa ’yo kahapon, Eljehanni,” bulong niya sa tainga ko. Tiyak akong kulay kamatis na naman ang pisngi ko pero I ignore na lang iyon kasi lumambot na naman ang puso ko sa narinig niya.

Yumakap ako sa baywang niya habang hawak ko pa rin ang bulaklak na bigay niya.

“May maginoo pa rin pala sa panahon ngayon, Azul. Ang suwerte ko naman sa ’yo,” nakangiting sabi ko. “Dahil diyan, sige tayo na. Sinasagot na kita.” Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at ilang beses na kumurap. “Oh, bakit?” Natawa ako sa nakita kong reaction niya.

“Eljehanni, nanliligaw pa lamang ako sa ’yo,” paalala pa niya at napatango ako.

“Eh, tayo na nga. Sinasagot na kita agad. May mali ba roon?” Mariin siyang napapikit at marahas na bumuga ng hangin sa bibig. Parang may mali yata sa sinabi ko.

“Hindi ka man lang ba magpapakipot? Iyong pahihirapan mo muna ako sa panliligalig ko sa ’yo bago mo ako sagutin,” suhestiyon pa niya. Kailangan pa ba iyon? Ang magpakipot? Err.

“Azul, hindi ako ganoon. Hindi ako mahilig magpakipot at ayaw kitang pahirapan pa,” katwiran ko naman.

“Karapat-dapat ka pa rin na paghirapan, Eljehanni,” matigas na saad niya.

“Eh, sa gusto ko na tayo na,” giit ko pa rin. Pinanggigigilan niya lang ang pisngi ko at mahigpit akong niyakap.

“Kakaiba ka talagang babae, Eljehanni. Walang katulad. Liligawan pa rin kita kahit nobya na kita,” malambing na sabi niya para lang kiligin ako nang husto.

Seryoso ako sa sinabi kong sinasagot ko na siya agad. Hindi naman kasi required ang matagal na panliligaw. Basta iyon ang paniniwala ko at kilala ko na si Azul kahit nitong mga nakaraang araw ko lang siya nakilala. Masaya ako na makilala siya at siya ang magiging first serious boyfriend ko. Speaking of my ex-boyfriend. Sana huwag na siyang tatawag pa sa akin.

“May 3, alalahanin mo ang araw na ito, Azulenzure, ha?” I warned him and I felt him nodding.

“Opo, aking magandang Señorita,” sabi niya at natawa na naman ako sa naging tugon niya. Doon pa rin kami nag-breakfast at hindi ko na pinansin pa ang bisita namin. Dahil nandoon naman na ang parents ko.

Official na nga talaga ang relationship namin ni Azul and yes, may label na kaming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top