CHAPTER 24
Chapter 24: Lugawan-ligawan
PAGDATING namin sa bayan ay nakita ko sa mga mata ni Nica ang pagkamangha. Maliit man itong bayan namin pero maganda siya dahil sa mga makukulay na mga bagay na binibenta. Fresh pa ang air dito kasi mahangin nga.
Pumili ng t-shirt si Azul para palitan ang basang damit niya. Nanood lang ako sa kanila.
“Ikaw, Eljeh?” tanong naman sa akin ni Nica nang mapansin niya na tahimik lang ako.
“Wala akong dalang pera,” nakangusong sabi ko. Kasi hindi naman ito ang balak namin. Ang pumunta sa bayan para mamili ng kung ano-ano’ng abubot. Maliligo lang kami.
“Ako ang magbabayad, Eljehanni,” pagsingit na sambit ni Azul at umikot lang ang eyeballs ko.
“Wala akong bibilhin,” sabi ko saka ako nagtungo sa pintuan para sana lalabas na pero naramdaman ko ang pagsunod niya.
“Ako nga ang magbabayad. May pera ako rito, Eljehanni,” aniya sabay hawak sa siko ko.
“Oh, alam kong may pera ka pero wala nga akong bibilhin doon. Magpalit ka na rin. Basa ang damit mo. Baka magkasakit ka pa,” ani ko.
“Tara sa loob, huwag ka rito sa labas,” sabi pa niya at sumama naman ako nang hawakan niya ang siko ko.
***
Sunod naming pinuntahan ay ang jewelry shop pero hindi naman ito katulad na may mamahalin na alahas. Cute naman ang mga ito kahit cheap lang siya.
Nakuha naman ng atensyon ko ang isang bracelet. Simple lang iyon na walang pendant pero ang bilog nito ay may hugis na tear drop.
“Gusto mo iyan?” tanong ni Azul sa tabi ko at mabilis kong binitawan ang hawak ko.
“Luh, tinitingnan ko lang ay gusto ko na agad?” nakataas ang kilay na tanong.
Kinuha niya lang iyon saka siya nagsalita, “Ate, kukunin ko ito.” Sasabat na sana ako nang magsalita naman ang babae.
“Kasama mo pala si Señorita Eljeh, Azul,” magiliw na sabi nito. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Opo, kasama ko rin ho ang mga kaibigan ko,” sabi niya. Tukoy niya sa dalawang kasama namin. Hinawakan niya ang pulso ko at lumapit kami sa may counter. “Hindi ito katulad ng mamahalin na bracelet na madalas mong sinusuot pero mas malaki ang halaga nito,” paliwanag niya bigla at isinuot niya iyon sa akin.
“Ano?” naguguluhan na tanong ko naman.
“Hindi iyong pera ang tinutukoy ko. Ang ibig kong sabihin, ang suot-suot mo ngayon ay pinaghirapan nila para magawa ito. Naglaan sila ng oras, dugo, pagod at pawis,” clear na explanation niya. Tumango ako at ngumiti. Gumanti naman siya at ngumiti rin sa akin. “Nagustuhan mo ba?” tanong niya na may lambing sa boses.
“Opo,” nakangiting tugon ko. Pasimple siyang humalik sa pisngi ko. Mabilis lang iyon, takot mahuli ng kasama namin.
Hindi agad kami umalis dahil dinala kami ni Azul sa lugawan. Ngayon lang ako nakapasok dito.
“Akala ko uuwi tayo, ’no, Nica?” pagpaparinig ko kay Nica at naramdaman ko ang mabilis na pagtingin ni Azul sa gawi ko. Patay-malisyang uminom lang ako ng tubig at hindi siya pinansin.
“Oo nga. Akala ko rin,” pag-agree naman ni Nica.
“Heto na ang lugaw niyo, Azul.” Dumating naman ang lugaw na in-order ni Azul. Yes, lugaw lang ito pero parang hindi lang simpleng lugaw. Amoy pa lang ay masarap na.
“May bago ka palang kaibigan, Azul,” sabi ng ginang na naghatid ng pagkain namin. “At ang ganda pa, guwapo rin ang lalaki.” She’s referring to King and Nica. “Magandang umaga sa ’yo, Señorita Eljeh,” nakangiting bati naman nito sa akin. Aba, marami na ang nakikilala sa akin sa bayan. Dahil siguro madalas ako sa palengke.
“Magandang umaga rin ho,” ganti ko naman at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagtaas ng sulok ng mga labi ni Azul.
“Gago,” I blurted out. He glared at me.
“Dahan-dahan... Baka mapaso ka, Nica,” narining kong sambit ni King kay Nica.
“Wala pala tayong pormal na pagpapakilala,” Azul said and I started to eat my lugaw na. Masarap siya. Baka magiging favorite ko na ito.
“Nica na lang ang itawag mo sa akin,” Nica uttered.
“Azul. Azul El Greco ang pangalan ko,” he said naman.
“Azulenzure El Greco Belgica, that’s his full name,” sabat ko naman.
“Azulenzure... Ang haba naman niyan. May lahi ka bang Spanish or something? Nagmula ka sa mayaman na pamilya?” interesadong tanong ni Nica.
He shook his head. “Pure Italian ang mother niya kaya ganoon ang pangalan niya at ang father niya, we’ll never know kung nasaan na sa mga oras na ito. But I know, may lahi rin siyang Spanish,” paliwanag ko ulit. Kasi walang balak na mag-explain itong si Azul.
“Ang dami mong nalalaman tungkol sa akin, Eljehanni,” seryosong sabi naman ni Azul at nag-init ang cheeks ko. Hindi ako stalker, ah.
“Darn it,” sambit ko naman.
“Narinig ko iyon, Eljehanni,” matigas na saad naman niya and I showed him my middle finger pero pinanghawi ko lang iyon sa buhok ko.
“Eljehanni!” she screamed my name. I just laughed and looked at Nica, then winked at her.
“Dinala mo ba sa lugawan si Nica para ligawan din, Mr. Dwight?” nakangising tanong ko naman at nasamid siya bigla sa kinakain niya.
“Ayos ka lang?” worried na tanong naman ni Nica.
“Tigilan mo, Eljehanni,” Azul warned me.
“Ano ba ang ginawa ko? I was just asking him,” depensa ko naman sa sarili ko. Naningkit naman ang mga mata niya. Kulang na lang ay pisilin niya ang magkabilang pisngi ko.
“Paano kung sasabihin ko sa ’yo na dinala kita rito sa lugawan para ligawan?” tanong niya na wala akong nakikitang pambobola o nag-j-joke lang siya. Hindi tuloy ako nakapagsalita.
“Nanahimik din,” komento ni Azul.
“Gago ka,” mahinang sambit ko.
“Ipapalapa ko ’yan sa langgam, Eljehanni. Makikita mo na lamang na namamaga na ’yang labi mo kinabukasan,” he warned me as he pointed out my lips.
“Baka kako ang labi mo ang tinutukoy mong langgam, Azul?” sabat na tanong naman ni Nica. Hayon tuloy pareho na kaming nag-b-blush.
Si Nica na naman ang malakas na natawa at nawalan na kami nang imik.
“Ako na lang ang magbabayad,” sabi ni Azul nang matapos na kami sa pagkain.
“I can pay it, Azul,” King uttered.
“May pera rin ako, King,” he said.
“Okay, fine. How about ’yong kinain na lang namin ni Nica ang babayaran ko tapos kayo ni Eljeh? Or I can pay her lugaw too,” he suggested.
“Ako na lang,” Azul said and I rolled my eyes again. “Iyong kinain na lamang namin ni Eljehanni ang babayaran ko. Sa inyo na lang din ni Nica,” he added.
Tumayo na kami ni Nica at itinuro niya ang exit kaya I clung her arm saka malalaki ang hakbang namin palabas.
“Akala ko ba crush mo si Azul? Bakit parang ang sungit-sungit mo sa kanya, Eljeh?” she asked and there’s a ghost smile in my face.
“Ganyan naman kami palagi, eh,” I said and shrugged my shoulders.
“Tagal, ah. Magbabayad lang naman sila,” naiinis na sabi ko naman. Mahinang natawa lang si Nica. Totoong matagal sila. Nakaiinis naman, oh.
Nakarinig naman ako ng mga yabag ng kabayo pero hindi ko iyon pinansin at nakatingin lang ako sa entrance ng lugawan.
“Eljeh!” Napalingon naman ako nang may tumawag sa akin.
“Oh, the Verracia twins," mahinang sambit ko nang makita ko ang kababata kong Verracia brothers.
“Nandito ka pala, Eljeh!” sigaw ulit ni Rolf at mabilis na nakababa sa kabayo niya. Nakipag-fistbump ako sa kanya.
“Kumain lang kami ng lugaw. Saan ang punta niyo, Wolf?” tanong ko naman at siya ang sunod na nakipag-fistbump sa ’kin. Ang seryoso na naman ng mukha niya.
“Wala lang,” bored na sagot niya lang.
“Ah, this is Nica, one of our visitor sa Villa. She’s my friend,” pagpapakilala ko sa kasama kong magandang babae. “Nica, mga friends ko, this is Rolf Loughan and this one na mukhang grumpy but mabait naman ito, siya si Wolf Voughan. Magkaibigan ang daddy namin pareho,” I added.
“Just call me, Rolf, Miss Nica.” Mas friendly talaga si Rolf kaysa sa kakambal niya.
“Okay, and Nica na lang din ang itawag mo sa akin,” sabi naman nito nang tinanggap ang pakikipagkamay niya.
“Nice meeting you, Nica.”
“Same here, Rolf,” she said. Sunod ay si Wolf naman. Akala ko ay hindi na siya gagalaw pa.
Gulat na gulat pa siya nang halikan nito ang likod ng kamay niya. Rolf chuckled. Seryoso man at madalas na walang eksaktong ang mukha ni Wolf ay makikita mo sa bawat kilos niya ang pagiging gentleman niya.
“Are you single?” seryosong tanong nito sa kanya kaya si Wolf ay parang hihimatayin na sa lakas ng boses niya. Gusto ko tuloy siyang batukan.
“Nica, tinatanong ka ni Wolf. Mukhang type ka, eh,” natatawang sabi ko at siniko ko pa siya. Parang natulala lang kasi siya. Huwag niyang sabihin na crush na agad niya si Wolf? Dahil kawawa naman si King kapag nagkataon na ganoon ang mangyayari.
“Uhm...” she muttered but tumabi na sa kanya si King.
“She’s not,” malamig na sagot ni King kay Wolf. Aw, my friend. Wala ng pag-asa pa. Nica is already taken kahit wala pa silang label ni King.
“Aw, Nica is already taken, brother,” Rolf told his twin brother and tapped his shoulder but Wolf didn’t even react.
“You’re with Azul, Eljeh?” Wolf asked me.
“Yeah,” tipid na sagot ko naman at nilingon ko na ang katabi ko.
“We have a pool party tonight, Eljeh. You can come at isama mo ang kaibigan mong si Nica.” Hala, hayan na naman sila sa pool party.
“Ayos ka lang?” Nica asked.
“May nakatatawa ba sa sinabi niya, Gennica?”
“Natuwa lang ako sa kanya, eh...”
“Seriously?” komento naman ni Wolf nang makita niya ang paglalambing ng dalawa.
“Ano na, Eljeh? Game ka?”
“Yeah sure. Isasama ko si Nica. Puwede ba siyang sumama, Mr. Dwight?” tanong ko naman.
“Puwede mo namang isama ang boyfriend ni Nica at ikaw rin, Eljeh. Punta ka, Azul,” Rolf uttered.
“Salamat sa imbitasyon pero may gagawin ako mamaya. Wala akong oras,” kaswal na sabi lang ni Azul at tinalikuran na niya kami para lang lumapit sa dalawang kabayo naming nakatali sa punong kahoy.
“Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakaka-move on kay Azul, Eljeh?”
“Tumahimik ka, Rolf,” mariin na sabi ko.
“Umuwi na tayo,” malamig at seryoso na saad ni Azul. Napatitig ako sa kamay niya at sa walang emosyon niyang mukha. “Paghihintayin mo pa ba ako, Eljehanni?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Lagot, mukhang galit na agad siya.
“I can take her home, Azul,” seryosong sabat ni Wolf at nakipag-eye to eye contact pa siya rito.
“I have my horse, too Azul,” Rolf uttered and he held my hand, na mabilis na sinundan iyon nang tingin ni Azul. He clinched his teeth at walang emosyon na tiningnan niya ulit ako. Bayolenteng napalunok tuloy ako.
Tinanggal ko na ang kamay ng kambal at lumapit na ako kay Azul. Tinanggap ko ang kamay niya sabay hila sa akin at sa likod na niya ako pumuwesto. Yumakap sa baywang niya.
“Pupunta kami sa pool party niyo, boys. Isasama ko si Nica, don’t worry,” sabi ko naman.
“I’m expecting you to come with Nica, Eljeh, tonight.”
“You will come?”
“Yup,” Nica replied.
“See you tonight, then.”
“Bye Eljeh, see you at the party, Nica. Let’s get party tonight,” masayang paalam sa amin ni Rolf saka sila tuluyang umalis ng kakambal niya.
“Ikaw, Azul. Ayaw mong sumama?” tanong ko naman kay Azul nang pauwi na kami. Nakadikit ang pisngi ko sa likod niya. Hawak niya ang kamay ko na parang hinihigpitan niya rin iyon sa kanyang baywang.
“May gagawin ako mamaya. Sinabi ko na iyon kanina, Eljehanni.” Matunog kong hinalikan ang likod niya at naramdaman kong uneasy na naman niya.
“Okay, sige po,” sabi ko. Ayokong pilitin siya dahil hindi naman siya sanay sa mga party o ewan ko lang. O siguro hindi nga siya mahilig sa mga ganitong klaseng pool party kaya hindi ko na siya pipilitin pa. “Mag-e-enjoy kami roon.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top