CHAPTER 21
Chapter 21: Bitin
PAGDATING namin sa palengke ay agad kaming nagtungo sa puwesto nila, kung saan ang tindahan nila. Wala masyadong customer si Lola Molai. Nakaupo lamang siya pero sa kabila ay ang dami namang bumibili. Nandoon din ang batang si Asthasia. Ang kapatid o pinsan ba iyon ni Azul? Nakalimutan ko na, hala.
“Oh, Azul! Kasama mo pala ang anak ni Señor Eldino.” Kumaway lang ako sa mga taong nakatingin sa amin na parang anak ako ng isang tumatakbo sa politika.
Oh, well. Marami na nga ang nag-imbita kay Papa na puro politicians. Dati ay gusto nilang maging mayor ito at governor. Pero ayaw ng papa ko sa magulong buhay at puwede pa raw ikapahamak ng family namin.
Kahit si Mama at ayaw niya rin sa ganoong trabaho ng aking ama. Hindi raw siya panatag at kontento naman daw siya sa kung ano man ang mayroon ngayon sa amin.
“May benta na po kayo, ’La?” magalang na tanong ni Azul sa kanyang lola at nakasimangot na naman sa akin ang bata. I stick my tongue out to annoy the kid. Mas lalo siyang naging suplada at inirapan ako. Ang init-init ng dugo nito sa akin. Eh, wala naman akong ginagawang masama sa kanya, ’di ba?
Nakita iyon ni Azul. Sa halip na pagalitan ako dahil pumapatol ako bata ay umiling lamang siya.
“Magandang umaga po, Lola Molai! Nagluto po kami ng lunch niyo!” masayang saad ko sa matanda. Ngumiti siya at nailipat iyon kay Azul. Siya ang nagdala ng bayong at inilapag niya iyon sa mesa.
“Kumain na ba kayo bago kayo nagpunta rito?” tanong nito.
“Opo, ’La. Kumain na muna kayo ni Asthasia. Ako na muna ang bahala rito.” Super bait naman pala talaga nitong bebe ko! Hehehe.
Nang umupo na si Azul ay agad akong tumabi at kumunot pa ang noo niya. May upuan at maliit na mesa sila sa likuran namin. Kung saan ay nandoon na nakapuwesto ang Lola at kapatid niya.
“What? Ano’ng klaseng tingin naman ’yan, aber?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
“Doon ka sa likuran.”
“Ayaw ko nga. Same chair naman ito,” sabi ko at bumuntong-hininga siya.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang dalawang kababata ko na sina Kallix at Hunter. Hinintay ko ang makalapit sila sa gawi namin hanggang sa tinawag ko na sila kaya lumapit na rin silang dalawa.
“Aba naman, Jejeh. Kailan ka pa naging tindera sa palengke?” nang-aasar na tanong ni Kallix sa akin at hawak niya ang magkabilang baywang niya.
“Matagal na, ngayon mo lang nalaman kasi ngayon ka lang napadpad dito. Halika, bumili ka ng isda namin at saka gulay!” pag-aaya ko at agad akong kumuha ng plastic bag. Walang imik si Azul pero nakasunod ang tingin niya sa akin.
“Bibili ako ng isda at gulay?” nagtatakang tanong niya at tumango-tango ako. Alam ko kasi na galing din sa mayamang pamilya si Kallix. Mayroon din silang sariling negosyo.
“Pumili ka na ng isda mo. Kunin mo iyong mas malaki. Alam kong paborito mo itong mungbean sprout lalo na kapag iluluto ito kasama ang harina,” sabi ko pa at tig-apat ang kinuha ko. “Sasamahan ko na rin ng garlic, onion, tomato and salt, ha?”
Salubong ang kilay niya nang kinuha niya iyon at kakamot-kamot pa siya sa batok niya. Natawa tuloy si Hunter.
“Eljeh, hindi naman ako pumunta rito para mamalengke at saka ang dami nito sa bahay,” katwiran niya.
“Bayaran mo na ’yan kay Azul at saka iyang dalawang malaking tilapia na iyan.” Itinuro ko ang lahat ng pamili niya at humugot ng pera sa wallet niya.
“Kakaiba ka talaga kung maging tindera, Eljeh. Wala kang patawad sa customer mo. Paladesisyon ka,” naiiling na sabi niya at nagbigay ng isang libo.
“Sa amin na ang sukli, ah? Joke!” natatawang bulalas ko.
“No, keep the change.”
“Thank you, Kallix! Ang pogi mo pa rin hanggang ngayon.” Ngumiwi siya pero natawa rin sa huli. “Ikaw rin, Hunter. Alam kong mahilig ka sa pechay.” Turn na naman ni Kallix ang matawa sa naging reaksyon ni Hunter. He even glared at me. Tapos parang gusto na rin niya akong sabunutan.
“You are right, Eljeh. Damihan mo ang pechay niya. That’s one of his favorites. Sampu, bigyan mo siya ng sampu.”
“The hèll, Kallix!” mura niya sa kaibigan namin.
“Oh, 15 pechay raw ang gusto niya! Salamat na agad, boy pechay!”
“Eljeh naman! Hindi ako boy pechay!” reklamo niya pero naglabas na rin siya ng pera para sa bayad niya. “Naka-o-offend naman ang tindera niyo, Azul! Pasalamat ka mahal ko ang babaeng ’yan at kababata ko pa! Kung hindi ay hindi ko babayaran ang pechay niyo!”
Napuno nang tawanan ang paligid dahil sa pagsigaw niya. Parang batang nagtatampo at inaapi ng mga kaibigan niya. Nakasimangot na rin siya.
“Smile ka na, Hunter. Mas pogi ka pa kaysa kay Kallix.” Ngumisi siya at siniko ang katabi na hindi na naman maipinta ang mukha niya.
“Azul. Hindi bagay kay Eljeh ang maging tindera mo. Sa halip na dadayo sa inyo ang customer ay maiinis pa ’yan sa kanya. Okay lang kung sa mga lalaki dahil tiyak ako na ubos ’yang paninda niyo.”
“Tse! Umalis na kayo!”
“Jejeh, may welcome party para sa ’yo ang Veracia brothers!”
“Alam ko iyan, ’no! At hindi kayo invited!”
“Sorry ka na lang, pupunta pa rin kami.” Nagpaalam na rin silang dalawa na may bitbit na pareho. Hindi raw sila bibili ng kahit na ano pero ano naman kaya ang ginagawa nilang dalawa rito?
Salubong pa rin ang kilay ni Azul nang balingan ko siya nang tingin. May mga babaeng customer na sila at naubos naman na ang paninda nila. Kumakain ako ng kakanin na binili niya habang nag-aayos na siya ng mesa. May iilan pa rin naman na hindi pa ubos ang kanilang mga gulay pero wala ng isda.
“Mauna na po kayo umuwi, ’La. Ihahatid ko lang po sa kanila si Eljehanni.” Kinikilig na naman ako dahil ihahatid pa niya ako sa villa namin. Ang gentleman naman ng Azulenzure ko, ay.
“Oh, siya sige. Mag-iingat kayo.” May dalang bayong si Lola Molai at may bitbit na plastic bag si Asthasia. Ang laman no’n ay chips. Next time nga ay dalhan ko siya ng chocolate para naman lumamig ang ulo niya sa akin at maging friends na kami. “Mauna na kami, hija,” paalam pa nito sa akin.
“Sige po, ingat!”
“Tara na.” Ni-shoot ko pa ang kalat ko sa trash can at pinagpagan ang kamay ko.
Nauna akong naglakad patungo sa kabayo ko na nakatali sa punong kahoy. Hinintay ko pa siya. Nasanay na ako na palagi niya akong binubuhat para lang makasampa kay Vip at pumuwesto na siya sa likuran ko. Minsan ay side view lang iyong pagkakaupo ko kasi mas bet niya iyon.
Mutual na ang feelings namin ni Azul. Nag-confess na kami sa isa’t isa pero hindi ko alam kung ano ang plano niya para sa amin. Wala pa rin kaming label at gusto kong magkaroon na kami no’n para puwede ko na siyang landiin pa.
“Ouch!” daing ko nang mariin niyang pinisil ang pisngi ko at nagawa pa niya itong hilahin. “Bakit ka ba nananakit?” mataray na tanong ko sa kanya.
“Ano na naman ang iniisip mo at namumula ang mukha mo?” kaswal na tanong niya.
“Pakialam mo sa iniisip ko?” laban ko at napatikhim pa siya.
“May gagawin ka bukas?”
“Overload na ang work ko tomorrow. Kasi pupunta ako sa kabilang bayan para simulan ang plano ko para sa lupang ipagbibili sana ni Papa,” sagot ko.
“Sasamahan kita,” he volunteered.
“Bahala ka!”
Iyon nga ang nangyari kinabukasan. Sabay kaming pumunta roon gamit ang sasakyan namin at nagpadala na rin ng mga tauhan ang Papa ko. Nilinis pa lang namin ang buong paligid.
Magtatayo muna kami ng nursery para sa seedlings namin. Tatlong araw bago natapos ang pag-s-set up at may kanya-kanya nang pinaglalagyan ang mga seeds namin.
Nagpatayo kami ng kubo para may pahingahan naman kami. Kapag sureness na ang seedlings ay ang kailangan na lang naming gawin ay ang ilipat na sila sa lupa para itanim.
’Saktong natapos ako sa gawain ko nag tumunog ang cellphone ko at kunot-noong binasa ko ang caller.
Si Sydney na naman. Ampüta, palaging tumatawag.
Agad kong sinagot at napatingin ako sa direksyon ni Azul. May inaayos siya kasama ang trabahador namin.
“Ano na naman ba, Sydney? Bakit palagi kang tumatawag sa akin?!” inis kong tanong sa kabilang linya.
“Nasa bansa na ako. Dadalawin sana kita pero hindi ko alam kung saang lugar ang probinsya niyo.”
“At bakit mo naman ako dadalawin?”
“Oh, sweetheart I miss you. Ikaw? Hindi mo ba na-miss ang boyfriend mo?” Napatingin sa gawi ko si Azul kaya mabilis akong tumalikod.
“Boyfriend kita? Hindi ba break na tayo?” kunot-noong tanong ko.
“Wala akong matandaan na nag-break tayo, Eljeh. Saka on and off ang relationship natin.”
“Exactly. Ang dami mong babae riyan at huwag mo akong kulitin, Sydney. Busy ako ngayon, hayòp ka.”
“Ang harsh mo sa boyfriend mo, Eljeh. Hindi mo ba na-miss ang make out natin?”
“Tse! Wala akong na-m-miss kahit isa! Ikaw na ang nagsabi na on and off ang relationship natin kaya hindi mo na ako girlfriend. Go back to the place where you belong, idiot!”
“Wait, Eljeh! Ayusin—”
“Sydney, bakit ka ba nakatayo riyan? Don’t leave me on the bed. I want you, hon...”
“Oh, shut up woman!”
“Ay tang-inang tsokoy na ’to! Miss your face, Sydney!” sigaw ko at saka ko ibinaba ang tawag. Ang lakas nang loob ng gagó na magsabing miss niya ako. Eh, may babae na naman pala siya. Tsk.
“Sino ang kausap mo?”
“Ay tsokoy!” gulat na sigaw ko kasi naman nasa likuran ko na pala si Azul. Walang emosyon ang mukha niya. Napakamot ako sa kilay ko. “Isang poging hardinero ko pala,” nakangising sabi ko pero blangko lang ang ekspresyon niya.
“Sino ang kausap mo?” ulit niyang tanong. Nagkibit-balikat ako.
“Isang walang kuwentang tao,” sagot ko lang at hinila ko siya para makaupo kami. Itinuro ko sa kanya ang tubig sa table na mabilis siyang nagsalin nito sa basa saka ibinigay sa akin.
Uminom naman ako at napaisip dahil sa pagdating ni Sydney. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na walang habulan ang mangyayari sa pagitan namin. Puwedeng boyfriend ko siya ngayon at puwede rin na bukas ay hindi na. Ganoon naman dapat lalo na mahilig siyang mambabae.
Wala akong hinanakit at hindi rin ako nasasaktan sa ginagawa niya. Kasi naiintindihan ko siya. Hindi ko maibigay ang gusto niya and I can’t satisfy his needs kaya sa iba siya naghahanap pero ewan ko rin sa lalaking iyon kung bakit ayaw niya ring makipag-break sa akin for real. Oo, gusto ko siya kaya pumayag ako sa ganoong set-up namin pero ngayon ay hindi na. Ibang lalaki na ang gusto ko.
“May problema ka ba, Eljehanni?” Napaigtad pa ako sa gulat. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa baywang ko at titig na titig na naman siya. Inagaw niya ang basong hawak ko na hindi ko na namalayan na naubos ko na rin pala ang tubig.
“Ay wala.”
“Bakit ang lalim ng iniisip mo?” tanong niya at umiling ako.
“Wala. I’m good,” tanggi ko.
“Gusto mo bang umuwi na tayo?”
“Hindi puwede. Marami pa tayong gagawin dito,” ani ko saka ako tumayo pero hinila niya ang pulso ko kaya ang nangyari ay bumagsak ako sa kandungan niya. “Hey, baka may makakita sa atin. Bawal ang PDA rito, Azul!” pabulong na sita ko sa kanya. Dalawang kubo ang mayroon kami rito. Ang isa ay para sa mga trabahador. Tapos para sa amin naman ang pangalawa o kung may bibisita man dito. Hinila niya ang puting kurtina. Ako ang naglagay no’n para may privacy kami. Chos.
Hinaplos niya ang pisngi ko kaya parang naging maliit na tuta ako at naglalambing sa amo niya. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at marahan na hinaplos ang labi ko.
“Napakaganda mo, Eljehanni,” sabi niya at saka niya ako siniil nang mariin na halik. Ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya at tinanggap ang mga nalulunod niyang mga halik.
Ngayon lang namin ito ginawa. Kasi sa ibang lugar kami naghahalikan. Sinuklay-suklay ng mga daliri ko ang buhok niya habang sinasabayan ko ang galaw ng mga labi niya.
Mahabang bestida ang suot ko, kasi ayon sa gusto niya. Nagsusuot lang ako ng pants kapag may trabaho na akong gagawin.
Hinihingal ako nang himasin niya ang pang-upo ko kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi niya. Ang init... Ang init ng nararamdaman ko sa tuwing ginagawa niya iyon.
Kinuha ko ang isang kamay niya at dinala ko sa dibdib ko. Agad niyang pinisil iyon kaya napaungol ako nang mahina. Pinakawalan niya ang labi ko at gumapang ang halik niya sa leeg ko, sa balikat ko at sa pagitan ng dibdib ko.
Nailusot niya ang isang kamay niya sa loob ng bestida ko and he found my right thigh. He caressed it in a slow motion. I rested my head on his shoulder nang umabot na ang labi niya sa batok ko. Nakapikit ako at umaawang ang labi ko. Parang may gusto pa akong abutin kaya nagsimula akong gumalaw sa ibabaw niya. Hindi niya ako hinayaan na gawin iyon at pinigilan niya ako.
“Uhm...” Nanginig ang magkabilang hita ko nang naipasok na niya ang kamay niya sa undies ko. He’s going to touch me right down there!
Humigpit ang hawak ko sa braso niya at ramdam na ramdam ko ang mainit na palad niya. Sinalubong ko nang mariin na halik ang mga labi niya at nakipagoalitan na naman kami ng sarili naming laway habang marahan niyang hinihimas ang dibdib ko. He was sucking and licking my tongue and bitting my lips.
Malapit na... Malapit na niya akong mahawakan doon. Kaunti na lang...
“Nasaan ang Señorita niyo?” Napahinto kami pareho nang marinig namin ang boses ni Papa. Nagkatinginan kami ni Azul na pareho na yatang namumula ang mukha namin. Mabilis niyang inayos ang suot ko at bumaba na rin ako. Muntik pa akong matumba dahil sa panghihina ng mga binti ko.
Hinalikan pa ni Azul ang pisngi ko at umupo na ako sa tabi niya. God, bitin ako! Iyon na sana, eh! Malapit na.
“Magandang hapon, Sir El,” bati ni Azul sa aking papa. Napanguso ako nang makita ko si Papa na kasama pala ang mama ko. I stood up at sinalubong ko sila nang yakap at halik sa pisngi.
“You’re doing good here, darling,” komento ng aking ina at hinintay rin ang sasabihin ni Papa.
“Salamat sa pagsama sa aking anak, Azul. Malaking tulong ang ginawa mo,” sabi niya rito.
“Walang anuman po, Sir. Gusto ko lang pong tulungan ang anak niyo sa maganda niyang plano.” Ay, huwag kang ganyan, babe. Baka mahalikan kita kapag kinikilig na naman ako.
“That’s good to here. Anyway, nagdala ng meryenda ang Mama mo, anak.” Ipinakita pa niya ang dala nilang supot. I smiled at him. Aalis na sana si Azul nang pinigilan siya ni Papa. “Sumabay ka na sa amin, hijo. Hindi namin mauubos ito.”
“Salamat po.”
“Pasasalamat din iyan dahil hindi mo pinabayaan ang unica hija namin kahit na alam mo na ang ugali niya,” sabi naman ni Mama. Naglalambing na niyakap ko lang siya and she hugged me too sabay halik sa ibabaw ng ulo ko.
Ako ang nagtimpla ng kape namin. Siyempre magaling ako rito. Kahit na inawayan pa ako ng kusina. Masaya kaming nagsalo-salo sa dalang meryenda ng magandang kong mama habang nagkukuwentuhan din kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top