CHAPTER 18
Chapter 18: Ang katotohanan
NAG-DRIVE thru lang kami ni Azul at siya ang bumili ng baon namin pauwi. Yeah, baon namin. Ako na sana ang magbabayad nang pinigilan niya ako. Inunahan niya ako na maglabas ng pera, eh. Take note, ang pera niya ay naka-wallet pa. Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan ko na siya sa gusto niya.
Ibinigay niya rin iyon sa akin. Napangiti ako nang maamoy ko ang masarap na pagkain. Ayie. Fried chicken, na isang box ang binili niya na kasyang-kasya ang limang tao pero madamot ako. Ayokong mag-share nito lalo pa na mula sa crush ako. May burger, fries, spaghetti and rice rin. May softdrinks and bottled water.
Kumuha ako ng isang fried chicken at inilapit ko iyon kay Azul para pakainin din siya nito kasi busy na ulit siya sa pagmamaniobra ng sasakyan namin.
“Ayaw mo?” nakataas ang kilay na tanong ko. Pakipot, eh.
“Mamaya na ako kakain. Kapag malayo na tayo sa city at saka nagmamaneho pa ako,” sagot niya at tinanggihan pa niya talaga agad ang pagkain. Sinimangutan ko siya.
“Pakipot ampüta,” bulong-bulong ko na hindi nakatakas sa pandinig niya. Napadaing naman ako nang nanakit ang putok sa labi ko. “Pünyeta ka talaga, Azul! Tang-ina mong hudas ka! Ang sakit ng labi ko!” nanggigigil na saad ko at sinuntok ko ang hita niya dahilan na gumewang ang kotse kasi nakabig niya ang manibela.
Pero hindi man lang ako natakot kahit na muntik na itong sumidsid sa malaking truck. Nasa side ko pa nga.
“Eljehanni!” Bumungisngis lang ako sa naging reaction niya. Hindi ko na rin siya pinansin pa at inubos ko na ang fried chicken na ketchup ang pinili ko para isawsaw ito.
“Nakasahod ka na ba kay Papa, Azul? Kaya ikaw ang nagbayad nito?” I asked him.
“Sa susunod na buwan pa ang sahod namin sa bukid,” sagot niya na naging kalmado na rin ang boses niya.
“Wow. Ako dapat ang magbabayad kasi may pera naman ako—”
“May pera rin naman ako. Ano naman kung ako mismo ang magbabayad nito?” iritadong tanong niya. Kung sabagay parang naapakan na rin ang ego ng mga lalaki kapag ang mga babae mismo ang magbabayad ng mga pagkain nila.
“Kasi po ang mga magsasaka ay alam kong nagtitipid. Tama ako, ’di ba?” katwiran ko at sinulyapan ko pa siya na salubong na ang makapal niyang kilay.
“Hindi ako nagtitipid. May sapat akong pera para may laman ang sikmura mo.” Sa pagkagat ko ng chicken ay pati dila ko. Dahil iyon sa sinabi niya kasi nagulat ako. ”Ayos ka lang?” Hindi ko sinagot ang tanong niya.
May sapat na pera raw siya para may laman ang sikmura ko? Ha? Gágo! Kinikilig ang bulate ko!
“Ano naman ang ibig mong sabihin diyan, aber?” supladang tanong ko pa rin at naniningkit pa ang mga mata ko. “Shock naman ako riyan, oy,” dugtong ko pa. Nang pinabilis niya ang pagmamaneho ay napahawak ako sa plastic bag na parang pinoprotektahan ko ito. Pakiramdam ko ay mahuhulog sila. Sayang naman ang mga ito. “Azulenzure! Dahan-dahan naman!” Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kong nag-t-take over na siya sa mga kotseng mas nauuna kaysa sa amin. “Púta! Kaskasero ka pala, eh!” bulalas ko.
Parang ma-h-heart attack ako sa takot. Bumagal lang iyon nang makaalis na rin kami sa city at patungo na nga kami sa probinsya namin. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at pinakalma ko ang tibok ng puso ko na sobrang bilis ng heartbeat nito. Natataranta ako.
“Bakit ba ang hilig mong bigkasin ng buo ang pangalan ko?” kunot-noong tanong niya.
“Wala. Trip ko lang. Pake mo?” pambabara ko sa kanya. Pinisil niya ang tungki ng ilong niya at umiling lang din sa huli.
Sa isang maliit na kubo ay hininto na niya ang sasakyan. Sinabi ko rin naman sa kanya na mag-stop over muna kami para makakain nang maayos.
Lagpas kalahati na ang daan—este, hindi na ito kalayuan pa kasi dalawang barangay na lamang ay nasa Sta Rosa Province na kami. Inunahan na naman ako ni Azul sa pagbaba at inagaw ang dala kong plastic bag. Siyempre noong una ay iniwas ko ito sa kanya pero nang hatakin ako gamit lang ang paghawak niya sa baywang ko palapit pa sa katawan ko ay wala na rin akong kawala pa kundi ibigay iyon sa kanya.
Nauna akong naglakad patungo sa kubo at agad na umupo sa hapag. Mayroon namang upuan na gawa sa kawayan pero mas pinili ko ang hapag. Nag-Indian sit ako at hinintay ko si Azul.
Umupo na rin siya sa tapat ko at inilabas ang pagkain. Naka-lunch pack naman lahat ito. Una kong nilantakan ang burger at nakita ko pa siya na binuksan ang takip ng kanin. Inilapit niya ito sa akin at may adobo rin pala. Nilagyan niya ng sauce ang ibabaw ng kanin. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya hanggang sa ibigay na rin niya sa akin ang plastic na kutsara.
Maasikaso pala ang lalaking ito. Ang suwerte naman pala talaga ni Isabella, eh. Hay naku, Azul. Kung naging akin ka lang ay hindi na kita pakakawalan pa.
“Kumain ka rin nito,” aniya. Nilakihan ko pa ang pagkagat ko sa burger para maubos ko lahat. Ngumiwi siya nang makita niya iyon. Aabutin ko pa lamang ang tubig nang mabilis na niyang naibigay ito sa ’kin at wala ng takip.
Uminom ako ng tubig. Tahimik lang siya noong sabay na kaming kumakain. Pero napapansin ko ang madalas niyang pagsulyap.
“Azul,” tawag ko sa kanya at nag-angat siya nang tingin.
“Bakit?” tanong niya sa mababang tono at diretsong tinitigan pa ako sa mga mata ko.
“Hindi ba mag-uusap tayo? Ayon sa sinabi mo,” sagot ko. Ang bagal nang pagnguya niya at wala man lang nagkalat sa lips niya. Tapos kahit kanin ay wala akong nakita na kumalat sa hapag. Samantalang ako ay no comment na lang.
Hayan na naman ang pagkibot-kibot ng labi niya. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay at napaatras ang ulo ko nang abutin niya ang pisngi ko.
Pagsusungitan ko na rin sana siya nang maramdaman ko ang hinlalaking daliri niya na sa gilid na ng labi ko. Parang may pupunasan siya roon.
“Ang dungis mong kumain. Parang bata,” komento niya at kumuha ng tissue.
“Ano na?” untag na tanong ko sa kanya.
“Kami ni Isabella—”
“Kayo na. Magkasintahan na kayo,” mabilis na sabat ko at napasapo pa siya sa noo niya. “May idea naman ako kung ano na ang status niyong dalawa,” I added and shrugged my shoulders.
“Hindi pa ako tapos magsalita, Eljehanni. Puwede bang makinig ka na muna sa sabihin ko?” tanong niya na parang nanggigigil din na huwag akong batukan. Dahan-dahan akong tumango. “Si Isabella at ako—”
“Girlfriend mo na siya at boyfriend ka na rin niya.” Marahas na napabuga siya ng hangin sa dibdib at pinilig pa niya ang ulo niya. Hinagod ng mahahaba niyang daliri ang buhok niya na may kasama pang paghila. Nagtatagis din ang bagang niya. Frustrated na siya agad?
“Ang hilig mong sumabat, ’no?” malamig na tanong niya.
“Hindi lang kasi ako makapaghintay,” pagdadahilan ko.
“Ang tigas ng ulo.”
“Hoy, hindi matigas ang ulo ko, ’no!” depensa ko sa sarili ko.
“Wala akong kasintahan,” diretsong sambit niya at muntik ko pang hindi maintindihan. Kumunot na rin ang noo ko.
“Ano kamo? Hindi ko narinig o kung narinig ko man ay hindi ko naintindihan,” tila nauubos ang pasensiya na saad ko.
“Maganda nga pero bingi naman.” Napairap ako at kumuha ako ng fries saka ko iyon ibinato sa mukha niya.
“Narinig ko iyon, ah! Hindi ako bingi!” asik ko sa pagmumukha niya.
“Nagsasayang ka naman ng pagkain, Eljehanni,” wika niya at ang fries pala ay nasalo niya. Kinain na niya iyon habang matiim pa rin siyang nakatingin sa mukha ko. “Ang sabi ko kasi kanina. Wala pa akong kasintahan!” sigaw niya rin at nagpunas pa ako ng face ko na kunwari ay natalsikan ako ng laway niya. Kahit nakatiklop na rin naman ako ng laway niya. Ay, pünyetang mindset naman ’yan, Eljehanni Elites!
“Ha? Paanong nangyari na wala kang kasintahan? Hindi ba nililigawan mo si Isabella?! Kayong tatlo na mga kababata ko ang nanliligaw sa kanya!” nagugulat na wika ko. Kasi naman imposible ang pinagsasabi niya na wala siyang girlfriend.
Ano naman ang tawag niya sa relasyon nila ni Isabella? Ang sabi pa nga ng isa ay may napili na siya sa mga manliligaw niya at alam ko na kung sino ang sasagutin niya. Si Azul iyon. So, ano’ng kahibangan naman itong pinagsasabi ng kulay asul na ito?
“Porket ba niligawan ko si Isabella ay kasintahan ko na siya?” nakasimangot na tanong niya. Ngayon ko lang siya nakita na nakasimangot.
“Kung ako ay niloloko mo lang ay may paglalagyan kang tipaklong ka,” ani ko at idinuro ko pa siya. Tiningnan pa niya ang kamay ko at hinawakan niya ito saka niya ako hinila.
Namimilog pa ang mga mata ko nang nagawa niya akong halikan kahit na may mga pagkain pa rin ang nasa pagitan namin.
He kissed my lips and I growled when he bit my lower lip. I was able to hold his shoulder, while he still holds my pulse in the air. He has one hand around my neck. He put her tongue in my mouth and it explores my taste buds. My cheeks immediately warmed up because of her pungent and fluffy kiss that was full of lust and passion. Oh, I can even feel that.
When I finally kissed his back he moved just so I could sit on his lap. Kaya ngayon ay nakaupo ako nang paharap sa kandungan niya. His thing is against my hips. My arms are wrapped around his neck and his hand is on my waist na.
Napapikit na ako at nalunod na ako sa nakababaliw niyang mga halik na unti-unti ay bumabagal na rin. Namanhid pa ang batok ko dahil sa kamay niyang nagtaas-baba na sa likod ko at napaungol ako nang minasahe ng isa niyang palad ang dibdib ko kahit may tela pang nakaharang dito.
Pinakawalan niya rin ang mga labi ko kasi naglakbay na ang halik niya sa pisngi ko, pataas sa tungki ng ilong ko. Hanggang sa bumaba ulit ito sa panga ko, pababa pa sa leeg ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa init ng nararamdaman ko kaya hindi ko na rin napigilan pa ang gumalaw sa lap niya.
I rubbed my hips against his thing. Ipinirmi niya ako para lang hindi na ako makagalaw pa. Mahinang daing din ang pinakawalan niya. Kakaiba ang sensation na nararamdaman ko at never ko itong naramdaman noong may ginagawa kami ni Sydney.
Make out lang naman iyon, hanggang doon lang at hindi kami nag-s-sèx. For God’s sake, I’m still virgin.
“Uhm, Azul...” I moáned his name. Bayolente na ang paghinga ko at parang hinahabol ako ng maraming aso kung nagtaas-baba rin ang dibdib ko.
Nang tumigil siya ay namumungay ang mga mata niya na muli akong tinitigan. Napapikit ako nang ipinagdikit niya ang aming noo. Tumatama sa mukha ko ang mint breath niya. Magaan na hinalikan pa niya ang labi ko.
“Hindi kita hahalikan kung may nobya ako, Eljehanni,” sabi niya pero hindi pa rin ako kumbinsido. Gusto ko sanang magtanong pa nang magtanong pero parang nawalan na rin ako nang lakas. Maski ang mga binti ko ay nanlalambot na rin. Ewan ko ba kung bakit.
Basta ang alam ko ay kakaiba ang impact ni Azul, kakaiba siya na nagagawa niyang guluhin ang sistema ko at higit na ang pagpintig ng puso ko.
Siya lang, siya lang ang may kakayahan na gawin ang mga bagay na ito sa akin. Ang mga halik nga niya ay parang dinadala na ako kung saang lupalop man ng mundo.
Crush lang ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Ang crush kasi ay minsan umabot din sa pagkagusto. Pero noong sinabi niyang wala siyang girlfriend at hindi sila ni Isabella ay natuwa ako. Natuwa ang puso ko kasi naisip ko na may pag-asa ako sa kanya. Kasi naisip ko rin na mutual ang feelings namin.
Na katulad ko rin siya, na unti-unting na-d-develop ang feelings kahit sa maikling panahon lamang kami nagkakilala. Pero masaya ako. Masaya ako dahil nakilala ko siya. Masaya ako kasi basta...
“B-Bakit mo naman ako hinalikan, Azul?” tanong ko na may bahid na gulat pa rin ang tinig ko. Hinaplos niya ang pang-ibabang labi ko at muli pa niya akong siniil ng mariin na halik.
Ayokong paglaruan ng isang lalaki ang nararamdaman ko, sa totoo lang. Ayokong saktan niya ako at paasahin lang sa wala. Kaya kailangan ko ng assurance. Kailangan kong malaman kung gusto rin ba ako ni Azul. Na hindi siya nagloloko lang. Gusto ko ang katotohanan.
“Ang ganda mo... Napakaganda.” Sa halip na sagutin ako ay pinuri niya lamang ako. Pinasadahan pa niya nang tingin ang buong mukha ko na tila nakikita niya kung nasaan ang perpektong katangian nito.
Alam kong namumula na rin ang pisngi ko kasi naman, ang lapit din kaya niya sa akin. Ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa’t isa at dadampi na naman ang mga labi namin. Ramdam ko nga ang hapdi nito at parang mamamaga pa. Dinagdagan niya lang ito.
“U-Umuwi n-na lang t-tayo,” nauutal na saad ko pa. Tumaas ang sulok ng mga labi niya. Mayamaya lang ay malakas na humalakhak na siya. Dumampi pa ang likod ng kamay niya sa kaliwang pisngi ko. Mainit nga iyon.
“Ang ganda mo, Eljehanni. Pero parang isa ka ring maliit na pusa na napaamo ng isang malaking tigre sa hitsura mo,” natatawang sabi niya. Ngayon ay talagang ipinakita na niya kung paano siya tumawa nang malakas.
“S-Sinasabi mo ba na maliit na pusa lang ako at ikaw ay isang malaking tigre?!” Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya at nang hindi siya tumigil sa pagtawa ay pinuntirya ko ang buhok niya. Tumigil lang ako sa pagsabunot sa kanya nang napahiga na siya sa hapag at nasa ibabaw na niya ako. Nagmamadali akong umalis at sinamaan ko siya nang tingin. “Let’s go home, Azul!” Bago ako tumalikod ay may pahabol pa akong pag-irap.
Naririnig ko pa rin ang mahihina niyang halakhak hanggang sa isinilid niya ulit sa plastic bag ang kinakain namin. Wala siyang itinira kasi hindi kami natapos sa pagkain.
Habang nasa biyahe na ulit kami ay hindi man lang naglaho ang ngiti niya. Kapag sinisita ko siya ay mabilis din na tumitigas ang ekspresyon ng mukha niya pero kapag hindi ako nakatingin ay may multong ngiti ulit sa mga labi niya. Minsan pa nga ay sumisipol siya.
Halatang masayang-masaya ang gágo. Kasi first time ko nga na hindi nakapag-react at nautal pa ako kanina. Tuwang-tuwa siya kung binibiro niya ako. Ang sama niya. Ang sama-sama niya talagang lalaki.
“Pttt—”
“Kanina ka pa, Azul! Hindi ka na talaga nakatutuwa!”
“Huminahon ka. Wala naman akong ginagawa,” depensa niya.
“Kanina mo pa ako pinagtatawanan!” Umiling siya at hinuli pa niya ang kaliwang kamay ko. Nagpumiglas ako pero ’di hamak na mas malakas siya kaysa sa akin.
“Masaya lang ako dahil kasama kita,” pagdadahilan niya at nagawa pa niyang halikan ang likod ng kamay ko. Naitikom ko na lamang ang aking bibig.
Ano raw? Masaya siya dahil kasama niya ako? May meaning ba ang sinabi niyang iyon? O dapat ba akong umasa na may magbabago sa pakikitungo namin? Oh, come to think of it. May pagbabago na nga pala.
Parang boyfriend ko na ang peg niya.
“Bakit ka naman masaya na kasama ako? As far as I remember ay si Isabella lang ang gusto mo kasi nga nililigawan mo siya. Azul, kung pinagloloko mo lang ako ngayon ay utang na loob—”
“Marahil nga ay gusto ko noon si Isabella. Isa siyang binibining mahinhin, ang bawat kilos niya ay pinong-pino. Mabait siya at maganda ang mga ngiti niya. Magandang-maganda rin siya. Maasikaso pero mahiyain. Sa lahat ng mga dalaga sa Sta Rosa Province ay siya lang ang may ganoong personalidad. Nakita ko na lamang ang sarili ko na isa na sw mga manliligaw niya na hinihintay at makamit lang ang matamis niyang oo.” Binawi ko agad ang kamay ko kasi puro kay Isabella na ang papuri niya.
“You’re not funny, Azul,” naiiritang sabi ko at hinawakan niya ulit ang kamay ko. Nag-agawan pa kaming dalawa.
“Inaamin ko noong dumating ka at sumulpot na lang bigla sa buhay ko ay nainis ako. Nagalit at iritadong-iritado hindi dahil sa iyo. Dahil iyon sa sarili ko, kasi kakaiba ka pala sa lahat ng mga dalaga rito. Kakaiba ka kompara kay Isabella. Ang bibig mo ay walang preno, kung ano ang gusto mong sasabihin ay iyon ang lumalabas at hindi mo na iyon inaalala pa. Ikaw ang tipong babae na hindi peke, na para bang hindi ka rin nakikipagplastikan sa mga tao makuha lang ang loob nila. Ipinapakita mo ang totoong ikaw, ang totoong ugali at personalidad mo. Ikaw ang tipong babae na wala ng pakialam sa magiging opinyon ng ibang tao kung ipakikita mo na prangka ka. Kasi ikaw iyan, totoong ikaw. Hindi ka mahiyain, suplada pero may kabaitan. Mapagmahal kang anak sa mga magulang mo. Hindi ko nakita ang pagiging spoiled brat mo, ika nila. Hindi mo ginamit ang pagiging señorita mo, makuha lang ang mga nais mo sa buhay. Dahil ikaw mismo ang gumagawa ng paraan at kumikilos. May isa kang salita at may prinsipyo. Alam mo ba kung ano ang mas nagustuhan kong ugali mo?” mahabang saad niya at may tanong pa sa dulo.
“A-Ano?” God, ang heartbeat ko.
“Ang pagiging maingay mo. Hindi ka nawalan nang sasabihin at wala ka ring kaartehan. Hindi mo napapansin na nakukuha mo ang loob ng mga taong nasa paligid mo ay dahil lang sa presensiya mo, sa pakikitungo mo sa kanila at sa pagturing na hindi sila mababa. Na parang sila pa ang nakatataas sa kanila. Eljehanni, tunay na nakuha mo ang puso ko.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top