CHAPTER 16
Chapter 16: Red tulips
EWAN ko kung ano ba ang pumapasok sa isip ng lalaking iyon at mukhang ako na naman ang pinag-t-tripan niya pero in fairness, parang hindi na rin ako hangin pa dahil napapansin na niya ako. Dapat ay matuwa na ako sa ginagawa niya pero wala rin.
Alam ko naman na makulit ako sa lalaking iyon but I will always remind myself that he’s no longer available. That he already has a girlfriend. I wouldn’t breaking their relationship anyway—well that depends on Azul. Hehe.
Just like his request, suot ko ulit ang manang style ni Maria Clara— I mean outfit ni Isabella. Loose pants na itim naman ang kulay at white blouse.
Paglabas ko mula sa villa namin ay nandoon na si Azul at nanlaki pa ang mga mata ko sa nakita. Seryoso nga siya!
Walang ekspresyon ang mukha niya at hawak-hawak niya lamang ang isang punpon ng bulaklak na hiniling ko nang araw na iyon. Na mas bet ko ang red tulips at ngayon ay nasa mga kamay na niya. Mabagal akong naglakad patungo sa direksyon niya at napatitig sa mga bulaklak.
“Totoo nga talagang gagawin mo akong kabit,” nakaismid na saad ko at tumaas lang ang sulok ng mga labi niya. Nang dahan-dahan niya ring itinaas ang bulaklak at inilapit sa akin ay pakiramdam ko, lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa aking ulo at nagkalat sa buong mukha ko, kung kaya’t ramdam na ramdam ko ang init nito.
Lumubo ang pisngi ko at tinanggap ko na lamang ang tulips na may ngiti na sa labi. Ang lakas nang pintig ng puso ko. Parang hihimatayin pa ako.
“Masaya ka na?” tanong niya at hindi malamig ang boses niya.
“Para saan ba ito, Azul?” I asked him.
“Para sa ’yo. Hindi pa ba obvious?” kunot-noong tanong niya.
“Pero bakit mo ba ako binibigyan nito, ha?” nagtatakang tanong ko pa rin. Sa mga oras na iyon ay nagbibiro lang naman ako sa suggestion ko, pero kasi mas bet ko nga ang red tulips kaysa sa sunflower na madalas niyang ibinibigay kay Isabella.
And besides, hindi ba magagalit or magseselos ang girlfriend niya kapag malaman nito na may babae siyang binibigyan ng bulaklak?
“Gusto mo ’yan, ’di ba?” Tumango ako bilang tugon. Tumikhim siya at naglahad ng kamay. “Tara na, aalis na tayo.” Ilang segundo kong tinitigan ang malaking palad niya. Inabot ko naman iyon at sakop na sakop na ito ng mainit niyang kamay.
“Kininilig ampúta,” mahinang sambit ko na mukhang narinig pa niya.
“Ano kamo, Eljehanni?” bitter na tanong niya. Nag-peace sign ako sa kanya at ngumiti. Napanguso naman ako nang mahina niyang pinitik ang noo ko.
“By the way, saan natin matatagpuan ang bagong may-ari ng lupain na iyon?” tanong ko. Binuksan niya ang pintuan sa passenger’s seat at inalalayan ako nitong makapasok. Iningatan ko ang tulips baka may mabali ito.
“May factory sila ng de-lata. Hindi lang puro plastic bag ang itinatapon nila.”
“Nakita mo na? Dumaan tayo roon. Gusto kong makita,” suggestion ko na inilingan niya.
“Nagpadala na ng mga tauhan doon ang Papa mo para linisin ang mga kalat na iyon.”
“Paano?” kunot-noong tanong ko.
“Sila na ang bahala,” sagot niya lamang at maingat niyang isinara ang pinto saka siya umikot sa driver’s seat.
“Sa Manila tayo pupunta, Azul?”
“Oo,” maikling sagot niya. Napatango ako at binigyan ko na lamang nang atensyon ang bulaklak na nasa lap ko.
“Hindi ka ba hahanapin ni Isabella?” mayamaya ay tanong ko nang nasa kalagitnaan na rin kami nang biyahe.
Sinilip ko ang face niya na ngayon ay umiigting na rin ang panga niya. Galit na agad siya? Wala pa naman akong sinasabi na hindi maganda sa nobya niya, ah. Huwag siyang ganyan sa akin. Huhu.
“Bakit mo ba hinahanap ang taong wala?” naiinis niyang tanong. Mas tumulis lang ang labi ko at inirapan niya ako nang makita niya iyon.
“Ang suplado mo naman, pogi,” ani ko. Hinagod ng mahahaba niyang mga daliri ang buhok niya—gamit lang naman ng isa niyang kamay.
Hindi na siya sumagot pa at nakatutok na siya sa daan. Siya namang pag-ring ng phone ko. Nasa maliit na backpack ko iyon.
Kinuha ko naman at napatitig sa screen ng cellphone ko. Si Sydney ang tumatawag. Bakit naman tumatawag sa akin ang gagóng ito?
I didn’t answer his call, I declined it. Huwag siyang tatawag sa akin kapag kasama ko si Azul.
“Sino ang tumatawag sa ’yo?” seryosong tanong niya at mabilis kong itinago sa bag ang aking phone. Ngumiti ako nang matamis kay Azul.
“Wala,” sagot ko lamang. Nang makalayo-layo na kami sa bayan ay bumilis na ang pagmamaneho niya. Ibinaba ko naman ang salamin ng bintana pagkatapos kong patayin ang aircon. Mas presko kasi ang hangin. Napansin ko na ganoon din ang ginawa niya. “Azul, can I ask you something?” tanong ko nang hindi ko siya sinusulyapan. Nasa labas na kasi ang atensyon ko.
“Ano iyon?”
“Saan ka pala nanggaling? Maliban sa nakatira sa probinsyang ito ang Lola at kapatid mo?”
“Bakit mo biglang naitanong iyan?” he fireback so I stared at him.
“Mas bet mo ba ang mag-stay rito sa Sta Rosa?”
“Maganda rito at payapa. Walang dahilan para hindi ko magustuhan ang probinsyang ito.” I nodded.
“Agree to that. Eh, bakit ngayon ka lang pumunta rito? I mean, bago lang? Nasaan ka sa mga nakalipas na taon?” curious kong tanong.
“Malalaman mo rin. Huwag ngayon.” Parang may something siyang itinatago sa akin pero ayoko na siyang kulitin pa para magtanong pa. Sapat na ang kinakausap niya ako nang maayos at paminsan-minsan na sinusungitan.
“May tanong ulit ako.”
“Ano na naman ba iyan, Eljehanni?” iritadong tanong niya. Mahinang humalakhak ako.
“Sa tag-init, ano mas magandang halaman ang dapat nating itanim. Mahirap man pero kaya pa rin niyang maka-survive sa init ng araw?”
“Marami ang puwedeng halaman na mabubuhay sa kalagitnaan nang tirik na tirik na araw. Pero hindi rin naman mahirap kapag kape ang itatanim mo.”
“Coffee beans? Sa tingin mo, magandang business iyon kapag tumubo na sila at tuloy-tuloy na?” He nodded to my question.
“Kaya ’di ba may nursery sa farm?”
“Tama. Hindi naman agad-agad tinatanim ang mga iyon sa lupa. Ang mga binhi ay sinisigurado pa sa isang maliit na lagayan para magkaroon ng sariling buhay at kung puwede na siyang ilipat na maka-s-survive na siya ay saka siya itatanim sa lupa at doon magbubunga,” mahabang saad ko.
“Ano ba ang balak mo?”
“Iyong lupain ni Papa na hindi niya pinagbili. Balak kong taniman iyon ng isang binhi na kayang-kayang maka-survive sa araw. Tama, may idea na ako. Salamat sa tulong, Azul,” nakangiting saad ko at tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.
“Nag-aral ka ng agriculture pero kahit ang magbungkal ng lupa ay hindi mo kaya.”
“Hoy! Hindi naman kasi porket agriculturist ka ay kaya mo na ring magbungkal ng lupa!” depensa ko at nagkibit-balikat siya.
“May nakikita naman ako na nga babae na marunong sa gawaing ganoon,” aniya at naningkit ang mga mata ko.
“Ibahin mo nga ako, Azulenzure!”
“Opo, Señorita.” Pakiramdam ko ay umuusok na ang butas ng ilong ko. Lumapit ako sa kanya at mahigpit kong hinila ang buhok niya. “Huwag kang malikot, Eljehanni. Mababangga tayo.”
“Bakit ang hilig mong mang-asar sa akin, Azul?” naiinis kong tanong.
“Bitawan mo na ang buhok ko,” suway niya. Sumunod naman ako at inamoy-amoy ko na lamang ang red tulips.
“May balak ka pa bang umalis sa probinsya natin?” mayamaya ay tanong ko na naman. Gusto ko siyang daldalin nang daldalin.
“Bakit? Hahanapin mo ako kapag umalis na ako?” nakataas ang kilay na tanong niya.
“Iiwan mo rito si Isabella?”
“Bakit gusto mong sumama?”
“Azul! Huwag mong ibalik ang tanong ko! Sagutin mo lang ako nang matino! Pumapangit ka kapag ganyan!” Na-h-high blood na talaga ako sa lalaking ito. Naku naman, eh.
“Hindi ako aalis,” matinong sagot niya. “Eh, ikaw. Bakit dalawang taon kang nawala?” Ngumisi ako at napansin niya iyon. Umirap na naman siya at kumibot-kibot ang labi.
“Nagtanong ka tungkol sa akin, ano? Kaya alam mo na wala ako rito ng dalawang taon. Ayie...” Sinundot ko ang tagiliran niya at malakas na natawa ako nang mapatalon pa siya mula sa kinauupuan niya. Parang hindi siya sanay na hawakan o tamang sabihin na may kiliti siya roon.
“Tumigil ka nga.”
“Yey, crush na ako ni Azul!” He sighed at hindi ko siya tinigilan sa pang-aasar sa kanya hanggang sa nasilayan ko na nga ang multong ngiti niya sa lips niya.
“Kung aalis ba ako. Sasama ka?” he asked when we reached our destination. Nagsalubong ang manipis kong kilay. Kasi bakit ganito ang naging tanong niya?
Bakit naman ako sasama sa kanya kapag nagdesisyon siyang aalis na? At saka hindi ba dapat si Isabella ang tatanungin niya tungkol doon? Dahil may posibilidad na ito nga ang isasama niya?
“Naka-drugs ka ba, Azul?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top