CHAPTER 12

Chapter 12: Sundo

PANAY ang pagbuntong-hininga ko at naiiling na lamang ako dahil ang arte pala ng buyer ni Papa. Nakailang libot na kami rito at ang babaeng kasama niya ay may hawak pang payong para lang hindi siya maarawan.

Samantala ako ay panama hat lang ang suot ko. Isa akong agriculturist at sanay naman akong maarawan pero minsan ay hindi ko nakakayanan ang sobrang init nito, lalo na sa skin ko.

“Kapansin-pansin ang pagtuyo ng husto ng lupa. Parang kahit na isa ay walang tutubo na halaman dito. Look at this, Ms. Ciesta,” he said at nag-squat pa siya para lang hawakan ang lupang tuyo. Alam ko naman ’yan kahit hindi mo sabihin. Grr. “Ang tigas ng lupa at halatang hindi nauulanan sa parteng ito,” he added his words.

“Hindi naman po magkakaganito kapag napagtuunan na ito nang atensyon,” ani ko. Nag-angat siya nang tingin sa akin bago siya tumayo.

“Magkano ang presyo na maibibigay mo sa akin?” tanong niya. Here’s the deal.

My father said ay nasa 2 to 3 millions lang daw puwedeng ibenta ito dahil na raw hindi maganda ang lupain pero hindi sa halagang iyon nabili ni Papa. More than that.

“Around 7 millions.” Napasinghap siya sa naging sagot ko. Maliit na halaga lang naman iyon kung tutuusin.

“Magkano ang mas mababa?”

“6 millions.” Napahilot siya sa sentido niya.

“Just look at the area. Parang ako ang lugi kapag babayaran ko ng ganyang halaga ang lupain niyo, Ms. Ciesta,” sabi niya. Alam naman niya na walang mura kapag lupain na ang ibebenta.

“9 millions ang halagang ito noong binili ng aking Papa, Mr. Lesguila. Higit kami ang malulugi kapag binabaan pa namin ang presyo na dapat maging fair din sa amin,” paliwanag ko sa kanya at bumuntong-hininga pa siya.

“4 million?”

“5.5 million,” mariin na saad ko.

“Okay fine, 5 million is it.” Napaisip naman ako sa natirang pera na hindi umabot sa presyong binili dati ng Papa ko. Tumango ako. Hindi na masama pa.

“Deal, Mr. Lesguila. Matanong ko lang po kung ano ang ipapatayo ninyo sa lupain na ito kapag nagkataon na maaayos na ang transaction natin?” interesadong tanong ko. Of course kailangan ay may alam ako sa plano niya at sa purpose niya kung bakit binili niya ito. He knows na malayo ito sa City.

“Patatayuan namin ng factory na paggawa ng langis.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Langis?

“Gagamit kayo ng chemical kung gano’n,” anas ko at tumango siya. “Hindi po kayo maaaring gumawa ng langis sa lugar namin dahil may posibilidad na masira ang pananim namin sa dulo ng lupain na ito at sayang lamang din po kung hindi ninyo pagtataniman.”

He laughed at my remarks. Nang-aasar talaga siya. Parang walang manners. Tsk.

“Malayo sa lugar niyo ang lupang bibilhin ko, Ms. Ciesta,” naiiling na sambit niya.

“Ang usok mismo ang magdadala ng amoy at maaapektuhan ang mga halaman,” sabi ko pa. Alam kong isa lang siyang business man at wala siyang alam tungkol sa bagay na iyon.

Kami mga agriculturist ay may nalalaman sa langis at sa masamang usok nito. Maaaring pati ang mamamayan namin dito ay maaapektuhan din at magkaroon pa ng malubhang sakit. Chemical kasi iyon, eh. Malakas ang epekto nito.

“Sinabi mo ba na sayang ang lupang ito kung hindi namin tataniman? Ang iyong ama nga ay sumuko na sa pagtatanim dito dahil wala namang nabubuhay maski isang halaman, maliban na lamang sa mga ligaw na damo rito,” pahayag niya. May katotohanan naman iyon at hindi ko ipagkakaila.

Kinuha ko ang kontrata na handa na rin sana naming pirmahan pero nagbago na ang isip ko.

“Kahit bilhin mo pa ng halagang sampung milyon ang lupain namin ay hindi ko na ito ibibigay pa sa ’yo, Mr. Lesguila. Mas mabuting lisanin mo na lamang ang bayan namin,” walang emosyon na saad ko.

Maski si Papa ay alam kong hindi niya rin hahayaan na ipagbili ito kung gagawa lang pala ng factory para lang sa paggawa ng langis. Masaganang halaman ang nakatanim sa karugtong nitong lupa at posibleng maapektuhan ang mga ito kapag nagpatuloy si Mr. Lesguila sa hangarin niya.

Kahit sabihin ko na patay na ang lupang ito ay hindi naman maaaring gamitin sa delikadong bagay.

“But Ms. Ciesta, tinanggap mo na ang deal natin at hindi mo na puwedeng bawiin pa iyon,” may bahid na inis na saad niya. Nagkibit-balikat ako at ipinakita ko sa kanya ang contract namin.

“Unless tapos na tayong nagpirmahan ng kontrata and besides wala ka man lang kasama na abogado kaya hindi pa rin iyon legal. Kahit siguro may kontrata nang napirmahan ay ganito pa rin ang mangyayari,” nakangising sambit ko at nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makitang pinunit ko sa dalawa ang papel saka ko ito nilukumos.

“Hindi yata maganda ang pagpapalaki sa ’yo ng mga magulang mo. Pumayag ka na sa deal pero tumanggi ka agad. Wala yatang paninindigan ang pamilya niyo, Ms. Ciesta. Mabilis magbago ang isip mo,” he said in sarcastic tone.

“At mabilis din po maubos ang aking pasensiya,” mataray na saad ko at umatras ako para lang tumalon sa ere. Malakas na sinipa ko siya sa kanyang dibdib na ikinatumba niya sa lupa, kasama ang babae kasi hinawakan niya ito para yata kumuha nang balanse.

Naalerto naman ang mga bodyguard niya at nilapitan siya ng mga ito. Mabilis nilang inalalayan na makabangon.

“Tss.”

“Maganda ang pagpapalaki sa akin ng parents ko. Sadyang hindi mo lang matanggap na binabawi ko na ang mga sinabi ko. Maghanap ka na lang ng ibang lugar na pagtatayuan mo ng factory mo.” Malakas naman niyang hinawi ang bodyguards niya at lalapit pa sana siya sa akin. Hinanda ko agad ang sarili ko pero may yumakap sa baywang ko. Binuhat ako nito nang nakatalikod ako mula sa kanya. Napasipa tuloy ako sa ere. “What the fvck?! Bitiwan mo nga ako!” malakas na sigaw ko at pinagpapalo ko ang braso nitong nakapulupot sa aking baywang. Sa higpit nito ay hindi man lang siya bumitaw.

Nahinto lamang ako nang maramdaman ko ang pamilyar na presensiya niya. Nagsalubong ang manipis kong kilay.

Binuksan nito ang pintuan at doon niya lamang akong ibinaba. Naamoy ko agad ang perfume and his natural scent.

“Sakay,” mariin na saad nito. Napalingon ako sa isang malaking truck na humaharurot na palayo. Doon ba siya sumakay kaya nakarating siya rito?

Binalingan ko siya. “What the fvck are you doing here?” I asked him in confused and I still managed to curse.

He didn’t answer my question at basta na lamang niya akong inakay para lang makapasok sa loob ng sasakyan na dala ko. Siya pa ang nagkabit ng seatbelt ko.

“Diyan ka lang at huwag bababa.”

“At sino ka naman para utusan ako, ha?” malamig na tanong ko at tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko nang pigilan niya ako.

“Seryoso ako. Diyan ka lang,” may diin na saad niya ulit. I rolled my eyes. I just sighed at pinanood ko na lamang siya.

Nilapitan niya ang secretary ni Papa at pati na rin si Mr. Lesguila. Ang hudas na ito, nag-iinit lang ang ulo ko sa kanya. Grr.

Hinintay ko si Azul na makabalik. Kaya nang makasakay na rin siya ay tinitigan ko siya nang mariin.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” masungit na tanong ko.

“Pinapasundo ka ng Papa mo,” kaswal na sagot niya.

“Púta, alam kaya ni Papa kung nasaan ako, tánga!” sigaw ko at sinamaan na naman niya ako nang tingin. Hindi ko na napigilan ang sabihan siya ng tánga. Kusa na lamang kasi iyon lumabas mula sa aking bibig, eh.

“Hindi ako tánga,” depensa niya sa sarili niya at inikutan ko siya ng mga mata ko. “Pinapasundo ka na niya dahil alam na rin niya ang balak ni Mr. Lesguila. Ayaw na rin niyang ibenta ang lupain,” mahinahon na saad niya. Iyon lang ang kanyang rason?

Pinaandar na niya ang kotse at pati si Mr. de Tagle ay no choice na rin kundi ang sumakay sa sarili niyang kotse.

“Puwede naman akong tawagan ng Papa ko through my phone, ano?” giit ko at inilabas ko mula sa bulsa ng pants ko ang phone ko. Ipinakita ko pa iyon sa kanya.

“Alam din ng Papa mo na mabilis mag-init ang ulo mo at kailangan na may pumigil sa ’yo.”

“At sa lahat ng tauhan ni Papa ay ikaw pa ang pinili niya?” sarkastikong tanong ko. Naitikom na lamang niya ang mga labi niya at mahirap nang basahin ang emosyon ng mukha niya.

“Ba’t ba ang daldal mo?”

“Ba’t ba pakialamero ka?” laban ko at pinagtaasan ko pa siya ng kilay.

“Sumusunod—”

“At sino sa tingin mo ang pinagloloko mo? Ako? Haha, nakatatawa ka, and wait a minute. Bakit wala ka sa kabilang bayan? Kina Isabella?” nalilitong tanong ko.

Ang alam ko ay ngayong araw na ito ay sasagot na si Isabella. Sa tatlo sila ay isa lang din ang sasagutin nito at tiyak ako na wala kina Kallix at Hunter ang magiging boyfriend nito. Si Azul mismo, base pa nga lang sa bawat titig nito kahapon when I asked her kung sino ang napupusuan niya sa tatlo niyang manliligaw.

“Dahil nandito ako,” pilosopong saad niya.

“Wow. Day-off ba ng kalandian mo today?” nang-aasar na tanong ko sa kanya. Hindi na naman siya sumagot ulit at nakalayo na nga kami. Hayon na naman ang pagkibot-kibot ng mga labi niya pero sa huli ay nagtagis lang ang bagang niya. “Ano? Sagutin mo ako. Huwag mo akong i-silent treatment!”

“Ang ingay mo, Eljehanni.” Napanguso ako. Inirapan ko rin siya sa huli.

“Pangit mo.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top