CHAPTER 11
Chapter 11: Negotiation
INAYA na lamang ni Isabella ang mga kababata ko para sabayan kaming kumain. Inutusan pa niya ang servant niya na kumuha ng extra pinggan para sa mga ito.
Nakaupo siya sa gitna nina Hunter at Kallix, kaharap ko rin siya. Hindi na nga bumalik pa si Azul sa puwesto niya kanina at mas pinili ang umupo sa tabi ko. Goods na ’yon.
Sa kalagitnaan nang pagkain namin ay kaming tatlo ang pinakamaingay. Nagtatanong kasi sila tungkol sa mga bagay-bagay na nangyari sa akin, sa mga nakalipas na taon na hindi ko na sila kasama pa. Sinagot ko naman sila ng makatotohanan.
“Isabella. Sino ba ang lalaking napupusuan mo?” tanong ko sa babae. Paano kasi out of place na siya, eh. Hindi na siya makasabay pa sa topic namin. Tanging pagngiti at pakikisabay na pagtawa lang ang nagagawa niya.
At ang isa riyan ay likas na tahimik siya at walang pakialam kahit na OP na rin siya.
Mukhang nabigla ko pa siya dahil sa tanong ko ngunit nag-angat siya nang tingin at umayos mula sa pagkakaupo nila sina Kallix at Hunter. Na parang interested din sila na malaman ang kasagutan nito. Tinamaan nga ng lintik ang mga hudas na ito.
“Oo, mayroon na. Sa katunayan ay bukas ko siya sasagutin para maging opisyal na rin ang aming relasyon,” sabi niya at diretso ang tingin sa katabi kong lalaki.
Mukhang kilala ko na kung sino ang magiging nobyo niya. Ang crush kong si Azul! Huhu! I kennat!
Noong umuwi na nga kami ay hindi na ako nagdaldal pa kasi sumisikip ang dibdib ko. Parang hindi ko kaya na magkakaroon ng girlfriend si Azul. Ewan ko kung bakit ganito kalakas ng impact sa akin ng poging suplado na iyon.
Hinatid naman niya ako hanggang sa villa namin at naramdaman ko pa ang matagal niyang pagtitig pero hindi ko na siya pinansin pa. Diretso lang ang paglalakad ko papasok. Kahit noong tinawag niya ako ay hindi ko siya pinansin pa. Siya na rin naman kasi ang kumuha kay Vip para dalhin ito sa kuwarto niya—este kuwadra pala!
But akala naman siya susuko ako? May balak pa sana akong puntahan siya roon sa palengke at nagtatrabaho pa naman siya rito sa amin.
Ang kaso lamang ay biglang nagkalagnat ang papa ko. Kinatok ako ni Nanay Lore sa room ko para lang sabihin ang tungkol sa aking ama. Hindi pa ako nakapaghilamos ay lumabas na ako at nagtungo sa master’s bedroom ng parents ko. I was worried. Parang kahapon ay okay pa siya. Naabutan ko si Mama na inaasikaso ang hubby niya, my father. Ayie, ang sweet.
“Oh, darling.” Hinalikan ako ni Mama sa pisngi nang makalapit ako sa kanya.
“Amoy layaw pa ho ako, ’Ma,” ani ko na tinawanan niya lamang. Hinaplos pa niya ang pisngi ko.
“It’s okay, darling. Noong bata ka pa at nagbababad ka sa araw ay inaamoy ko pa ang kili-kili mo.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Mama, kadirdir naman po! Pinaalala niyo pa sa akin!” hysterical na sigaw ko.
Humalik lang ulit siya sa aking pisngi. “Good morning, darling. May lagnat ang Papa mo.” Tinitigan ko si Papa na nakapikit. Hindi ko tiyak kung natutulog pa ba siya.
Sa bedside table ay mayroong maliit na basin at face towel doon. Nandoon din ang pinaglalagyan ng gamot.
Nang sandali kong hinawakan ang malaking palad ng aking Papa ay napadilat siya.
“Eljeh, anak...” sa nanghihinang boses na sambit niya. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko ang noo ng aking Papa.
“Kumusta po ang pakiramdam mo, ’Pa?” tanong ko at umupo ako sa gilid ng kama. Katabi ko rin si Mama. Hinahaplos niya ang ulo nito.
Pinisil ko ang kamay niya. “Gagaling na yata agad ako dahil nasa tabi ko ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko at pinakamamahal ko.” I chuckled. Kahit na kailan talaga, oh. Marunong pa rin siya sa sugarcoating.
“Magpagaling ka po agad, Papa. Para hindi mag-alala sa inyo ng husto ang dalawang babae mo,” ani ko na ikinangiti niya.
“Sinat lang ito, anak. Gagaling din agad si Papa at saka, mahusay na nars ang iyong Mama,” sambit niya at nilingon niya ang Mama ko na punong-puno ng pagmamahal.
“Kaya nga po, eh.”
“Mamaya ay kikitain ko si Mr. Lesguila. Isa siya sa buyer natin, anak. Kailangan kong magtungo sa dulo ng bayan natin” Tumango-tango ako.
“Hayaan mo akong makipag-negotiate sa kanya, Papa. Dito lang po kayo magpahinga,” ani ko ngunit umiling siya.
“But, anak...”
“Let her be, hon. Kayang-kaya na ng baby natin ’yan,” ani Mama. Humugot siya nang malalim na hininga saka siya tumango. Lumapad ang ngiti ko dahil hindi na niya ako tinanggihan pa at pinayagan na niya ako.
I wore my white backless na mahaba ang sleeves and red bell buttons na malaki ang dulo nito. Ankle boots naman ang suot kong panyapak. Mataas na nakapusod ang buhok ko.
Ang secretary ni Papa ang makakasama ko at naghihintay na rin siya sa sasakyan niya. Sumakay ako sa puting kotse noong dinala ko ito sa Manila. Maayos naman na siya. Dala na rin naman ang kontrata. Nahagip pa ng mga mata ko si Azul pero hindi ko na siya masyadong napansin pa dahil sa pagmamadali ko.
Mamaya ko na siya kukulitin. Akala ba niya ay hihinto ako? Duh.
Nasa dulo naman ng lupain na ito ang ibebenta ni Papa. Ayon din sa kaunting info niya ay hindi na raw niya ito na pagtutuunan ng pansin. 20 minutes lang naman ang biyahe at nakarating agad kami.
Sinipat ko ang relong pambisig ko. 7:21 na nang umaga at ang habilin ng aking ama ay kailangan ko raw mauna sa lugar kung saan kami magkikita. Doon din mismo sa lupain na iyon.
8:00AM ang oras na napagkasunduan nila. Pinasadahan ko nang tingin ang buong paligid. Parang hindi inuulan ang lugar na ito dahil halos kulay dilaw na ang mga nagtataasang damo.
Lumuhod ako at hinawakan ko ang lupa. Matigas na nga rin at sigurado ako na walang halaman ang tumutubo sa parte na ito. Kahit ang mga ligaw na damo ay paunti-unti na ring namamatay.
Pinagpagan ko ang palad ko at saka ako tumayo. “Ano po ang dating tinatanim dito, Mr. de Tagle?” I asked my father’s secretary.
Napansin ko kasi na may dating nagbubungkal ng mga lupa sa bandang ito at parang may tinanim sila.
“Sinubukan na po ang iyong ama na magtanim dito ng cassava pero dahil hindi naman inuulan sa parte na ito ay hindi tumutubo ang pananim,” paliwanag niya.
“Sinubukan ninyo na rin po na magtanim ng sugarcane?” I asked again. He nodded but bumuntong-hininga lamang siya.
“Kahit ano’ng halaman ay wala po talagang nabubuhay sa parte ng lupain na ito. Masuwerte na lamang ang dating punongkahoy at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin,” malungkot na saad niya.
“Kaya naman pala nag-decide na si Papa na ibenta na lamang ito dahil sumuko na siya sa pagtatanim dito na palagi naman palang pumapalpak.” Ang masasabi ko lang ay sayang ito.
I finished my four years course of Bachelor Science in Agriculture, of course with flying colors pa iyon, Magna Cum Laude. Hindi na masama, right? Sa States ay natapos ko rin ang MSA ko, Master of Science in Agriculture and I also passed my board exam. Pagdating naman sa business ay ang aking ama mismo ang adviser ko and also my Mom.
Hindi ko namalayan ang paglipas pa nang isang oras at hanggang ngayon ay wala pa rin ang buyer. Tirik na tirik pa naman ang sikat ng araw at ang sakit nito sa balat.
Ang kasama kong secretary ay nanatili sa loob ng kotse niya at hinahanda na rin niya ang kontrata. Mahigit dalawang oras ang itinagal namin sa paghihintay.
I am so annoyed to the point na gusto ko na lamang bawiin ang pagbebenta namin ng lupain. For me ay hindi siya malaking kawalan. Pero inaalala ko na sayang ang lupa kapag walang nakinabang dito o wala man lang ang mag-aasikaso.
Isang matangkad na lalaki na nasa early 30’s ang edad. May kasama siyang isang babae at siguro ang dalawa ay bodyguard niya. Dalawang sasakyan kasi sila.
“Mr. Lesguila.”
“Where is Mr. Ciesta?” agad na tanong nito at hinahanap niya si Papa.
Napako ang tingin niya sa akin at bahagyang tumaas ang isa niyang kilay. Ano’ng klaseng tingin naman iyan? Psh.
“Good morning, Mr. Lesguila. I am Eljehanni Elites Ciesta, the representative of my Mr. Ciesta, I’m his only daughter,” seryosong pagpapakilala ko and too formal.
“Oh? Bakit ang anak niya mismo ang pumunta rito? Where is he?” tanong niya na may sarkastiko pa sa boses. Grabe, ha.
“He’s not feeling well, Mr. Lesguila. Kaya ang anak niya po mismo ang naging representative,” sabi ni Mr. de Tagle. He nodded.
“Tingnan natin kung magaling din na makipag-negotiate ang anak ni Mr. Ciesta.” It’s my turn to raised my brow.
“Try me, Mr. Lesguila,” I said. He just laughed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top