Epilogue
Is it a date? Ano kayang pinag-usapan nila? Mas naging masaya kaya siya sa date nilang iyon kaysa sa mini date namin kanina?
Oh, shit. Ganito pala 'no? Kapag walang label. Mag-iisip ng kung ano-ano dahil wala namang karapatan.
She's not committed to me... so she can hang out with anyone but... I can't help but to get jealous.
Hindi pa nga siya sigurado sa nararamdaman niya sa akin. No'ng tinanong ko siya kung kaya ba siya nagselos kasi she likes me pero ang sagot niya'y 'I don't know'.
I know damn well na I'm not the kind of guy who will settle for what kind of shit is this but it's her, e.
"Alam mo Kuya Mav, may bago akong friend, si Nami! Ang ganda niya tapos mabait, at funny! She's my best friend now!"
"Alam n'yo po ba, 'yong bago ko pong friend na si Nami, sobrang talino! 94 ang average, first quarter pa lang!"
"Mahilig din sa cats si Nami. Favorite niya ang orange cats."
"Mommy, Nami's indeed a good influence. Kanina po she didn't hesitate to help an old lady cross the road. Gusto ko nga rin pong tumulong kaso hindi rin naman po ako marunong tumawid."
"May bago po ulit akong friend, si Noah! Best friend siya ni Nami pero para mas masaya raw po, pinakilala kami ni Nami sa isa't isa! Now, we're a trio na. She's not madamot, and she's a great friend."
"Nami is a SciTech writer! She's part of the Journalism club. Nabasa ko na articles niya, at ang gaganda!"
"Nami is so pretty, right?"
Kumunot ang noo ko nang muli kong narinig ang pangalan no'ng Nami. This is her day pero puro Nami pa rin. She really likes her friend, huh?
Araw-araw may kuwento siya tungkol doon. Araw-araw din niyang kino-compliment.
But, what's so special about her?
Para malaman kung ano iyon, lumingon-lingon ako para hanapin 'yong Nami.
Ang bawat babaeng ka-age lang namin ay inuusisa ko-hinahanap ang features na nabanggit sa 'kin ni Katelyn. May bangs, and between morena, and fair.
Tumaas ang kilay ko nang makakita ng isa.
She's chinita. She looks nice, sweet, and very feminine.
"Alisha! Invited ka rin pala." Nagkibit-balikat ako nang marinig ang tunay na pangalan no'ng babae. Where's that Nami girl?
Nang makitang pumasok ang tropa ni Maverick ay pasimple akong nagtungo sa kusina.
Andito na naman ang mga papansin. Lakas mang-asar, hindi naman kami close. Feelingero.
Natigilan ako nang may marinig na kaluskos sa pinto ng likod ng bahay.
Paunti-unti akong lumapit doon saka binuksan ang pinto.
"Happy Birthday!"
"What the-"
"Oh shit!" tili niya nang mapagtanto ang ginawa. Palinga-linga siya habang ako naman ay nakatitig lanv sa kaniya-hindi pinapansin ang yolk ng itlog na binasag niya sa noo, at buhok ko. "I-I'm sorry po! A-Akala ko kasi ikaw si-" Natigilan siya ng biglang nag-ingay ang cellphone niya.
"Nami? Asan ka? Wala naman dito sa may gate!"
Oh, she's Nami? I raised my brow.
She's cute.
Pinkish lips, rosy cheeks, button nose, and almond eyes that will surely light up when she smile.
Her vibe is also so pretty. Kahit 'di pa kami talaga magkakilala, alam ko na kaagad na she's sweet, and loving.
"Ang kapatid ko ang may birthday, miss. Hindi ako."
"I-I'm really sorry po! H-Hindi ko po talaga alam!"
I left without uttering a word. Mukhang natatakot ko na rin kasi siya.
Nagtungo ako sa banyo para hugasan ang noo, at buhok ko. Damn, ang lansa.
Mabuti na lang talaga ay cute siya.
Simula noon ay 'di na siya mawala sa isip ko. She caught my attention, e. Gustong-gusto kong ngang magtanong kay Katelyn tungkol sa kaniya kaso baka isipin niyang crush ko 'yon.
Hindi kaya. I just find her cute.
Isa pa, I think she likes Kendrick-my twin brother.
Wala ring saysay kung crush ko nga siya kasi Kendrick will always be the apple of her eye.
Halata naman kay Nami, e. Sa school, at sa tuwing tumatambay sila no'ng isa nilang kaibigang lalaki rito sa bahay, nahuhuli ko siyang tingin nang tingin kay Kendrick.
Well, it's not a big deal naman kasi hindi ko naman siya crush or something-she's not my type. I just find her cute, that's it.
"She's so pretty," bulong ko habang pinagmamasdan ang picture namin kanina roon sa photo booth. "Nagtatampo naman yata sa akin..."
Dapat kasi ako ang magsasabi sa kaniya ng planong pag-aaral ko sa China, hindi si Noah-hindi ibang tao o kung sino. Tuloy, hindi ko naipaliwanag sa kaniya nang maayos na hindi pa naman talaga ako sigurado.
Isa pa, malaki ang posibilidad na hindi rin ako papayagan nina Mommy kahit pa pinag-iisapan pa nila. Alam nilang mahihirapan ako, hindi dahil sa advanced lessons, at sa kung paano ako makikipag-communicate since I can speak Mandarin-I'm fluent.
Ang paniguradong magiging problema ay wala akong makakasama. Baka sundin na lang ang dating plano-sa Ateneo ako mag-aaral.
Nakakainis talaga.
Ilang araw na, hindi pa rin niya ako pinapansin. Nagtatampo nga!
Ang cute niyang magtampo na nakakainis. Miss ko na siyang makausap.
Wala pa ngang isang araw simula nang magka-ayos kami, nagkatampuhan ulit.
Ano ba talaga tayo?
Inis na inis talaga ako sa sarili ko. Like, what the fuck? Hindi naman kami pero nagde-demand ako na sabihin niya lahat ng nangyayari sa kaniya, at sa buhay niya.
Kung sakit lang ang pagiging ganito, matagal na akong pinaglalamayan.
Kumusta na kaya 'yon?
Ilang araw ko siyang hindi na naman pinansin. Nagtampo kasi talaga ako saka gulo-gulo rin ang isip ko.
Miss ko na siya.
Pero kasalanan ko rin naman. Kaya deserve?
"Nami!" Natigil ako sa paglalakad, at napalingon sa lalaking nasa likuran ko. Si Kendrick.
Halatang bagong suklay, at gel ang buhok niya. Graduation pictorial kasi namin ngayon kung kaya't nakaayos talaga ang lahat.
"Oh, Kendrick? Bakit?"
"Wow, a. Alam na alam."
Maverick, and Kendrick may share the same blood, flesh, and face but my heart perfectly knows Maverick.
"May gustong kumasap sa'yo sa garden. Sa fountain." Kinindatan niya ako, pinahihiwatig na tama ang nasa isip ko.
Pagkaalis niya ay pinakawalan ko na ang mga ngiting kanina pa gustong kumawala. Akala ko talaga ay hindi niya nararamdaman ang hindi ko pagpansin sa kaniya.
Sinuklayan ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri bago nagtungo sa garden.
Walang ganoong tao roon, paniguradong nagsi-uwian na. Mabuti naman, mas magiging romantic hihi.
Kumunot ang noo ko nang pagdating sa fountain ay wala namang kahit sinong nandoon. Tumayo ako, at humilig sa fountain habang palinga-linga.
"Huh?" bulong ko nang may robot na biglang sumulpot mula sa kung saan, papunta iyon sa akin.
"Hello, I'm Buttercup," saad ng robot. Inabot ko ang notes na nakapatong sa katawan nito.
Hello, pretty. I miss you.
Pansinin mo na 'ko, don't avoid me na, please?
Usap tayo? I'll explain.
"Tss..." Ngumiwi ako para itago ang ngiti nang makita ang ulo ni Maverick na dumudungaw mula sa isang puno sa malapit. "Oo na. Papansin na kita."
Wala pang sampung segundo ay lumitaw na siya, at dahan-dahang nagtungo sa akin.
"I'm sorry, Nami, k-kung hindi ko sinabi sa'yo. Hindi pa naman kasi sigurado iyon, at alam ko namang hindi papayag sina Mommy."
"It's okay, Mav. Sorry rin k-kasi parang naging oa ako..." Ay hindi lang parang, ante. "Na may hindi ka sinabi sa 'kin, kahit hindi mo naman responsibility iyon kasi hindi naman tayo..."
Pareho kaming natahimik doon.
"Maverick."
"Hm?"
"I like you..."
Nag-iwas ako ng tingin upang maitago ang pisnging alam kong pulang-pula na. Ang bilis na rin ng kabog dibdib ko-triple ang bilis kumpara sa normal. Baka mahimatay ako rito?!
Binalik ko lang ang tingin ko sa kaniya nang dumaan na ang ilang segundo pero wala pa rin siyang kahit anong tugon.
Napalunok ako nang maabutan ko siyang nakatitig lang sa akin. Ang mga mata niya'y tila nakangiti, at manghang-mangha.
"You... like me?" He licked his lower lip, and chuckled. Pulang-pula ang tainga niya. "Really?" Malawak siyang ngumiti.
"Oo nga! I like you!" Mas lumawak ang ngiti niya, ang mga pisngi ko naman ay mas uminit.
"Are you sure?! H-Hindi kaya dahil lang sa magkamukha kami ni Kendrick-"
"Mav. I like you. Nagustuhan kita hindi bilang kambal, at kamukha ni Kendrick, nagustuhan kita kasi you are you."
"I-I don't know what to say, what to do-" I pulled him for a hug which made him stunned.
I may liked Kendrick first, but I will always prefer his hacker.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top