Bonus

nam ❤️:


mavvv:
NO.

mavvv:
obviously, that principle has nothing to do with emotional aspect

mavvv:
that principle is only applicable to objects, like magnet

mavvv:
siyempre, kapag malapit, malakas 'yong force of attraction and obviously, kabaligtaran kapag malayo

mavvv:
But relationships? A BIG NO.

mavvv:
distance can—and really cause problems, and feuds to a relationship

mavvv:
but it does not guarantee that ldr will fail

mavvv:
sabihin mo lang, gagawa talaga ako ng research just to defend, and prove my point.

nam ❤️:
HUYYYY

nam ❤️:
Joke lang naman, e!

nam ❤️:
Alam ko namang hindi totoo yan 😆

mavvv:
yan, tama yan

mavvv:
Hindi talaga applicable ang principle na yan sa relationships

mavvv:
Especially sa atin.

nam ❤️:
wews

nam ❤️:
wala pa ngang tayo e

mavvv:
you're not answering me yet.

nam ❤️:
😆

mavvv:
I miss you...

mavvv:
I'll spend the next weekend diyan sa atin

mavvv:
Date tayo, please. Papaalam kita kay Tita.

nam ❤️:
love na love mo talaga me 'no? 😜

mavvv:
Of course. ❤️

nam ❤️:

nam ❤️:
Ano na naman ba 'tong pakulo mo???

nam ❤️:
Andami naman!!! May milkshake pa!

mavv:
For you, tita, and tito.

nam ❤️:
Sipsip kah talaguh nuh

mavvv:
haha, siyempre, para mas boto sila sa 'kin

"Good afternoon po, Tita." Nasa hagdan pa lang ako ay rinig ko na ang boses ni Maverick.

"Good afternoon din, hijo. Ang tagal mong hindi nakadalaw, a. Na-miss kita!"

"Na-miss ko rin po kayo, Tita, pati na rin po si Tito."

"Asus!" Tumawa si Mama. "Pero alam kong mas miss mo si Nami." Maverick only answered with a chuckle. "Ay, ayan na pala siya."

"Hello..." Humina ang boses ko nang nasa harapan na ako ni Maverick.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ito ang unang pagkakataong bumisita siya simula nang magsimula ang school year.

Mas lalo siyang pumogi!

"Ay sige, lumarga na kayo. Sayang ang oras," pabirong saad ni Mama. "Dapat before seven, nandito na kayo, a. Mav, dito ka na mag-dinner kung gusto mo."

Four o'clock pa lang ngayon.

"Titingnan ko po." Ngumiti si Maverick.

Bago kami tuluyang umalis ay makahulugan akong tiningnan ni Mama. Tinging nagbibigay ng permiso—sa paggala namin ni Maverick, at sa desisyon ko.

Sumakay kami ng tricycle papunta sa mall. Ang awkward tuloy, hindi ko siya matingnan sa mata tapos titig na titig pa siya sa akin!

"Para namang ayaw mo akong makita," biro niya. "Ayaw mo naman akong tingnan."

"Titig na titig ka naman kasi!"

"Because you're so pretty. Na-miss kaya kita." He poked my right cheek. Hindi ko tuloy napigilang matawa.

Mas lalo akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng pisngi.

Nang makarating sa mall, sa isang Japanese restaurant kami pumunta. Libre niya raw pero nagsabi naman ako sa kaniya na sa dessert na DQ, ako na ang manlilibre.

Ang in-order niya ay dalawang ramen, dalawang gyukatsu, at isang plate ng sushi.

"Alam mo, mas pumogi ka. Andami sigurong nagkakagusto sa'yo sa Ateneo, at sa mga kalapit na school."

Imbes na tumugon, kumunot lang ang noo niya.

"Ano, tama ako 'no? Huwag mong itanggi. Dumoble ang Instagram followers mo simula nang magsimula ang school year."

"At nananatiling ikaw lang ang fina-follow ko." He smirked. "At natatanging gusto ko."

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Kapag ako talaga, inatake sa puso!

"E-Edi wow!" Peke akong umubo.

"Kilig ka lang, e," pang-aasar niya.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga pagkain. Habang kumakain ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa iba't ibang bagay—family, friends, classmates, teachers, kapitbahay at pati na rin schoolworks.

Halatang ayaw naming dalawa na mawalan ng topic.

"Ano 'yan?" tukoy ni Mav sa paper bag sa gilid ko. Kinagat ko ang labi bago binuksan iyon.

Kinuha ko mula roon ang buzz lightyear toy, at inabot sa kaniya. "Nabanggit mo sa akin na favorite movie mo ang Toy Story kaya..."

"Thank you." Mahina ang boses niya pero ramdam na ramdam ang tuwa. "Thank you so much, Nami." A sweet smile crept across his face as his ears turned red.

"I'm glad you appreciate it." Huminga ako nang malalim bago kinuha sa paper bag ang isa pang regalo sa kaniya.

Teddy bear na may voice recording. Nang mapagtanto niya iyon ay kaagad niyang ini-squeeze iyon.

"Hello, love! You're doing great, I'm so proud of you! I love you so much!"

"Alam kong mahirap na ikaw lang ang mag-isa roon sa Manila—yes, nandoon ka sa puder ng Tita mo pero iba pa rin ang warmth ng family, and friends na kinagisnan, right?

Alam ko rin kasing may mga pagkakataong hindi talaga tayo makakapag-vc, at chat kaya binilhan kita niyan; to assure, and cheer you up whenever you're in doubt or feeling down."

"Nami... thank you so much." Suminghap siya. "Nakakahiya naman, andami mong ibinigay sa akin tapos ako wala." He chuckled, hawak-hawak pa rin ang teddy bear.

"Your presence is more than enough." I winked. "Actually, hindi lang 'yan ang gift ko sa'yo."

"Hm?"

"It's a yes, Maverick. I love you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top