Bonus

Mavvy:
I miss you.

Nami ❤️:
Luh siya hahahha

Nami ❤️:
Ilang araw pa lang tayong di nagkikita 🤣🤣🤣

Mavvy:
Dati, gustong-gusto kong mag-end na ang klase so I can focus on making another robot pero ngayon naiirita na ako.

Mavvy:
Di na kita nakikita

Mavvy:
Tapos di ka pa bumibisita rito

Nami ❤️:
Hindi naman nagyayaya si Katelyn, e

Nami ❤️:
Nakakahiya naman kung pupunta ako kahit wala namang nagyayaya

Nami ❤️:
S

aka wala naman akong dahilan para pumunta riyan


Kumunot ang noo ko nang ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin siyang reply. Viniew niya ang message ko pero kahit react ay wala.

Ay, alam ko na. He's mad.

This is his way of sulking.

Nadiskubre ko iyon noong medyo nagselos siya no'ng graduation namin. May picture kasi kami ni Noah na naming dalawa lang, at minyday pa iyon ni Noah. Ayos lang naman sa kaniya iyon, e, kaya lang siya nairita dahil sa mga comment sa story ni Noah.

Puro ba naman 'bagay kayo', 'yie' , 'kunwari tropa pero secret lovers pala', at 'kayo na lang'.

Pero ano kayang ikinasama ng loob niya? 'Yong 'wala naman akong dahilan para pumunta riyan' ba?! Geez, hindi ko man lang naisip iyon!


Nami:
Kate, andiyan ka ba sa bahay n'yo??

Katelyn:
Nopee! Nasa mall ako ngayon, e.

Nami:
Oh, okay!



Kawawa naman 'tong si Maverick, mukhang hindi talaga ako makakapunta sa kanila.

Baka kasi kung makita ako ni Kendrick or ng ibang kasama nila roon tulad ng kasambahay nila, baka makaramdam sila.

Medyo secret kasi itong sitiationship namin ni Mav. Pero hindi naman talaga secret na secret, andiyan pa rin ang mga patamaan sa different social media platforms, may pa-soft launch din—pero sa close friends lang.

Alam na rin ni Mama na may ka-talking stage ako, and she's fine with it naman. My parents trusts me naman daw, and alam din nilang kaya kong i-handle nang sabay ang situationship at pag-aaral.

Sa katunayan, tuwang-tuwa pa nga sila no'ng nalaman na ang batch valedictorian namin ang ka-talking stage ko. Takang-taka rin sila how I managed to pull him.

Pero kahit boto na sila, kung magiging serious na raw kami, kailangan pa rin raw nilang kausapin si Maverick.

Ewan ko lang sa side ni Maverick, kung alam na ng parents niya.

"Nami! Baba ka nga muna rito!"

"Wait lang po!" Dali-dali akong lumabas ng kwarto, at bumaba. "Bakit po, 'Ma?"

"P'wede ka bang dumaan sa SM? Para bilhan si Crisha—anak ng kumare ko, ng dollhouse. Birthday kasi, e."

"Sige po, ayos lang po. Magbibihis lang po ako." Natigil ako sa paglalakad nang may naisip. "'Ma? P'wede po ba akong gumala? K-Kasama po sana si Maverick."

"Oo naman, hija. Bukas pa naman birthday celebration, e. Basta umuwi ka lang before six."

"Sige po!" Dali-dali akong bumalik sa kwarto, at kinuha ang cellphone ko.


Nami ❤️
Mavvv, gala us? SM? Kung gusto mo lang...

Seen lang iyon, nagtatampo talaga. Napabuntong-hininga ako bago nagpalit.

Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay tiningnan ko muli ang cellphone ko. Natawa ako nang makitang tadtad na iyon ng messages.


Mavvy:
Nakabihis na 'ko.

Mavvy:
Saan magkikita?

Mavvy:
Hello???

Mavvy:
Nandito na ako sa gate namin. Pupuntahan ba kita riyan sa inyo?

Nami ❤️:
Huwag na, sa hintayan na lang tayo ng jeep magkita!


"Nam." Natigilan ako sa paglalakad dahil sa pagtawag sa akin ni Maverick. "Magkano po?" tanong ni Mav kay lola na bantay ng bracelet shop.

Nasa labas kami ngayon ng SM, kabababa lang namin ng jeep.

"75 lang, hijo."

"Nami, pili ka." At pumili naman ako. Ang pinili ko naman ay ang purple-white bracelet. Inabot ko iyon kay Lola.

"Alam n'yo, ang sweet n'yong tingnan. Mag-jowa ba kayo?" ngiting-ngiti tanong ni Lola.

"A-A, hindi po—"

"Kasi kung oo, sana mabigyan din kayo ng miracle ng bracelets ko. Marami kasing bumili sa akin na nakatuluyan hanggang huli." Ngumisi si Lola.

"Sana nga po." Ngumisi si Maverick. "Thank you po!" saad niya nang makuha ang bracelet na pinili ko. Inabot niya sa akin ang paper bag.

"Alam mo siguro 'yong miracle na sinasabi ni Lola 'no? Kaya ka bumili ng bracelet?" Imbes na sagutin ako, tumawa lang siya.

Sabi ko na nga ba! Ang lalaking 'to talaga, in love na in love sa 'kin.


Ang una naming pinuntahan ay Toy Kingdom, para bumili ng ipangreregalo sa anak ng kumare ni Mama.

Ang budget ay 350. May dalawa kaming pinagpipilian. Isang malaking dollhouse na may furnitures, at dolls na—420. Ang isa namang dollhouse ay dolls lang ang included—300.

Dapat nga ay iyong tig-300 ang kukuhanin ko ngunit mukhang napansin ni Maverick ang pagkagusto ko roon sa tig-425 kung kaya't nag-insist siya na mag-aabono na lang.

"Uy, nakakahiya naman, Mav. Dapat 'yong 300 na lang binili natin, napa-abono ka pa tuloy."

"Mas maganda kasi 'yong tig-400 plus, mas ma-e-enjoy ni birthday girl. Don't worry pala about paying me, it's nothing. Isa pa, pa-good points ko iyon kay tita."

Pabiro ko siyang inirapan. Ayon tayo, e.

Nagtungo na kami sa food court para mag-meryenda. Ako ang bumili ng Buy 1 Take 1 na shawarma, habang siya naman ang gumastos para sa buko shake.

"Purple is really your color, yeah?"

"Yup! Ang ganda 'no?" Mas ipinakita ko sa kaniya ang bracelet bigay niya na suot-suot ko. "Thank you, a!"

"You're so pretty." Kinuha niya ang cellphone niya, at itinutok iyon sa akin.

"Hoy, ano ba 'yan..." kunwaring nahihiya kong sabi habang pasimpleng nagpo-pose. "In love na in love ka talaga sa 'kin 'no?"

Imbes na sagutin ako, he just chuckled.

"Nga pala, sorry, a. If ever nagtampo ka."

"Sorry rin kasi madrama." Natawa siya sa sariling biro. "Na-upset lang talaga ako sa chinat mong wala kang dahilan para pumunta sa bahay." Ngumuso siya.

So, he's sulking talaga kanina? Ang cute, a.

"Akala ko nga hindi mo 'ko susuyuin, e."

At nag-expect pa nga ng suyo!

Hindi talaga ako makapaniwalang may side siyang ganito—bubbly, sulky, so in love, and gustong-gustong nilalambing—partida, hindi pa nga kami official niyan!

My last year self would not believe me if I tell her this side of Maverick.

Inakala kong he's a doberman type of guy, but he's actually secretly a golden retriever, and very clingy!

Pero siguro ay sa akin lang? Ma-attitude, at masungit pa rin siya sa iba. Especially to girls, he's literally untouchable, and snob. Dumoble pa nga!

"Nakakapatampo kaya. Wala kang dahilan para pumunta sa amin? E, ako?" Ngumiwi siya.

"Sorry..." Pinalobo ko ang pisngi. "Saka medyo weird din 'di ba kung pupunta ako sa inyo kahit wala si Katelyn. Baka makahalata si Kendrick, a-ang parents mo..."

Ilang minuto kaming natahimik, at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Nami..."

"H-Huh?"

"I'm sorry. K-Kung hindi ko pa sinasabi kina Mommy hanggang ngayon."

"A-Ayos lang! Talking stage lang naman..." Hindi naman required na sabihin niya iyon. Ayos lang sa akin.

"The thing is..."

Nagpakawala siya ng isang mabigat na buntong-hininga.

"I know we're happy naman na with this setup, but... I want more. I want you to be able to go to our house even if Katelyn's not home, and gustong-gusto ko nang ipaalam kina Mommy, kay Kendrick, sa angkan ko ang atin.

Pero ayaw kitang ipakilala bilang fling, ka-talking stage, ka-mu..."

I bit the inside of my cheek nang mahinuha na ang ang patutunguhan nitong sinasabi niya.

"I want to take our situationship to another level. Aynami Cervantes, can I court you?"





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top