29

Noah likes me...? How? When? Why?

"Nami..." Halata sa boses niya ang hirap. "I-I—"

"Nami..." Sabay kaming napalingon ni Noah sa nagsalita—si Maverick. May dala-dala siyang tray na puno ng fries, at burgers.

"Si Katelyn?" tanong ni Noah, halata sa boses ang kakaibang pag-aalala.

"Umuwi na."

"Oh, shit." Kaagad-agad na tumayo si Noah. "Mauuna na 'ko, a." Mabilis na nawala sa aming paningin si Noah. Sinundan ko ng tingin ang dinaanan niya.

Napaayos ako ng upo nang maramdamang umupo sa aking harap si Maverick. Ibinaba niya sa mesa ang tray.

"Let's eat?" wika niya sa hindi maintindihang tono.

Nagsimula kaming kumain. Habang kumakain, paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang narinig ko kanina.

"Pinili kong itago ang nararamdaman ko, at pinili na lang na manataling friend mo while admiring you from afar.

I really like you. But I know naman na you only view me as a friend, and it sucks, pero wala naman akong magagawa roon."

Totoo bang gusto niya 'ko?! O prank lang 'to?

Kung totoo man, ibig sabihin, matagal na niya akong gusto... paanong hindi ko nahalata, at napansin iyon?!

Talaga bang magaling siyang magtago ng feelings or manhid lang talaga ako?

Mabuti na lang talaga ay sinikreto ko sa kanilang dalawa ni Katelyn ang pagkagusto ko kay Kendrick noon kasi it would've been hurt him so bad.

Paano na ang pagkakaibigan namin niyan? Fck.

Sa akin ay ayos lang kung totoo nga iyon, wala akong problema. Pero paano kung big deal sa kaniya iyon? Kahit naka-'move on' na siya? I don't want to lose him!

Sa simpleng ganoon ay masisisira ang ilang taong pagkakaibigan namin?

I'm the kind of person who really treasures my friends kung kaya't naiisip ko pa lang iyon ay parang naiiyak na ako.

"H-Huh?" Tila natauhan ako nang hinawakan ni Maverick ang kamay ko.

"Nami... relax. Don't overthink, you're stressing yourself."

"Thank you. A-And sorry." Kami ang magkasama pero nasa iba naman ang isip ko.

"Gusto mo bang umuwi na? P'wede naman na yatang umuwi, nakapag-attendance ka naman na yata."

"H-Hindi na! Ayos lang!" Malakas ang kutob ko na uuwi rin siya kung uuwi ako. Ayoko namang hindi niya ma-enjoy ang araw na 'to dahil sa pag-o-overthink ko.

Dahil doon ay halos isang oras pa kaming nag-stay bago siya nag-ayang umuwi.

Hinatid niya ako pauwi, pinauwian pa nga niya ako ng fries, at donuts. Buti nga umalis si Mama kundi paniguradong maguusisa iyon if ever na makita ang dala ko.

Noah:
Namiiiii

Noah:
I'm sorry, a, sa nalaman mo kung biglaan tapos sa ganoong paraan mo pa nalaman.

Noah:
Free ka ba now? P'wede ba usap tayo??? Sa TeaTeashop sana! Kung ayos lang

Noah:
I'll explain everything.

Kaagad naman akong pumunta sa sinabing lugar ni Noah. Gusto ko talagang maintindihan ang mga nangyari. Gusto ko ring makasigurado kung totoo nga ba iyon.

Pagkarating doon ay naroon na siya, bawas na rin ang milk tea niya.

"Nami!" Napatayo siya mula sa kaniyang kinauupuan nang makita ako. Hindi ko siya pinansin, at umupo na lang, umupo na rin siya ulit.

Ngumuso ako. Biglang naging awkward ang atmosphere. Ano ba 'yan.

"A-Anong gusto mo? Milk tea? Frappe?"

"Libre mo ba?" tanong ko para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng atmosphere, pero may pera naman akong dala. "Milk shake, Oreo." saad ko nang sunod-sunod siyang tumango.

Nagbibiro lang naman ako pero sige.

Kaagad naman siyang nagtungo sa counter para um-order. Bumalik din naman siya sa mesa namin pagkatapos.

Halata sa kaniya ang kaba, at pagiging tensiyonado. Hindi siya makatingin sa mata ko, at kung saan-saan lumilinga.

"N-Nami... s-sorry a. Kung matagal kong nilihim sa'yo, at sa ganoong paraan mo pa malalaman."

"Noah, ayos lang sa 'kin. Alam ko namang kaibig-ibig ako." I'm not.

Hindi ganoong ang tingin ko sa sarili ko pero alam kong mapapagaan niyon ang damdamin ni Noah.

At epektibo naman iyon dahil tumawa siya.

"Siraulo ka." Hinila niya ang buhok ko. "Baka lumaki ulo mo, a, ngayong alam mong may isang pogi na nagkakagusto sa'yo."

Matagal nang may poging nagkakagusto sa 'kin. Hihi.

"Lakas naman ng loob mo," asar ko.

"Talaga!" pagmamalaki niya. "Pero ano, a... totoo 'yon. I liked you. May d, past tense, noon. Naka-move on na 'ko..." Suminghap siya.

"Oo na. Oo na." Pabiro akong umirap.

"Pero sana, walang magbago sa atin. Happy crush lang naman, e.  Hindi naman talaga ako ganoong ka-seryoso."

I know that.

Alam kong Noah's the type of guy na will pursue someone immediately kung nakumpirma niyang gusto niya nga ang taong iyon, at kung single.

Walang patumpik-tumpik.

"Oo naman, walang magbabago sa atin. Hindi naman kasi kita masisisi, ako na 'to oh." Nag-make face siya—tila nandidiri na natatawa na ewan.

"One order of Oreo Milkshake. Ready for pickup na po!" Kaagad namang tumayo si Noah para kunin iyon.

"Thank you!" saad ko nang inabot na sa 'kin ni Noah ang libre niya. Kaagad kong ininunan iyon.

"Pero... feeling ko, kung may dahilan man para may magbago sa atin, hindi 'yong naramdaman ko para sa'yo iyon..."

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"Senior high! Ilang linggo na lang exam na natin. Tapos graduation na."

Oh, sht, oo nga pala.

"Sus, sigurado ka bang ga-graduate ka?" biro ko kahit alam ko sa sarili kong ga-graduate naman talaga siya.

94 ang average niya no'ng third quarter, siya ang Top 3 sa amin.
Ang second naman si Katelyn, 95. And of course, ako ang Top 1, 96 point something ang average ko.

"Wow ha!" he mocked. "Pero... nag-away ba kayo ni Maverick?"

"Huh? Bakit naman?!"

"Kasi sa nangyari kanina. Hindi ba siya nagselos? Hindi ba kayo nagkasagutan or something?"

"Hindi naman. At bakit naman kami mag-aaway? Hindi naman kami..." Suminghap ako.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Tila pinararating na alam niyang nagsisinungaling ako.

Pero hindi naman talaga kami?!

"Pero kahit walang kayo, mabuti pa ring hindi kayo nag-away or nagkatampuhan."

Napangiwi ako. Kailangan talagang may diin?! Wow.

"Ang pangit naman kasi kung lilipat na siya sa China para roon mag-aral tapos magka-away kayo. Mahihirapan siyang suyuin—"

Umurong ang dila ni Noah, siguro ay nahalata ang pagtataka, at gulat na aking nararamdaman. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top