28
Sa garden kami nagtungo para mag-usap. Umupo kami sa isa sa mga bench. Sa iisang bench kami nakaupo pero may distansiya pa rin kami.
Ilang minuto na kaming nandito pero ag tanging ingay lang bukod sa paligid, ay ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Maverick—"
"Nami, I'm sorry." Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang pagsasalita.
Hinarap niya ako. Umawang ang aking labi nang makita ang isang mabigat na emosyo sa kaniyang mga mata.
"S-Sorry for cutting you. Hindi ko na talaga kayang hindi ka kausapin, at pansinin."
He let out a heavy sigh, and gulped.
"I'm sorry kung hindi kita pinansin nang ilang araw. Nagtampo lang talaga ako. I was hurt..." he paused. "I-Inakala ko kasi talagang pinalalayo mo 'ko—na you want me gone."
"Mav, hindi kita pinalalayo. Saan mo naman nakuha 'yan?"
"Gaya nga ng sabi mo, obvious naman na she likes me, at alam mo rin namang gusto kita. Kaya no'ng parang tinutulak mo 'ko sa kaniya, naisip kong that's your way of pushing me away."
Oh sht. Inisip talaga niya 'yon!
"Kaya ako na mismo ang lumayo. Kaya hindi na kita pinansin." Mariin siyang pumikit. "I'm sorry sa inakto ko. Ganoon lang talaga ang dating sa akin no'ng ginawa mo kaya... I'm sorry, Nami if I misunderstood you. Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit ganoon..."
"Mav... hindi kita pinalalayo." Suminghap ako. "Ang totoo niyan, that's my way of expressing jealousy. Nairita talaga ako no'ng parang nagpapapansin siya sa'yo—"
"You're jealous?" Ang kaning boses niyang may lumbay ay puno na ng saya, at kilig ngayon.
"Mav—"
"You're jealous." That's a statement.
Ang kaninang 'di maipintang mukha ay nakangisi na ngayon. Nawala na rin ang mabigat na emosyon sa mata niya.
"Nagselos ka? Why?"
"Kasi nga nagpapansin si Alisha sa'yo!" Ngumiwi ako, at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang pa-unti-uniting pag-init ng pisngi ko.
"You could've just told me. Hindi 'yong—"
"E-E, sa ganoon ako magselos, e!"
Kung tinulak kita roon, at nagparaya ka naman, edi roon ka na habang buhay. Hindi na kita pipilitin, at pipigilan.
"You're cute." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Maverick. Kaagad ko siyang nilingon, at tinaas ko ang kilay ko nang makitang ngiting-ngiti siya, at pulang-pula pa ang tainga. "Ganiyan ka pala magselos. Cute."
At ganiyan ka pala magtampo? Nakakaimbyerna.
"Why are you jealous, by the way?" He cleared his throat. "Do you like me?"
Ay, wow, straightforward.
"I... don't know." But you're dear to me; you make my heart happy, and at ease. "I'm sorry, Mav."
"It's okay." Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi. "I understand. I'm not in a rush, so take your time, Nami."
"So uhm..." Lumunok ako. "Bati na tayo? Wala nang tampuhan sa isa't isa?"
"Wala na." He pressed his lips into thin line. "You're so pretty," he said out of the blue that made my heart flutter. "Kanina pa kita gustong i-compliment kaso naalala ko, nagtatampo nga pala ako sa'yo." Tumawa siya.
"Baliw ka." Hinampas ko siya. "Nga pala, bakit Kendrick ang tinawag sa'yo no'ng emcee kanina?" pag-iiba ko sa topic. Ang init-init na kasi ng pisngi ko.
"Actually, si Kendrick naman talaga ang magpe-perform ngayon pero kinausap ko siya na kung p'wede, mag-switch kami. Akala ko nga hindi mo 'ko makikilala."
Nginitian ko lang siya.
"Tara na? Ita-try ko pa lahat ng booths, e," saad ko na ikinatango niya. Mukha namang sasama siya sa lahat ng pupuntahan namin nina Katelyn.
Nahanap namin ang dalawa na nasa stall ng cotton candy. Parehong hugis puso ang cotton candy na binili nila, same color pa!
Ang cute nilang tingnan! Kung hindi ko lang talaga sila kilala ay iisipin kong mag-on sila.
"Wait lang, a, may pupuntahan lang kami roon!" Hinila ni Katelyn si Noah patungo sa isang stall.
Banat na banat ang labi ko habang pinanonood ang dalawa. "Bagay sila 'no?"
"Noah likes someone else."
"Huh? Sino?!" What the hell?! Ako ang kaibigan pero wala man lang akong kaalam-alam! Tapos itong si Maverick?! "Sus, ayaw mo lang magkaroong ng ka-something si Katelyn, e! Protective kuya 'yarn?"
"Yes, I'm protective pero may gusto talagang iba si Noah." Kumunot ang noo ko roon.
"Sino?! Sabihin mo na! Sino?!" Pabiro kong tinapik-tapik ang braso niya.
"It's not my story to tell." Hinawakan niya lang ang forearm ko para sundan namin ang dalawa.
"Ouch!" inda ko nang may makatapak sa paa ko.
"Ay, ate, sorry po!" sabi no'mg binatang salarin. Tinanguan ko lang siya dahil alam ko namang hindi talaga maiiwasan iyon sa ganitong event.
Punong-puno ang school ng mga booth, at punong-puno rin ng mga estudyante. Halos lahat ng club ay may booth, at mga pakulo. Katulad ng sa YES-O club, diy flowers.
Bukod sa school clubs, may mga stalls, at booths din ng outsiders. Pinayagan sila ng school since isang araw lang naman, and it will help to make the day more special.
Ang dami dami na nang tao kung kaya't ang init-init. Pero worth it naman ang init kung ganito kasaya. Pinut ko na lang sa isang side ang buhok ko para medyo mahanginan ang batok ko.
Bakit ko ba kasi napagdesisyunang maglugay ng buhok?!
"Nawala na naman sila," bulong ko nang wala na sa pwesto nila kanina sina Katelyn, at Noah. Hindi naman halatang excited na excited 'yong dalawa na maglibot.
"Malaki na ang mga 'yon," saad ni Maverick. "Tara, gala?" Wala naman akong ibang gagawin kaya um-oo na lang ako.
Ang una naming pinuntahan ay ang photo booth. Nag-take kami ng kaniya-kaniyang picture. Naka-lima yata akong picture habang siya ay dalawa lang.
"Ay, ate, kuya, picture po kayong magkasama," wika ng bantay roon sa photo booth. "Ako na po magpi-picture sa inyo."
Nag-angat ako ng tingin kay Maverick para sana humingi ng tulong para humindi pero naabutan ko siyang pinipigilan ang kaniyang ngiti.
Hindi hihindi ang lalaking 'to!
Tuloy, wala kaming ibang choice kundi ang pumayag sa alok ni ate.
Half heart sa pisngi ang pose ko, ang pose naman ni Maverick ay hindi ko nakita dahil naka-focus ako sa camera.
"Ito na po." Inabot sa akin ni ate ang cellphone ko.
"Thank you po!"
Umawang ang labi ko nang makitang hindi naka-pose si Maverick... nakatitig lang siya sa akin.
"Send mo sa 'kin 'yan, a." Pasimple ko lang siyang tinanguan. "Tara, tingin tayo sa ibang booths, at stall."
Habang naglalakad patungo sa gusto niyang puntahan ay may nadaanan kaming nagbebenta ng mini donuts. Kaagad naman niya akong binilhan kahit tiningnan ko lang iyon for more than ten seconds—tinitingnan ko lang naman 'yong way ng pagluluto.
Ang observant pala ng lalaking 'to. Cute.
Hati kami ni Maverick sa mini donuts hanggang sa marating namin ang gusto niyang puntahan. Hair accessories.
Kaagad siyang nagtungo sa mga hair clamps, at hair pins.
Ang una niyang kinuha ay ang clamp na may design na tulips. "Maganda ba?" Kaagad akong tumango. Nagpatuloy naman siya sa pagpili ng kung ano-ano pang hair accessory.
Para siguro kay Katelyn.
Pagkabayad ni Mav ay ibinigay na ni ate na nagbabantay roon sa shop ang paper bag kung saan nakalagay lahat ng binili ni Maverick.
"For you." Napakurap ako nang iabot niya sa 'kin iyon. "Happy Valentine's."
"H-Huh? A-Ang dami niyan! Tapos para sa akin lahat?!" Pakiramdaman ko ay nasa dalawang daan ang mga iyon.
"Isipin mo na lang na pambawi ko 'to." He smiled.
"T-Thank you..." Wala rin naman akong choice kundi ang tanggapin iyon. At gusto ko rin naman, e. "P-P'wede ko bang gamitin na 'yong clamp? A-Ang init kasi ng buhok ko."
"Of course. It's yours naman." Kinuha ko ang claw na may design na tulip saka inayos ang buhok ko, tinulungan pa niya 'ko.
Napasinghap ako nang maramdaman ang hangin sa batok ko.
"Hey! Andito lang pala kayo!" Tinapik ni Katelyn ang balikat ko. "Oh, kuya, sabi ko na nga ba ikaw 'yong kumanta kanina." Ngumisi lang si Mav. "Hindi ka nagpalit?"
Hindi na nagkaroon ng time si Maverick na magpalit sa suot niya kanina kung kaya't ang suot niya kanina no'ng nag-perform siya ay suot niya pa rin. Ang suit ay nakasampay sa kaniyang forearm.
"May isa kasi rito na sobrang excited to spend the day with me." Kumunot ang noo ko roon nang bumaling siya sa akin habang ngiting-ngiti.
Pinagsasabi nito? Hindi naman, a.
Slight lang.
Mabuti na lang talaga late nang dumating si Noah kung kaya't hindi niya narinig ang sinabi ni Maverick.
Nag-aya si Noah na kumain na muna mg snacks, at sumang-ayon naman maming lahat. Pare-pareho yata kaming 'di nag-almusal.
Sina Maverick, at Katelyn ang um-order. Kami ni Noah ay naiwan sa table namin.
Akmang magsasalita na ako nang biglang makarinig ng mic screech. Napabaling ako sa may stage.
"Hello, ladies, and gentlemen. This is your Ate Akeshi. Ngayon ay sisimulan na po nating i-shout out ang mga crush n'yo, at messages n'yo. Ang mga messages po ay nakuha po namin sa Mensahero account ng SSG, ang mga isha-shout out po namin ay mula November up to now. Don't worry, hindi naman po namin babanggitin ang names n'yo.
Bubunot na po ako ng messages!"
"Fck." Napalingon ako kay Noah sa biglaan niyang pagmumura.
"Anong problema—"
"To Aynami Cervantes. Hello, par. Sa totoo lang, matagal na kitang gusto, simula pa yata nang naging close tayo. Pinili kong itago ang nararamdaman ko, at pinili na lang na manataling friend mo while admiring you from afar.
I really like you. But I know naman na you only view me as a friend, and it sucks, pero wala naman akong magagawa roon. Pero thank you na rin siguro kasi hindi mo 'ko kinukwentuhan tungkol sa taong gusto mo. Haha.
Nakikita kita lagi na kasama si ano, and you look so happy. Sa sobrang saya, 'di mo na yata ako napapansin. Tulad no'ng sa bookstore, tinatawag kita pero hindi mo 'ko nilingon kasi nag-uusap kayo.
But it's okay, Nam. Alam ko namang hindi mo 'ko type. Magmu-move on na 'ko sa'yo kasi parang hindi ko na talaga kayang manataling magkaibigan tayo kung may nararamdaman ako sa'yo. And I don't want to lose you kahit bilang kaibigan.
I wish you the best, Nam."
May iba pang sinabi si Ate Akeshi pero ang atensyon ko'y nakatuon sa lalaking nasa harapan ko na panay iwas ng tingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top