24
"Guys, para mabilis tayo matapos, at para mas maging organize, may iba't ibang toka tayo. Mayroon sa photo booth, sa jail booth, sa mga sabit-sabit, at maggugupit para sa confession wall."
"Saan ka?" si Maverick iyon.
"Photo booth."
"Photo booth din ako." Sumabay kami sa ibang class presidents na papunta rin sa area ng ibang gumagawa sa photo booth.
Umupo ako sa isang tabi, sumunod naman si Maverick kaso bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay sumingit si Liam.
"It's nice to see you again, Nam!" He pulled me for a hug. Niyakap ko rin naman siya pabalik.
Si Liam ay ang class president ng Juan Luna, class president ni paasa, na kaibigan ko rin since Grade 6.
Ang bond namin ay hindi katulad ng bond namin ni Noah pero masasabi kong strong, at close pa rin iyon.
Pinutol ko ang yakap.
"Parang ang tagal nating hindi nagkita, a," puna ko na ikinatawa lang niya.
Sa hindi malamang dahilan, bumaling ako sa pwesto ni Maverick na nasa tabi ni Liam.
Pinaglalaruan niya ang daliri, at nakatitig lamang sa sahig. Nakakunot pa ang noo.
Ang cute!
Napangiti ako sa kasalukuyang nakikita ngunit pa-unti-uniting napawi iyon nang makitang may tumabi sa kaniya.
Si Alisha Elouis Tan! Class president ng Gabriela Silang. Isa sa mga pinakakilala rito sa school. Maputi, chinita, at tila living Barbie doll dahil sa features niya, lalo na ang pisngi, at labi niyang natural ang pagkapula.
"Ay pumaparaan!"
"Grabe nga 'yon!"
Kumunot ang noo ko sa mga narinig ko mula sa tropa ni Alisha. Dali-dali akong bumaling sa kaniya.
Dumoble ang kunot ng noo ko nan makitag pulang-pula, at tila natatawa siya na hindi maintindihan.
Sa hindi malamang dahilan, parang gusto ko siyang tarayan kahit wala naman siyang ginagawang masama.
"Cinth, halata kunot ng noo mo." Natigilan ako sa winika ni Liam sa aking tainga. "Baka ma-issue kang tinatarayan mo si Alisha."
"T-Thank you." Inayos ko ang aking ekspresyon saka nag-iwas ng tingin.
Inabutan kami ni Ate Akeshi ng colored papers para sa decoration ng photo booth. May kaniya-kaniya naman kaming gunting, at pangguhit.
Ang iba naman sa amin ay ang gumagawa sa frames para sa photo booth. Isa roon si Maverick, pinilit kasi siya ni Ate Akeshi na iyon na lang ang gawin niya.
"Hello!" tinig iyon ni Alisha. Lumingon ako sa gawi niya.
Tumaas ang kilay ko nang makitang si Maverick ang kinakausap niya.
"Hello ulit! I'm Alisha," muli niyang saad ngunit ang atensyon ni Maverick ay nakatuon sa ginagawang frame. "Ah, hi?"
"Hello."
"Ikaw ang president ng Emilio Aguinaldo, right?" Tumango lang si Maverick. "And ikaw rin 'yong team leader ng robotics?" Sa ikalawang pagkakataon, tango lang ang tinugon ni Maverick. "Nanalo kayo, 'di ba? Champion! Congrats!"
"Thanks." Tipid na ngiti ang iginawad ni Maverick.
Napangiwi ako roon.
"Thanks."
Hindi pa ba niya nahahalatang gusto siya ni Alisha?! Ngiting-ngiti 'yong tao tapos kausap nang kausap sa kaniya kahit puro lang tango ang tugon niya!
"I-I can help you!" offer pa ni Alisha nang makitang may hawak-hawak na glue gun si Maverick.
"May problem sa glue gun na 'to. Baka makuryente ka pa." He sighed. "But, you can hold this para hindi magulo." Inabot ni Mav ang kalahati ng frame na ginagawa niya.
Kumuha siya ng isa pang pahabang karton saka nila pinagtulungang idikit ang mga iyon.
"Nam? Ang sama talaga ng mood mo today, may problema ka ba?"
"Wala, a!" Binalik ko ang atensyon sa ginawang mga puso. Nakita ko sa aking peripheral vision si Liam na nilingon ang gawi noong dalawa.
"Oh, I think I know." There's a hint of humor in his tone. "Tropa ni Alisha si Naomi, right? Gf ni Kendrick? Na matagal mo nang gusto." Kinindatan pa ako ng gago.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Liam?" Bakit ba binabanggit nito ang pangalan ng devil na 'yon?! E, wala naman na akong pakielam doon?!
"Sus, selos ka lang, e."
Wala na nga akong pakielam sa Kendrick na iyon-cringe, at inis na ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Pasimple akong sumulyap muli sa gawi noong dalawa. Halata sa mukha ni Alisha ang tuwa habang si Mav naman ay walang kahit anong ekspresyon.
Parang tanga talaga 'to. Hindi marunong maki-cooperate! Crush na crush siya no'ng tao tapos parang wala lang talaga sa kaniya!
Pero...
Ibig sabihin din noon na he's not a paasa. He treats Alisha with kindness pero hindi sumosobra iyon para mag-expect ng kahit ano-pero nakadepende pa rin iyon sa isip ni Alisha kung amg simpleng pagtulong sa kaniya ni Maverick ay may kahulugan.
"Ang gulo ng buhok mo, Nam," saad ni Liam bago ko siya naramdamang nagtungo sa aking likuran. Naramdaman kong hinila niya ang aking scrunchie.
Habang inaayos niya ang aking tali, ako ay patuloy sa paggupit ng mga puso na iba-iba ang kulay.
"Ouch!" dinig kong sigaw ni Alisha kung kaya't sabay kaming napalingon ni Liam sa gawi nila.
Naabutan namin si Alisha na iniihipan ang kaniyang daliri—siguro ay dahil sa glue gun habang si Maverick naman ay halatang natataranta, at sinusubukang tulungan siya.
"I'm sorry." Rinig kong anas niya. Napaso niya yata si Alisha ng glue gun.
Mukhang bukod sa amin ni Liam, napansin din sila ng iba naming kasama na nagbuhat ng mga bulungan.
"Bagay sila."
"Ang sweet naman!"
"Ang cute nila, ship ko sila."
Sa hindi malamang dahilan, napairap ako roon.
"Done!" Bumalik si Liam sa kaniyang ginagawa.
"Tinirintas mo?" saad ko nang pinakiramdaman ang buhok ko. "Naks, marunong ka?"
"Yup, someone taught me how to braid."
"Someone?" I raised my brow repeatedly, nang-aasar. Alam kong hindi lang basta-basta someone ang binanggit niya. Tinawanan niya lang ako.
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan ni Liam hanggang sa matapos ang oras.
"Mauuna na 'ko, ingat ka, Cinth."
"Sige, ingat!" Kumaway ako pabalik sa kaniya. Pagkatapos no'n ay nagsimula na kaming maglakad ni Maverick palayo sa gate ng school.
"Who's that guy? A friend?" May kung ano sa tono niya na nagsasabing hindi siya mapakali, at iritado.
"Yup! Si Liam, my guy friend since elementary!" Nagtaas-baba ang adam's apple niya roon.
"Okay." He ressed his lips into thin line before he averted his gaze for a couple of seconds.
"Si... Alisha? Mukhang close na kayo, a. Naririnig ko nga mga usap n'yo, e. Kumusta naman usap n'yo?"
"Fine?" He shrugged. "Ayos lang naman siyang kausap."
"Ah. Alam mo ba, kilig na kilig friends niya sa inyo kanina."
"Really? Hindi ko napansin." Napakamot siya sa ulo.
"Feeling ko nga, crush ka ni Alisha, e. Kilig na kilig siya sa'yo kanina lalo na no'ng nag-thank you ka sa kaniya. Feeling ko nga, bagay kayo, e, ang cute n'yong tingnan."
"I don't get you." Umiling siya na tila iritado.
What? Bagay naman talaga sila, e.
"Nga pala, thoughts sa hair ko?" Hinarap ko sa kaniya ang buhok ko na tinirintas ni Liam. "Maganda ba?" Ako?
"Sobrang ganda." Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi. May kung anong kislap sa mga mata niya kung kaya't napaiwas ako ng tingin.
"Thanks." I pouted.
"I know how to do braids, too," he bragged. "Kaya kung sakaling need mo ng taga-braid ng buhok, ako na lang ang tawagin mo. I can do much better than that."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top