16
"How about we grab milk tea mamaya? Miss ko na mag-milk tea!"
"Asus, Katelyn, naubusan ko lang ng milk tea sa cafeteria, e." Tumawa siya roon. "Adik ka na talaga sa milk tea, 'no?"
"Ay, grabe ka, a! Hindi naman masyado!" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano lang, slight." Nagtawanan kami roon.
Adik na talaga ang babaeng 'to si milk tea. Hindi lalampas ang isang linggo na hindi siya nakaka-benteng milk tea. Minsan nga ay may milk tea na sa pagpasok, recess, pati pa sa pag-uwi!
Buti pa ako, sa isang bagay lang adik.
Sa kaniya.
"Luh ka, Nami, tumatawa ka na mag-isa." Natauhan ako nang biglang hinampas ni Nami ang braso ko. "In love ka na 'no?"
"Uy, hindi!" Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.
"Naku! Tumatawa ka nga mag-isa!" Tinusok-tusok niya ang aking pisngi na sa aking palagay ay mas lalong uminit. "Kapag hindi mo sinabi sa 'kin 'yan, magpe-fail talaga 'yang talking stage mo, sinasabi ko sa'yo—"
"Ay grabe ka naman?!" Dramatikong nilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib.
Maituturing bang talking stage 'yong small talks? Basta, nag-uusap kami!
"Talaga! Hindi mo pa nga inaamin sino 'yong first love mo—"
Pareho kaming natigil sa paglalakad nang biglaang may kabuteng sumulpot sa aming harapan.
Anak ng!
Iniiwasan ko nga ang lalaking 'to tapos bigla-bigla na lang lilitaw?!
"Katelyn."
"Bakit? May kailangan ka ba?"
"Actually, yes?" He licked his lower lip before glancing at me. "I need to talk to your friend."
Your friend? Your friend talaga? Parang walang pinagsamahan, a.
"Si Nami?" Tumango naman si Maverick. "Oh, okay! Pero I don't know kung ayos lang kay Nams." Hinarap ako ni Katelyn. "Ano, Nam? Payag ka?"
"A-A, oo naman!" Pilit akong tumawa. "Bakit naman hindi?"
"Oh, okay raw, kuya." Hinampas ni Katelyn ang braso nito. "Ayusin mo pakikipag-usap sa girlfriend ko, huwag mong takutin, a! Nga pala, tungkol sa pag-uusapan n'yo?"
May nararamdaman akong tumatakbo palapit sa amin pero ang atensyon ko ay nasa isasagot ni Maverick.
Ayusin niya lang talaga ang sagot niya! At sana'y huwag siyang pahalata—na may nangyari sa pagitan namin, at medyo close kami!
Panigurado kasing maguusisa si Katelyn kung bakit kami naging close ng kuya niya.
"About lang sa plano namin para sa Valentine's. May plano kasi ang SSG, and as class presidents—"
"Okay na, kuya. Gets ko na. Go, sa'yo muna si Nam." Umirap siya.
"Thanks," Maverick stated sarcastically. "Sa garden tayo usap?" Wala naman akong ibang choice kundi ang tumango. "Mauuna na kami, Lyn."
Hindi pa kami nakalalayo nang marinig ko ang boses ni Noah sa aming likuran—kausap si Katelyn.
"Bakit magkasama ang dalawang iyon?" tanong niya. Hindi ko na narinig ang tugon ni Kate.
Nang makapasok sa garden ay umupo kami sa bench doon.
"Naggagala kayo?"
"Hm. Wala kasing mabili sa canteen saka busog din kami kaya nagpapalipas oras lang."
Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin ngunit pilit kong iniiwasan iyon.
"Hindi n'yo kasama 'yong lalaki?"
"Hindi. May meeting sa chess si Noah." Grabe naman 'to sa 'lalaki'.
"I'm sorry, Nami. I didn't mean those words. I'm just frustrated."
Saan?
"A-Akala ko kasi talaga na kung hindi ako dumating, sasama ka sa kaniya, na iiwan mo 'ko."
"Mav, bakit ko naman gagawin 'yon sa'yo? Hindi naman ako ganoon? Saka ang kapal naman ng mukha ko kung ginawa ko 'yon, nilibre mo na nga ako, e."
"Inakala ko kasing tutulad ka sa iba—sa lahat na once andiyan na siya." He shrugged, and laughed without humor.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay natauhan, at natunaw ang galit ko.
Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
Si Maverick man ang matalino, at kahit magkamukha lang naman sila ni Kendrick, mas prefer pa rin ng iba si Kendrick; mas sikat, at mas maraming kaibigan.
They view Maverick as a weirdo dahil puro aral, at wala raw social life—nababalitaan, at naririnig ko ito—but I know that deep down, they are just insecure, threatened, and intimidated by his intelligence.
If only they can see the funny-sarcastic, and 'caring' side of Maverick...
"I'm really sorry, Nami. Inis lang talaga ako kung bakit ko nasabi ang mga iyon."
"Ayos lang..." Medyo humupa na rin naman ang galit ko kahapon pa. Nags-spam ba naman ng 'sorry' saka hindi ako ang tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob kasi nakapapangit daw iyon.
Paano na 'ko mapapansin ni Kendrick niyan?
"Nga pala, deleted na 'yon account ni Kendrick? 'Yong hinack mo?" Chineck ko kasi kagabi para sana mag-reply.
"Yup, I deleted it. Kaya nga gumawa ako na ako ng account." He pressed his lips into thin line. "You didn't accept my follow request..."
"O-Oh, uhm, mamaya na lang pag-uwi ko! Promise! Wala kasi akong load ngayon, e." I faked a laugh.
"May data ako. Hotspot?"
"O-Okay." Kinuha ko mula sa aking bulsa ang cellphone ko saka inabot sa kaniya. Tinype niya roon ang password.
Atat na atat naman ang lalaking 'to. Crush yata ako nito, e.
Nang binalik nito sa akin ang cellphone ko, kaagad akong nagtungo sa Instagram para i-accept ang follow request niya. Finallow back ko rin siya.
"Thanks." Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi.
"Nami, dala ko bike ko. Sakay ka na lang sa likod. Gala tayo!"
"Gusto ni Katelyn na mag-milk tea tayo. Samahan natin siya!" Gumulid ako para hindi makaabala sa ibang estudyanteng nag-uuwian.
"A-A, ayos lang! Ako na lang saka may dadaanan pa ako bago sa milk tea shop, e." Ngumiti siya.
"Talaga, Kate? Sure ka?"
"Hm." Sunod-sunod ang pagtango niya.
Dahil doon ay sinamahan na lang namin si Katelyn hanggang sa kanto.
"Ingat ka, Katelyn!" sabay naming saad ni Noah bago ako sumakay sa bike niya.
"Anong gusto mo? Fishball? Siomai? Fries?"
"Chismis."
"Ay, wala ako niyan."
"Anong wala?!" Mahina kong hinampas ang ulo niya. "Ang sabi-sabi, may naglapag raw ng love letter sa table mo kaninang recess."
"Ah, wala 'yon. Wala akong pake roon."
Walang pake?! Kawawa naman ang admirer ng mokong na 'to.
"Grabe ka naman sa walang pake. Nag-effort 'yong nagkakagusto sa'yo tapos ganiyan ka." Mahina kong pinikot ang tainga niya. "Dapat maging grateful ka man lang!"
"Oo na!" Umiling-iling siya na tila naiinis pero tumatawa naman.
Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan. Ang tanging ingay sa aming paligid ay ang ibang estudyanteng naglalakad, ang tunog ng bisikleta ni Noah, at ang malakas na hampas ng hangin.
"Ikaw..."
"Hm?" Sinilip ko siya.
"Gusto mo ba si Kendrick?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top