13
"Oh, I see." Kendrick licked his lower lip. "Okay, mauuna na 'ko!" Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Thank you ulit, Nami sa help. See you!"
"See you! Bye!" Pagkaalis na pagkaalis niya ay marahas kong hinarap si Maverick. "Anong nginingisi-ngisi mo?" Mariin akong pumikit.
"You mad?" Tinaas niya ang kaniyang kilay na mas nakapagpaalab sa inis na nararamdaman ko.
"Yes! I'm mad!"
Naramdaman ko ang paninitig ng ilang tao ngunit ang aking atensyon ay na kay Maverick.
"Why? Sinabi ko lang naman ang totoo. Magkasama naman talaga tayo. And bakit? Balak mo bang sumama sa kaniya?"
"Mav, wala akong balak sumama sa kaniya because I respect you, at magkasama naman talaga tayo! Kaya ako naiinis dahil sa paraan ng pagkakasabi mo!"
"I don't get you—"
"Dahil sa tono, at angas mo, parang binabakuran mo 'ko! And paniguradong iniisip niya na ngayon that there is something between us—!"
"I'm sure that he doesn't care, and 'yong nakita niya? Wala lang sa kaniya 'yon! And bakit parang natatakot kang isipin niyang there's something between us? Wala siyang pakielam, Nami. He doesn't care!"
"Hindi naman 'yon ang iniisip ko—"
"Oh, wait. I think I know. Kaya natatakot kang isipin niyang 'tayo' kasi ina-assume mo na he likes you, at dahil sa nalaman niya, ia-uncrush ka na niya or hindi na siya magme-make move. Am I right?" Umigting ang panga niya.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Hindi ko in-a-assume na gusto ako ni Kendrick! Kaya ako natatakot na isipin niyang kami kasi baka sabihin niya kay Katelyn! Paniguradong magtatampo iyon kasi hindi ko sinabi sa kaniya kahit wala naman talagang kami!
Paniguradong iisipin din niya na ginagamit ko lang siya! Ito ang pinakakinakatakot ko kung kaya't never ko ngang sinabi sa kanila ni Noah ang lihim kong pagtingin kay Kendrick.
"Saan mo naman nakuha 'yan—"
"Nami, I know him–he's my twin brother, we share the same face, blood, and flesh. You're not his type, and you will never be. Never ka niyang magugustuhan kaya stop with your delusions—" Pareho kaming natigilan doon.
Alam ko namang I'm not his type. Matagal ko nang alam 'yon!
Hindi na niya kailangang ipagduldulan sa mukha ko ang katotohanang iyon na tila ba never pang sumagi sa isip ko iyon?!
At bakit ganoon ang tono niya?! Bakit lumalabas na hindi ako kamahal-mahal?! Na I'm not worth of admiration, and love?! Na there's something wrong with me?! Na I'm hard to love?!
Does he really need to say those words? Wala ngang connect 'yon sa topic!
"Nam—"
"Mauuna na 'ko." Hindi ko na hinintay ang tugon niya, tinalikuran ko na siya, at tuluyang lumabas
@kendrickisiahn:
I'm sorry.
@kendrickisiahn:
I'm just mad, and upset. I thought, sasama ka sa kaniya, at iiwanan mo 'ko. It's my fault.
@kendrickisiahn:
I'm sorry, Nami. I didn't mean those words.
@kendrickisiahn:
What can I do to make it up to you? I'm sorry.
Sunod-sunod ang chat ni Maverick, tumawag din siya pero in-ignore ko lahat ng iyon. Bahala siya sa buhay niya.
⚝
Katelyn:
Nammmm, want mo mag-hang out? Dito sa amin? Huhu, laro tayo car racing
Nami:
Uy, sige! Si Noah? Sasama ba?
Katelyn:
Hindi, e. Wala raw sa mood. See you!
⚝
May galit ako nga ako kay Maverick pero hindi ibig sabihin no'n, pati si Katelyn ay madadamay ko. Isa pa, lagi namang nagkukulong sa kwarto ang lalaking 'yon, hindi niya 'ko mahahalata.
"Hi, Nami!" Kendrick?!
"H-Hello!" Kumaway, at nginitian ko siya pabalik.
"Nakakagulat, Nami, 'no? Wala siya sa court ngayon." Pabirong umirap si Katelyn habang ako naman ay natawa.
"Oy, grabe ka sa 'kin, Lyn, a."
"Totoo naman, e. Kulang na lang sa court ka na tumira." I agree! Katelyn, laban mo 'yan!
"Chage topic. Anong lalaruin n'yo?"
"Beach Buggy! Car racing."
"Sali ako!"
Sinet-up ni Kendrick ang kanilang tv habang ako, at si Katelyn naman ay naghahanda ng snacks.
"A, Nami."
"Yes?" Itinigil ko ang pags-spread ng peanut butter sa tinapay to pay attention.
"Nabanggit sa 'kin ni Kuya Kendrick na... nakita niya kayo ni Kuya Maverick kahapon sa bookstore. And, napansin din namin ni Noah last Friday na magkasama kayo ni Kuya Mav sa iisang table."
Humugot siya ng hangin.
"Is there something between you, and Kuya Mav?"
"W-Wala. No'ng Friday, nagpatulong lang siya, a-and 'yong kahapon, coincidence lang."
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sana lang talaga ay maniwala siya!
"A, okay! I trust you!" I let out a sigh of relief. "Pero if ever magka-develop-an kayo, ako unang sabihan mo, a? Para naman hindi ako magmukhang tanga."
"M-Malabo 'yon, Kate p-pero sige."
Na-trauma na nga talaga si Katelyn sa mga kaibigan niyang may gusto sa mga kuya niya.
Dati kasi ay may kaibigan siyang patay na patay kay Kendrick—doble pa sa pagkakagusto ko sa kaniya, ginamit lang si Katelyn.
Ayos lang naman kay Katelyn na may gusto iyon sa kuya niya, ang ikinasama lang ng loob niya ay no'ng nalaman niyang never pala siyang tinuring na kaibigan noon, at no'ng ni-reject ni Kendrick, siniraan, at ginawan pa siya ng mga istorya.
Nang natapos na namin ni Katelyn ang snacks ay bumalik na kami sa sala. Naabutan namin doon si Kendrick na nililinis ang mga gaming console.
"Tara na!"
Sa unang round, si Kendrick ang nanalo, as expected pero sa ikalawang round, ako naman ang nanalo, sumunod naman ay si Katelyn.
"Daya! Pinagtutulungan n'yo yata akong dalawa!" hiyaw ni Kendrick nang sabay namin siyang ginitgit ni Katelyn. Tinawanan lang namin ang paratang niya.
"Talo ka, kuya. Who you?!" Para mas mang-asar, dinuro-duro pa ni Katelyn ang kuya niya na halatang bad trip na.
"Daya n'yo! Ayoko na nga!" Binitawan niya ang gaming console.
May pagka-pikon din pala ang lalaking 'to. At nakatutuwang ang pagiging pikon niya ay cute, hindi nakasasakit ng damdamin, 'di tulad ng iba riyan.
"Wait lang, a. May kukuhanin lang ako kwarto!" Tumayo si Katelyn, at pumanik.
Sht, sht, sht. Kalma, kalma, kalma.
OMG kami na lang dalawa rito! Sa salang 'to—sa couch na 'to!
I can feel his stare! Is he examining me?
Sht, may breakout pa naman ako ngayon! Ang malas ko naman! Pero sana ay hindi niya mapansin kasi kung oo ay nakakahiya talaga!
"Nami?"
"A-A, yes?" Bumaling ako sa kaniya. Naabutan ko siyang may pinipindot na kung ano sa cellphone niya.
"Look at this." Hinarap niya sa 'kin ang picture ng isang batang may pigtails, at naka-peace sign sa camera.
Hala, ang cute! Ang sarap ibulsa no'ng bata!
"Sam's childhood photo. He's my childhood friend." He chuckled. "Pareho kayo ng bangs, same rin kayo ng smile."
"Uy hala." Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking kamay dahil hindi ko na napigilang matawa, at ngumiti. "Talaga ba? Ang cute kaya niyan!"
"Cute ka rin naman, a."
Nag-iwas ako ng tingin dahil doon. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi, at ang malakas na kabog ng aking dibdib.
Lord, totoo ba 'to?! Kendrick Isiahn Callejo, my crush from almost five years, complimenting me?!
Nami, isip ng topic!
"A-Anong pangalan sa Facebook? P-Para ma-add ko?" Pinilit kong tumawa kahit sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na iyon.
"A, wala, umalis, tulog, nasa Spain, Grade 2 pa lang 'to." Sabay niyang itinaas ang kaniyang dalawang kilay na mas ikinatawa ko.
Childhood friend daw pero Grade 2 pa lang? May sapak din yata ang isang 'to. Pasalamat siya, crush ko siya!
Natigil ako sa pagtawa nang makaramdam nang mala-lawin na titig. Mukhang naramdaman din iyon ni Kendrick dahil natigilan din siya.
Sabay kaming nag-angat ng tingin sa staircase, and shit!
"Oh, Mav, kanina pa riyan? Gusto mo sumali ka sa amin?"
Hindi siya tumugon—nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa akin...?
♡: childhood photo ng chilhood friend ni Kendrick ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top