12
"Hindi naman halatang mahilig ka sa highlighters." Napairap ako sa side comment ni Maverick.
Bumaba ang tingin ko sa basket na naglalaman lang naman ng twenty highlighters. Hindi naman niya ako masisisi dahil ang gaganda ng mga color ng mga 'yon.
Kasalukuyan kaming nasa National Bookstore. Nasa pens, and highlighters section kami. Ilang minuto pa lang kami nandito—sa tingin ko ay five to seven minutes pa lang, pero nagrereklamo na kaagad siya.
"Ikaw nag-volunteer na samahan ako rito sa National Bookstore..." bulong ko sa sarili.
"Anong sabi mo? Huh?" Dinungaw niya ako, at nilapit pa nga ang kaniyang tainga.
"Wala!" Kumuha ako ng tatlo pang highlighter saka ibinagsak iyon sa basket na hawak-hawak niya.
Nag-volunteer si Maverick na siya na ang magbuhat ng basket, and of course, hindi na ako tatanggi.
"Purple is your color." Natigilan ako sa sinabi niya. Bumaling ako sa kaniya, and our gaze met. "Purple suits you so much."
Bumaba ang tingin ko sa suot ko. Simpleng purple shirt, at trouser. May lattice headband din.
"Thanks?" I averted my gaze nang maramdaman ang pa-unti-uniting pag-init ng aking pisngi. After kong makuha lahat ng highlighter na gusto ko ay nagtungo ako sa notebook section para maghanap ng journal.
"Sure ka na? Ayaw mo pa dagdagan 'tong highlighters mo? Ang onti pa lang nito!"
Napairap ako sa mga salitang namutawi sa labi ni Maverick.
Ang lakas mang-asar ang lalaking 'to! He's so sarcastic! Kanina pa siya ganiyan! Pasalamat talaga siya, future brother-in-law ko siya, kung hindi ay nako!
Kung si Noah ang mang-asar sa akin nang ganito, baka nasapok ko na!
Hindi ko na pinansin ang iba pa niyang sinabi, at nagpatuloy na lang sa paghahanap ng journal.
"Ay ang ganda!" Kinuha ko ang journal na kulay beige, at may tali iyong kulay pastel pink. Binuksan ko iyon, at dinama ang bawat pahina. "Magkano kaya 'to—what the?!"
Php 350?!
Ilang highlighters, and sticker na 'to! Ang mahal naman!
Pero ang ganda rin naman kasi—appearance, at quality. Ang mahal naman?!
Php 500 lang ang budget ko! Tansiya ko nang nasa Php 150 ang highlighters na binili ko, may iba pang gamit doon para sa school tulad ng bagong pens, correction tape, folders, bond papers, at marami pang iba.
"Oh, bakit mo binalik?"
"Ayoko na pala niyan." Next time na lang ako bibili ng journal, kapag may sale na lang. "Ikaw ba? Bili ka na para sabay na tayong magbayad."
"I want to eat first. Bayaran muna natin 'yang mga pinamili mo."
"Akala ko ba sasamahan lang kita? Mister, my time is precious—"
"My treat." Oh, okay.
"And I think, it's worth spending with you!" Pabiro siyang umirap, at umiling. "Akin na 'yang basket, pipila na 'ko."
Nang makarating na sa counter ay kumunot ang noo ko nang makitang nawala siya sa tabi ko.
Pero kahit ganoon, inilagay ko na sa counter ang mga pinamili ko.
"Pakihabol po ito." Nanlaki ang mga mata ko nang may kamay na naglapag ng journal na tiningnan ko kanina sa counter.
"Maverick! Wala akong pambayad doon!"
"Ako nang bahala." Kinuha niya ang pitaka mula sa bulsa, at kumuha ng dalawang 200 peso bill.
"T-Thank you." I pressed my lips into thin line.
"Ma'am, Php 653 po ang total." Inabot ko sa cashier ang pera habang kinukuha naman ni Maverick ang paper bag.
"Food court tayo." At nagtungo nga kami sa food court.
Bumili siya ng dalawang burger, dalawang buko shake, dalawang sundae, at giga fries from Potato Corner.
I offered him na ako na lang ang magbabayad sa sundae o kahit magdagdag ng one hundred o kahit man lang singkweta.
Kung assumera ako or kung ibang babae ako, ia-asssume kong gusto niya 'ko, at date ito. Nagpapa-impress ba naman, e?
"Uy, thank you rito, a. Sa pagkain, at sa journal pero kapag may pera na 'ko, babayaran kita!"
"You don't have to. Itong pagkain, siyempre, ako ang nagyaya sa'yo kaya kargo ko talaga 'to. 'Yong journal naman, treat it as my danyos perwisyo sa pangha-hack ko sa account ng kambal ko—if ever umasa ka."
Imbes na magtunog sincere ang last line, nagtunog sarcastic lang ito dahil nasundan iyon ng tawa.
"Thank you, ha?" I sarcastically said. Pilit din akong ngumiti.
"Welcome," tugon niya sa mas sarkastikong tono.
"Nga pala... bakit mo pala hinack ang account ng kapatid mo?"
"Because I can, and I want to. Binad trip kasi ako ng mokong na 'yon, kaya ayon." He shrugged.
"E, bakit ka naman nag-reply sa mga chat ko? At bakit mo naman ako in-entertain? Alam mo bang umasa ako?!"
"Your chats caught my attention." He chuckled. "And chatting with you is entertaining, and funny."
Ginawa mo naman akong palabas, par. Ayos 'to, a.
"May Instagram ka ba? Or kahit Twitter? Para doon na lang tayo mag-chat. Minsan kasi nawawala sa isip ko na ikaw ang kausap ko." Kinikilig tuloy ako.
"I don't have Insta nor Twitter, but I have Facebook, though I'm not active." Napatango na lang ako.
Wala pala talagang social media presence ang lalaking 'to. Kaya pala sa tuwing magpo-post sina Katelyn ng family picture, walang naka-tag na Maverick.
"Uy, may aaminin ako, a." Natigilan siya sa sinabi ko. "Sa totoo lang, iniisip ng lahat—kahit na ako na masungit, snob, at nakatatakot ka pero... ngayong linggo, napatunayan kong hindi pala totoo ang mga iyon. Masaya kang kasama though nakakabwisit kang mang-asar, and paminsan-minsan ay na-i-intimidate pa rin ako."
"So crush mo na 'ko?"
"Lakas ng tama mo! Nakahithit ka ba?!" Nag-iwas ako ng tingin, at tumawa.
"You're so defensive."
"E-E, baka kasi may makarinig! Saka hello? Masyado akong patay na patay sa kambal mo."
"Hindi naman halata." He shook his head while letting out small chuckles.
"Ewan ko sa'yo."
After naming kumain ay nilinis namin ang table namin saka bumalik sa bookstore.
"Dito ka na lang sa couch. Baka matagalan ako."
"Ano bang bibilhin mong book? Anong genre? Baka matulungan kita."
"Mystery. Huwag na. Ako na ang bahala." Nagkibit-balikat na lang ako.
Nagtungo siya sa kung saan habang ako naman ay nanatili sa couch, pinagmamasdan ang mga book covers ng mga librong nasa aking harapan.
"Kendrick?" bulong ko sa sarili nang makita ang isang pamilyar na mukha sa 'di kalayuan. "Si Kendrick nga!"
Tumayo ako, at dahan-dahang nagtungo patungo sa kaniya.
Sa bawat hakbang ay pinapakalma ko ang aking puso na mabilis na naman ang tibok. Pinaaalalahanan ko rin ang aking sarili na wala naman akong dapat ipagaalala. Magha-hi lang naman ako, simpleng kumustahan, ganoon lang.
"Uy, Kendrick!" Kumaway ako.
"Uy, Nami! Sa tingin mo, sa dalawang librong 'to, ano'ng magugustuhan ni Katelyn?" Hinarap niya sa akin ang dalawang libro na halatang parehong romance ang genre.
"Itong 'XOXO'."
"Sure ka?"
"Hm. Nabasa ko na 'yan sa Ebook. I'm sure magugustuhan niya 'yan."
Ang librong iyon ay may kinalaman sa kpop idols kung kaya't alam kong magugustuhan iyon ni Katelyn, kpop stan din kasi siya kagaya ko.
"Thank you!"
"Nga pala, para saan 'yan? Hindi naman niya birthday, a?"
"Pinag-trip-an ko kasi, ayon, na-bad trip tapos 'di ako pinapansin. Pambawi." He chuckled.
"A, madali lang suyuin si Katelyn. Dagdagan mo na rin ng chocolate."
"Thanks, a!"
Binalik niya sa shelf ang isang libro.
"Nga pala, ikaw lang ba mag-isa?"
"Ahm..." Shit.
"If yes, and kung hindi ka naman busy, how 'bout we grab some coffee—"
"Actually, she's with me."
Mariin akong napapikit nang maramdaman sa aking likuran ang presensiya ng taong nagmamay-ari ng tinig na iyon.
"Right, Nami?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top