11

"Oh, Nami, bakit ka palinga-linga?" Natigil ako sa pag-iikot ng aking paningin dahil doon.

"H-Huh?" Umiling ako sa paratang ni Katelyn. "Uy, hindi, a! Hindi ako palinga-linga! B-Baka si Noah!"

Tinuro ko si Noah gamit ang aking hinlalaki ngunit natigil din ako nang makakita ng kung anong dilim sa mga mata niya. Emosyong hindi ko maipaliwanag ngunit alam kong malalim.

Halatang bad mood. May regla ba ang lalaking 'to?

Mukhang napansin din ni Katelyn iyon. Nanahimik din siya, at nagpatuloy na lang sa pagkain ng sandwich niya.

Umiling-iling si Noah bago uminom ng kape.

Ang init-init, nagkakape?! Ayos lang kung cold pero hot coffee?! Sa ganitong temperature?!

Kahit nga may aircon sa room namin, ramdam pa rin ang init, at alinsangan.

Magsama sila ni Maverick! Mahilig lumaklak ng kape kahit nakakapaso na ang init. Kung uminom pa, parang wala lang sa kanila! Hindi man lang pinagpapawisan o ano.

Speaking of the devil.

Nag-chat sa 'kin ang lalaking iyon no'ng second period. May gagawin daw kami sa recess ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Natigil ako nang nag-notif ang cellphone ko, meaning, may nag-chat.

kendrickisaiahn:

I'm already here. Turn to your four o'clock.

What the? Pinagsasabi ng lalaking 'to? Anong four o'clock? P'wede naman niyang direktang sabihin kung nasaan siya! Kanan, kaliwa, o likuran!

Daming alam.

Kahit hindi ko siya naintindihan, luminga-linga na lang ako hanggang sa ayon! Nakita ko na siya! Kasalukuyan siyang may mga chine-check-ang papel.

"Excuse me, a." Kinuha ko ang gamit ko saka nagtungo kung nasaan si Maverick.

"Mabuti naman, at dumating ka." Napairap ako sa bungad niya. Umupo ako sa silyang katapat niya. "Pakitulungan akong check-an ang mga 'to. Long test."

Pagkatapos ay inabot niya sa 'kin ang extrang red ballpen, at key to correction na papel niya. Perfect twenty ang score niya! And hello, Mathematics 'to! Lakas talaga ng lalaking 'to pagdating sa academics. Kaya highest honor, e.

"Section n'yo?"

"Nope. Juan Luna." Uy, section ni crush!

Pasimple kong ini-isa-isa ang mga papel na hindi pa nache-check-an. Sa kabutihang palad, andoon pa ang papel ni Kendrick. Pasimple ko iyong kinuha.

"Hey!" protesta ko nang biglaan itong kinuha ni Maverick.

"Baka lagyan mo pa ng kung ano-ano: love notes, hearts, smiley face," he stated in a bitter tone.

"Uy, hindi ako ganiyan—" Umurong ang dila ko nang taasan niya ako ng kilay.

Ang hilig talagang magtaas ng kilay ng lalaking 'to. Palibhasa, medyo makapal ang kilay—nanlalaban.

"Speaking of... nasaan nga pala ang kambal mo?"

"Nakita ko siya kanina sa gym, naglalaro na naman ng basketball." Napangiwi ako.

Tuwing recess ko na nga lang siya nakikita, lagi pang wala. Hindi naman halatang mahilig mag-basketball si Kendrick, 'no?

Nang makatapos mag-check ng isa, ay pasimple, at patago kong tinitigan si Maverick.

"Why are you staring?" Oh shit, akala ko hindi niya mahahalata! May sixth sense siguro ang lalaking 'to.

"A-Ano kasi..." Lumunok ako.

"Oh, wait... I think I know. You're staring at me because I look like your crush, right?"

"Medyo oo? Hindi ko pa kasi siya nakikita buong araw, e. Sorry na. I can't help it, e."

"Stop staring."

"Okay, okay!" At nagpatuloy na lang ako sa pagche-check. Saktong five minutes bago mag-end ang recess ay natapos na naming lahat ang dapat check-an.

"Thank you."

"W-Welcome?" Pero tatlong papel lang naman ang na-check-an ko. Marami na kasi siyang na-check-an, at ambilis niyang mag-check kaya kung iisipin, wala naman akong naitulong.

"Nami! Tara na!" Tinig iyon ni Noah.

"Sandali!" Kinuha ko ang mga gamit, at tumayo na. "Mauuna na 'ko, a. Bye!"

At sumunod ako sa dalawang nauna.

Sa mga sumunod na klase ay medyo lutang ako—nasa alapaap ang isip ko. I just realized what just happened.

I sat with Isiahn Maverick Callejo, also known as 'future brother-in-law' without feeling any awkwardness, and fear. And please, comfortable pa nga akong mag-joke, at may tapang pa akong titigan siya!

Kung kaya kong magawa iyon kay Maverick, meaning hindi imposibleng magawa ko rin iyon kay Kendrick!

Mas nakatatakot nga si Maverick, e. Need ko lang talaga ng perfect timing!


"Close na kayo?" usisa ni Noah pagkalabas na pagkalabas namin ng room. "Ni... Maverick?"

"Oy, hindi, a!" Napakamot ako sa ulo. "Nagpatulong lang."

"A, akala ko may something na sa inyo, e." Natawa kaming dalawa. Grabe naman mag-overthink ang lalaking 'to.

"OMG..." bulong ko sa sarili nang makitang papunta si Kendrick sa direksyon namin.

Nami, Nami, isip ng topic!

"Kendrick!" Kumaway ako, at kumaway naman siya pabalik. Lumapit siya sa 'kin. "Congrats, 16/20 ang score mo sa long test n'yo sa Math!"

"Oh talaga? Not bad!" Ngumiti siya kung kaya't naglaho na naman ang mga mata niya. "Kaya siguro mataas kasi ikaw ang nag-check." Nasundan iyon ng tawa.

Nahuli ko ang pasimple niyang pagkindat.

"Uy, hindi ako ang nag-check. Nalaman ko lang." Pilit akong ngumiti.

"Hm, okay. Nga pala, si Katelyn? Gusto ko sanang sabay kaming umuwi, e."

"A, nauna na, e. Dadaan pa raw siya ng mall, bibili ng mga bagong make up."

"Oh, okay. Thank you! Mauuna na 'ko. Ingat kayo!" Kumaway siya sa amin ni Noah bago niya kami lampasan.

Saktong pagkalampas niya sa amin ay buumuga ako ng hangin.

Shit. Akala ko talaga ay hindi ko masu-survive ang mga segundo—minutong iyon!

Ang lapit-lapit niya sa amin—sa akin! Amoy na amoy ko ang pabango niya, at kitang-kita ko ang kagwapuhan niya! Narinig ko pa ang tawa niya, and hello? Kinindatan niya 'ko!

Buti na nga lang ay nagawa ko pa ring magsalita nang diretso kahit na ambilis, at lakas ng tibok ng puso ko—parang may nagkakarera sa loob ng dibdib ko.

Grabe talaga ang epekto sa akin ng lalaking iyon. Tumitiklop ako, e!

Isipin mo, kaya kong makipagtawanan sa kuya niyang kilala sa pagiging masungit, at kahit kay Sir Mendoza na kilalang terror teacher pero sa kaniya?!

Pagdating sa kaniya, sa tuwing malapit kami sa isa't isa o 'di kaya ay nag-uusap, nangangatog ang tuhod ko!

Never akong nasanay sa presensiya niya!

"Nami?"

"H-Huh? A-Ano 'yon?" Tumingala ako kay Noah. "B-Bakit?" Kumunot ang noo ko nang panliitan niya ako ng mata.

"Nothing..." Nakita ko ang pagtaas-baba ang adam's apple niya. "Kain tayo fishball?"

"Libre mo ba?" Sunod-sunod ang pagtango niya. "Tara!"


@notyourcinthia:
Uy, baka mag-chat or magpatulong ka, pupunta akong NB ngayon

@notyourcinthia:
Hindi kita mare-reply-an/tulungan, baka matagalan ako, e.

@kendrickisiahn:
Sama 'ko. Bibili ako new books.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top