07

Tila tumigil ang mundo ko nang nabasa iyon. Lahat ng paru-paro sa aking tiyan, sa isang iglap ay naging mga gamu-gamo.

All this time, inakala kong si Kendrick ang ka-chat ko! Kilig na kilig pa naman ako. Hacker pala ang kausap ko! The heck?!

Mabuti na lang talaga ay dump ang gamit ko, at hindi ko sinunod ang mga boses sa utak ko na umamin kay Kendrick.

Kung ginawa ko 'yon, nakakahiya talaga! Hindi lang kay Kendrick, kundi pati na rin kay Katelyn!

Isa pa, feeling ko magagalit siya pati na si Noah dahil never kong sinabi sa kanila kung sino ang lalaking gusto ko.

"Don't you trust us?"

"Bakit ka natatakot sa amin? May dahilan ba para matakot ka?"

Ngayon pa lang ay na-i-imagine ko na ang sasabihin no'ng dalawa.

Bwisit talagang hacker 'to! Sinabayan ang trip ko, pinakilig pa 'ko!

kendrickisaiahn:
Hey. Wyd?

What are you doing mo mukha mo!

Pinindot ko ang block button, at nag-log out sa dump account ko.




"Ayos ka lang?" Naramdaman kong hinagod ni Noah ang likod ko. "Tahimik mo, a." Kumagat siya sa hawak niyang burger.

"Yeah. Nami, ang weird mo today. Dati, ang bibo mo tuwing recess pero ngayon, sobrang wala mong gana. What happened ba?"

"Wala." I shrugged bago ako sumimsim sa milk tea ko. "Nagbasa ako ng Wattpad novel kagabi, sad ending, e kaya—"

"Ayan na sila!"

"Ang pogi talaga!"

"Shet, 'di ako nakapag-lip tint!"

Napabaling kaming tatlo sa table malapit sa amin. Ang naroon ay mga babaeng kilig na kilig.

Bumaling ako sa tinitingnan nila.

Napalunok ako nang mapagtanto kung sino ang kinakikiligan nila.

Kendrick... at ang tropa niya.

Nagtungo sila sa isang table na medyo malayo sa amin. Pero kahit na medyo malayo siya, at medyo marami sila roon, angat ang kagwapuhan niya.

"Lakad varsity ampu—"

"Hey! That's my brother!" Nakita ko sa aking peripheral ang vision ang pag-irap ni Noah.

Ewan ko ba sa Noah na 'to. May galit yata kay Kendrick, at laging napupuna ang lakad nito. Wala namang ginagawa sa kaniya 'yong tao.

Buti nga hindi siya kina-cut off ni Katelyn, e. Well, hindi naman kasi below the belt, at offensive ang 'jokes' ni Noah.

"Pasikat," bulong iyon pero sapat na para marinig ko. Pasimple akong lumingon sa table na nasa likuran ko.

Si Maverick!

Tinaasan niya 'ko ng kilay bago binalik ang kaniyang atensyon sa librong kaniyang binabasa. Bukod sa libro, kape lang ang nasa table niya.

Ganito siya tuwing recess, puro libro, at kape. Ayaw ring pa-istorbo kaya siya lang lagi mag-isa sa table niya.

Nang malapit nang mag-time ay inayos na namin ang gamit namin. Bago pa umalis sa canteen ay sumulyap ako sa table nina Kendrick.

"Hi, Nami!" Kumaway siya, at ngumiti.

"H-Hello!" Kumaway, at ngumiti ako pabalik bago ako sumunod kina Katelyn na nauna nang bumalik sa room.

Fake man ang mga naunang pahina ng love story namin, hindi naman ibig sabihin no'n na hindi na p'wedeng i-rewrite 'yon 'di ba? At ang maganda, in real life 'to!

Mas nakakakilig!

Natapos ang linggong iyon na puro small interactions lang ang nangyayari between me, and Kendrick. Simpleng kaway, ngiti, at eye contact lang.

Pero wala namang masama roon. Malay mo, 'slow burn' or 'she fell first, he fell harder' pala ang trope namin?! Hihi.

Kendrick Callejo shared a post.

Retweets.

Lagi kitang nahuhuling nakatingin sakin, mahal mo ba ko par?

OMG?! Para sa 'kin kaya 'to? Since lagi naman kaming may eye contact, at small interactions!

See, Nami, walang kaso kung hacker ang nakausap mo no'ng mga nakaraang araw, bawing-bawi ka naman ngayon!

Naguumapaw ang kilig ko dahil sa shared post niyang iyon kung kaya naman pagsapit ng Sabado ay excited na excited ako.

Pupunta kasi kami kina Katelyn para gumawa ng 3D model ng DNA. Kasama naming gagawa si Noah; kaming tatlo ang magkaka-group.

"Ang saya mo ngayon, a. Samantalang no'ng isang araw, lantang gulay ka."

"Hala, hindi kaya!" Natawa ako sa puna ni Noah.

"Napo-pogi-an ka siguro sa 'kin? Bago haircut ko, e."

"Ay, bago ba haircut mo? Hindi halata," biro ni Katelyn habang inilalapag sa table ang ibang materials na kakailanganin para sa project.

"Ay, may nakikisali," biro pabalik ni Noah. Bumaling ako kay Katelyn.

Napalunok ako nang makitang natahimik siya roon, at nag-iwas ng tingin. Na-offend yata.

Sinamaan ko ng tingin si Noah ngunit mukhang hindi naman niya nakuha ang pinahihiwatig ko.

"N-Nga pala, ikaw lang ang narito bukod sa mga yaya n'yo?" tanong ko upang kahit papaano magkaroon ng topic, at gumaan ang atmosphere, at loob ni Katelyn.

"Nope, nasa taas si Kuya Maverick. Si Kuya Kendrick naman, nasa court na naman."

"A, okay!" Napatango na lang ako.

Sayang naman. Kung kailan ako nandito saka siya wala. Ge, kainin mo 'yang court.

"Oh, bakit ka nakatingin?" tanong ko kay Noah nang mapansin ang paninitig niya.

"Wala!" Ngumiwi siya saka nag-iwas ng tingin.

May kaniya-kaniya kaming part sa project. May naggugupit, at nagdidikit. Ako ang naggugupit habang ang dalawa naman ang nagdidikit.

Sa kalagitnaan ay napagpasiyahan naming magpahinga, at kumain muna.

"Hindi ako nakapag-bake ng cookies, wala na ring soft drinks or juice. Lalabas na lang ako. Ayos lang sa inyo 'yong tinapay 'no?" Tumango kami.

Tumayo si Katelyn, at nagtungo sa kwarto niya, siguro para kumuha ng pera.

"Noah, samahan mo kaya si Katelyn!"

"E, ang init-init!"

"Na-offend mo siya sa joke mo kanina. Mag-sorry ka!"

"Talaga? 'Di naman halatang na-offend siya, e."

"Noah." Umirap siya.

"Fine, fine. Sasamahan ko siya."

At sinamahan nga niya si Katelyn.

Habang wala sila, napagpasiyahan kong i-open ulit ang dump account ko. Magma-myday kasi ulit ako, siyempre, patama na naman para kay Kendrick kahit never naman niyang vini-view ang mga myday ko.

"Hala, bakit ganito na 'to?" tanong ko sa sarili nang makitang naka-unblock na ang hacker ni Kendrick. At ang daming message!

kendrickisaiahn:
why did you block me?

kendrickisaiahn:
may nangyari ba?

kendrickisaiahn:
hello?

Hacker nga isang 'to. Halata naman. Nagawa niyang mai-unblock ko siya! At nagtatadtad pa ng messages! Halatang nanti-trip, at nagpapaasa!

Akmang pipindutin ko na ang 'i' button para ma-block siya ulit nang aksidente ko namang masagi ang call button.

"Ay! Cancel!" Akmang pipindutin ko na ang cancel button nang makarinig ako ng cellphone na nagri-ring.

Lumingon ako sa hagdan kung saan nagmumula ang ingay, at nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang naroon.

Si Maverick!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top