03
@kendrickisiahn followed you back.
@kendrickisiahn
856 followers | 230 following
Dec 14, **** (10:10)
You have a pretty name.
"Oh My God?!" Itinapon ko ang cellphone ko sa kama pero kaagad din akong kumaripas ng takbo upang makumpirma ang chat na iyon.
"Aray!"
Napahawak ako sa aking puwet nang maramdaman ko ang matigas na sahig sa aking likuran.
Bagong shower lang nga pala ako, at basang-basa pa!
"Ang sakit," daing ko.
Kumabog ang dibdib ko nang tumunog ulit ang cellphone ko, ibig sabihin may nag-chat ulit!
Gumapang ako palapit sa kama, at kinuha ang cellphone ko.
kendrickisiahn
Dec 14, **** (10:13)
Seen lang? 👍
Oh My God! Is this really happening?! Compliment niya 'ko tapos tila nagde-demand na reply-an ko siya?!
Is this the start of our love story?! Our relationship?!
Kaagad akong nagtipa kahit pa medyo nanginginig pa dahil sa sobrang lakad ng kabog ng dibdib.
notyourcinthia:
Dec 14, **** (10:17)
May biglaan lang na ginawa 🥲
notyourcinthia:
Dec 14, **** (10:17)
Thanks pala sa compliment 😍 |
Akmang ise-send ko na sana ang last na chat na 'yon nang may naalala.
@Notyourcinthia ang username na gamit ko sa account na 'to. Paano niya nalaman ang totoo kong pangalan?!—kung ako man talaga ang gusto niyang i-chat, baka kasi na-wrong send lang.
Kilala niya na 'ko in real life?! Halata ba 'ko?!
Dec 14, **** (10:23)
YOU KNOW ME???
Dec 14, **** (10:25)
Idk
"Huh?" Kumunot ang noo, at tumaas ang kilay ko roon.
Tanginang reply 'yan, hindi naman nasagot ang tanong ko! Mas lalo lang pinagulo ang isip ko!
Hindi ko siya ni-reply-an. Baka mas lalo akong mahalata.
Siya ba talaga 'to? Siya ba talaga 'tong nag-cha-chat sa 'kin?
Tanginang reply 'yan, hindi naman nasagot ang tanong ko! Mas lalo lang pinagulo ang isip ko! Hindi ko alam kung sarcastic ba ang reply niya. Hindi ko na tuloy alam kung alam niya ba talaga ang real name ko or hinuhuli niya lang ako.
Hindi ko siya ni-reply-an. Baka mas lalo akong mahalata.
Ilang minuto matapos kong pakalmahin ang sarili ay kinuha ko ang tablet ko, at viniew ang account na gamit niya ngayon. Habang ang cellphone ko naman ay ginamit ko sa pag-view ng account niyang china-chat ko.
Kumunot ang noo ko.
Parehong online ang dalawang account. Posible kaya 'yon?
Baka nga. Mayaman naman sila, e, siguro dalawang gadget ang sabay niyang ginagamit ngayon. Si Katelyn nga, tatlo ang gadget.
"Pogi mo talaga." Napangiti ako habang nags-scroll sa feed niya.
Mapungay na mata na aakalain mong laging inaantok, matangos na ilong, pinkish na labi na sobrang bumagay sa skin color niya—sa pagitan ng pagiging moreno, at mestizo. Bumabalanse sa lakas ng dating niya ang medyo matambok niyang pisngi, pinaghalo na tuloy siyang pogi, at cute.
Kaya hindi na talaga nakakapagtakang maraming nagkakagusto sa kaniya, dagdag pa na sporty, at basketball player siya, mvp pa nga lagi. Lagi pang mukhang fresh kahit gaano pa kapawis sa court.
Approachable rin siya, hindi nakaka-intimidate—hindi tulad ng kakambal niyang si Maverick.
Magkamukha naman sila ni Maverick pero siya talaga ang pinipilahan. Imbes kasi na kiligin ka kay Maverick, matatakot ka.
Ilang araw pa ang lumipas ay puro social media lang ako—madalas ay FB. Hindi naman kasi ako makagala kay na Katelyn dahil nasa Vigan sila ngayon, sina Noah naman ay nasa Tagaytay.
Sa mismong araw ng Pasko pa kami gagala para iisang lakad, at pasyal na lang.
Ang totoong plano, pupunta kaming pamilya sa Tagaytay pero since may pasok si Papa, tengga lang kami sa bahay. Ako na lang ang gumala.
Sa National Museum ako nagtungo. Mag-isa lang ako since only child lang naman ako saka ayaw ni Mama na gumala. Nagsimba kami kinagabihan.
Pagkatapos ng Pasko ay umuwi na sina Katelyn, at Noah.
Bagong gupit ang dalawa, tuloy, napilitan akong magpa-bangs, at magpa-gupit.
Sana magustuhan niya.
Joke! I did this for myself, not for anyone!
Pero kung magugustuhan niya, bonus na 'yon!
Speaking of... hindi na 'ko nag-cha-chat kay Kendrick para hindi niya mahalata. Pero binati ko naman siya no'ng Christmas sa isa niyang account gamit ang real account ko.
@kendrickisiahn_
1, 207 followers | 232 following
Dec 25, **** (12:02 AM)
Merry Christmas, Kendrick! 🤍☃️
Dec 25, **** (09:26)
Thank you, Nami. Merry Christmas din.
Plano ko nga rin sana na batiin ang kakambal ni Kendrick na si Maverick kaso wala namang Instagram 'yon.
January 3 ang balik ng klase, kung kaya't no'ng January 1 pa lang ay inihanda ko na ang mga pagpapaliwanag ko in case na komprontahin ako ni Kendrick.
May dalawang option ako. Itatanggi kong ako ang nag-cha-chat sa kaniya, ang isa naman ay aamin ako na ako 'yon, at sasabihin ko ang matagal ko nang gustong aminin.
Pero kung aamin ako... may pag-asa kaya?
Ngumiwi ako.
Masyado naman na yata akong assumera para isipin pa iyon. Sa kapogian niyang 'yon? May pag-asa ako sa kaniya?! Ang dami-daming nagkakagusto sa kaniya!
Elementary pa lang kami, kahit Grade 6 ko pa siya nagustuhan, pang-100 na ako sa pila. Paano pa kaya ngayong highschool? Wala na talagang pag-asa.
Pero kasi what if 'di ba?
Ginulo ko ang buhok ko sa kalituhan.
Bahala na nga.
Nang bumalik na ang klase ay binalik ko ang focus ko sa acads. High honor ang goal ko for this school year kung kaya't kailangan talagang mag-focus.
"Miss Cervantes," tawag sa akin ni Ma'am Suarez, teacher namin sa English.
"Yes po?" I stood up.
"P'wede ka bang pumunta sa faculty? Pakuha ng clipboard ko, alam mo 'yon 'di ba? 'Yong may mga files, and documents?" Tumango ako. "Pakuha, anak, thank you."
Lumabas na ako ng room, at nagtungo sa faculty ng English teachers.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top