01

Mas mabilis pa sa alas cuatro ang ginawa kong pagbato sa phone ko nang makita ang notification.

This can't be real?!

Hindi niya na nabubuksan ang account na 'yon! Last year pa ang last na gamit niya roon!

May bago na nga siyang account! It's impossible!

Oh My God?! Paano ko siya haharapin mamaya?! Magkalapit pa naman ang room namin.

Wala sa plano ko na sa ganitong paraan niya malalaman na gusto ko siya! Kung ano-ano pa namang pinagcha-chat ko sa kaniya ro'n.

Alt account ko ang ginagamit ko sa pagcha-chat sa kaniya but still...

"Calm down, calm down." Ilang beses akong nagpabuga ng hangin upang ikalma ang sarili, at pusong naghuhumirantado.

Tumingin ako sa orasan, at nakitang 12:20 na. One o'clock magsisimula ang party, and balak kong 12:30 ay aalis na 'ko sa bahay, bihis na nga ako, e.

Pero dahil sa nangyari mukhang kailangan ko pang magpalit ng damit! Baka kasi makilala pa niya 'ko.

Dali-dali akong nagtungo sa aking cabinet, at kumuha ng ibang top. Sinuklayan, at inayos ko na rin ang buhok ko while mumbling comforting words para medyo mawala sa isip ang nangyari.

"Nami! Andito na si Katelyn, at Noah."

"Wait lang po, 'Ma!" Isinuot ko na ang aking heels saka kumaripas pababa.

Naabutan ko si Mama na nasa pintuan, at kinakausap ang dalawa. Nang mapansin ako nito ay nagbigay ito ng daan upang makadaan ako.

"Ingat kayo, mga hijo, hija." Hinalikan ako nito sa pisngi bilang paalam.

"Thank you po, Tita."

"Thank you po. Kayo rin po."

"Bye, 'Ma!" At naglakad na kaming tatlo palayo sa bahay.

"Akala ko ba floral top ang susuotin mo, Nami?" si Noah.

"Something happened-I-I mean, nilabhan ko pala 'yon, and hanggang ngayon hindi pa rin natutuyo."

"Mas bagay nga sa'yo 'yang suot mo ngayon." Kinindatan ako ni Katelyn.

Sumakay kami sa tricycle papuntang school. Habang papalapit kami nang papalapit sa school ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Paano kung matunugan niyang ako 'yong @Notyourcinthia?! Nakakahiya!

Baka kung ano pang isipin niya sa 'kin! Baka isipin niyang weird ako or kaya ko lang kinakaibigan si Katelyn-na kapatid niya dahil gusto kong mapalapit sa kaniya.

Mas matagal ang pagkakaibigan namin ni Katelyn kaysa sa pagkakagusto ko sa kaniya.

Oh my g, nakadagdag pa sa iisipin ko si Katelyn! Hindi pa niya alam na ang Kuya Kendrick niya ang long time crush ko!

"Nami? Nami, bababa na tayo." Napabalikwas ako nang may tumapik sa balikat ko. Nakita kong si Noah iyon.

Nilibot ko ang paningin sa tricycle, at napakamot nang makitang ako na ako na lang ang nakasakay bukod sa driver. "Ah, sorry, I spaced out." Tinawanan lang niya 'ko. "Si Katelyn nga pala?"

"Bumili pa ng milk tea, alam mo naman. Mauna na raw tayo." Tinanguan ko siya, at pumasok na kami sa gate.

Medyo siksikan dahil kasabay naming pumasok ang Grade 7, at uwian ng Grade 8, and 9.

Dumiretso kami sa building, and as the class president, inayo ko na ang mga dapat ayusin: kung saan ilalagay ang food, and gifts, inayos ko na rin ang sound system, at 'kinumusta' ang mag-o-opening
prayer.

Way ko na rin 'to para medyo mawala sa isip ko ang nangyari pero wala talaga, e. Nakatatak pa rin sa utak ko.

"Ako na riyan," presinta ni Noah saka binuhat ang lamesa para sa prizes. "Oh." Umangat ang kilay ko nang inabutan ako nito ng panyo. "Pawis na pawis ka na, e." Tinawanan lang ako nito bago nagtungo sa iba pa naming kaklase na nagkukulitan tungkol sa patutugtugin.

Umirap ako.

Hindi pa nagtagal ay dumating na si Katelyn na may dala-dalang milk tea, at paper bag.

"High maintenance talaga, oh!" sigaw ng isa naming kaklase.

"So what?!" pabirong asik ni Katelyn.

High maintenance, at magastos naman talaga 'to si Katelyn. Kaya nga ang allowance niya sa isang linggo ay ₱1.5k. Pero hindi naman puro sa kaniya napupunta ang allowance niya, sa tiyan din namin ni Noah.

Mahilig manlibre, e.

Tabi-tabi kaming tatlo nang nagsimula na ang party. Si Ma'am ang host pero katuwang niya 'ko sa ibang games.

"Paper dance?" bulong sa 'kin ni Shaira nang naglabas na si Ma'am ng mga dyaryo. Inilatag iyon ng isa kong kaklase sa sahig.

"Yata." Nagkibit-balikat ako.

"For our third game, let's play paper dance! You know naman na the mechanics, right?" Um-agree naman ang lahat. "Choose your partner, dirst 20 pairs only!"

"Tara, Nami!" ayaw ni Noah.

"Si Katelyn? Baka gusto niya, kayo na lang!"

"Nope, go on. Kakakain ko lang ng croissant, e."

Tumango lang kami ni Noah bago nagtungo sa gitna.

Inabutan kami ni Ma'am ng diyaryo saka pumwesto na kami. Nagsimula na ang laro.

Walang kahirap-hirap sa umpisa, may distansiya pa nga. Naghiyawan ang lahat nang dumating na sa punto na kailangan nang magdikit nang husto or magbuhat.

"Ang bigat mo," komento ni Noah habang nakangisi. Inirapan ko siya.

Akmang magsasalita na 'ko nang biglang nagtilian ang ilang kaklase ko. Lumingon ako sa pinto kung saan sila nakatingin.

Nanlaki ang mga mata nang makitang si Kendrick iyon!

YSL polo, and short na kulay beige ang suot niya. May hawak-hawak siyang paper bag.

Lumapit sa kaniya si Katelyn—na kapatid niya para kuhanin iyon.

"Thank you, kuya!"

"Welcome." Sht, ang pogi talaga ng buong pagkatao niya—kahit pa ang boses niya!

Umawang ang aking labi, at napakurap ako nang bumaling siya sa aking gawi saka ako tinaasan ng kilay bago siya umalis. 

"Okay, pila na po para sa food," wika ng adviser namin, at pumila nga ang mga kaklase ko. 

"Nami, ayos ka lang ba? Parang tulala, at wala ka sa sarili," tanong sa akin ni Noah. "Gusto mo ba ng tubig?"

"Hindi na, Noah, ayos lang ako." Tumango-tango siya.

"Gusto n'yo?" singit ni Katelyn. May hawak siyang croissant.

"Siyempre!" saad ni Noah saka kaagad na hinablot iyon mula sa mga kamay ni Katelyn.

"Grabe, ah." Pabirong umirap si Nami.

"Thank you!" Kinindatan siya ni Noah bago ito kumagat sa croissant.

May iba pa silang pinag-uusapan pero hindi na ako maka-keep up dahil lumilipad ang isip ko—paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko ang nangyari kanina.

Tinaasan niya 'ko ng kilay... hindi kaya nakilala niya 'ko?! May pakiramdam na kaya siya na ako 'yong chat nang chat sa kaniya?!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top