Prologue

.

Prologue....

"Baby loves, kumain ka muna." I said while smiling sweetly in front of this handsome guy.

"Pero di pa ako guto--" Di ko na sya pinatapos.

"Hep-hep! Whether you like it or not, kakain ka." Tinaasan ko sya ng kilay at natawa na lang sya sabay hawak sa kamay ko.

"Kakain na po. Wag ka na magalit." Parang nanlalambing ang boses nya which made me shiver a bit and my heart beats faster.

Sya lang talaga ang lalake na nakakapagpa-ganto sakin.

Sya lang din ang lalake na kayang palabasin ang halos lahat ng aking emosyon. At madalas na dun ang kaligayahan.

Sya din ang lalake na pinaiyak ako dahil sa sakit na binigay nya sakin.

Pero higit sa lahat,

Sya lang din ang lalake na humilom sa sugat na sya mismo nagbigay sakin at ito mismo ang nag-silbing dahilan para mahalin ko sya lalo at mahalin nya rin ako.

Sya si Rhobert Castro, ang aking pinaka-mamahal na lalake.

Nagtaka ako ng may inabot sya saking white shirt na may naka-print na 'He's the Man'.

"Ano gagawin ko dito?" Tanong ko.

He smiled at me from ear to ear. "Basta. Suot mo yan at sa labas tayo kakain. Dali na!" At tinulak pa ako ng mahina papuntang banyo.

"Fine." Sabi ko na lang bilang pag-suko.

Di ko alam kung ano trip nya pero sinunod ko na lang para kumain na sya. Kulit kasi.

Pumunta na ako sa banyo at agad nagpalit ng shirt at sinuot yung bigay nya.

Infairness bagay sakin at kasya. Alam kasi nya size ko mula shirt hanggang sa mga sapatos.

Inayos ko muna sandali ang muka ko at ang buhok ko. Ni-braid ko yung buhok ko staka nag-lagay ng face powder at lip balm sa muka ko.

Kaya ako nag-ayos ng konti dahil sa labas kami kakain. Nakaka-hiya naman kung gulo gulo itsura ng buhok at muka ko diba?

Pag-labas ko ay nakita kong may mga kasama na si Rhob sa salas.

"OMG Miraaa!!!" Nakita ko sina Jhaycee, Kea at Jar na sabay sabay na tinawag ako.

"Oh? Nandito pala kayo." Sabi ko sabay lapit sa kanila.

"OhMy! Ang cute ng suot nyo! Hihi!" Sabi ni Jar.

"Huh?" Napa-tingin naman ako sa likod nila at nakita kong naka-upo si Rhob sa sofa habang malaki ang ngiti at si Zeid na tumatawa lang.

"Tignan mo yung shirt nyo ni Rhob!! Kalokaa!" Sabi ni Kea kaya napatingin ako sa shirt ni Rhobert na may naka-print na 'But she's the Boss'.

He's the man? But she's the boss? Eh? Parang magka-partner yung shirt namin?

"Maupo ka sa tabi nya Mira! Dali!!" At tinulak pa ako ng bwisit na si Jhaycee kaya napa-upo ako sa kanan ni Rhob. Tinignan ko naman sya.

"Ayan! Pwesto! Smileeeee!!" Sigaw ni Jar at nagulat na lang ako na may DSLR na syang hawak.

Inakbayan ako ni Rhob kaya napa-tingin ako sa kanya pero naka-tingin sya sa camera while smiling.

Eventually humarap na rin ako sa camera at ngumiti kaso naramdaman kong may naka-titig sakin kaya napa-tingin ako sa kanya at nakatitig nga sya sakin.

We're staring for each other then we smile at narinig ko agad ang tunog ng camera na may na-captured.

"OMG! Ang cute nyo dito!" -Kea.

"Relationship goals!! Haha!" -Jar.

"Couple shirt pa! Nakaka-inggit!" -Jhaycee.

"Sagutin mo na rin kasi ako Jhay para mag relationship goals tayo." -Zeid.

"Tse! Tigilan mo ako Zeid Crisostomo." -Jhaycee

Napapatawa na lang ako sa kanila. Ang dami nang nagyare samin simula nung nakilala ko si Mr. New Guy. At ang perfect life ko? Mas lalo pang naging perfect dahil sa pag-dating nya.

Ang buhay ko biglang nagka-sigla.

Ang buhay ko parang nagka-kulay sa sobrang saya.

Madami na akong naranasan sa piling ni Mr. New Guy noon pa lamang.

Sumaya

Na-fall

Umasa

Nasaktan

Nag-selfie-- este umiyak

At sumaya ulit.

Kahit madaming mahirap na bagay ang nangyare, nalagpasan naman at masasabi kong worth it yun.

5 years na rin pala simula nung mga nangyare samin. 5 years na ding kami. 5 years na simula nang nakilala ko sya sa bwisit na paraan.

At 5 years ko na rin pala syang minamahal ng tunay.

Malapit na rin kami grumaduate at ang tangi ko na lang hinihingi ay sana sa College life namin wala nang dumaan na mabigat na problema. Dahil baka di namin kayanin tong dalawa.

Lord, kung dati po hinihiling ko sa inyo na pababain nyo mula heaven hanggang dito si mommy kahit saglit pero ngayon alam ko nang masaya sya dun at masaya din sya para samin. Pero isa na lang talaga hinihiling ko sa buhay eh.

Wag nyo po sana kami paghiwalayin. Pakisabi po yun kay Tadhana. Amen.

I, Mira Aguinaldo will do my job to take care of him, fight for him and to love him as,

His Girlfriend

.
--------------------

Dedicated to ahnmirre for creating our book covers :)

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top