Chapter 9 - Weekend Date
.
Mira's POV
4 pm, Saturday. Wala nang ibang ginagawa kundi humarap sa libro, humarap sa notebook, humawak ng pen, at mag-aral.
Yep! That's what I plan to do on my 2 days vacation. The most favorite in a week, Saturday and Sunday!
Maaga rin akong nagpa-sundo na kay Rhob sa mall. May kanya-kanya din namang sundo ang mga kaibigan ko. By partner nga eh. After umeksena kahapon ni Jana ay napagdesisyunan nalang namin na tapusin ang pagkain at umuwi na. Jana ruined our friends date. Di bale, atleast naenjoy naman namin yung pag-shopping.
*Tok-tok!*
Narinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Sinabihan kong pumasok ang kung sino man na iyon at di na rin ako nag-abalang tignan kung sino. Busy pa ako mag-basa ng future lessons namin sa July. Saktong matatapos na ang buwan ng June bukas at July 1 ay Monday. Narinig ko rin naman ang pagbukas ng pinto at pamilyar na boses na hilig akong asarin pero medyo nabawasan na dahil isa nang businessman.
"Wow. Sipag talaga." Napaharap naman ako sa kanya at nakita ko ang ngisi sa labi niya.
"What do you want, kuya?" Bored kong tanong sa kanya. Mas lalo lang lumaki ang ngisi niya sakin.
Since he graduated from college ay sobrang bihira nalang sya mang-gulo at mang-asar sakin. He's busy working in our companies. After all, he's the one who will manage our companies here in the Philippines. Of course busy rin sya with ate Fatima. Bumabawi sya kay ate Fatima pag nagka-day off sya since sobrang busy talaga niya sa mga business namin.
"Wala naman. Naninigurado lang kung totoo yung nabalitaan ko na kasalukuyang ikaw ang pinaka-matalino sa lahat ng freshmen sa Business Management course." Di nalang ako sumagot since halatang di pa sya tapos magsalita. Tinitigan pa niya ako pati ang mga notebook at libro kong naka-buklat na nasa lamesa.
"At mukang totoo nga. Miski dito sa bahay ay puro pag-aaral inatupag mo eh. Feeling ko nga di na ako magugulat pag July palang, pasok na agad ang pangalan mo sa dean's list." Natawa pa sya sa huling sinabi niya samantalang ako ay napataas lang ang kilay.
"Seriously? Saan or kanino mo naman nabalitaan yan?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Naka-meet ko kanina mga naging professor ko dati nung college. Pagkatapos namin pagusapan ang tungkol sa business ay napa-kwento sila tungkol sa mga achievements mo kahit first month palang ng school semester lang ang lumipas. Pinuri pa nga tayo na expected na daw talaga sa mga Aguinaldo ang pagiging matalino." At natuwa pa sya lalo na parang siya lang yung pinuri dahil isa siyang Aguinaldo.
"Kuya siguro naman pinakita mo ang pagiging humble side mo sa kanila kahit papaano?" Paninigurado ko sa kanya at pinag-kunutan lang niya ako ng noo.
"Syempre naman! I'm a businessman. It's normal to be humble." At tumawa nanaman siya ng parang baliw.
"Umalis ka na nga lang. Nakita mo naman na ata gusto mong makita?" Bored kong tanong sa kanya.
Tumigil narin siya sa pagtawa at naka-ngiting tumango sakin. Tumango nalang din ako sa kanya at haharap na sana muli sa mga libro nung magsalita pa ulit siya.
"You're studying hard... for lolita and the business right? Is this really your dream?"
Napatingin na ako ng deretso sa kanya at di mapigilan mag-tanong. "What do you mean?"
"Is handling the family's business your dream?"
Napatahimik ako pero napatawa narin ako ng bahagya sa tanong niya. "Of course. It's actually an honor to be the future heir of Aguinaldo Group of Companies." Naka-ngiti kong sagot.
Nakatingin lang din siya sakin habang naka-ngiti. Ilang segundo din sigurong ganoon pero sa huli ay sya din ang bumitaw.
"I see. Then, study hard, Mira!" Huling sambit niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nawala nadin ang ngiti ko pagkalabas niya. Napa-sandal narin ako sa swivel chair na kanina ko pa inuupuan. Di ko rin mapigilan mapa-isip sa mga tinanong ng kapatid ko. And bakit rin ba niya ako tinatanong tungkol doon? Medyo matagal pa naman bago ko pasukin ang mundo nila daddy, kuya at lolita.
Wait-- bata pa nga lang pala ako ay kasali na kami sa mundong iyon. We're getting exposed little by little ever since.
Di ko alam kung ilang minuto na akong naka-titig sa kawalan habang naka-sandal sa swivel chair ko. Nabalik lang ako sa huwisyo nung marinig ko ang pag-tunog ng phone ko. Someone is calling me. Agad ko naman kinuha ang phone ko at nakita ang pangalan ng tumatawag. Great timing.
Baby loves is calling...
Agad kong ini-slide ang answer button at tinapat sa tenga ko ang phone. Di narin mawala ang ngiti sa labi ko. Ang malaman lang na makakausap ko ang boyfriend ko ay sumasaya na agad ang araw ko.
"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.
[Hmm.... I miss you.] Sambit niya gamit ang matamis at parang inaantok nang boses.
Mas lalo naman lumaki ang ngiti sa labi ko. I can feel my heart thumping again. He can really make me fall for him every time, whatever he does, I fall for him easily.
"We just met yesterday." Natatawa kong sabi sa kanya.
[But it's almost 24 hours since we last met.] Pansin ko ang pagiging frustrated sa boses niya.
At mas lalo akong natawa sa sinagot niya. Right. It's Saturday kaya di talaga kami nagkita pero nagkaka-usap naman kami through text. Pero di rin talaga nawawala ang call time especially pag nag-gabi na. Katulad nalang ngayon.
"Magkikita naman ulit tayo sa Monday. Let's eat breakfast in that café again?" Panglalambing ko sa boyfriend ko. Narinig ko rin ang pag-buntong hininga niya sa kabilang linya and that made me chuckle.
[Baby loves...]
"Hmm?" Tanong ko sa pag-tawag niya.
[Are you free tomorrow?] Tanong niya.
Napaisip naman ako. "Plano kong pag-aralan yung isang mahirap na subject namin buk--"
[You can do that later. You've been studying hard for the whole month already. You need to relax.]
Relax? "You mean..."
[Yes. Let's go on a date tomorrow. Clean your schedule for tomorrow and be with me.]
Hearing the serious tone in his voice while saying those words make me blush. He wants me to be with him for tomorrow, huh? Well then...
"Fine. Let's do that. Yes, I'll be with you tomorrow."
.
*Riiing!-riiing!*
Naka-pikit kong hinanap ang phone kong tumutunog ang alarm. I'm still sleepy pero willing naman akong bumangon ng maaga dahil sa usapan namin ni Rhobert. Nung nahawakan ko na ang phone ko ay dumilat na ako kahit inaantok pa, agad kong pinatay ang alarm at napatulala nalang.
It's early in the morning at madalas pag weekend ay late ako gumising since wala namang pasok. Pero dahil sa isang lalakeng biglaan ang pag-aaya sakin ng isang date, eto, gumising ako ng maaga para makapag-handa ng ayos.
"7 palang ng umaga? Tsk." Sabi ko sa sarili matapos makita ng maayos ang oras sa wall clock. Nakaupo na ako ngayon sa kama at tuluyan nang gising. Medyo wala pa ako sa diwa kaya naka-upo lang muna ako.
Thanks to that date ay napatigil ako sa pag-aaral kagabi at mas piniling matulog ng maaga para maging maayos itsura ko ngayon sa date namin. Pinili ko din gumising ng maaga ngayon para makapag-handa ng ayos dahil masyadong biglaan ang pag-aaya ng date ni Rhob sakin. Ni di ko pa nga alam kung anong susuotin ko. Ni di ko pa alam kung paanong hairstyle at make up ang gagawin ko. Everything's unexpected but it's fine. I'm pretty excited about this date actually. Tama rin si Rhob na kailangan kong mag-relax since puro aral na ang ginawa ko.
Thanks to my boyfriend, I realized that I should enjoy my weekends.
Bandang 11 am daw ako susunduin ni Rhob. Sabay na daw kaming kumain ng lunch sa labas at sinabihan narin niya agad ako na gagabihin kami ng uwi dahil sa date namin. Sya narin daw bahala mag-paalam kela kuya. I tried to ask him kung anong plano niya sa date namin ngayon pero ayaw niyang mag-salita. He just assured me na mage-enjoy ako ngayon kasama sya. But I think kahit saan kami magpunta basta nasa tabi ko sya ay sobrang mage-enjoy na ako.
Bumangon na ako at nag-umpisa nang mag-hilamos. Namili narin agad ako ng damit na susuotin ko ngayon. Inisip ko narin ang magiging hairstyle at itsura ko ngayon. After mag-desisyon ay pinili kong bumaba muna para kumain ng light breakfast. Plinano ko naring pagkatapos kumain ay tuloy tuloy na ang pagaayos ko.
Pagdating sa dining room ay nakita ko agad sina kuya at ate Alice. Mukang maagang umalis ulit si daddy at lolita kaya si kuya lang ang kumakain sa lamesa.
"Good morning!" Bati ko sa kanila at agad rin naman nila akong binati. Mukang nagkwe-kwentuhan sila at naabala ko lang.
"Good morning! Kain ka na. Ipag-handa lang kita saglit ng kape mo." Naka-ngiting bati sakin ni ate Alice at umalis para igawa na nga ako ng kape.
Nag-umpisa narin akong kumain nang si kuya naman ang magsalita sa kalagitnaan ng kanyang pagkain. He's eating rice while I am just eating an overloaded sandwich.
"Tumawag sakin boyfriend mo kagabi. Grabe, akala ko kung anong sasabihin. Nag-paalam lang pala na may date kayo ngayon at maaring gabihin kayo ng uwi." Sambit niya at napa-buntong hininga pa.
"Nag-expect ako na si Fatima yung tumawag tapos biglang si Rhobert lang pala. Hay." At napa-iling pa sya na parang disappointed at kasalanan iyon ng boyfriend ko.
"Sorry to disappoint you then." Tinawanan ko lang siya. Saktong dumating nadin nun ang kape ko.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay si ate Alice naman ang nagtanong at parang nang-aasar pa ang tono.
"May date daw kayo ni Rhobert? Kaya pala maaga gumising.." Naka-ngisi sya sakin at natatawa nalang akong umiling sa kanya.
"Makipag-date ka nalang din kung naiinggit ka." Pang-ganti ko naman sa kanya at tinuloy nalang ang pagkain.
Saglit lang din naman ako kumain at nag-paalam nang maghahanda. Supportive naman si ate Alice samantalang si kuya ay napailing nalang sakin.
"Go! Mag-ready ka na. Madami ka pang kailangan iready." -Ate Alice.
"Mga babae talaga... tsk. Ang aga pa pero nag-reready agad. Di nyo ba kaya yun ng 30 minutes preparation?" -Kuya Marky.
Natatawa ko nalang silang iniwan. Nag-aaway na sila dahil binatukan ni ate Alice si kuya dahil sa sinabi nito tungkol sa sobrang tagal ng pagaayos ng mga babae. Go ate Alice!
Lumipas ang ilang oras at napansin ko nalang na saktong 11 na. Saktong kakatapos ko lang din mag-ayos. Nag-lagay ng light make up, kinulot ng konti ang buhok, nagsuot ng magandang damit, off-shoulder sa top and high-waist pants. Okay na!
*Tok-tok!*
"Mira!? Nandito na sa baba si Rhobert. Ready ka na ba?" Narinig ko ang boses ni ate Alice sa labas ng pinto. Napa-ngiti nalang ako at hadaling kinuha ang bag at saglit na tumingin sa salamin para sa last second checking.
Pagbaba ay nakita ko agad si Rhob na nakaupo sa sofa katabi ang kapatid ko at nag-uusap ng kung ano.
"Hoy Marky, tigilan mo yang si Rhobert. Nandito na girlfriend niya oh." At saka hinila pa ni ate Alice si kuya. Dahil dun napansin nadin nung dalawa na nandito ako.
Naka-ngiting lumapit sakin ang boyfriend ko. Pagka-lapit sakin ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Pinagsalikop ang daliri namin at nakahawak na ang kamay ng isa't-isa.
"Una na kami. Kuya Marky, miss Alice." Tango ni Rhobert sa kanila. Naka-ngiti samin si ate Alice samantalang si kuya ay pipigilan pa ata kami pero hinila narin ako palabas ni Rhobert.
Pagkasakay sa kotse ay napansin ko ng tuluyan ang suot niyang jeans at branded polo shirt. Simple pero ang gwapo niyang tignan. Dahil di rin ganon ka-formal ang suot niya, I wonder kung saan kami pupunta.
"You can stare at me forever." Naka-ngisi si Rhobert nung sinabi yun habang naka-harap sa kalsada. Kasalukuyan na syang nagda-drive palabas ng subdivision.
Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko dahil alam pala niyang kanina pa ako naka-titig sa kanya. Gosh! I heard his chuckle.
"As always, you look beautiful, my love."
At dahil dun ay bumigay na ako. Ramdam ko ang sobrang pagpula ng pisngi ko at ang mabilis na tibok ng puso ko. Natawa ulit siya dahil dun pero hinawakan nalang niya ang kamay ko habang nagma-maneho. Hinayaan ko nalang hanggang sa makarating kami sa isang restaurant malapit sa isang amusement park.
"I'll have this sweet&sour pork and ceazar salad." Sabi ko sa waiter na kasalukuyang kinukuha ang order namin.
"I'll have the steak." Maiikling sabi ni Rhob.
After i-confirm ng waiter ang order namin ay umalis na ito kaya nalipat ang atensyon ko sa kitang-kita na ferris wheel mula sa pwesto namin. Katabi rin namin ang bintana kaya kita talaga namin ang view ng naglalakihang rides ng amusement park.
"We can ride the ferris wheel as our last ride."
Napatingin ako kay Rhobert dahil sa sinabi niya. Nagtataka rin dahil sa mga sinasabi niya.
"We should enjoy other rides first!" Excited pa niyang dugtong sa sinasabi niya.
"Huh? You mean... we're going there? In the amusement park?" Medyo gulat kong tanong. Narealize ko narin ibig niyang sabihin eh.
"Yup! Doon magaganap ang date natin." Naka-ngiti siya sakin habang sinasabi yun at di ko rin maiwasan makaramdam ng sobrang saya.
Nagkwentuhan narin kami kung ano unang sasakyan namin at sunod habang kumakain. Mabilis lang din kami natapos dahil mas excited ata kami pumasok sa amusement park na parang mga bata. Huling punta ko dito ay kasama ang buong barkada. Pero ngayon ay kaming dalawa lang ni Rhob. It really is a date!
"Rhooob! Dalian mo!" Pangungulit ko sa boyfriend ko sa entrance ng amusement park at natatawa nalang siya sakin.
"Yes, yes, baby loves. Kalma lang." Natatawa niyang sabi. Napa-pout nalang ako at mahina naman niyang kinurot ang pisngi ko.
Kami na ang sunod sa pila na makakapasok na sa loob. Sunday din kasi kaya madaming tao pero okay lang. Enjoy lang dapat. Napansin din kami nung isang staff na namamahala sa pagkuha ng ticket at halos mamula pa ako sa sinabi niya.
"Good afternoon sir and ma'am, welcome! Enjoy your date po and bagay na bagay po kayo tignan." Masiglang bati samin nung staff matapos iabot sa kanya yung dalawang ticket.
Namula lang ako samantalang si Rhobert ay natatawang nag-pasalamat. "Thank you." At pumasok na kami sa loob.
May indoor rides at outdoor. At halos mamangha lang ako sa ganda at excitement ambiance. Naka-ngiti kong pinagmamasdan ang paligid nung may bigla akong marinig na tunog ng camera kaya napalingon ako sa pinang-galingan nun at nakita ko si Rhobert na may hawak na digital camera na naka-tutok sakin.
"Hala!" Gulat kong nasabi nung narinig ko ang shutter habang naka-titig sa kanya. Di ako naka-ngiti dun!
"It's fine. You always look beautiful." Sambit niya habang tinitignan ang picture ko sa camera. Napalapit narin tuloy ako at nakita ang picture ko at aba! Maganda nga ang pagkakakuha.
"See? Don't be worried. Let's go." At naka-akbay siya sakin na hinila ako papunta sa isang rides.
"AAHHH!!!" Sigaw ko habang nakasakay sa Anchors Away. Sa dulo pa kami naka-sakay!
"Omg... AAHHH!!!" Sigaw ko muli sa isa pang ride na biglang tumaas.
"WAAAH!!!" Sigaw ko sa isang ride na flying fiesta.
"Myghad! AAHH!!!" Sigaw ko nung nasa roller-coaster kami.
"Rhob!" Natatawa kong sigaw sa boyfriend ko nung matamaan ko sya sa bump cars. Natawa lang din sya sakin. Kanina pa talaga sya natatawa sakin sa bawat rides na sinasakyan namin. Kanina pa din siya panay picture sakin sa di ko malamang bagay.
"Yah! How dare you!" Natatawa kong sigaw sa kanya nung sya naman ang tumama sakin.
"Gantihan lang." At nag-belat pa sya sakin. Nagtawanan nalang kami sa pang-aasar sa isa't-isa.
Pumasok din kami sa Horror House kahit labag sa loob ko. I never wanted to enter such scary house! Even though it's fake, I don't want to!
"Nakakainis ka Rhob." Naiinis at natatakot din na sambit ko sa boyfriend ko. Nasa loob na kami pero malapit pa sa entrance at dahil sa dim light at nakakatakot na tunog ay mahigpit akong nakayakap sa braso ni Rhobert.
At sa kada susulpot na nakakatakot ay di ko mapigilan ang paghigpit ng yakap kay Rhob at ang pagsigaw ko na maririnig talaga sa buong horror house.
"WAAAAH LUMAYO KA!!!"
"AAAHHHH!!!"
"RHOBEEEERT!!!"
"AAAAAAHHHH LAYO!!!"
At malapit na sana kami sa exit nung harangan kami ng isang may nakakatakot na muka. Sunog ang buong muka at halos atakihin ako sa puso dahil sa biglaan niyang pagsulpot sa harap.
"A-alis dyan..." Natatakot kong bulong. Ayaw niyang umalis at naramdaman kong hinihila ako ni Rhob sa gilid dumaan pero di rin ako maka-galaw sa sobrang takot.
"Baby loves..." Bulong sakin ni Rhobert pero mas nangibabaw sakin ang takot. Kahit fake 'to di ko parin talaga mapigilan matakot.
Narinig ko ang buntong hininga ni Rhob at sinimulan nanaman akong hilahin at napalakad na rin ako pero hinarangan kami muli. At dahil gusto ko nang maka-alis ay may nagawa akong bagay na di naman sinasadya.
"Excuse me-- Mira!?" -Rhob.
*Boogsh*
"ARAY! Bakit ka nananapak miss!?"
And yep, unexpectedly, nasapak ko na siya sa sobrang takot at dahil nakita iyon ng staff ay nadala kami ni Rhobert sa management office ng amusement park.
"Sir, we're really sorry for what happened. Di lang ata talaga na kaya ng girlfriend ko yung takot niya." Paghingi ng paumanhin ni Robert sa manager.
Ako naman ay tahimik na naka-yuko at naka-upo lang sa isang sofa habang busy si Rhobert makipag-ayos sa manager at katabi lang din niya ay ilang guards pati yung nasapak kong lalake. Tuwing iaangat ko din ang paningin ay napapansin ko ang panay titig nung lalakeng nasapak ko kaya mas pinipili ko pa tuloy na iyuko nalang ang ulo at pakinggan ang diskusyon.
"We'll pay for his medical bills." -Rhobert.
"There's no problem about that sir. But--" Napatigil sa pagsasalita ang manager nang sumabat yung lalakeng nasapak ko.
"Di ko naman po kailangan madala sa hospital. Kahit magusap nalang kaming dalawa ng private at pribado kong marinig ang apology niya." Titig na titig sakin na sambit nung lalake. I really felt sorry about what happened but the way looks at me is creepy. Napalingon din ako kay Rhobert at nakita ang madilim niyang titig dun sa lalake.
"Public apology is better than private." Giit ni Rhob.
"Sir, yun lang ang tatanggapin ko bago kayo hayaan na umalis ng office na 'to." Ngisi naman nung lalake kay Rhob. Nararamdaman ko narin ang irita ni Rhobert at mukang ganon din ang ilang staff.
"As her BOYFRIEND, I'll come with her on your private talk."
Mukang naramdaman ng lahat ang authority ni Rhobert at wala na si lang na gawa kundi pumayag sa kahilingan nung lalake at ni Rhobert.
Pero teka nga? Di pa ako pumapayag makipag-usap sa lalakeng creepy na yun ah!
Pero di rin naman natuloy ang pribadong paguusap. Instead ay nag-sorry ako sa kanya in front of everyone. Di natuloy dahil mukang natakot din siya sa aura na pinaramdam ng boyfriend ko. Authoritative and serious.
Naglalakad na kami ni Rhobert ng magkawak-kamay at tahimik lang habang ang paligid ay maingay dahil sa kasiyahan kahit papalubog na ang araw. Ang tagal din ng na sayang na oras namin sa office na iyon. At dahil din sa lalakeng yun ay mukang nawala kami sa mood. I'm very willing to apologize pero siya mismo ang nagbigay reason sakin na di niya yun deserve. The way he looks at me felt very creepy.
So kahit may kasalanan ako, meron din ang lalakeng yun. Naramdaman lang din ni Rhob yun kaya ginawa niya lahat para maprotektahan ako.
"Mira..."
Nabalik ako sa huwisyo nung malambing na tinawag ni Rhobert ang pangalan ko. Naramdaman ko din mahinang pagpisil niya sa kamay ko.
"Hmm? Yes, babyloves?" Sagot ko naman sa kanya.
"It's time to ride that moving thing." Sambit niya at may tinuro. Tinignan ko naman ang tinuro niya at halos mag-ningning ang dalawa kong mata sa nakita.
It's the ride that we saved for the last and the ride that will surely break our gloomy mood!
"Perfect talaga sakyan ang ferris wheel pag gabi." Masayang Sambit ko habang pinapanood ang paligid dahil unti-unti na kaming tumataas. Naka-sakay na kami sa ferris wheel.
"As I thought..." Napalingon ako kay Rhobert dahil sa sinabi niya. Naka-ngiti siya sakin ngayon.
"Did you learn something?" Nagtataka ko namang tanong sa kanya. 'As I thought' daw eh.
"Yeah. As I thought, if we ride this ferris wheel, babalik ang sigla mo." Naka-ngiti siya sakin ngayon na parang sobrang saya niya na naibalik niya ang sigla ko katulad nung sigla ko nung bagong dating palang kami dito.
Nagulat naman ako sa kanya kasi di ko ineexpect na all this time na tahimik siya, iniisip niya kung paano magbabago ang mood ko.
"See? The way you look at the scenary before, manghang-mangha ka. And you really look beautiful when you have that blissful smile on your face." At di parin nawawala ang ngiti niya sakin.
Why am I so blessed to have a love one like him? To be honest, I think I can only wear this blissful smile when I'm with him.
"Rhobert?"
"Yes, baby loves?"
"Mahal mo talaga ako 'no?"
I heard his chuckle at ang gwapo at hot pakinggan.
"Hindi ba obvious?"
Natawa narin ako. "Oh well, I love you too!" Sagot ko naman at pareho na kaming natawa.
This is one of a truly blissful moment that I'll forever treasure.
--------------------
Multimedia Side: Rhobert Castro
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top