Chapter 8 - Annoyance

.

Mira's POV

"So... Zeid, wala ka ba talagang planong ibigay sakin number mo?" -Paolo.

"Pfft. Wala." -Zeid.

"Bakiiit? Pero yung ibang kaklase natin pumayag kang ibigay! Ang damot lang kasi din nung mga binigyan mo, magagalit ka daw pag binigay nila sakin number mo." -Paolo.

"Well.. because I know that you had other intention for getting my number." -Zeid.

"Ay grabe ka papi. Wala akong ibang intention aaah. Friendly intention lang meron ako." -Paolo.

"Hahaha! I'm sorry but my first answer will remain as my answer." -Zeid.

"Aww... eto nalang. Ibigay mo nalang sakin apilido mo hihi." -Paolo.

Napatigil ako sa pagbabasa at napalingon kay Paolo dahil sa sinabi niya. Di ako makapaniwala sa banat niyang iyon at halos matawa ako ng malakas dahil dun. Napatingin naman ako kay Zeid na nanlaki lang ang dalawang mata dahil sa sinabi ni Paolo. Narinig ko naman sa gilid ko ang hagikgik ni Paolo.

Di ko na mapigilan mapailing sa kalokohan ni Paolo. Di rin mawala ang ngiti sa labi ko. "Guys magtigil na nga kayo. Ikaw Pao, kaya ayaw niya ibigay sayo dahil may magagalit. Respeto din kasi nagbabasa po ako."

Napapagitnaan kasi nila akong dalawa kaya rinig na rinig ko talaga pinaguusapan nila. Sanay naman na ako sa ganitong scenario kaso nagre-review kasi ako ngayon. Friday na ngayon at ibig-sabihin nun ay may quiz tungkol sa mga napag-aralan sa week na ito.

"Beshy, magbasa ka nalang dyan at suportahan ako sa pagkuha ng number ni papi Zeid." Inirapan pa ako ni Paolo at binalik ang tingin kay Zeid with matching smile pa.

"Dude, 1 week ka nang nangungulit sakin. Di ka pa ba nagsasawa?" Natatawang tanong ni Zeid kay Paolo.

"I'm not a dude. I'm a miss!" Paolo exclaimed which make me laugh so hard. Ganon din si Zeid, di narin niya napigilan tumawa ng malakas.

"What's so funny!?" Pagtataray ni Paolo pero di na namin nasagot kasi busy parin kaming tumawa. Grabe. Lagi talaga akong laughtrip kay Paolo. Ang saya nga magkaroon ng friend na katulad niya.

"Miss Aguinaldo."

Napatigil naman ako sa pagtawa nung may marinig akong tumawag sakin. I composed myself first bago hinarap ang pamilyar na boses and yep, I just saw Raquisha na naka-taas ang kilay sakin. Nasa likod niya ang kaibigan niyang si Arine Cervantes na ngumiti sakin ng maliit pero mas madalas parin ang tingin sa katabi kong si Zeid. Napatingin din ang magkabilang katabi ko sa kanila.

"Yes?" Tanong ko kay Raquisha.

Raquisha and I were not in good terms. Nung una ay naka-move on na ako sa pagpapakita niya ng interes sa boyfriend ko nung nasa Palawan kami nung bakasyon. Pero sa 3 weeks na kaklase ko sya at pumupunta dito si Rhob sa classroom namin ay nakikita ko ang pagbibigay niya ng interes at motibo sa boyfriend ko. Oh diba? Imposible pa sa ngayon ang pagbabati namin.

"Stop laughing and go do your job. Here's our assignment. Gawin mo yung inutos sayong gawain ng professor na kolektahin ang assignment namin. Hindi yung kami pa ang lalapit sayo." I can see the mataray mode of Raquisha right now.

What I like about Raquisha is she's being honest with me. I mean hindi siya plastik. Never din siyang naging willing makipag-plastikan sakin. She may be nice to me dati sa Palawan, pero ngayon ay sa bawat araw na lumilipas ay kumukulo ang dugo namin sa isa't-isa at lantaran iyon. Alam ng lahat ng kaklase namin na di kami magkasundo.

"Excuse me? Ginagawa niya ang trabaho niya." Pagtataray ni Paolo sa kanya. Sakin sya kampi ayon sa kanya dati. Ayaw daw niya ang pabibo personality ni Raquisha.

"Pao." Agad kong inilingan si Paolo bilang senyas na tumigil. Napairap naman siya at tumigil nga rin.

Napa-hinga naman ako ng malalim. I like her attitude na ayaw niyang makipag-plastikan. Pero I hate her foul tongue. She's harsh at grabe makipag-tarayan. Di ko inexpect na mag-1 month palang ang school year ay may naghanap agad ng away laban sakin.

"I'm doing my job. Pero ang sabi ng prof ay bago mag-lunch break ko kolektahin at saka ibigay sa kanya. He wants us to focus on reviewing dahil alam niyang may quiz tayo sa lahat ng subject ngayon." Kalmado ko namang sagot.

I'm actually pissed right now. I can't stand her anymore.

"Review pero busy ka lang naman makipag-tawan sa friends mo?" Naka-taas kilay niyang tanong sakin.

Seriously, I don't get this lady. Pero kahit ayaw namin sa isa't-isa ay pinipigilan ko parin lumaki ang gulo.

"Kasi tapos na akong mag-review?" Taas kilay ko ring sagot. "And besides, walang pakelamanan kung nakikipag-kwentuhan sa kaibigan. Di naman kita pinapakelaman pag nakikipag-kwentuhan ka kay Arine."

Nabwisit ko lalo si Raquisha at napataas din ang kilay sakin ni Arine. Siguro dahil nadamay ang pangalan niya. I'm just telling the truth naman. Nadamay lang pangalan niya kasi sya ang kaibigan ni Raquisha at laging kakwentuhan, obviously.

"Arrg. Whatever! Kolektahin mo nalang basta sa tamang oras!" At nag-walk out na. Naiwan saglit si Arine dahil kumaway muna ito kay Zeid na tinanguan lang siya. Matapos ay mabilis itong sumunod sa kaibigan niyang papaupo na sa sariling upuan.

Natahimik naman kami nila Zeid at Paolo dahil sa nangyare. May sumipol sa likuran ko kaya napalingon kami dun at nakita ang kaklase kong lalake na si Ceasar pati ang kaibigan niyang si Bern. Naka-ngisi sila sakin at may kakaibang tingin kaya tinalikuran ko nalang sila dahil alam kong kalokohan nanaman sasabihin nila. Binuklat ko nalang ulit ang libro ko nung marinig ko ang boses ni Ceasar.

"Okay lang yan miss perfect. Ganon lang yun kasi inggit. Mas maganda at matalino ka parin." -Ceasar.

"Oo nga! Tama sya miss perfect." -Bern.

Not expecting na hanggang college ay may tatawag sakin ng ganon. At mga di pa talaga nag-aral sa Willstone Academy ang tumawag sakin ng ganon. Nalaman ko nalang sa dalawang kaklase kong lalake na sikat daw ako kahit sa ibang school dahil sa angking kagandahan at katalinuhan ko daw. Sikat din daw ako sa pagiging one-of-a-kind Student Council President. Sobrang yaman ko din daw kaya mas naging perfect pa daw ako. Ang OA talaga masyado at di ko alam kung magiging grateful ako sa kasikatan ko o matatawa nalang.

Narinig ko nalang na natatawa si Zeid at Pao sa mag-kabilang gilid ko. Of course, natatawa sila dahil kela Ceasar at Bern na wala nang ibang ginawa kundi magpapapansin since first week of school. Mas nadagdagan lang ang pagka-bad mood ko dahil sa dalawang papansin.

Fastforward. Matatapos na ang last subject, di na din ako nagulat sa sinabi ng professor namin ngayon dahil kanina ko pa naririnig ito sa bawat prof bago matapos ang isang subject.

"Congratulations to miss Mira Aguinaldo for being the highest scored student in our quiz again for our 3rd quiz this month." Naka-ngiting bati sakin ni prof at narinig ko naman ang palakpakan ng lahat.

Di ko narin masyadong naintindihan ang sumunod na nangyare. Bigla ko nalang nalaman na class dissmiss na pero bago nag-uwian ang lahat ay halos binati ako ng bawat kaklase namin.

"Mira! Congrats! Sa pagiging highest mo palagi sigurado nang pasok ka sa dean's list."

"Congrats! Minsan nga paturo sayo, baka sakaling di na ako bumagsak haha."

"Mira, share mo naman secret mo kung bakit highest ka lagi."

Madami pa akong naririnig na kung ano, di rin nawala dun ang dalawang papansin sakin tuwing class time.

"Miss Perfect ang galing mo talaga! Kaya idol kita eh." -Bern.

"Ang perfect mo talaga!" -Ceasar.

Napa-iling nalang ako sa mga puri nila at sinuklian ko nalang sila ng ngiti. I'm thankful for the praises that I receive pero sadyang wala na ako sa mood ngayon kaya di ko masagot sila. Buti nalang din tinulungan ako maka-alis nila Paolo at Zeid. Madalas kasi ganon nangyayare sakin every quiz time or every Friday.

"Pinagkaguluhan ka nanaman." Natatawang bulong sakin ni Zeid habang hinihila nila ako palabas ni Paolo. Napa-iling nalang ako sa pang-aasar niya.

Naka-hinga naman ako ng maluwag nung naka-labas na kami ng classroom. Finally, fresh air kahit ang totoo ay madami ding tao ang naglalakad sa hallway dahil halos labasan na ng lahat.

"B-beshy..." Napalingon ako kay Paolo dahil sa pagkalabit niya sakin. Napansin kong nakatingin sya sa iba kaya nilingon ko naman kung ano tinitignan niya.

Napa-nganga nalang ako at nanlaki ang dalawang mata nung makita si Rhobert na naka-tambay malapit sa classroom namin. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit nanlaki ang mata ko. Dahil ang dahilan talaga ay may kakwentuhan siyang haliparot na trip akong awayin kanina.

Kitang-kita ko ang mahinhin na galaw ni Raquisha, katulad lang nung pakikitungo niya samin nung nasa Palawan dati. Naka-ngiti lang din sa kanya si Rhobert at tumatango pa minsan. Of course, ginagawa niya iyon para hindi maging rude. But still, those smiles between them makes me feel annoyed so much. Ang hirap magpigil na sabunutan yung babae grr.

Obviously, nagiging ganito lang ako pag alam kong may ibang hangad yung babaeng kumakausap sa kanya. Knowing Raquisha, halata talagang may iba syang hangad. Tss. Bakit may mga taong desperada sa taong in a relationship na? Diba sila marunong makiramdam? Alam mong in a relationship yung tao tapos makikisawsaw ka parin. Feeling sawsawan ata eh. Gawin ko kayang ketchup dugo niya!?

Di ko na napigilan lumapit sa kanila. Busy parin si Raquisha sa pagtingin kay Rhob samantalang si Rhob ay nakita agad ako at ngumiti sakin ng ubod ng tamis. That's right.

Nakakainis. I want those smiles only for me. Not for other people. Not for Raquisha!

Call me rude or what pero hinila ko na si Rhob paalis dun kahit busy pa magsalita si Raquisha. Hearing her gentle but flirty voice makes me feel more irritated.

Nagpahila naman ang boyfriend ko at wala akong narinig na nagpaalam sya kay Raquisha. Well that's good. Pero di ko sya nililingon habang hinihila ko sya. I'm very annoyed at baka sa kanya ko lang mabuntong ang inis ko. Pagdating namin sa labas ng building ay binitawan ko na ang kamay niya. Ang mahalaga lang naman sakin ay maalis ko sya sa range ng babaeng yun. Nag-umpisa nalang ako maglakad mag-isa papuntang cafeteria and mind you, hanggang ngayon di ko parin sya nililingon.

"Mira--" -Rhobert.

"Sunod ka nalang. Hintayin mo si Zeid. Nagugutom na ako." Bakas ang pagkairita sa boses ko at siguradong napansin niya iyon. Nagumpisa na muli akong maglakad ng mapatigil ako dahil sa paghila niya sakin kaya tumama ang harapang katawan ko sa dibdib niya.

Medyo nagulat ako sa pag-hila niyang iyon. Naramdaman ko naman ang isang braso niya na pumulupot sa bewang ko at isa ay sa likod ko. In short, he's hugging me! In front of many students walking. This is definitely PDA!

But... I find it so comfortable and sweet. Obviously this is his way of making me calm. I'll just go and accept this even though the annoyance is still stirring inside me.

Niyakap lang niya ako kahit padami na ng padami ang estudyanteng naglalabasan at mas madaming nakakakita. Napapatingin sila samin, namula ang pisngi ko at nahihiya nalang ako sa pinapakita nilang reaction. And buti nalang dumating nadin si Zeid kundi baka yakapin nga ako ni Rhob mag-hapon.

"Lunch time. Let's go?" Ngisi samin ni Zeid. Naramdaman ko naman ang pagpula ng pisngi ko.

Natawa nalang si Zeid habang nakatingin kay Rhob. Tinignan ko naman ang muka ng boyfriend ko at naka-tingin lang ng masama kay Zeid. Naglakad narin kami papuntang canteen. Naghihintay na siguro doon si Jaraica at Keana. Di namin kasabay sila Angeloy, Brine at Jhaycee ng lunchbreak pag Friday.

Pagdating sa canteen ay nahanap ko agad si Jar at Kea sa madalas naming pwesto pag sabay-sabay ang lunch break namin. 3 babae lang 2 boys lang available sa barkada ngayon. Because the boys are gentleman, sila nalang daw kukuha ng lunch namin at maghintay nalang daw kami dito sa table.

"Talaga? Kayo na bahala pumila para sa lunch namin?" -Jaraica.

"Oo nga. Mas magegets ko pa kung si Rhob kukuha ng lunch ni Mira eh."

"Sure yun. Sige na at pumili na kayo ng oorderin, baka mas humaba pa pila." Naka-ngiting sambit ni Zeid sa dalawa. Napatingin naman ako kay Rhob nung nagsalita sya.

"Baby loves, what do you like to eat?" Tanong niya habang katabi ko sa siyang nakaupo at pinaglalaruan ang kamay at mga daliri ko.

"Kahit ano..." Medyo wala sa mood na sa sagot ko. Naramdaman ko ang pagtango niya at binitawan na ang kamay ko at tumayo na. Napatingin naman ako sa kanya at naglakad na sya papunta sa counter kasama si Zeid.

"Huy Mira!"

Nabalik ako sa huwisyo nung tawagin ako ni Keana. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang naka-taas niyang kilay sakin.

"May problema ba kayo ni Rhob? LQ?" Napalingon naman ako kay Jar dahil sa tanong niya. Pareho na nila akong tinatanong ngayon.

Agad akong umiling sa mga tanong nila. "Wala kaming problema. As you can see, he's very sweet to me. Kaya paano kami magkaka-problema diba?"

He hug me in in front of other people. He holds my hand like it's his own. He even played or massage my fingers. It's so sweet. Wala talaga kaming pinag-awayan.

"Okay fine..." Medyo di parin naniniwala na sambit ni Keana.

"Ah! Alam ko na! Baka naman kasi kanina oo magkagalit kayo pero after ka niya yakapin sa harap ng mga estudyante ay nawala na ang galit mo!" Sambit ni Jaraica.

Naramdaman ko nanaman ang pagpula ng dalawang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nakaramdam din ako ng gulat. Wala naman sya kanina sa paligid ng Business Management building, paano niya nalaman yun!?

"Woaaah. Totoo ba!?" Halatang kinikilig naman si Kea. Masayang tumango sa kanya si Jar.

"A-at saan mo naman nakuha ang bagay na yan!? Nandun ka ba kanina? Bakit di ka namin nakita or bakit di mo man lang kami nilapitan?" Namumula ang magkabilang pisngi ko habang tinatanong sa kanya yun. Nagpapanic ako na parang nahihiya din.

"Nope! Sabay kaming nagpunta dito ni Kea. Shinare lang sakin ni Zeid ang nakakakilig na moment na nakita niya." Natatawa pa si Jar habang sinasagot ang tanong ko. Pero ramdam mo din ang pang-aasar at kilig sa boses niya.

"Ang PDA nyo ah! Di naman kayo ganyan ka-aggressive sa harap ng tao nung high school." Pang-aasar din ni Kea at nagtawanan sila ni Jar dahil sa sinabi niya.

Mas naramdaman ko ang pagpula ng muka ko dahil sa term na sinabi niya na 'aggressive'. Do we really look aggressive in our relationship now!?

"T-t-tumigil nga kayo! Basta di kami magkagalit ni Rhob. A-and... bigla nalang sya nang-yakap! It's all his fault!"

"Ayiiee!!" Kantyaw ng dalawa sakin at di ko narin kinaya ang kahiyaan na nararamdaman ko.

Even though they are my friends at matagal na nilang nasusubaybayan ang relasyon namin ni Rhobert, nahihiya parin ako sa mga pang-aasar nila about sa pagiging couple namin. Pero comfortable na ako pag sweet kami ni Rhob at sila ang kaharap. Nahihiya lang talaga ako sa pang-aasar nila.

"Well then..." Napatingin ako kay Jar dahil mukang iibahin na niya ang topic at tapos na sila sa pang-aasar sakin. "What's the real reason that you're feeling annoyed today?"

Tinignan ko sila pareho at halatang inaabangan lang nila ang isasagot ko. Di ko alam kung tama bang sabihin yun habang nandito sa school. Mas magandang pagusapan ang ganito pag magkakasama lang kaming magkakaibigan diba? I mean yung wala kami sa public place, school to be exact. Lalo na't nasa paligid lang yung ugat ng issue na gusto kong ikwento.

Narinig ko ang buntong hininga ni Jar dahil wala akong sinasagot. Naisip kong magsalita nang bigla akong maunahan ni Kea.

"Mukang kailangan natin mag-girls bonding ah?"

"I guess? Well matagal nadin since nung huli nating labas na tayong mga babae lang." Sang-ayon ni Jar.

"So game na? Friday naman ngayon at walang pasok bukas!" -Kea.

"Osige. Kahit mamaya nalang sa Mall. Text ko na si Jhaycee para ma-free niya schedule niya mamayang uwian." -Jar.

"Ano kaya magandang gawin mamaya? Shopping? Movie time? Foodtrip? Salon?" -Kea.

"We can actually do all of that later!" -Jar.

"Ahh finally! A hangout without the boys!" -Kea.

Nag-tuloy pa sila sa pagdadaldalan sa harap ko tungkol sa biglaang gala na naisip ni Keana. Di na ako maka-sabat sa pinaplano nila at mukang tuloy na tuloy na nga ang biglaang lakad lalo na't natext na agad ni Jar si Jhaycee tungkol sa biglaang gala mamaya.

"Okay na! Nasend ko na kay Jhay kung saan tayo magkikita mamayang uwian." Masayang deklara ni Jaraica at nag-diwang nadin si Keana tungkol dun.

"Ahm. Plano ko sanang mag-aral pagkauwi..." Angal ko at tinignan naman nila ako. Sinamaan ako ng tingin ni Keana samantalang si Jaraica ang ningitian lang ako at nagulat nalang ako sa sinagot niya sa pag-angal ko.

"May kanya kanya tayong issue na kailangan pag-usapan at tayong mga babae lang ang magkaka-intindihan. We need this." Naka-ngiting sambit lang sakin ni Jaraica.

With that ay napapayag na ako ni Jar sa biglaang gala na ito. Saktong dumatin nadin nun sila Zeid at Rhob dala ang lunch namin galing sa napaka-habang pila sa counter. Agad din kinuwento nila Jar at Kea ang plano sa dalawang lalake. Halos di rin sila pumayag. Of course, Zeid is protective to his future girlfriend. Rhobert is protective when it comes to me. Because I'm his girlfriend.

Pero syempre kahit umayaw pa sila ay mananalo parin kaming mga babae. Kahit binalaan ni Zeid ang dalawa na isusumbong kay Angeloy at Brine ay di parin nagpatalo ang dalawang babaeng kaibigan ko. So in the end ay pumayag na rin si Zeid at Rhob. Pero may sinabi sakin si Rhob bago ako payagan ng tuluyan.

"Fine. Papayag na akong sumama ka sa kanila. But I'll fetch you early. 1 hour before the closing of the mall. And please don't let boys get attracted to you." Seryoso niyang sabi.

Napa-buntong hininga naman ako habang inaalala ang linya niyang iyon kaninang lunch break. Halos matawa at kiligin sina Jar at Kea dun sa sinabi niya habang si Zeid ay natawa lang at nag-joke pa na naiinggit kasi wala si Jhaycee sa tabi niya kanina.

Uwian na nga pala kaya naghihintay na ako sa pinag-usapang waiting place namin. Wala pa yung tatlo at 5 minutes palang naman ako dito sa waiting shed malapit sa gate ng school na ito. Habang naghihintay ay pumapasok nalang sa isip ko yung sinabi kanina ni Rhob lalo na yung 'And please don't let boys get attracted to you.'

How am I suppose to do that? And never ko naging intention na maka-attract ng ibang lalake! Sino naman kasi gugustuhin yun diba!? I want to have a peaceful time later in the mall with my friends. Saka kung may gugustuhin man akong ma-attract na lalake...

That would be my boyfriend. None other than Rhobert Castro.

"Omg! Mira!"

Nabalik naman ako sa huwisyo dahil sa narinig kong tumawag sakin. Napalingon ako kung saang gawi yun at nakita sila Jaraica, Keana at Jhaycee na tumatakbo papunta sa pwesto ko.

"Hello! Ang tagal nyo ah." Bati ko sa kanila pagkarating sa pwesto ko. Napasilip narin ako sa wristwatch ko at nakitang 10 minutes na akong nandito at 10 minutes din silang late.

"Ito kasing dalawa. Nag-retouch pa, akala mo naman makikipag-date." Natatawang sambit ni Jhaycee at sinamaan naman sya ng tingin ni Jar at Kea.

"We need it! So we can look pretty!" -Kea.

"Baka mamaya may makasalubong tayong gwapo tapos ang pangit namin tignan diba?" -Jar.

Napailing nalang ako sa mga dahilan nila. "Both of you are pretty. Wag mo sabihin na baka pangit kayo tignan."

"Well... that may be true pero..." -Jar.

"Kung usapang ganda lang, maganda man kami, angat na angat parin iyong sa inyong dalawa!" -Kea.

"Wait-- what!?" Di na napigilan matawa ni Jhaycee sa pinag-sasabi ni Keana. Hay jusko.

"It's actually true! Umaangat ang ganda namin dahil sa make-up pero yung kay Jhaycee kahit naka-powder at lip tint lang umaangat na agad kagandahan!" Reklamo ni Keana na mas lalong nagpatawa kay Jhaycee.

"Pero mas malala yung kay Mira. Kahit bare face lang ay napaka-ganda parin niya at patuloy pang umaangat yung ganda niya! Ang duga talaga." Reklamo din ni Jaraica at natawa nalang din ako.

"Ay totoo yan!" Sang-ayon ni Jhaycee.

"Nakakainggit..." I can almost see the gloomy part in her voice while saying such word.

"Ay ewan ko sa inyo! Tara na nga!" Natatawa ko paring sabi at hinila na sila papunta sa sakayan ng taxi para makapunta na kami sa mall.

Mabilis lang din kami nakarating sa Mall at nagumpisa agad sa pageenjoy. Mas napagdesisyunan namin ang mag-shopping kesa manood ng movies. Isusunod naman namin ang foodtrip sa pag-shopping.

"Try mo 'to! Bagay sa color ng skin mo." -Jaraica.

"Hmm. This romper looks skinny on me... right?" -Jhaycee.

"This dress looks pretty cute!" -Ako.

"Yey! I'll buy this. Welcome to my collection, bag." -Keana

Puro lang kami daldalan sa pag-shopping. Kung ano matipuhan ng mata namin ay agad na namin kinukuha. Mapa-accessories man yan, clothes and even shoes. We were truly enjoying our hangout. Thanks to this girls ay nalimutan ko na din ang pagkakasira ng araw ko.

"Now then, where shall we eat?" Tanong samin ni Keana at mga napa-isip naman kami.

"Cafe nalang kaya? Di naman ako ganon ka-gutom." -Jar.

"But I want to eat heavy meals. Nagutom at napagod ako kakalakad at kakaikot sa loob ng Department store." -Jhaycee.

"Shakeys nalang. You can choose a variety of food there." Suggestion ko at di na sila tumanggi.

Pumunta narin kami ng Shakeys at mabilis narin na umorder, dala narin siguro ng gutom. And while eating our food ay nag-umpisa ang panibagong kwentuhan. Ang kwentuhan na ang topic ay dapat kanina pang lunch break pinag-usapan.

"So why did you guys decided to hangout today? Got a problem?" Nagtataka namang tanong ni Jhaycee at agad naman akong tinuro ni Kea at Jar.

Napa-buntong hininga naman ako. No choice, I guess?

"Well... I'm just annoyed by a certain person kanina." Pag-uumpisa ko. Napansin ko naman na nakikinig sila sakin.

"We met her actually before. Si Raquisha?"

"Ahh! I remember her. Kinuwento mo nga na kaklase mo sya eh pero nabwisit ka talaga niya ngayong araw?" Tanong ulit ni Jhaycee.

"Yes. Karibal ko sya sa classroom. When it comes to quizzes, recitations and even the student's appreciation. Ah mali, sya lang pala may gustong-gusto mapansin ng mga kaklase namin.

"Hula ko, never ka niyang nalamangan?" Tanong naman ni Kea.

"Yep." Sagot ko at sabay-sabay na napatango sila na parang expected na daw nila yun. Tsk.

"Wait--diba yun yung parang may gusto kay Rhobert?" Biglaang tanong naman ni Jar. Kita rin sa reaction ni Jhay at Kea na parang naalala din nila yun.

"Well yeah...lantaran ang paglapit niya kay Rhob. Noong morning class ay inumpisahan na niya ako at mas natrigger lang ang kabwisitan ko sa kanya noong harapan ang pagiging flirt niya kay Rhob." Napabuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili. It really irritates me every time I remember her moves.

"Annoying nga..." -Jar.

"No wonder kaya ganoon nalang ang itsura ng muka mo kaninang lunch break." -Kea.

"So mukang naramdaman ni Rhob ang pagka-bad mood mo kaya bigla ka nalang niya niyakap?" Tanong naman ni Jhaycee. Wait!? Paano din niya nalaman yun!?

"Paano mo din nalaman!?" Bakit ba ang daming nakakalam ng sweet pero nakakahiya na ginawa ni Rhob?

"Kinuwento nila sakin at medyo nag-trend rin sa campus ang pagiging PDA niyo." Ngisi niya sakin. Isa pa 'to sa mga mang-aasar sakin eh. Arrgg!

Nagtawanan silang tatlo habang ako ay namula na sa sobrang hiya at medyo kinikilig rin pag naalala iyon.

"Well! I guess it's my turn para maglabas ng issue sa buhay ngayon!" Anunsyo ni Keana at nakinig nalang din kami.

"As you can see... me and Brine are now dating officially." Sambit niya at parang di na ako nagulat dun. Instead...

"Thanks for finally answering the question running in our head for almost 1 week." Sabi ko.

"Nagulat nalang din ako nung bakit ang clingy nyo sa isa't-isa. Yun pala may relationship na kayo." Tugon naman ni Jaraica.

"Oo nga. Nagulat nalang din ako eh. Grabe! Naunahan nyo pa sila Jaraica at Angeloy." Napa-iling pa si Jhaycee at halos sapakin siya ng namumulang si Jaraica.

"B-bakit ba k-kailangan madamay kami!!" Angal ni Jar sa sinabi ni Jhaycee habang namumula. Di narin namin mapigilan matawa sa itsura niya ngayon. She's too obvious.

"Opps! Patapusin nyo muna ako. Well the issue there is... biglaan lang yun. Napagdesisyunan lang namin. We date to test if we are compatible as a couple or mas okay nga lang ba ang pagiging magka-barkada namin. 5 years narin kasi at di kami nagkaroon ng lovelife sa loob ng 5 years. Puro crush lang at we try since baka pareho lang kami sa inyo. We date kasi iniisip namin na baka late lang ang pag-bloom ng love namin sa isa't-isa."

Naintindihan naman namin yun. They are dating for various reasons. Medyo mahirap dahil nirisk parin nila ang puso nila kung mamahalin nga ba ang isa't-isa o hindi.

"Next na ba ako...?" Nahihiya pang tanong ni Jar at tumango nalang kami sa kanya. Actually pwede naman mauna kahit sino.

"Ahm... my issue is... di ko alam kung ano meron samin ni Angeloy." Nahihiya at medyo malungkot niyang sambit.

"Gets ko naman mga sinasabi nyo na naunahan pa kami ni Angeloy at kung ano pa. Miski kayo nakakaramdam ng may iba diba? Like there's something special. I'll be honest with you guys, I like Angeloy since grade 8. Baka nga mas sobra pa sa like itong nararamdaman ko. At alam kong di nalang kaibigan ang gusto ko. Pero kahit may nararamdaman akong special, every time I tried to ask him ay biglang nawawala ang special connection at nararamdaman ko nalang ang pagiging friendly niya katulad ng pakikitungo niya sa inyong mga kaibigan niyang babae. Kaya in the end di na ako nagtatanong at nahihirapan nalang akong isipin kung ano ba talaga meron samin...."

At tuluyan nang naging malungkot ang boses ni Jar. Damn that Angeloy! Even though he's a close friend, masasapak ko sya sa pagiging mapaglito at pananakit sa feelings ni Jar. Tsk.

"Okay lang yan...." At ni-pat nalang ni Jhaycee si Jar sa ulo nito.

"Mukang ako na ang sunod." Napalingon kami kay Jhaycee dahil sa sinabi niya. Ang daming situation or issue na pumapasok sa isip ko na maaring ikwento niya.

Una, hindi sya confident sa sarili niya. She almost can't appreciate her own girly side. Pangalawa, ang pagiging pressured pagdating sa business because of her parents. Pangatlo, maaring tungkol kay Zeid. Everything about her relationship status with Zeid.

"May pinagseselosan akong babae. Masyado siyang madikit kay Zeid. Minsan nga ay gusto daw ako masolo ni Zeid pero imposible dahil umaaligid sya masyado kay Zeid." Halata ang pagka-irita sa boses ni Jhaycee habang nagkwe-kwento.

Parang kilala ko din kung sino tinutukoy niya...

"Kung sa labas nga ay madikit sya kay Zeid, sigurado akong sa klase din nila. Tama ba ako, Mira? Madikit din ba ang Arine na yun kay Zeid sa classroom niyo?"

Tama nga ang hula ko na si Arine Cervantes ang pinag-seselosan niya. Sya lang din naman kasi sa mga babaeng kaklase namin ang tahimik pero pagdating kay Zeid ay nag-iiba. She's obvious na may gusto sya kay Zeid. Naalala ko tuloy mga binibigay niyang titig kay Zeid kanina pero di naman napansin ni Zeid.

"Well... yeah? Masyadong madaming nakaka-close na kami nila Zeid sa room pero I guess ako parin naman madalas niyang nakakausap at katabi. Kaya wag ka nang mag-alala Pachot." Pagpapakalma ko sa bestfriend ko na halata na masyado ang pagkairita sa kaklase namin ni Zeid na si Arine. Tumulong na nga din sa pagpapa-kalma si Jar at Kea.

"Oh wow. What is this? Hanging out together but not having fun?"

Napatigil naman kaming apat nang may marinig na pamilyar na boses. Sabay-sabay kaming napalingon doon at nakita ang isang pamilyar na muka ng isang babaeng minsan ko nang naka-tunggali.

"Jan Aubrey... ano ginagawa mo dito?" Medyo kalmado nang tanong ni Jhaycee sa babaeng nasa harapan namin.

"I want to eat pizza so obviously I'm here to eat." Nakangiti niyang sagot. Kahit ramdam ang sarcasm sa boses niya.

As expected, she's the type of lady who smiles a lot while showing her bitchy side. Kelan ko ba huling nakita ang pakikipag-plastikan mode niya? Huling kita ko sa kanya ay nung graduation at lantaran ang pag-tingin niya sakin ng masama at hindi nag-abala pang ngitian ako.

"By the way, are here to relax yourself after meeting a certain someone again?" Naka-ngiti niyang tanong. Di ko naman masagot ang tanong niya since di ko masyadong nagets ang tanong at ibig niyang sabihin.

"Certain someone?" Nagtataka kong tanong at mas lalo lang lumaki ang ngiti niya sakin sa di ko maintindihan na bagay.

"I see. Di mo pa pala alam. Anyway, you should prepare yourself about that certain someone."

Kasabay ng pagsabi nun ay hinawi niya ang itim niyang buhok medyo humaharang sa mata niya. Di nawawala ang ngiti niya samin.

"Well then... see you later." Ngiti niya at bigla nalang umalis sa harapan namin at iniwanan nalang kami na tulala.

Making me confuse and then suddenly leaving. What a nice way to annoy me. More annoying than Raquisha.

--------------------

5k words for this chapter... medyo mahaba haha. Votes and comments please!

Multimedia Side: Jan Aubrey Isidro

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top