Chapter 6 - Freshmen Year (Mira's Side)
.
Mira's POV
"Anong oras ba first class mo?" -Rhobert.
"Hmm. 8:00. Lahat naman tayo diba?" Sabi ko sabay higop sa kape ko.
Nandito kami ngayon sa coffee shop sa tapat lang ng Diamond. Maaga pa naman kaya dito namin naisipan tumambay muna ni Rhob. Tatawagin ko nga din sana ang barkada kaso pinigilan ako ng lalakeng 'to. Morning date daw namin ito kaya wala munang may third wheeler.
Syempre di ko mapigilan matawa dahil sa kalokohan niya at kiligin rin dahil sa pinaramdam niyang gusto niya akong masolo ngayong umaga. Ganito kasimple at kasaya ang buhay ko kasama si Rhobert sa loob ng 5 years. Sana magtuloy-tuloy diba? Hihi.
"Pwede natin maging hang-out place ang lugar na ito. Hang out dito kung masaya, malungkot, maaraw o maulan. Let's make more memories in here."
I like my boyfriend's idea. Ang ganda rin kasi ng atmosphere sa cafe na ito. The interior design are simple yet it looks so elegant in an old fashion manner.
"Pwede." Napa-tango naman sa suggestion niya. "Di ka talaga nauubusan ng ideas para pakiligin ako hano?" Naka-ngiti kong sabi sa kanya. It's actually true na sa simpleng sabi lang niya ng ganon ay nagagalak ang puso ko at kinikilig talaga ako. I am very willing to make so many heartwarming memories here in this cafe and in our new school.
"Syempre, para sa Miss Perfect ng buhay ko, I'm willing to do everything." Sambit niya sabay kindat sakin.
Ang gwapo niya habang naka-kindat. Saglit lang siya kumindat pero tumatak talaga sa isipan ko itsura niyang naka-kindat. Ang gwapo niya talaga. Naintindihan ko talaga kung bakit madaming babaeng nagkaka-crush sa kanya. Sa gwapo ba naman ng boyfriend ko, paanong hindi diba? Matangkad siya, mayaman, matalino din staka mabait. Ano pang aayawan ng mga babae sa kanya diba?
Kaso sorry nalang, taken na siya ng Miss Perfect ng Willstone Academy dati. Wala nang iba kundi ako.
Nagtawanan lang kami at nagkwentuhan ng kung ano hanggang sa dumating sa topic na first day of class ngayon. Yep, today is the start of our Freshman year here in Diamond University.
"Are you excited?" Tanong niya sakin matapos humigop sa kape niya.
"To be honest, yes. But I'm also nervous." Sagot ko sa tanong niya.
"Bakit naman? Baka dahil lagi kang umiinom ng kape." Natawa pa siya sa sariling sinabi kaya mahina ko siyang nabatukan.
"That's not the reason, baliw. Kinakabahan ako dahil baka di ako tanggap ng mga kaklase ko or kung sino man." Kinakabahan na malungkot kong sambit.
Every time na bagong school talaga ang papasukan ko ay ganito ang reaction ko. New environment and new students ofcourse kaya hirap akong mag-cope up. Especially nung nangyare nung bata ako nabago rin naman atmosphere ng buhay ko nun pero dahil sa mga nangyare ay bigla nalang ulit nawala but atleast naka-bangon ako kahit ako lang mag-isa.
"Mira? Hey babyloves!" Nabalik naman ako sa huwisyo nung may pumitik sa noo ko at dahil narin sa tumawag sakin ng 'babyloves'.
"Are you okay? Bigla ka atang nalamon sa pagiisip mo. Relax. Everything will be okay on your first day." Rhobert's smile gave me an assurance na magiging okay lahat ngayon.
Right, I don't need to overthink. Unlike before, I have super close friends sa loob ng 5 years kaya nasisiguro kong magiging okay ang first day ng school ko ngayon. Everything will be okay. I'll make it okay.
Naubos na namin ang kinakain namin kaya napag-desisyonan na naming pumasok sa University. 7 narin kasi ng umaga at malapit narin mag-umpisa ang klase.
Madaming napapa-tingin samin sa di ko malamang dahilan. Mapa-lalake man o babae ay napapatingin samin. May dumi ba sa muka ko or sa muka ni Rhobert? O sadyang magandang nilalang kami? De charot lang.
Patuloy na naglalakad lang kami sa malaking Unibersidad nang mapatingin ako kay Rhobert dahil sa nag-ring phone niya. Ringtone ng may tumatawag. Oh diba? Kabisado ko ringtone niya.
Napatingin naman siya sakin na parang nagpapaalam na sasagutin lang niya yung call. Tumango at ngumiti naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon na okay lang sagutin yung tawag. Sinagot naman niya yung tawag at medyo lumayo kaya naman nag-adjust na ako at ako ang lumayo sa pamamagitan ng pag-upo dun sa bench na nakita ko. Naglakad ako papunta dun at naupo kaso nagulat ako nung pagkaupo ko ay wala na si Rhobert sa paligid eh dapat katapat lang siya ng bench na inuupuan ko pero may sapat namang distansya para di ko marinig paguusap nila nung tumawag sa kanya.
Saan naman kaya nagpunta bigla yung lalakeng yun?
Since bigla siyang nawala, no choice na ako kundi hintayin siyang bumalik. Naghintay naman ako kaso 20 minutes na ata lumilipas pero wala akong nakikitang presensya o anino man lang ni Rhobert. Sa sobra ko nang pagkainip at kinuha ko na ang phone ko at agad siyang tinawagan pero cannot be reach naman. Gosh. Saan ba nagsusuot yung lalakeng yun?
Sa CR kaya? May chance naman diba? Baka napa-banyo dahil sa dami ng kinain namin.
Tumayo naman at nagpunta agad sa malapit na banyo dun sa pwesto ko kanina at nagtanong sa isang lalake na lumabas sa male restroom at nagpupunas pa ng kamay gamit ang kanyang panyo.
"Ahm, excuse me? May nakita po ba kayong pumasok na lalake dyan sa loob ng banyo? Ito po itsura niya oh." Pinakita ko naman sa kanya ang lockscreen ko dahil si Rhobert ang wallpaper ko dun. Napatitig naman yung lalake at parang may binulong pa na di ko naman masyadong narinig kaya di ko naintindihan.
"Ay infairness, isang Papi ang hinahanap niya hihi."
"Ahm. Ano po iyon?" Nagtataka kong tanong at nagulat naman siya sa pagtatanong ko at parang nabalik sa huwisyo. Umubo pa siya ng peke sa di ko malamang dahilan.
"Pasensya na pero wala akong nakitang ganyang lalake sa loob eh. Kung may nakita sana ako edi sana hinarot ko na siya ahihi."
Malalim na ang boses niya habang ngsasalita kaso bumulong nanaman siya sa bandang dulo kaya di naintindihan ang huli niyang sinabi. Pero di ko nalang pinansin ang dulong sinabi niya at nagpasalamat nalang sa payat o slender na lalake na ito, may pagkakulot ang brown niyang buhok at di sya kaputian sa halip ay kayumanggi ang kulay niya.
"Ahh sige po. Thank you." Saka ko siya binigyan ng isang matamis na ngiti. Ngumiti lang din siya ng maliit at umalis na.
Nagtanong rin naman ako sa ibang lumabas ng male restroom kaso kagaya nung nauna, wala din silang napansin na Rhobert Castro sa loob. Napa-buntong hininga nalang ako at umalis na sa banyo na iyon at naglakad-lakad na. Mapalit na ako sa Business Management building nang may makita akong dalawang pamilyar na tao di kalayuan.
Mukang nag-aasaran nanaman sila dahil nakasimangot ang lalake kong kaibigan at malaki ang ngiti ng aking bestfriend. Natawa nalang ako sa itsura nila at nilapitan na lamang sila.
Saktong nakalapit ako sa kanila ay pinipisil ng bestfriend ko ang pisngi nung lalake na nakangiti narin. Ang cute nila pero umepal muna ako loving moment nila.
"Aga aga oh ang tamis ng pambungad nyo." Napabitaw itong bestfriend ko sa pisngi ng lalake at parang namula pa sa hiya. Naka-ngisi lang ako sa kanilang dalawa.
"Good morning Mira!" Bati sakin ni Zeid. Yup, si Zeid at Jhaycee tinutukoy kong nag-aasaran or naghaharutan na natanaw ko kahit malayo.
"Good morning din sa inyo." Naka-ngising bati ko sa kanila. Pinanliitan lang ako ng mata ni Jhaycee kaya alam kong iniisip niya ang sarap nilang asarin sa pagiging sweet.
"Bakit nandito pa kayo? Malapit na mag-umpisa klase ha?" Nagtataka kong tanong sa kanila. Well dapat nga tanungin ko sarili ko nun pero may sagot naman na hinahanap ko si Rhobert.
"Papunta na rin sana kami. Eh ikaw? Bakit ikaw lang ata mag-isa? Di mo kasama boyfriend mo?" Takang tanong niya. Dahil sa tanong ni Jhaycee ay naalala ko nanaman na di ko parin nga pala mahanap at macontact ang boyfriend ko. Hay. Nag-aalala na ako ha?
"Ahh. Si Rhobert? Bigla nga ring nawala nung papunta sana kami sa room ko dahil ihahatid nya ako. Nag-alala ako kaya di muna ako dumiretso sa room at hinanap ko sya tapos ayan. Nakita ko kayo." Paliwanag ko saka di ko na napigilan mag-pout.
Kumunot naman noo nila pareho sa sinabi ko. Matagal na kaming magkakaibigan kaya kilala at nasubaybayan nila ang relasyon namin ni Rhobert. Nagtataka sila dahil first time umalis ni Rhob ng di man lang nagpapaalam sakin.
"Baka naman nag-punta sa banyo?" Isip ni Zeid at napailing nalang ako bilang sagot.
"Nagtanong na ako sa malapit na restroom sa Business Management building kung may nakakita sa kanya pero wala naman daw."
"Natawagan mo na ba?" Tanong naman ni Jhaycee at isang tango naman ang sinagot ko.
"Syempre yun una kong ginawa. Kaso cannot be reach. Nakapatay ata."
"Sabi ko nga." Sabi niya saka nagtitingin sa paligid dahil mukang hinahanap ang pagmumuka ni Rhobert.
Rhobert, nasaan ka na ba? Nag-aalala na ako sayo. May tumawag lang sa phone mo bigla ka nang nawala na parang bula.
"Mabuti pa mamaya mo na sya hanapin. Tulungan ka na lang namin. Isama na rin natin sina Angeloy at Brine." -Zeid.
"Pati na rin si Jaraica at Keana." -Jhaycee
Gusto ko na siyang hanapin ngayon kaso... hay. Napa-buntong hininga nalang ako at pumayag sa sinabi nila. Mukang mas maganda na rin yun.
"Sama ka na samin. Ihahatid ko lang si Jhay mylovesosweet sa room nila tapos sabay na tayo bumalik sa room." Wala na ako masyado sa mood kaya pumayag nalang ako sa sinabi ni Zeid.
Mabuti pa itong si Zeid. Matutupad niyang ihatid si Jhaycee sa classroom nito. Samantalang yung boyfriend ko na dapat ihahatid ako, bigla nalang nawala. Di ko na alam dapat maramdaman ko kung inis ba o pag-aalala.
Napadako naman paningin ko sa wristwatch ko at halos mag-panic ako nung nakita kung anong oras na.
"Hala! Quarter to 8 na pala?" Nagulat din ang dalawang ito sa sinabi ko.
Ihahatid pa namin dapat si Jhaycee dahil iyon ang pangako ni Zeid sa nililigawan niya samantalang nakiki-tag along lang ako. Paano na yan? Aabot ba kami sa classroom namin eh malayo pa nga yung Architectural building?
"Luh? Ang bilis naman ng oras." Nakabusangot ang muka ni Zeid habang sinasabi nya yun. Mukang naiisip din niya na malelate kami pag hinatid si Jhaycee. Wala naman ako planong humadlang kung gugustuhin parin niyang ihatid si Jhaycee at mauna nalang ako.
"Zeid, Mira, pumunta na kayo sa building nyo. Medyo malayo pa yun sa building namin kaya malelate kayo pag hinatid pa ako." Napatingin ako kay Jhaycee dahil sa sinabi niya. Nag-desisyon na sya pero sure ba sya?
"Sure ka ba?" Pagtatanong ko. Pwede naman kasi mauna nalang talaga ako at ihatid na ni Zeid si Jhaycee.
"Ihahatid na kita. Kahit si Mira nalang mauna." Sabi ni Zeid na sinangayunan ko pero tinaasan lang siya ni Jhaycee ng kilay.
"Mamili ka Crisostomo. Susunod ka ngayon para di tayo malate pareho o di ka susunod sakin pero di kita papansinin ng 1 month?" Di ko napigilan matawa sa sinabi ni Jhaycee. Tinatakot niya si Zeid para sumunod sa kanya. Namutla naman si Zeid sa choices na sinabi ni Jhaycee at obvious na hindi papatalo itong bestfriend ko.
"1 month? Jhaycee naman--" Mukang tutol parin si Zeid kaso naunahan siya magsalita ng bestfriend ko.
"Mamili ka ngayon." Pinanlakihan siya ng mata ni Jhaycee at napabuntong hininga nalang ang kaibigan kong lalake. Kawawa naman at natalo ulit siya.
"Fine. Basta sabay tayo mag-lunch mamaya ha? Alam ko schedule mo. Sabay lunch break natin tuwing Monday, Tuesday at Thursday." Wow. Para palang si Rhob itong si Zeid, kabisado niya schedule ni Jhaycee. Ganoon din si Rhobert dahil sa harap ko pa mismo kinabisa niya ang schedule ko.
"Oo na. Sige maya na lang ha?" Gulantang na sabi ni Jhaycee. Mukang na-shookt dahil kabisado ni Zeid ang schedule niya.
"Later Jhaycee!" Sabi ko kay Jhaycee na tinanguan lang niya.
"See you later bebe ko!" Di ko nanaman napigilan matawa sa tawag ni Zeid kay Jhaycee na napairap lang sa kanya pero halata namang kinikilig.
Tumakbo na sa ibang direksyon si Jhaycee at ganoon din kami ni Zeid. Buti nalang malapit na kami sa Business Management building nung nakita ko sila. Samantalang si Jhaycee ay malayo pa sa Architectural building. Goodluck sa kanya at huwag sana siyang malate.
Nakapasok na kami ni Zeid sa loob ng building ng course namin. Sumakay nalang kami sa elevator kesa tumakbo sa hagdan at mahaggard agad. We need to feel and look fresh sa classroom hano. Nasa 3rd floor ang room namin. Medyo kinakabahan ulit ako pero di na katulad dati dahil may kaibigan naman akong kasama sa section na kinabibilangan ko ngayong first year. Masusurvive ko 'to, tiwala lang Mira.
Nakadating na kami sa 3rd floor at nakita kong madami paring estudyante ang nakakalat sa paligid. Mukang papunta na rin sa kanya-kanyang classroom.
"Tara na Mira." Naka-ngiting inaya ako ni Zeid kaya sumagot na ako ng, "Sige." At naglakad na kami papunta sa classroom namin.
Room 32 kami kaya nakita rin namin agad yung classroom. Hinawakan ni Zeid ang doorknob pero nagulat kami nung may isa pang kamay ang napapatong sa kamay ni Zeid. Napalingon kami ni Zeid kung kaninong kamay yun at may nakita kaming isang babae na mukang nagulat din sa nangyare at napaangat tuloy siya ng dalawang kamay, kasama syempre yung napapatong sa kamay ni Zeid.
"A-ahm... a-ano po... di ko sinasadya! Hahawakan ko sana yung doorknob para makapasok pero nagkasabay ata kami kaso unang bumagsak kamay niya sa doorknob." Medyo nagpa-panic at nahihiyang sambit ng babae.
Maganda yung babae, kulot ang mahaba niyang buhok at mas matangkad kami sa kanya ni Zeid, kasing-tangkad niya siguro si Jaraica.
Ngumiti naman sa kanya si Zeid at binitawan yung doorknob saka nagsalita dun sa babae.
"It's okay. Sige na, mauna ka nang pumasok." At gumana nanaman ang gentleman side ni Zeid. Kung nandito lang siguro si Jhaycee, baka nagselos nanaman yun.
Napangiti naman yung babae saka tumango. "Thank you." She said then walk inside the classroom. Sumunod narin kami.
Medyo madami narin na estudyante sa loob na magiging kaklase ko. Walang pamilyar sa mata ko hanggang sa nakita ko si Raquisha na nakaupo sa unahang arm chair at madami agad nakapalibot sa kanya na kaklase din namin. Mukang nakasundo agad niya ang kalahati ng estudyante sa section namin. Di ko rin inexpect na magiging mag-kaklase kami.
Doon nalang kami naupo ni Zeid sa second row, medyo malapit sa pwesto ni Raquisha na pinapalibutan na ng mga kaklase namin, babae man o lalake. Mostly sa mga babaeng nakapalibot sa kanya ay pagpapabibo lang ang alam samantalang sa mga lalake ay mukang yung malaki niyang bust line ang habol.
"Huy Mira, masyado kang nakatitig kela Raquisha. Galit ka parin ba dun dahil mukang type niya boyfriend mo?" Natatawang sambit sakin ni Zeid. Napairap naman ako dahil sa pinagsasabi niya.
Months na ang lumipas nung nangyare yun. Nalimutan ko na nga yung actually. Di ko lang din sya maalala kung di sinabi ni Jhaycee nung enrollment.
"I'm not. Curious lang kung bakit madami masyado ang hatak niya sa new classmates natin." Ngiti ko kay Zeid at napatango-tango lang siya na parang tinanggap ang sinabi ko kahit halata naman na di niya tanggap. Hay nako.
5 minutes nalang bago mag-bell at mag-umpisa ang klase, kaunti nalang din pumapasok sa room hanggang sa nakita kong pumasok yung lalakeng pinagtangunan ko kanina sa restroom kung nakita si Rhobert. So he will be my classmate?
Obvious naman Mira. Tinatanong pa ba yan?
Unexpectedly, he sat in the vacant seat beside me. Napapagitnaan ako ng lalakeng yun at ni Zed. Wow. My new seatmate will be a familiar one... or not? Di ko naman alam name niya at saglit ko lang siya nakausap.
"Ahm. Hi?" Bati ko sa new seatmate na nakausap ko kanina sa labas ng male restroom. Napalingon naman siya at parang nagulat pa nakita ako pero napansin ko naman na napalingon siya sa tabi ko at para mas nanlaki ang dalawang mata. Weird. Si Zeid lang naman nasa likod ko?
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "H-hi. Ikaw yung babae kanina diba?" Ang manly ng boses niya infairness.
Let me describe his physical appearance. Malapit na siya sa height nila Zeid but his skin color is not white nor light brown. It's actually a dark color. His hair looks like a curly pasta because of his curly hair. And... parang may iba sa muka niya.
Why does he look like wearing a make up? I can see eye liner, blush on and a dark red lipstick on his face.
"Ahm yes. Classmates pala tayo. I hope we can be friends." Sabi ko sa kanya habang nakangiti. I'm trying to do not mind the make up in his face.
Napatango-tango nalang siya at busy sa pagsilip sa likod ko. Pinipigilan rin niya mapangiti dahil nakaharap pa ako sa kanya. Sa totoo lang, ayokong mag-isip ng kung ano pero dahil sa kinikilos ng curly haired na ito ay para siyang....
"Omg! Pasok na sya sa Papi list ko!" Bulong niya pero kahit narinig ko parin. Siguro dahil magkatabi kami at halos maloka talaga ako sa binulong niya.
He's a gay!?
"Omg?" Napabulong narin ako at naagaw ko atensyon niya dahil sa binulong ko. Shookt ang kuya or ate nyo na may nakarinig sa binulong ko.
"N-narinig mo!?" Mahina niyang tanong na parang kinakabahan. Napatango nalang ako habang nakangiti.
"So, you're acting like a tough guy even though the truth is you have a heart of a girl." Bigla naman siyang nag-'shh' sign sakin kaya mas lalo akong natawa.
I like him. I like to experience to have a gay friend.
"Yes, but please keep this thing a secret, okay? Anyway, I'm Paolo Crux." Pagpapakilala niya. At ayon na nga mga besh, ang kaninang manly voice ay naging maarte na flirty and trying hard maging boses babae.
"I'm Mira Aguinaldo." Pagpapakilala ko naman.
Nagkwentuhan lang kami at nasasali din minsan si Zeid kaya eto naman baklita kong friend, kilig na kilig! Kasali din daw sya papi list niya na siya at ako lang ang nakaka-alam. Nasali din pala niya boyfriend ko sa Papi list nung ipakita ko picture niya kanina nung pinagtatanong ko kung nakita nila si Rhob.
"Speaking of your boyfriend, nakita mo na ba siya?" Dahil sa tanong ni Paolo ay napatingin ako sa phone ko kung may text man lang ba siya or missed call pero wala parin. Hays.
Napailing lang ako sa kanya at ningitian lang niya ako ng maliit. "Nasa paligid lang yan. Makikita mo rin." Saktong pagsabi niya nun ay dumating na ang professor kaya nanahimik ang lahat at nagsiupo na yung ibang nakatayo kanina.
Halos puro pagpapakilala lang ang nangyare sa bawat subject. They also introduced every subject they will teach. Sa bawat oras din na yun ay sinusubukan kong contact-in si Rhobert pero cannot be reach parin. Nag-aalala na talaga ako sa kanya.
Last subject na at naisipan kong tawagan ulit si Rhobert habang wala pa yung prof. Kumabog ang dibdib ko nung nag-ring na ang phone niya at hindi na siya cannot be reach katulad kanina. Sagutin mo Rhobert please....
....
....
....
[Hello?]
Oh my ghad! Sinagot na niya tawag ko finally!
"Hello? Rhobert! Bakit ngayon mo lang inopen phone mo? Kanina pa ako tumatawag. Kanina pa ako nag-aalala. Bigla ka nalang nawala kanina... nakakainis ka."
Napatingin sakin ang dalawang katabi ko na si Zeid at Paolo. Halos maiyak naman ako sa frustration dahil di ko sya macontact at nag-aalala talaga ako. Tahimik naman yung nasa kabilang linya, dahilan para madagdagan inis ko.
"Rhobert?" Pagtawag ko sa kabilang linya.
[I'm sorry if I made you worried. Bigla kasi akong pinatawag ni dad sa office niya. Papaalam dapat ako kaso pinaghahadali na talaga ako ni dad kaya di na kita nasundan. Nalate rin ako sa klase ko at umpisa na kaya no choice na ako at di ko na nasagot tawag mo.] Mahabang paliwanag niya.
Ang dami ko pang tanong sa kanya sa totoo lang pero mas pinili kong huwag na itanong. Naniwala nalang ako sa reason niya at pinili na maging masaya dahil okay lang siya. Well yun naman talaga ang mahalaga sakin, ang maging ayos lang siya. Isa nalang nasabi ko sa kabilang linya.
"Don't make me worry so much again."
[I promise. I love you.]
Hearing the magic words from him already assured me and forgive him.
"I love you too..." So much.
Natapos ang phone call at medyo nakahinga rin ako ng maluwag dahil okay lang siya. Nag-alala lang talaga siguro ako sa wala. Nakakainis man na bigla siyang nawala kanina at di nagpaalam sakin, mas nangingibabaw parin yung saya sa pakiramdam ko na okay lang siya.
"Rhob?" Tanong sakin ni Zeid na tinanguan ko. Bubuka pa sana bibig niya nang may biglang pumasok na professor sa classroom. Umpisa na ng last subject bago ang lunch break time.
"Good afternoon class. I'm Mr. Lourde Cruz, your professor in Economics. I'm hoping that none of you will be a brat in my class."
Nagpakilala rin siya katulad ng mga naunang professor. Normal looking naman siya, with his eyeglasses ay kita ang medyo singkit niyang mata. Hindi siya mukang matanda katulad nung mga naunang professor na mid 40s na. Mukang kasing-edad lang niya si kuya Marky. Bata pa 'to at may kagwapuhan na taglay.
"Besh! Ang papi!" Narinig kong bulong sakin ni Paolo at ramdam ko ang pagpipigil niya ng kilig. Pinigilan ko nalang ang tawa ko.
Unlike other professor, pinagawa agad niya kami ng written activity na madali lang naman. Tinatanong lang naman kung ano pananaw namin about Economics and what could be the possible lessons that we will learn in Economics in first year college.
Busy magsulat ang lahat kahit ang katabi kong si Zeid pero ang isa ko pang seatmate na si Paolo ay mukang nahihirapan sa buhay niya dahil minsa'y magsusulat siya, minsan hihinto para mag-isip, minsan naka-titig lang sa yellow paper niya at madalas ay naka-titig na siya sa professor namin. Mukang bet nga ng bakla na ito ang prof namin.
Nagsusulat pa ako ng mga dumadagdag na idea sa isip ko nang biglang tumayo ang katabi ko na si Zeid at mukang nakatapos siya. Pumunta siya harap ng table ni prof. Cruz nang may makasabay siya sa pagpasa ng papel. Nakasabay ulit ni Zeid yung babaeng nakasabay niyang humawak ng doorknob kanina.
Nakita kong nagulat sila pareho pero ningitian nalang din ang isa't-isa. Tsk tsk. Kung nandito talaga si Jhaycee, feeling ko magseselos yun ng bongga. Sure na sure ako sa feeling na yun.
"So Mr. Zeid Crisostomo?" Pagtatanong ng prof na tinanguan naman ni Zeid. "And miss Arine Cervantes? Since kayo unang nakatapos, kayo na kumolekta ng papel ng kaklase nyo and pakidala sa faculty office ko. Puro babae ang kokolektahin mo miss Cervantes and puro lalake naman ang sa iyo mr. Crisostomo."
Wala nang nagawa yung dalawa kundi sumunod kahit kita ko naman sa muka ni Zeid na naghahadali siya kaya maagang tinapos ang paper work. Excited na ata makasabay sa lunch ang future girlfriend niya. Sino pa nga ba? Edi si Jhaycee Corpuz!
Natapos rin naman ako pati si Paolo at halos sa mga kaklase namin. Nagpaalam na ako kay Zeid na sa labas ng Business Management bldg. ko nalang siya hihintayin at pumayag naman siya. Naghihintay narin nga si Jhaycee samin sa labas at pinaalam ko na inutusan si Zeid at nagparamdam na sakin si Rhob. Nagkaroon pa nga ng selosan moment yung dalawa dahil nakita ni Jhaycee si Zeid na nakikipag-tawanan kay Arine na kaklase namin. Mukang magkasundo na agad sila ni Zeid kahit first day palang kaso napagalit naman ni Zeid si Jhaycee dahil dun.
"Okay fine!" Pagsuko ni Jhaycee. "Di ako nagseselos okay? Hindi na. Kanina oo pero ngayon hindi na. Sorry kung nagselos ako." Dugtong ng aking bestfriend.
"Sorry din dahil kasalanan ko. Di ko ginustong magselos ka." Sambit ni Zeid at saka hinalikan si Jhaycee sa cheeks. Nakita ko pang medyo sinamaan ng tingin ni Jhaycee si Zeid pero hinayaan nalang din. Magkasundo na muli silang dalawa.
Maya-maya lang ay naramdaman kong may umakbay sakin at nakita ko ang lalakeng pinag-alala ako ng bongga. Seryoso itsura niya pero nawala pake ko dahil mas nangibabaw sakin ngayon ang saya dahil mas sigurado ko nang okay lang siya. Okay lang ang boyfriend ko!
"Pre! Nandito ka na? Hahanapin ka namin dapat ni Mira at Jhaycee. Bigla ka daw nawala kanina eh." Bati ni Zeid kay Rhob na seryoso lang itsura.
"Ah may pinuntahan lang..." -Rhobert.
"Galing siyang office para imeet daddy niya. Anak siya ng president ng University na ito, remember?" Masayang sagot ko sa tanong ni Zeid. Parang dinugtungan ko lang din ang mahinang sagot ni Rhobert.
"Ay oo nga! Anak ka nga pala ng president! Castro rin nga pala apilido nung may-ari. Bakit nakalimot ako?" Gulat na sambit ni Zeid at napatango nalang ako sa kanya habang naka-ngiti.
"Guys, naghihintay nga pala satin ang barkada sa cafeteria. Sabay-sabay na daw tayong mag-lunch." Biglang sabat ni Rhobert sa usapan namin which actually make me excited dahil mukang kumpleto ang barkada every lunch time.
"Sabay-sabay lunch break natin pag Monday!? Talaga ba?"
"Oo. Sabay-sabay lunch break natin pag Monday at Thursday." Ang kaninang seryosong muka ni Rhobert at napalitan ng isang matamis na ngiti. Ang gwapo niya talaga lalo pag naka-ngiti.
"Oh edi tara na sa cafeteria!" Masiglang sambit ni Zeid haka hinawakan kamay ni Jhaycee na hindi na nagsalita simula nung dumating si Rhobert. Problema nito? Iniisip parin kaya niya yung Arine Cervantes?
Tumango nalang ako kay Zeid at lalakad na sana kaso di rin ako nakagalaw dahil pinigilan ako ni Rhob gamit ang braso niyang naka-akbay sakin. Ahm.. di ba nagugutom boyfriend ko? Diba siya yung unang nag-aya?
"Mauna na kayo pre. Maguusap lang saglit kami ni Mira." Sabi ni Rhobert kay Zeid. Tumingin pa sila sa isa't-isa ng ilang segundo bago tumango si Zeid at ngumiti na parang naintindihan si Rhob kahit di naman nagsasalita. Kahit si Jhaycee ay nagtataka ngayon sa dalawa.
"Tara na bebe ko, mauna na tayo sa cafeteria." Pag-aya ni Zeid kay Jhaycee na hindi na narin naka-tanggi. At nawala na silang dalawa sa paningin ko.
Humarap ako kay Rhobert habang nagsasalita pero naputol dahil sa biglaan niyang pagyakap. It's sweet but why is he hugging me?
"Ahm Rhob ano ba pag-uusapa nati-- Rhobert!?"
"I'm sorry."
Sagot niya. Nanlalaki dalawang mata ko kanina sa gulat pero kumalma na ako dahil sa sinabi niya ngayon. Halos lahat ng estudyante at guro ngayon at breaktime kaya sa cafeteria at walang nakakakita samin ngayon. Di ako nagsalita at niyakap nalang pabalik si Rhobert. Medyo humigpit ang yakap niya sakin ngayon.
"I'm sorry for all the trouble. I'm sorry for worrying you. I'm sorry that I forgot to tell you my wherebouts this morning. I'm really sorry."
"It's okay... It's alright. I'm just glad that you're okay." Nakangiti ako habang sinasabi yun kahit di naman niya nakikita ang ngiti ko ngayon dahil nakayakap kami sa isa't-isa.
"I'll try my best not to make you worry again. Sorry again for today. I love you."
Bago pa ako makasagot sa magic words niya ay bumitaw siya sa yakap at unti-unting lumapit ang muka niya sakin at napapikit nalang ako. At naramdaman ko nalang bigla ang malambot niyang labi sa aking noo. Matapos noon ay masaya na kaming bumalik sa cafeteria at kumain kasama ang barkada at ayos na ang lahat.
--------------------
RhoMi moments for this chapter! Hoping for your votes and comments hehe. Thank you!
Multimedia Side: Zeid Crisostomo
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top