Chapter 5 - Freshmen Year (Jhaycee's Side)

.

Jhaycee's POV

"Jhaycee."

"Jhay mamansin ka naman."

"Jhaycee my loves, kanina ka pa sa libro na yan nakatitig. Pwede bang sa muka ko naman?"

"Bakit ba!?" Itong Crisostomo na 'to masyadong abala. Kitang nagbabasa ako eh.

Ngayon na first day namin dito sa Diamond University. At dahil maaga pa naman bago ang first subject ko ay dito muna ako tumambay sa library. First time ko nga lang dito eh at ang laki pala. Daming libro na pwedeng gamitin sa mga homework o kaya thesis.

"Masyado ka kasing busy dyan sa libro. Wala nga tayong alam na lesson tapos basa ka agad ng basa dyan--"

"Pake mo ba?" Hay nako.

"Joke lang naman. Eh kasi naman nagugutom na ako. Punta muna tayong canteen bago pumasok. 30 minutes na lang din umpisa na ng klase." Dahil naman sa sinabi nya eh napatingin ako sa wristwatch ko. Aba mage-eight na pala.

Di pa naman talaga ako nagugutom saka medyo naeenjoy ko tong binabasa ko. Ayos nga eh may alam na akong lesson kaya pagdating ng recitation makaka-sagot ako. Pero bago lahat yun, pagbibigyan ko muna itong si bebe ko-- este si Zeid kasi mahal ko sya-- este mabait ako.

Ano? Papalag kayo!?

"Oo na. Sige. Basta libre mo?" Saka ako ngumisi sa kanya. Kuripot pa naman tong manliligaw ko na toh.

"Opo naman. Syempre ikaw pa? Malakas ka kaya sakin." Sabi nya at bigla na lang ako hinila palabas. Buti na lang dala ko bag ko.

Tumatakbo lang kami pareho habang hawak pa rin nya kamay ko. Nakakatuwang isipin na ganto kami palagi simula nung grade 8. At ang masaya pa ay nakapag-hintay sya sakin hanggang college. Sinunod nya ang utos ni mommy.

Oh diba? Kung sana lahat ng lalake katulad ni Zeid. Marunong maghintay. Di yung agad agad!

Dahil sa paghihintay nya ay mas lalo akong nahulog sa kanya. Akala ko nung high school palang kami susuko na sya, kaya pinigilan ko sarili kong mas lalong mahulog sa kanya ng sobra pero hanggang sa maging grade 9, grade 10, grade 11 at grade 12 eh hindi sya sumuko.

I guess this is the right time. Hindi sa araw na ito pero alam kong handa na akong ibigay sa kanya ang 'oo' na matagal na nyang hinihintay.

One of this days, I'm sure masasabi ko na yun at mas sasaya ang College year ko. Magandang pambungad ng Freshmen year.

Ang kailangan ko na lang talaga ay lakas ng loob. Hay! Kaya mo yan Jhaycee!

"Uy natulala ka dyan? Nandito na tayo sa canteen oh!'' Napa-balik ako sa huwisyo dahil kay Zeid.

"Sorry. May iniisip lang ako." Sabi ko pero biglang kumunot noo nya. Hula ko may iniisip na naman tong kalokohan.

"Sino naman iniisip mo? Lalake ba yan? Ano ginagawa nya sa isip mo?" Naka-kunot pa rin noo nya habang tinatanong yun. Magaling din mang-hula tong lalakeng toh eh. Kaso di man lang ba nya maisip na sya mismo yung iniisip ko?

Hay tanga.

"Secret ko na yun noh." Sabi ko saka naglakad sa counter para umorder. "Isa pong chicken sandwich saka 1 mineral water." Sabi ko sa tindera. Tumango naman sya saka kinuha order ko.

"Uy Jhay. Sino nga kasi iniisip mo?" Kulit naman ni Zeid hay. Hinarap ko sya.

"Bakit? Nagse-selos ka ba?" Naka-ngisi kong tanong pero bigla syang namula. Ang cute talaga mamula ng lalakeng toh. Hihi!

"S-syempre naman nagseselos ako! Ibang lalake yun eh." Ang cute talaga nya. Haha!

"Nagseselos ka? Pft. Baliw!" Sabi ko habang natatawa. Kasi naman sa sarili nya sya nagseselos. Hay nako!

"Tss." Hahaha! Nakaka-tawa sya infairness.

Umorder na lang din sya saka binayaran order nya pati order ko. Pero naka-poker face na lang sya. Hay nako! Sa loob ng 5 years, mas nakilala ko na sya kaya alam ko na ibig sabihin ng ganyang muka nya.

Habang naglalakad kami palabas ng canteen ay padabog nyang kinain yung sandwich nya pero ako? Nakangiti lang akong nakatitig sa kanya nang makita nya akong nakatitig sa kanya. Kumunot na naman noo nya.

"Bakit ka naka-tingin?'' Tanong nya pero lalo lang lumawak ngiti ko.

"Ang cute mo pala mag-selos?" Sabi ko pero aba! Inirapan ba naman nya ako? Daig pa babae. Kaloka!

Di ko alam kung pano ko sya mapapatigil sa pagseselos nya pero hinawakan ko kamay nya dahilan para mapatigil sya. Kinikilig 'to for sure. Minsan lang kaya ako gumawa ng first move!

"Alam mo di mo kailangan mag-selos." Sabi ko pero di pa rin sya tumitingin sakin. Di rin naman nya inaalis pagka-hawak ko sa kamay nya.

"Di mo kailangan mag-selos kasi sa sarili mo lang naman ikaw nag-seselos. Ikaw kaya iniisip ko." Dahil sa sinabi ko bigla na syang tumingin sakin habang nanlalaki mga mata.

Nanlalaking mga mata pero kita naman yung saya. Masyado syang halata! Hay nako!

"A-ako?" Unti unti nang lumalaki ngiti nya.

"Oo nga. Kaya wag ka nang madrama dyan ha?" Saka ko pinisil pisngi nya.

"Aga aga oh ang tamis ng pambungad nyo." Naalis ko bigla pagkahawak ko sa pisngi ni Zeid nang may marinig akong pamilyar na boses.

"Good morning Mira!" Bati ni Zeid kay Mira na naka-ngisi lang samin. Problema nito!?

"Good morning din sa inyo." Naka-ngising bati samin ng bestfriend ko na toh. Hula ko, mang-iinis lang 'to kasi nakita nya kaming sweet ni Zeid.

"Bakit nandito pa kayo? Malapit na mag-umpisa klase ha?" Sabi ni Mira pagkatingin nya sa wristwatch nya.

"Papunta na rin sana kami. Eh ikaw? Bakit ikaw lang ata mag-isa? Di mo kasama boyfriend mo?" Takang tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi talaga. Lagi kayang magkasama si Rhobert at Mira.

"Ahh. Si Rhobert? Bigla nga ring nawala nung papunta sana kami sa room ko dahil ihahatid nya ako. Nag-alala ako kaya di muna ako dumiretso sa room at hinanap ko sya tapos ayan. Nakita ko kayo." Paliwanag nya saka nag-pout. Loko yun si Rhob ah? Di naman ganun dati yung lalake na yun.

5 years kong nasubaybayan ang relasyon nila Mira at Rhobert kaya kahit maliit na detalye alam ko na. Kaya alam ko rin na napapaalam lagi si Rhob kay Mira bago umalis. Kaya nga nagulat ako ngayon na bigla na lang sya nawala.

"Baka naman nag-punta sa banyo?" Isip ni Zeid.

"Nagtanong na ako sa malapit na restroom sa Business Management building kung may nakakita sa kanya pero wala naman daw." Sagot ni Mira na halata namang nag-aalala.

"Natawagan mo na ba?" Tanong ko na agad nyang tinanguan.

"Syempre yun una kong ginawa. Kaso cannot be reach. Nakapatay ata." Oke fine.

"Sabi ko nga." Sabi ko saka nagtitingin sa paligid dahil baka makita ko lang pagmumuka ng lalakeng yun. Lakas naman ng loob nya pag-aalahanin bestfriend ko sa kanya.

"Mabuti pa mamaya mo na sya hanapin. Tulungan ka na lang namin. Isama na rin natin sina Angeloy at Brine." -Zeid.

"Pati na rin si Jaraica at Keana." -Ako.

Bumuntong hininga muna sya bago tumango. Buti pumayag sya.

"Sama ka na samin. Ihahatid ko lang si Jhay mylovesosweet sa room nila tapos sabay na tayo bumalik sa room." Pag-suggest ni Zeid na di naman tinanggihan ni Mira.

Mabuti naman pumayag sya. Kasi kilala ko sya, pag tumanggi sya ibig sabihin di sya titigil kakahanap sa boyfriend kahit nagumpisa na ang klase. Oo. Ganun sya kalala mag-alala.

Pero di ko naman sya masisisi. Kahit ako naman siguro magiging ganun sa mga mahal ko. Lalo na sa mga pamilya ko, kaibigan at lalakeng mahal ko.

"Hala! Quarter to 8 na pala?" Gulat na sabi ni Mira habang nakatingin sa wristwatch.

Sheteng malupit. Ganun ba kami katagal na nakatunganga kanina at malelate na kami? Tapos saktong mahahatid naman ako ni Zeid sa room ko nang di nalelate. Pero sila naman ni Mira malelate. Jusko!

"Luh? Ang bilis naman ng oras." Nakabusangot ang muka ni Zeid habang sinasabi nya yun. Alam ko din na iniisip nya pag hinatid pa nila ako eh sila naman ang male-late. Kaya isa nalang naiisip kong gawin.

"Zeid, Mira, pumunta na kayo sa building nyo. Medyo malayo pa yun sa building namin kaya malelate kayo pag hinatid pa ako." Napatingin silang dalawa sakin pero halata naman na tutol si Zeid sa sinabi ko.

Pero syempre, kahit umayaw pa sya ng ilang libong beses. Ako pa rin ang mananalo sa huli.

"Sure ka ba?" -Mira.

"Ihahatid na kita. Kahit si Mira nalang mauna." Sabi ni Zeid pero tinaasan ko sya ng kilay.

"Mamili ka Crisostomo. Susunod ka ngayon para di tayo malate pareho o di ka susunod sakin pero di kita papansinin ng 1 month?" Namutla naman sya sa choices ko habang si Mira ay natatawa.

Seryoso kaya ako! Muka ba akong nagjo-joke?

"1 month? Jhaycee naman--" Di ko na pinatapos sa pagsasalita si Zeid.

"Mamili ka ngayon." Pinanlakihan ko sya ng mata at napabuntong hininga naman sya.

See? I won!

"Fine. Basta sabay tayo mag-lunch mamaya ha? Alam ko schedule mo. Sabay lunch break natin tuwing Monday, Tuesday at Thursday." Sabi nya na nakapagpa-nganga sakin.

Mas kabisado pa nya schedule ko kesa sakin! Eh di ko nga alam schedule nya eh.

"Oo na. Sige maya na lang ha?" -Ako.

"Later Jhaycee!" -Mira.

"See you later bebe ko!" -Zeid. Napairap na lang ako.

Umalis na rin sila kaya madali na din akong umalis.

Nasa 4th floor pa yung classroom namin. Malamang punuan sa elevator kaya kailangan ko gumamit ng emergency stairs. Oo may elevator bawat building sa school na toh. Sosyal diba?

Binilisan ko pa lakad ko nung marinig ko yung P.A. na nag-warning sa mga estudyante na 10 minutes na lang umpisa na ng klase shet. Sana naman makahabol ako.

Tumakbo ako papunta sa loob ng building. Konti na lang estudyante sa first floor pero nag-uunahan sa elevator. Mabuti pa talaga mag hagdan na lang ako!

Tumakbo ako sa hagdan saka hadaling inakyat ang dalawang set ng hagdan at nasa second floor na ako. Tumakbo agad ako sa hagdan sa third floor. Sunod ko namang inakyat ang papuntang 4th floor and finally! Nasa 4th floor na ako.

Pero.... nakaka-hingal pala talaga umakyat ng 4 na palapag? Buti di ako na-haggard ng sobra. Naglakad na lang ako at inisa-isa na tignan ang mga room number na nasa taas. Room 48 ako eh.

41...42...43...44...45...46...47--

"Aray!'' Sabi ko after ko mauntog sa kung ano. Tinignan ko naman yun at may nakita akong tao na dati ding taga Willstone Academy na mukang dito din nag-aaral.

Duh? Jhaycee halata naman na dito sya nag-aaral. Kaya nga sya nandito diba?

Tinignan ko ang lalakeng naka-bungguan ko. Ang tangkad talaga nya at medyo tan ang kulay nya, as usual. Hindi nya katulad bebe ko na may kaputian ding taglay katulad ko.

Ang tanging pareho sa kanila ay yung amoy nila. Amoy marshmallow!

"Jap?" Tanong ko. Naninigurado lang. Baka kamuka nya lang ito.

Imposibleng di ko sya kilala. Nung grade 9 kami, nakasama namin sya ni Mira sa student council. Nanalo na naman kasing president nun si Mira at ako bilang Vice President. Oh diba bongga? Tapos sya yung nanalong secretary. Kaya ayun, lagi naman syang kasama sa SC room. Pero di namin sya kaclose.

Syempre, sya ang lalakeng pinag-selosan ni Rhobert nung nililigawan palang nya si Mira. Imposibleng makalimutan ko yun. Isa kaya yun sa mga nakakatawang alaala! Hahaha!

"Vice president?" Gulat nyang tanong sakin. Naalala nya ako? Naks naman! Napa-ngiti naman ako.

"Ako nga. Si Jhaycee Corpuz. Ikaw si Secretary Feliz diba?" Sabi ko at ngumiti naman sya. Di ko mapigilan amuyin sya. Amoy marshmallow talaga eh!

"Yup! Jap Louis Feliz at your service." Pagsang-ayon nya sakin.

Ang galing! Akalain nyo naalala ko pangalan nya? Malilimutin na kaya ako minsan.

"Sabi na eh. Pero nako! Next time na lang tayo mag-kwentuhan. Late na ako eh." Bigla kong naalala na malelate na ako.

Actually late na nga ako.

"Ay oo nga! Ako din. Naliligaw kasi ako. Akala ko eto ang Business Management building." Halatang frustrated na sya habang ginugulo ang sariling buhok. Napatawa naman ako kaya tumingin sya sakin ng nagtataka.

"Pft. Ang Business Management building ay doon pa. Architecture 'to. Diba mula dito? Bale eto first building tapos may malalagpasan ka pang dalawang building. Ayun! Doon ang Business Management." Sana nagets nya noh?

Una tumitig muna sya sakin saka ngumiti. Ang cute nya infairness.

"Salamat Vice President! Salamat." Saka nya hinawakan kamay ko dahilan para manlaki mga mata ko.

Si Zeid palang lalakeng may lakas loob hawakan kamay ko. Sya lang ang lalakeng di ko kamag-anak na malayang nahahawakan kamay ko. Pero ngayon nahawakan na din ng iba.

"Salamat talaga." Saka pa nya shinake kamay ko at kamay nya.

"Sa susunod na lang!" Sabi nya saka na umalis sa harap ko.

Ano kaya mararamdaman ni Zeid pag nalaman nyang di lang sya nakaranas humawak sa kamay ko. Magagalit kaya sya?

"Ay shete! Late na nga pala ako!" Sabi ko sa sarili saka hadaling pumasok sa room 48 na nakita ko rin sa wakas.

Fastforward. Puro pagpapakilala lang naman ginawa ng mga professor. Pero sa pang-apat na professor namin, ay introduced yourself daw. Gara naman! Hanggang college ba may ganito pa rin?

Isa isa naman nagpakilala mga kaklase ko na di ko pa kilala. Syempre ngayon ko lang sila nakita eh. Pero pag tumagal naman siguro ng konti, may makikilala din ako.

Natapos nang magpakilala yung iba pero wala naman akong natandaan na pangalan. Naiirita pa rin kasi talaga ako sa nangyayare ngayon. Akala ko naman pag college na, di na uso yung introduction chuchu.

"Next." Sabi nung professor na babae na muka naman di mataray. Ligtas naman siguro ako sa kanya.

Tumingin sya sakin saka ngumiti. Ako na ba? Napalingon naman ako sa paligid at halatang inaabangan ang pagpapakilala ko.

Sabi ko nga ako na diba?

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at pumunta sa harapan. Deretso lang tingin ko at di na binigyan pa ng tingin ang iba kong kaklase.

"Hi! I'm Jhaycee Corpuz. 21 years old. From Willstone Academy. Sana maging friends tayong lahat." Sabi ko saka binigyan sila ng ubod ng tamis na ngiti.

Ganda ko diba?

Napansin ko naman yung ibang lalake na napatitig sakin tapos yung ibang babae na ang sama makatingin, pero meron din namang mga babae na nakangiti sakin. Mukang sila ang mga friendly ah?

Ngumiti na ako kay prof at saka bumalik sa upuan ko nang di tinitignan ang mga tao sa likod. Kaya di ko alam kung sino sunod ko, kung babae ba o lalake. Hayaan na nga lang!

Ang pwesto ko kasi ay katabi ang bintana sa third row. Ako huling nagpakilala sa third row kaya next row naman. 4th row na.

"Next." Sabi ulit ni prof saka tumingin sa likod ko saka ngumiti.

Naramdaman ko namang tumayo yung nasa likod ko at sure naman akong sa harap din punta nun.

Pagkadating sa harap ay nanlaki mata ko nang narealize ko kung sino yun.

"Hello! I'm Jan Aubrey Isidro. 21 years old. From Willstone Academy. Nice to meet all of you!" Masayang sabi nya dahilan para mapasinghap ang ibang lalake at babae.

Kung kanina sakin, mga nakatitig lang yung mga lalake, sa kanya naman napapasalita yung iba katulad ng:

"Shit. Ang ganda nya."

"Single kaya sya?"

"Beautiful...."

"May ganyan pa palang kagandang babae sa mundo?"

Masyado naman sila namangha sa kagandahan ng babaeng ito. Kung alam lang nila pinaggagawa ng babaeng yan nung high school palang kami.

Pero after sagutin ni Mira si Rhobert noon, hindi naman sya nanggulo. Kaya siguro nagbago na sya?

Mabilis lang natapos ang 4 kong sunod sunod na klase. Masasabi kong enjoy naman pero siguro next week pahirapan na agad. Alam ko naman sa sarili ko na mas mahirap ang college kaysa sa high school or middle school. Expect ko nang maloloka ng sobra ang bangs ko.

Lumabas ako ng building namin at saka nag-inat. Lunch break na! Omg! Matawagan na nga si Zeid. Sabay daw kaming mag-lunch eh.

To: Bebe ko <3
Crisostomo! Tapos na klase ko. Nasan na kayo nila Mira?

"Ayan. Sent!" Bulong ko sa sarili ko. Nag-vibrate din naman agad. Nakita ko reply ni Zeid.

From: Bebe ko <3
Shh! Maya muna. Nagtago lang ako para makapag-reply sayo. Di pa kami tapos. Please wait for me. Later!

Ang tagal naman nung sa kanila. Over time kaya? Susko first day palang noh!

Pumunta na lang ako sa tapat ng building nila. May mga table dun sa tapat eh kaya dun ko na lang naisipan tumambay.

Di ko alam kung ilang minuto na ako naghihintay dito bench. At baka sa sobrang inip ko eh makasapak ako ng tao. Bakit ba ang tagal nila!?

Lumipas ang ilang minuto at madami nang lumalabas kaya medyo natuwa ako kasi for sure makikita ko na sina Zeid. Pero sa kasamaang palad ay nakita ko si Mira. Pero walang kasama.

Saan nanaman ba nagsu-suot si Zeid!?

"Hi Jhaycee!" Bati sakin ng kaibigan ko pero tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Nasaan si Zeid?" Normal lang naman siguro na itanong ko sya. Kasi malamang kanina pa ako nag-hihintay sa kanilang dalawa tapos ang madadatnan ko lang ay isa!?

"Ahh si Zeid? Inutusan nung isa naming professor kasama isa ko pang kaklase eh. Pero saglit lang yun kaya lalabas na din sila for sure." And she gave me an assurance smile.

Pero di pa rin ako mapakali. Di ko din alam kung bakit.

Naghihintay lang kami kay Zeid. Ako nakatitig sa entrance para makita ko agad si Zeid habang itong katabi ko ay may hawak na phone. Baka ka-text boyfriend nya.

"Na-contact mo na si Rhob?" Tanong ko sa kaibigan. Eh kasi nga kanina diba nag-aalala siya dun sa boyfriend niya na bigla nalang nawala.

"Ah oo. Nagkaroon kasi ng urgent meeting with his father daw dun sa office. Acceptable naman reason niya." Ahh. Anak nga pala si Rhob ng president ng University na ito. Bakit ko nakalimutan yun?

Napatango nalang ako kay Mira at binalik ang tingin sa entrance ng Business Management building. Nung una paunti ng paunti nalang lumalabas pero himala! Dahil nakita ko na din si Zeid! Parang nagliwanag paligid ko pero agad din nawala nung may makita akong katawanan syang iba.

At ang mas nakaka-inis ay babae pa!

"Matanong ko nga Mira, yung tinutukoy mo ba na kasamang kaklase ay babae?" Natatawa naman si Mira dahil siguro sa itsura ng muka ko.

Alam ko rin naman sa sarili ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang muka ko.

"Oo. Pft. Pero may kasama naman sila kaninang lalake din pero di ko pa kilala. Baka nauna lang lumabas." Natatawa pa rin na sagot ni Mira.

Problema ng babaeng ito? Palibhasa ang saya saya ng lovelife nya. Di bale, sasagutin ko narin naman si Zeid soon.

Nakita kong nagpaalam na yung babae kay Zeid dahil kumaway ito sa kanya at tumalikod na. Naka-ngiti lang na tumango si Zeid at napaharap sa direksyon namin ni Mira. Lumaki naman ngiti niya nung makita ako pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Anong akala ng lalakeng 'to? Di ko nakita na may haliparot sa paligid niya? Grr.

"Hi guys! Kanina pa kayo?" Maligayang tanong ng lalakeng ito nung nakalapit na samin.

"Oo--" -Mira.

"Hindi. Kadarating lang namin. Di kami naghintay ng matagal sayo, lalo na ako." Sarcastic kong sabi.

Di narin natuloy sinabi ni Mira dahil sa sagot ko. Napangisi sakin ang bestfriend ko at parang sinasabi ng mata niya na 'pachot, selos ka nanaman sa ibang babae?'

Masyado akong kilala ni Mira. Ganon din naman si Zeid pero di ko gets na di niya ako kilala oras na nagseselos ako. Parang ang slow niya sa moment na nagseselos at di niya alam. Kaloka talaga mga bes.

"Ahm. May problema ba?" Kinakabahang tanong sakin Zeid at nag-aalala din siya. Di ko mapigilan tumitig sa kanya kahit bad mood ako. Ang gwapo niya parin kahit naiinis ako sa kanya. Hays!

"May pinagseselosan kasi." Sabay kaming napatingin kay Mira na halatang nagpaparinig kahit sa ibang direksyon sya nakatingin.

"Nagseselos saan? Kanino?" Nagtatakang tanong naman ni Zeid. Oh tignan nyo nga! Di nya nagets agad na nagseselos ako. Baka nga di niya alam na ako yung nagseselos.

"Kay Arine Cervantes." Napatawa pa ng mahina ang kaibigan ko.

Arine Cervantes? Yun ba pangalan nung kasama ni Zeid kanina? Ang babaeng malakas ang loob na dumikit kay Zeid?

Napatingin naman sakin si Zeid at ngumiti. Napaiwas naman ako ng tingin dahil alam kong tatablan ako ng mala-anghel na ngiti niyang iyon. Ang ngiti na yun ang parang nagsisilbing salita na sinasabing huwag na akong magselos dahil ako lang ang mahal niya.

"Jhaycee my loves..."

"Okay fine!" Pagsuko ko nung marinig ang tawag niya sakin. "Di ako nagseselos okay? Hindi na. Kanina oo pero ngayon hindi na. Sorry kung nagselos ako."

"Sorry din dahil kasalanan ko. Di ko ginustong magselos ka." Sambit niya at napa-hinga nalang ako ng malalim.

Normal na ang ganitong senaryo tuwing magseselos ako lalo na nung highschool student pa lamang kami. Madami na akong pinagselosan noon. Friendly approach lang naman yung ginagawa nung mga kaklase niyang babae. Kakausapin siya dahil magkaklase sila, seatmates or related sa project. Sadyang mabilis lang talaga ako magselos pag nadatnan ko ang kung sino mang kausap niya.

I just feel threatened. Madaming nagsasabi sakin na maganda ako pero medyo boyish which is a minus points for boys. Ang mga babae kasing kumakausap kay Zeid ay maganda din at mahinhin. Kumabaga, babaeng babae talaga ang kilos. At ang isa pang dahilan kung bakit threatened ako ay maaring sumuko si Zeid sa panliligaw. Natatakot ako na baka saglit lang ang feelings niya sakin or infatuation. Dahil halos buwan lang ang lumipas nung magustuhan niya ako noon samantalang mas matagal siyang nagkagusto kay Mira.

But I shouldn't feel threatened anymore, right? Dati di ako sigurado pero ngayon sure na. Nagawa niyang maghintay ng 5 years. Nakaya niya maghintay para lang sa simpleng 'oo' ko. I shouldn't feel jealous to anyone anymore.

Naramdaman ko nalang na hinalikan niya ako sa cheeks. Naka-tyansing nanaman siya pero hinayaan ko nalang. After nun ay dumating din naman si Rhobert dito na dapat hahanapin namin mamaya pero nagparamdam narin kay Mira kaya wala nang problema.

"Pre! Nandito ka na? Hahanapin ka namin dapat ni Mira at Jhaycee. Bigla ka daw nawala kanina eh." Bati ni Zeid kay Rhob na seryoso lang itsura. Ano kaya iniisip nito? Mukang malalim iniisip eh.

"Ah may pinuntahan lang..." Parang medyo wala sa mood na sagot ni Rhobert pero di napansin ni Zeid dahil nasapawan ng boses ni Mira na mukang di din napansin.

"Galing siyang office para imeet daddy niya. Anak siya ng president ng University na ito, remember?" Masayang sagot niya sa tanong ni Zeid.

"Ay oo nga! Anak ka nga pala ng president! Castro rin nga pala apilido nung may-ari. Bakit nakalimot ako?" Gulat na sambit ni Zeid. Masayang tumango naman sa kanya si Mira.

Muka ngang walang napansin yung dalawa. O baka naman mali lang pagkakarinig ko sa tono ng boses niya?

"Guys, naghihintay nga pala satin ang barkada sa cafeteria. Sabay-sabay na daw tayong mag-lunch." Biglang sabi ni Rhobert kaya napalitan usapan nila Mira at Zeid.

"Sabay-sabay lunch break natin pag Monday!? Talaga ba?" Parang kumikinang ang mata ngayon ni Mira sa saya.

Napansin ko naman ang unti-unting pagngiti ni Rhobert sa girlfriend niya at sinagot ito ng, "Oo. Sabay-sabay lunch break natin pag Monday at Thursday." At napatalon naman si Mira sa narinig sa sobrang tuwa na kumpleto ang barkada. Tuluyan narin nakangiti si Rhobert.

Pumunta narin kami ng cafeteria na walang nagbabago sa ngiti ni Rhobert. Siguro nga mali lang ako ng rinig sa tono ng boses niya at baka nag-overthink lang ako masyado.

--------------------

Happy 15k reads to Class 7-2!

First POV ni Jhaycee since nagstart ang Book 2! Mayroon ding ZeiCee moments hehehe. Abangan ang side ni Mira sa same na timeline sa next chapter! Votes and comments please? Thank you!

Multimedia Side: Jhaycee Corpuz

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top