Chapter 4 - Enrollment
.
Mira's POV
2 months have already pass and masasabi kong enjoy naman yung bakasyon kaso nakakainis yung init! Mas babad tuloy ako sa aircon!
Naka-pang alis na damit ako ngayon dahil pupunta ako sa bagong school ko. Well college na ako kaya di na ako sa Willstone Academy, sa Diamond University na ako mag-aaral dahil nga nakapasa ako dun. Well lahat naman kaming barkada nakapasa sa entrance exam. Mage-enroll lang ako ngayon para sa magiging section ko for first semester.
*Riiiiiiiing!!!-Riiiiiiiing!!!*
"Yes? Hello?" Sabi ko sa tumatawag.
[I miss you.] Agad naman akong napa-ngiti sa pambungad nya. Sweet naman!
"Oh! I miss you too, baby loves." Di ko mapigilan ngumiti ngayon dahil sa boyfriend ko. I hear him chuckled on the other line. And it's really sexy!
[Let's meet. I want to see your pretty face, personally.]
"Hmm sige. Pupunta akong Diamond University ngayon. Sabay na tayong mag-enroll?" Tanong ko habang nilalagay yung gamit ko at ilang requirements sa bag ko.
[Enrollment na pala?] Takang tanong nya na nakapag-patawa sakin.
"Malilimutin ka na Castro! Today is the start of Enrollment week." Dapat ko na ba syang regaluhan ng Memory plus? Yung gamot para sa mga malilimutin haha!
[Sorry na boss! Anyway, sunduin ba kita? May gusto din akong pakita sayo.] Kumunot naman noo ko sa sinabi nya. Ano naman ipapakita nya?
"Sure ka ba? Mapapagastos ka pa ng taxi pag nagpunta ka dito. Sa campus na la--"
[I object Mrs. Castro!] Feeling ko biglang pumula muka ko sa sinabi nya.
Mrs. Castro? Hmm. Infairness, bagay!
[Wag mo na problemahin ang pamasahe. Ang mahalaga mapakita ko sayo yung--] Bigla nyang pinutol yung sasabihin nya. Bakit kaya?
"Yung?'' Tanong ko.
[Ahh basta! Wag kang aalis dyan ha? Susunduin kita.] Mapapatawa ka na lang talaga sa kakulitan nya.
"Oo na." Sabi ko habang ngiting ngiti.
[See you later. I love you.] My heart beats faster again after hearing the magic words. Hearing it coming from his voice makes me fall for him million times.
"I love you too." Sagot ko saka inend call.
Tinabi ko na yung phone ko sa bag na dadalhin ko saka kinuha yung bag at bumaba. Iinom man lang sana ako kape bago umalis. Para kahit papaano may laman tyan ko.
Pagkababa ko ay nakita ko agad si kuya Nico na may dalang bouquet ng bulaklak. Mukang kakapasok lang nya dito sa bahay. Nasa tapat sya ng pinto eh. Ang aga naman manligaw ng lalake na toh.
"Hey Kuya Nicolo!'' Bati ko sa kanya at napatingin naman sya sakin saka ngumiti.
"Good morning Mira! Nandyan ba si Alice my loves?" Sabi na eh. Si ate Alice pinunta nito dito.
"Baka nasa kusina. Tara sabay na tayo dun. Kakain ako agahan eh." Sabi ko saka tumalikod. Alam ko namang nakasunod sya sakin eh.
Pagdating sa kusina ay tama nga ang hinala ko. Nandun si ate Alice at pakanta kanta pa habang naghahain ng mga pagkain.
"Good morning!!'' Bati ko kaya napatingin sya sakin.
"Good morning Mira! May lakad ka ba ngay-- Nicolo James de Vera anong ginagawa mo dito?" Kawawa naman tong si Kuya Nico. Taray ng pambungad sa kanya ni ate Alice. Pft.
"My loves naman! Nandito ako para ibigay sayo tong paborito mong tulips." Pero sa halip na ngumiti si ate Alice eh tinaasan nya ng kilay si Kuya Nico. Kawawa talaga. Baka mamaya palayasin na nya dito si Kuya Nico pfft!
"Talaga lang ha? Baka naman makikikain ka din?" Sabi ni ate Alice at napakamot naman si Kuya Nico sa ulo.
"Hehehe oo sana eh--"
"Pwes maari ka nang umalis. Walang pagkain dito!" Saka pinandilatan ni ate Alice at si kuya Nico naman napalunok na lang. Ang cute din nilang dalawa eh. Haha!
"Alice naman...." Nagpout pa si Kuya Nico. Aba! Haha! Ewan lang kung effective.
"Ano!!?'' Nanlalaki talaga mata ni ate Alice dahil kay kuya Nico.
"Wala. Sabi ko nga aalis na ako." Malungkot na sabi ni kuya Nico saka nilapag sa table yung bouquet at nagumpisa ng lumakad paalis ng tawagin sya ni ate Alice.
Pag-ibig nga naman. Di mo talaga sya matitiis.
"Sandali Nicolo." Tumingin naman si kuya Nico kay ate Alice na umiiwas lang ng tingin.
"Yes po commander ko?" Haha! Kaloka! Commander talaga eh noh?
"Alam kong kaya ka nandito kasi excited ka sa date natin mamaya. Ikalma mo yang pwet mo. Okay? Mamaya pang lunch yung date natin. Kaya konting hintay lang okay?" Sabi ni ate Alice saka hinalikan si kuya Nico sa pisngi.
Ay naks! Forever na ba this?
Biglang ngumiti ng malaki si kuya Nico. Hay nako! Halatang tuwang tuwa.
"Masusunod po My loves! Sige alis na ako." Saka naman humarap sakin si kuya Nico. "Alis na ko Mira. Paki-kamusta na lang ako sa kuya mo." Tumango nalang ako at umalis na rin sya.
"I love you." Opps! Narinig ko yung bulong na yun. Tinignan ko naman si ate Alice saka ngumisi pero umiwas lang sya ng tingin kahit namumula muka nya.
Pero masaya na talaga ako para sa kanila ni kuya Nico. Akala ko talaga forever nang head over heels tong si ate Alice sa kapatid ko. Pero syempre lahat makaka-tagpo ng true love nila.
"Ah Mira? Dito ka ba kakain?" Tanong ni ate Alice kahit halatang namumula pa rin pisngi nya.
"Ah oo. Susunduin kasi ako ngayon ni Rhobert." Sagot ko saka umupo at nagumpisang kumain.
"Edi dito sya kakain? Teka kukuha ko na sya pagkain. Dito ka muna." Paalam ni ate Alice saka umalis pero pinigilan ko din.
"Ako na bahala ate Alice. Sige na maghanda ka na para sa date nyo ni kuya Nico." Saka ko sya kinindatan pero lalo lang namula muka nya.
"Oo na. Sige na. Ingat kayo ha?"
"Oo naman. Kayo din." Sabi ko sa kanya at umalis na sya.
Tinapos ko na pagkain ko saka pumunta sa graden. Dun na lang ako maghihintay. Sana lang dalian nya.
"Ma'am Mira, nandyan po sa labas yung boyfriend nyo." Bigla naman akong napatayo dahil sa sinabi ni Manong Seb. Yung guard ng bahay namin.
"Ahh ganun po ba. Sige po. Salamat!" Hadali kong sabi saka lumabas ng gate pero wala akong nakitang Rhobert Castro.
Nagjo-joke lang ba si Manong? Tsk. Sasakyan lang naman tong nakikita ko sa harap ko. Isang kotse. Silver car.
At ngayon ko pa lang ito nakita.
Kumunot noo ko nung biglang bumaba yung salamin nung kotse na nasa harap ko. At nakita ko pagmumuka nung boyfriend ko na nagwi-wiggle pa mga kilay.
Tinaasan ko sya ng kilay. Ano ginagawa nya sa sasakyan na yan? Teka? Eto ba yung gusto nyang ipakita!?
Ang may sarili na syang sasakyan!?
"Surprise?" Sabi nya pero napa-nganga na lang ako. Wala akong masabi eh.
Bigla syang bumaba ng sasakyan at umikot papunta dito saka binuksan yung pinto sa passenger seat saka ako sinenyasan para pumasok pero di ko pa rin magawa.
"Ano ka ba! Wag ka na mahiyang sumakay." At naramdaman ko na lang na tinulak nya ako ng mahina kaya wala na rin akong magawa kundi ang pumasok.
Sinarado nya yung pinto saka sya umikot para makasakay sa driver's seat.
Nagtataka pa rin talaga ako kung sa kanya ba ito o hiram lang sa papa nya?
Pina-andar nya kung kotse saka tumingin sakin saglit pero binalik rin sa daan yung tingin. "Nagulat ka ba?"
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Saan mo nakuha tong sasakyan na toh?"
"Regalo sakin ni papa. Since nasa legal age na daw ako saka college na din ako. Kailangan ko na daw magkaron ng sarili kong sasakyan." Oh. What a nice gift.
"At dahil may sasakyan na ako, masusundo na kita palagi." Sabi ni Rhobert habang naka-tingin pa rin sa daan pero naka-ngiti sya.
"Congrats for having your own car. Pangarap mo magkaron ng sariling sasakyan diba?" Nakangiti kong sabi.
Syempre boyfriend ko si Rhobert kaya alam ko mga gusto nyang bagay.
"Yes. At ang susunod na pangarap na gagawin ko ay ang pakasalan ka." At feeling ko namula ako sa sinabi nya.
Kasal talaga? Agad agad?
Hinampas ko sya ng mahina sa braso nya. "Grabe ka! Kailangan maka-graduate muna tayo ng college bago yang kasal na yan." Sabi ko habang nakangiti. Natawa naman sya.
"Syempre naman. Para magkaron ako ng magandang trabaho at mabuhay ko kayo ng magiging anak natin." At mas lalo pa akong namula sa sinabi nya.
Waah! Naiimagine ko tuloy kami kasama ng mga magiging future kong anak. Teka nga! Mira mag-aral ka muna saka na yang kasal na yan! Jusko!
"Rhobert naman eh!" Asar na sabi ko kahit namumula na ako ng sobra. Kasing pula ko na siguro yung kamatis! Hay!
"Hahaha! Joke lang baby loves. Nagpa-plano lang naman ako ng magiging future natin."
"Tigilan mo ko." Nahihiya na kasi talaga ako! Waaaah!
"Hahaha! Oo na po. Samahan muna kita mag-enroll para sa magiging section mo tapos ako naman samahan mo?" Sabi nya kaya tumango ako.
"Deal."
"And! Dahil may sasakyan naman na ako, lunch date tayo." Excited na sabi ni Rhobert.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Lunch date?"
"My treat!'' Tuwang tuwang sabi nya.
"Hahaha fine! Wala akong gagastusin ha?" Pang-aasar ko sa medyo kuripot kong boyfriend.
"Yes baby loves!'' Buti di naka-activate ang kuripot cells nya sa katawan.
Ayos ah! May lunch date kami ni Rhob, sina ate Alice din meron. Nice one!
Nakadating na kami sa parking lot ng campus. And as usual, malaki ang school. Umpisa palang din ng enrollment week pero madami nang tao. Kaya sigurado akong medyo mahaba haba ang pila.
"Rhob dalian natin. Mahabang pila aabutin natin for sure." Sabi ko saka hadaling nag-ayos ng muka habang naka-harap sa pocket mirror ko.
"Kahit di ka na mag-ayos, maganda ka pa rin sa paningin ko." Napatigil ako sa paglalagay ng lip balm dahil sa sinabi ng boyfriend ko.
"Nambobola ka na naman." Sabi ko pero tinawanan lang nya ako. Grabe toh!
"I'm just telling the truth!"
"Whatever. Tara na nga!" Sabi ko saka unang lumabas ng sasakyan.
"Teka hintayin mo ko!" Sabi nya saka hadaling nilock ang sasakyan nya nang mapatingin ako sa harap ko. Isang linya din ng mga sasakyan ang nakaparada ng bumukas yung kotse na katapat ng kotse namin ni Rhob.
Lumabas ang isang babae pero may suot na sunglasses saka sumbrero kaya di ko makita ng ayos muka nya.
Di naman sya napatingin sakin dahil deretso alis na agad sya pagkalabas nya sa kotse nya habang may mga hawak syang folder. For sure isa yun sa mga requirements.
Pero ang pinagtataka ko talaga eh parang nakita ko na sya dati eh.
"Ayan tapos na. Oh? Ano tinitignan mo dyan?" Napatingin naman ako kay Rhobert nung magtanong sya.
"Uhh wala. Tara na." Sabi ko habang nakangiti at ngumiti din sya saka hinawakan kamay ko. Holding hands while walking peg namin!
Pagdating namin sa registar office ay bumungad agad samin ang mahabang pila.
Grabe! Ganto ba talaga kasikat ang eskwelahan na 'to kaya madaming nag-aaral dito? Kahit mahirap yung entrance exam eh madami pa ding nakapasa. Patunay lang na madami pa ring matatalino na tao.
"Mabuti pa pumila na tayo kung ayaw natin umabot ng lunch time dito." Sabi ni Rhobert kaya napatango ako. Tama naman kasi sinabi nya. Sa sobrang haba ng pila, for sure aabutin kami ng lunch dito.
"Miraaaa! Rhoooob!" Napalingon naman kami pareho dun sa tumawag samin. Nakita ko si Jhaycee na kumakaway samin at si Zeid na naka-ngiti lang samin.
"Hello Pachot!" Bati ko at agad naman silang pumunta sa pwesto namin.
"Mage-enroll na din kayo?" Masaya nyang tanong.
"Ah oo. Sinamahan muna ako ni Rhob tapos sasamahan ko naman sya after malaman section ko." Sagot ko.
"Ahh. Ako kasi tapos na ako. Kaya si Zeid naman sasamahan ko. Tapos nandito rin pala kayo." -Jhaycee.
"Syempre nandito din sya. Parehong Business Management kinuha namin eh." -Zeid.
"Tse! Alam ko 'no!" -Jhaycee saka inirapan si Zeid. Napakamot na lang sa ulo nya si Zeid.
"Oh. Oh. Mag-aaway na naman kayo." Sabi ni Rhob.
"Di naman kami mag-aaway. Ganto lang talaga sya mag-lambing." Sabi ni Zeid saka ngumiti ng nakakaloko kay Jhaycee pero masama lang nyang tinignan si Zeid.
Cute talaga ng dalawang 'to.
"Pila na nga tayo! Ililibre mo pa ako dun sa bagong bukas na cake shop sa China Town diba?" Mataray na sabi ni Jhaycee kay Zeid.
"Oo nga. Para matikman mo yung infamous Red Velvet cake nila." Cool na sabi ni Zeid. Alam na alam talaga ni Zeid mga paborito ni Jhaycee.
Pumila na kami ng magtanong si Jhaycee sa amin. "Gusto nyo ba sumama samin ni Zeid? Sabi ni Zeid masarap daw yung Red Velvet cake dun nung nagpunta sila ng family nila nung opening."
Agad akong umiling. May iba kaming lakad ni Rhobert eh. "Wag na. Date nyo yan eh. Saka may iba kaming pupuntahan ng Baby loves ko."
"Sus! Magde-date lang din kayo eh." Pang-iinis nya pero natawa na lang ako.
Puro lang kami kwentuhan habang naghihintay ng halos 1 hour at malapit na rin kami sa registar. 10:00 palang naman kaya siguro makaka-habol pa kami sa lunch time.
"Mira, si Raquisha ba yung naka-pilang yun?" Bulong sakin ni Jhaycee kaya napalingon ako sa tinuturo nya.
May babaeng nasa unahan ng pila at nakikipag-usap dun staff nung registar.
"Raquisha?" Parang familiar yung name. Saan ko nga ba narinig yun...
"Yung nakilala natin sa Beach. Dun sa Palawan. Nalimutan mo na ba?'' Ah! Kaya pala pamilyar sya sakin. Sya pala yung sa Palawan. Dito pala sya mag-aaral?
At Business Management din kinuha nya? Sana naman di ko sya maging kaklase.
Di naman sa ayaw ko sya maging kaklase. Di ko lang talaga sya feel.
"May chance na maging mag-kaklase kayo diba? Since same course pala kayo."
"Ewan." Sagot ko na lang kasi ayaw ko talaga sya maging kaklase.
Napatingin naman ako kay Rhob na naka-titig sakin. Tinaasan ko naman sya ng kilay pero aba! Ningitian lang ako.
Ano trip nito?
"Gutom ka na ba?" Tanong nya sakin kaya umiling ako ng saktong mahinang tumunog tyan ko. Sign na gutom na talaga ako.
Lalo pang lumaki ngiti ni Rhob kaya namula ako. For sure narinig nya yung tunog ng tyan ko! Waah! Nakaka-hiyaaaa!
"Dito ka muna. Bibili lang kita ng pagkain." Paalam nya sakin.
"Teka! Sasama na lan--"
"Wag na. Ikaw kailangan sa pila na toh kaya maiwan ka na." Sabi nya habang hawak ang kamay ko kaya tumango na lang ako. Tama naman kasi sinasabi nya.
"Sama na ako sayo Rhob. Nagugutom na rin kasi ako saka nagugutom na din tong Crisostomo na toh kaso di naman nya pwedeng iwan tong pila." Sabi naman ni Jhaycee saka tumingin kay Zeid na halata ngang gutom na.
"Sige." Sabi ni Rhobert kay Jhaycee saka tumingin sakin. "Babalik agad ako." Sabi nya sakin sabay halik sa cheeks ko.
"Tara na Rhob! Dito muna kayo ha?" Sabi samin ni Jhaycee kaya tumango ako at umalis na sila pareho ni Rhobert.
"Buti naisipan nilang bumili ng pagkain." Sabi ni Zeid na malungkot ang muka. Halatang gutom na talaga sya.
"Kaya nga eh. Isang oras na din kasi tayong nandito." Sabi ko habang nakatingin sa unahan ng pila. Wala na si Raquisha. Buti pa sya tapos na.
Tahimik na lang kami ng may maisipan akong itanong sa kanya.
"Zeid?"
"Hmm?''
"What's the real score between you and my bestfriend? Kayo na ba?" Tanong ko. Kasi 5 years na rin naman lumipas saka college na kami kaya pwedeng pwede nang maging sila.
"Hindi pa eh." Saka sya bumuntong hininga at mas lalong lumungkot muka nya.
Hindi pa? Malapit na rin yun. Tiwala lang.
"Hintayin mo sya. Okay? Malapit na yun. Tiwala lang." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sana." At bumuntong hininga na naman sya.
Hanga din ako kay Zeid eh. Nakatagal sya ng 5 years sa panliligaw kay Jhaycee. Nung grade 8 kami madalas magrant sakin si Jhaycee na baka sumuko agad si Zeid dahil pag nag-college palang sila pwede. Pero tignan mo nga naman.
College na kami next month at nagtya-tyaga pa rin manligaw si Zeid. Congrats sa kanila.
After 30 minutes ay nakapag-enroll na rin kami. At magka-klase kami from first semester to second. Isn't that awesome?
"Uy tapos na kayo?" Saktong balik din nila Rhobert at Jhaycee na may hawak na plastic bag na mukang alam ko na kung ano laman.
"Oo. Magkaklase nga kami eh." Sagot ni Zeid at agad kinuha yung plastic bag kay Jhaycee at hinalungkat yung laman.
"Hoy! Wag kang pahalata masyado na gutom ka tsk." Asik sa kanya ni Jhaycee.
"Sorry na. Gutom na kasi talaga ako." Sabi ni Zeid at kinuha yung isang sandwich saka binuksan at kinain.
"Tagal nyo naman ata bumili?" Sabi ko kay Rhobert pagka-abot nya sakin ng isang burger.
"Punong puno sa canteen kaya lumabas pa kami ng school saka dun bumili sa malapit na convenience store." Sagot nya habang hawak yung isang mineral water.
Tumango-tango na lang ako saka hadaling inubos yung burger. Kailangan pa mag-enroll ni Rhobert. Aish!
"Mageenroll ka pa Rhobert diba? Una na kami ha?" Paalam samin ni Zeid.
"Oo. Ingat kayo sa date nyo dude." Sabi naman ni Rhobert kela Zeid.
"Mira alis na kami ha? Mamaya sa gc tayong mga girls magusap. See yah!" Sabi sakin ni Jhaycee saka bumeso kaya tumango ako at ngumiti.
"Ingat kayo."
"Kayo din."
Kumaway ako sa kanila kahit nakatalikod na sila. Humarap naman ako kay Rhobert saka sya inaya papunta dun sa Computer Engineering line. Buti pa dito maikli na lang pila dahil magla-lunch break na din.
Nakapila lang kami habang nagkwe-kwentuhan.
"Saan ba tayo kakain mamaya?" Tanong ko.
"Hmm. Saan mo ba gusto?"
"Nagcecrave ako sa pizza ngayon eh. Sa Shakeys na lang?"
"Sige ba--"
"Mira Aguinaldo?" Napatingin kami dun sa nagsabi ng full name ko. Teka? Eto yung babae kanina nakaparada sa tapat ng kotse ni Rhobert.
Paano nya nalaman buong pangalan ko? Hala!
"Di mo na ba ako maalala?" Ang cute naman mag-tagalog ng babaeng toh. Parang foreigner.
"Uhh? Do I know you?" Takang tanong ko. Kasi naman naka-sunglass sya kaya di ko makita kung sino tong babaeng toh kahit pakiramdam ko kilala ko sya.
"It's me. Mira!" Sabi nya sabay alis nung sunglass at nakita ko na medyo singkit nyang mata.
Waaaah!!! "Mira Dijaña Lee?" Pagtatanong ko kung tama at agad naman syang tumango habang malaki ang ngiti.
Eto yung babaeng naka-one on one ko sa Just Dance na Koreana na kapangalan ko!
"Are you going to study here? And oh! Same course too. Pwedeng pwede tayo maging classmate!" Excited na sabi nya.
"Nako! Ang course ko ay Business Management. Sinamahan ko lang tong boyfriend ko na kapareho ng course mo." Pagpapaliwanag ko at tumango tango naman sya.
"I see. So what's his name?" Tanong nya sakin.
Tinignan ko si Rhobert na parang sinasabi na sya na yung magpakilala sa sarili nya.
"I'm Rhobert Castro. It's nice to meet you." Sabi ni Rhobert saka inabot kamay kay Mira na agad naman nyang tinanggap at nakipag-shake hands.
"Ako nga pala si Mira Dijaña Lee." Natawa naman ako sa pagtatagalog nya. Ang cute talaga!
"Anyway I need to go. Hope we meet again!" Sabi nya saka yumuko. Tradisyon na talaga ng mga Koreano ang yumuko noh?
"Yeah. See you!" Sabi ko at umalis na sya.
"Ang cute nya noh?" Sabi ko kay Rhobert pero namula naman ako sa sinabi nya.
"Mas cute ka kaya."
"Wag nga ako!" At natawa naman sya saka pininch pisngi ko.
Yung pisngi kooooo!!!
--------------------
Hola! Medyo sabaw huehue. Votes and comments? Thank you!
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top