Chapter 3 - Swimsuit
.
Mira's POV
Beach dress... check!
Swimming shorts and shirt... check!
Normal shirts and shorts... check!
Sunglasses... check!
Beach hat... check!
Err... bikini, check?
Ayos na lahat pero nagda-dalawang isip pa rin ako kung dadalhin ko yung bikini na pinili nila Kea at Jar para sa akin. Kaya ako nagda-dalawang isip kasi gumugulo sa isip ko yung sinabi ni Jhaycee kahapon na in case of emergency lang yung mga bikini na toh.
Nakaka-loka! Dadalhin ko na nga lang toh.
Niready ko na lahat at pati plane ticket ko nasa shoulder bag na dadalhin ko.
Naligo lang ako saglit at nag-suot lang ng white shirt at shorts since ang pupuntahan naman namin ngayon ay isang beach resort. Di ko na kailangang magsuot pantalon at long sleeves. Di naman ako weirdo noh para magsuot nun eh dagat pupuntahan ko. Kaloka!
8 am ang flight namin at 6 palang naman ng umaga kaya konting bilis lang kailangan kong gawin.
Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako ng mabilisan at saka sinuot ang sunglasses ko. Kinuha ko yung shoulder bag ko staka yung maliit na traveling bag na may laman ng mga damit ko.
Lumabas at bumaba ako galing sa kwarto at saktong pagbaba ko eh nakita ko si ate Alice sa sala na nagli-linis at pakanta kanta pa!
Good mood ata? Hmm...
"Good morning!" Bati ko sa kanya at napatingin naman sya sakin ng nakangiti. Good mood nga!
"Good morning Mira! Kumain ka na ba?" Tanong nya.
"Hindi pa." Sagot ko saka tumalikod para pumunta sa kusina. Nararamdaman ko namang naka-sunod sya.
Umupo ako sa upuan at nakitang may mga nakaready nang agahan since alam nila na maaga akong aalis ngayon.
Nilagyan ko plato ko ng slice ng tinapay saka pinalamanan.
"Coffee?" Narinig kong tanong ni ate Alice habang nagpapalaman. Balak ko kasi sanang ipagdala si Rhobert mamaya pag nagutom din sya. Para tig-isa kami.
"Sige. Salamat!" Sabi ko. Next ay binalot ko sa table napkin yung egg sandwich at nilagay sa tupperware. Naalala ko tuloy dati nung high school pa kami at di pa kami nun, inagaw ba naman sakin sandwich ko! Hay! Pero one of the best memories namin yun. (Seen in Chapter 30, Class 7-2)
Nilapag naman ni ate Alice yung kape sa table habang nag-aayos pa ako ng ibang sandwich na ibibigay sa barkada.
"So? Anong oras flight nyo?'' Tanong nya at tumulong sakin mag-palaman at magbalot ng sandwich.
"8 am." Sagot ko.
"Ahh. Konting bilis dahil isang oras na lang at lilipad na eroplanong sasakyan nyo." At dahil sa sinabi nya, napatingin ako sa wristwatch ko at nakitang 7:10 na. Ang bilis naman ata ng oras!!
"Nako! Late na ako. 7 usapan namin na dapat nandun na daw kami sa airport." Sabi ko saka hadaling nilagay yung tupperware na may lamang sandwich sa bag ko.
"Kalma lang! Sabihan ko lang si kuyang driver na ihanda na yung kotse para ihatid ka." Di na ako nakasagot kay ate Alice dahil umalis na rin naman sya. Malamang tatawagin na si kuyang driver.
Hay buhay! Late na naman!
*Riiiiing!!!-Riiiiing!!!*
Sino ba naman itong tumatawag? Kitang naghahadal-- "Hello Jhaycee?"
[Hoy! Ikaw na lang wala kaya dalian mo kung ayaw mo maiwan ng eroplano!] Grabe tong babaeng toh. Di halatang excited at pinaghahadali ako.
"Papunta na. Gumawa lang ako sandwich para sa lahat." Eh totoo naman kasi kaya late ako ngayon.
[Naks! May pang-peace offering ka na agad sa pagiging late mo. Anyway konting bilis dahil malapit na rin kami mag-check in.]
"Oo na. Mamaya na lang." Sagot ko saka binaba yung tawag pero nagring na naman phone ko, sign na may nagtext. Bumilis naman tibok ng puso ko dahil nakita ko palang pangalan nya. Inopen ko yung message.
From: Baby Loves <3
Good morning! Sana malapit ka na dito sa airport. I already miss your presence :) I love you
Omg! Masyado naman nyang pinaganda umaga ko hihi! :'>
"Mira ayos na. Sumakay ka na para di ka abutan ng traffic at malate." Sabi sakin ni ate Alice. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Salamat. Pakisabi na lang kila kuya na maaga akong umalis."
"Oo sige ako na bahala. Ingat ka dun ah? Ingatan din ang boyfriend mula sa mga hipon!'' At napangisi na naman sya. Hay nako. Pareho sila nila Jhaycee. May tiwala naman ako kay Rhobert eh. Subukan lang nya maghanap ng chix dun, gagawin ko syang inahin ng mga chix na yun. Tsk.
Pagkasakay sa kotse ay nireplyan ko muna si Rhob my loves. Baka magtampo kasi di man lang ako nagreply. Charot!
To: Baby Loves <3
Good morning din :) On the way na ako so hintayin nyo lang ako. I love you tooooo hihi!
Buti na lang di traffic kaya nakarating din agad ako sa airport. Nakita ko naman sila. Ang girls tumakbo sa pwesto ko habang ang boys ay naglakad lang na sinundan ang girls.
"Good morning!" Bati ko.
"Akala ko di ka sasama samin." -Kea. Natawa na lang ako.
"Sasama ako 'no." Sagot ko.
"Buti nakadating kahit late." -Jar.
"Kahit late, ang mahalaga dumating diba?" -Kea.
"Mira, dala mo ba?" Napatingin naman ako kay Jhaycee dahil sa tanong nya.
"Alin?"
"Alin pa nga ba? Edi yung mga binili natin kahapon!" Sagot nya. Ahh yung mga bikini.
"Dapat dala mo para pare-pareho tayo mamaya ng suot pag nasa beach na! Hihi!" -Jar.
"Naeexcite tuloy ako sa magiging reaction ng boys. Mapanganga kaya sila?" -Kea.
"For sure! Aba! Imposibleng di sila mapanganga sa kasexyhan nating taglay." -Jar.
"Tama! Let them feel the hotness of our sexyness!" -Kea. Matatawa ka na lang talaga sa excitement ng dalawang 'to.
"Gaga! Wala namang word na sexyness!'' Sabay batok ni Jar kay Kea.
"Bakit ba? Trip kong gayahin si Althea Bobita eh." Sabay kaming napatanong nila Jar at Jhaycee.
"Althea? Bobita?"
"Oh yes! Isa sa mga fictional character na nilikha ng gwapong imahinasyon ni Sic Santos my loves!" Kilig na kilig na sabi ni Kea.
"So, he's an author?" Tanong ko. Mabuti nang naninigurado.
"Yup! One of the great author in this country!'' Oke naman. Kinikilig pa rin si Kea.
"Yeah yeah. Anyway, so ano? Dala mo ba Mira?'' Taas kilay na tanong ni Jhaycee.
"Oo. Katulad ng sinabi mo, in case of emergency." Sabi ko at napahiyaw naman sila sa tuwa pero nawala yun ng magtanong si Brine.
"Excuse me ladies, ano ba yang pinaguusapan nyong mga dala nyo?" Taka nyang tanong. Pft.
"Wala ka na dun!" Sabay sabay naman naming girls na sagot. Nice one!
Napakamot na lang sya sa batok nya.
"Alam nyo mabuti pa mag-check in na tayo. Aba! Di pwedeng di tayo makapag-beach ngayon!" Sabi ni Angeloy na nagpahadali samin. Pero ramdam ko ang excitement dahil ang tagal ko nang di nakaka-apak ng white sand. Nung nakaraang Summer kasi, sa Baguio ang lakad ng barkada.
"Omg let's go na!" -Kea.
"Palawan... here we go!!" At nagtakbuhan naman sila Brine, Jar, Angeloy at Kea sa Entrance. Naiwan naman kami dito sa pwesto namin, kami nila Zeid, Jhaycee at-- Eh?
Naramdaman ko yung braso nya na nilagay nya balikat ko. In short, naka-akbay sya sakin.
Napatingin tuloy ako sa kanya pero nakangiti lang sya sakin. Sweet smile.
"Let me hold you like this for a while. Okay? Tara na." Ngumiti ako saka sya hinalikan sa cheeks at namula naman sya dahil sa ginawa ko pero nakangiti pa din sya.
I am his girlfriend. That's why I'm doing this. Pero di ko naman sya magiging boyfriend kung di ko sya mahal. So hindi lang talaga basta girlfriend dahilan ko kung bakit ganito ako kasweet sa kanya. Kundi dahil mahal ko sya.
Mahal na mahal ko si Rhobert Castro. Itaga ko man sa buwan.
"Hay nako Jhaycee, bebe ko. Halikan mo nga rin ako sa chee-- AWW! Masakit!'' Napatawa naman ako nung piningot ni Jhaycee yung tenga ni Zeid. Sana lang maging sila na. College na kami sa June kaya pwedeng pwede na sila sa mga mata ng mommy ni Jhaycee.
"Wag ako. Hmp. Tara na nga!" At nauna na sya maglakad pero agad naman syang hinabol ni Zeid habang may dalang dalawang malaking bag. Hula ko kay Jhaycee yung isa? Pft.
"Tayo rin. Baka maiwan tayo ng eroplano." Kung kanina naka-akbay sya sakin, ngayon naman hawak na nya kamay ko saka kami tumakbo papasok ng airport.
Mabilis lang ang nangyare at nakasakay na kami ngayon sa eroplano. Ang katabi ko syempre ay ang boyfriend ko. Habang si Jhaycee ay si Zeid ang katabi pero may nakasaksak na agad na earphones sa tenga nya habang nakapikit. Ang lungkot tuloy ng itsura ni Zeid haha! Magkatabi naman sila Kea at Jar. Brine at Angeloy.
Yung iba busy pa sa pag-ayos ng gamit at kakapasok palang nung ibang pasahero.
Napatingin naman ako sa orasan ko at 10 minutes na lang ay aalis na ang airplane na ito.
"Hindi ka ba inaantok?'' Napatingin naman ako kay Rhobert dahil nagsalita sya. Tapos bigla na lang ako napahikab which make him chuckle.
"Libreng libre balikat ko para sayo baby loves." Then he wink at me.
"Wag na. Gusto ko panoorin yung mga ulap eh." Nakakamiss din kasi. Sakto pa na katabi ko yung bintana. Ang tagal ko na rin kasing di nakakasakay ng eroplano. Matagal na rin akong di napupunta sa France.
After 2 hours ay nandito na kami Palawan Airport. Tinawagan naman ni Jhaycee yung hotel na kung saan kami magste-stay para ipasundo kami sa Hotel Service.
Napahikab na naman ako. Inaantok na talaga ako pero pinipigilan ko lang. "Konting tiis na lang baby loves. Magpapahinga ka muna ba pagdating sa Hotel?" Tanong ni Rhobert sakin habang hawak ang kamay ko. Wala akong ganang sumagot dahil sa antok kaya tumango na lang ako saka napahikab na naman.
Yung iba excited na excited at pinag-uusapan kung ano mga gagawin pagdating sa beach pero kami ni Rhobert tahimik lang. Di ako makasali sa kwentuhan nila kasi inaantok na talaga ako.
Nasaan na ba kasi yung Hotel service!? Huhuhu!
"Ayan na yung service!" Maligayang anunsyo ni Keana kaya napatayo ako ng deretso pero mabigat na talaga mata ko at gusto ko na lang ipikit.
Nung nasa harapan na namin yung sasakyan ay nilagay namin lahat ng gamit namin sa likod ng van at kanya kanya na kaming pwesto. Ang pwesto namin ni Rhobert ay dito sa likod ng driver at mas lalo pa ata kong inantok sa music na pinapatugtog nung driver.
Naramdaman kong may humawak ng ulo ko at dahan-dahan sinandal sa balikat nya at may binulong sakin kasama ang magic words.
"You can sleep now. Don't worry. I love you...." And I can feel myself sleeping now.
----------
Dinilat ko mata ko at bumungad sakin ang brown na ceiling at may nakasabit na maliit na chandelier pero di nakabukas.
Bumangon ako at narealize kong nasa isang kama ako. Diba nasa sasakyan lang ako nung kaninang natulog ako? Nasa hotel na ba ako?
Nilibot ko paningin ko at nakita kong may dalawang kama sa kwarto na toh at nakita ko din mga maleta naming mga babae dun sa tapat nung closet.
Mukang naliligo na sila ah? Anong oras na ba....
"3 pm? Ang haba naman ng tulog ko." Sabi ko at saka binuklat yung maleta ko at kinuha yung towel saka swimming shorts at spaghetti strap na damit.
Naglakad na ako papunta sa banyo nang may mapansin akong papel sa side table ng kama.
Kinuha ko yung papel at binasa ang nakasulat na,
Miss Mira Aguinaldo,
Nauna na kaming mag-lunch kaso pagbalik namin tulog ka pa rin kaya nauna na kaming mag-swimming. Sunod ka na lang ha?
P.S. Pakisuot ang best swimsuit mo na binili natin kahapon. Hihihi
-Jaraica
Kailangan ba talaga suotin yun? Hays. Fine. Papatungan ko na lang.
Bumalik ako sa maleta ko at binalik yung beach shorts and sando at kinuha ko yung pink bikini at isang oversized shirt hanggang tuhod ko kaya di ko na kailangan mag beach shorts.
Nag-shower muna ako saglit at sinuot yung pink bikini saka naglagay ng sunblock lotion. After kong maglagay ay sinuot ko na yun oversized shirt na di mahahalatang may suot akong bikini. Kinuha ko yung sunglass ko saka phone. Syempre kailangan icapture ang masasayang moment ng barkada.
Pati rin moment namin ni Rhob syempre. Hihi!
Lumabas na ako ng kwarto namin at sumakay sa elevator. Nasa 5th floor kasi kami. Pagkasakay ko sa elevator ay saktong may dalawang babae na nakasakay sa loob. Naka bikini na din agad sila at may mga suot na sunglass. Halatang halata yung kurba ng katawan nila. Sexy talaga sila.
Nakakaloka naman! Di ko man lang chineck sa salamin kung bagay ba sakin yung bikini. Di ko na lang huhubarin yung shirt ko huhuhu!
"Alam mo ba Girl! May nakita akong mga cute kanina. Yung isa nga kamuka ni Lee Min Ho!" Sabi nung isang babaeng nakasakay ko. Mukang kausap nya yung isang babae.
"Uh-huh?" -Girl 2.
"I'm telling the truth! Kaya nga isasama kita eh. Si Ari nga mukang natipuhan talaga si Lee Min Ho look alike!" -Girl 1.
"Wala na bang iba guy doon?" -Girl 2. Plano ata nilang mag-boy hunting? Siguro kung single pa ako, sasama ako kela Jar maki-boy hunting.
Kaso mas masarap pa rin talaga yung may boyfriend ka. Secured ka talaga.
"Uhm. Yung isa mala Myungsoo!" -Girl 1.
"Really? Single ba?" -Girl 2.
"I think so. Wala naman sya masyadong kalandian. Err-- sorry for the term pero may kasama syang tatlong babae pero parang friends lang ata." -Girl 1. 3 girls?
Jhaycee...Keana...Jaraica? Posible kaya?
"Oh well that's good. Magiging akin din sya." -Girl 2.
"Oh! Actually magkakasama pala yung Lee Min Ho look alike and Myungsoo look alike and the other 3 girls. May kasama din silang 2 pang boys na cute din." -Girl 1.
3 girls? 4 boys? Omg! Sila Rhob kaya tinutukoy nila?
Di naman siguro. Madami pang ibang tao sa beach. Wag kang judgmental Mira!
Bumukas na yung elevator at lumabas na rin kaming tatlo. Pagkalabas ko ng hotel ay kitang kita ko agad blue na blue na dagat. Naramdaman ko din ang kaunting hangin at init.
"Ang ganda talaga." Sabi ko sa sarili. Sayang lang dahil di ko toh nakita ng maaga kanina. Tulog kasi ako eh.
Naglakad na ako sa beach para hanapin sila Jhaycee at para na rin magtingin tingin ng paligid. Infairness madaming tao. Halatang dinarayo ang lugar na ito.
Habang patingin ay saktong nakita ko sina Keana at Jaraica sa tapat ng isang cottage na nagseselfie habang suot yung mga bikini nila. Taray! Totohanan pala talaga? Mapuntahan nga.
"Jar! Kea!" Bati ko sa kanila pagkalapit kaya napatingin sila sakin.
"Uy! Gising ka na rin sa wakas." -Kea.
"Kain ka muna sa loob ng cottage. Madami kaming inorder." -Jar.
Di ko alam kung bakit pero bakit parang di kasing sigla nung sigla nila kanina nung kadarating palang namin.
Sabay sabay kaming pumasok, "Ano meron?" Tanong ko.
"Wala naman." Naiinis na sabi ni Jhaycee sabay straight na inom nung color yellow na nasa baso.
Nanlaki mata ko nung marealize ko kung ano iniinom nya.
"Bakit ka umiinom ng alak!?" Takang tanong ko. Nakakaloka naman kasi! Di naman umiinom si Jhaycee kahit nasa legal age na kami.
"Kasi naiinis ako!" Naiinis ulit na sabi nya saka sinubo yung isang kutsarang sisig.
"At bakit ka naman naiinis? Diba dapat nage-enjoy ka? Hello! We're here to enjoy!" Sabi ko naman. Nakakahawa yung bad vibes nila. Kaloka!
"Sina Brine kasi." Naiinis din na sabi ni Kea. Speaking of the boys, nasan ba sila?
''Ano ginawa nila Brine?" Tanong ko.
"Naggi-girl hunting!" Naiiritang sabi ni Jhaycee at uminom na naman ng alak.
Ano!? GIRL HUNTING!!?
"Nasaan sila Rhobert?" Feeling ko malapit na kumulo dugo ko.
"Ayun oh!" Sabay turo ni Jar sa labas na tinignan ko naman. At dahil sadyang malinaw mata ko ay kitang kita ko sina Brine, Angeloy, Zeid at ang dakila kong boyfriend na puro may kakwentuhan na babae!
Di ko alam kung anong nangyayare sakin pero bigla kong hinubad yung oversized shirt ko na nagpalaki ng mga mata nila Keana at Jaraica.
"Omg!" -Kea.
"Wag mong sabihing sasabak ka sa gera?" -Jar.
"Oo!'' Nanggagalaiting sabi ko saka naghanap ng salamin dun sa pouch ni Keana na laging dala. Kumuha rin ako ng suklay para ayusin buhok ko.
Pagkatapos kong ayusin ay kumuha ako ng tissue para punasan yung konting pawis ko sa noo. Aba! Hindi pwedeng di maayos itsura ko pag kaharap mga hipon na yun!
Oo! Hipon sila! HIPON!
"Aba! Di pwedeng magisa ka lang na sasabak sa gera noh!" Sabi din ni Jhaycee at nag-ayos katulad ko.
"Hoy kumalma nga kayo!" Sabi naman ni Jaraica. Hinarap ko sya saka tinignan ng masama.
"Mararamdaman mo din tong nararamdaman namin pag nagka-boyfriend ka na." Sabi ko at naglakad palabas ng cottage with poise. Daig ko pa siguro mga model sa paglalakad ko papunta sa pwesto nila.
"Uso maghintay sakin noh?" Sabi naman ni Jhaycee na katabi ko na naglalakad din ng katulad ko.
Bestfriend goals! Pak!
Pagkadating sa pwesto nila Rhob ay di agad nila kami napansin dahil madaming babae ang naka-paligid sa kanila. Lalo na sa BOYFRIEND KO!
Napantig naman tenga ko sa mga naririnig ko sa mga haliparot na hipon na toh!
"Hi babe! Are you free tonight?'' -Haliparot 1.
"Hindi eh. Sorry." -Brine.
"Hey Mr. Lee Min Ho! How about a drink later?'' -Haliparot 2.
"May gagawin ako mamaya eh. Sorry miss." -Zeid.
"Uhm.. honey? Want to join our group later? May masarap kaming dinner na hinanda." -Haliparot 3.
"Nakapagpa-reserve na kami kanina sa Restaurant ng Hotel namin eh. Sorry." -Angeloy.
"Ikaw? Mr. Myungsoo look alike, wag mo sabihing pati ikaw tatangi sa alok namin?" Malambing na sabi ng pinaka-haliparot sa lahat na toh sa boyfriend ko.
Syempre tatanggi sya!
"Uhh..." Naningkit mata ko nung di makasagot si Rhobert dun sa babae. Wag mong sabihin na tatanggapin nya yung imbitasyon ng mga haliparot na yun!?
"So? Yes or no?" Sabi na naman nung pinaka haliparot.
"Ahm--" Di natuloy ni Rhobert sasabihin nya nung biglang um-ehem si Jhaycee kaya nalipat tingin nila saming lahat.
Umiwas ng tingin sina Brine at Angeloy. Ngayon ko lang din napansin na nasa likod na pala namin sina Keana at Jaraica.
Si Zeid naman napa-pito na lang habang umiiwas din ng tingin kay Jhaycee.
At si Rhobert naman....
Tinignan ako mula ulo hanggang paa habang nakanganga. Pero nung sa mata nya ako tinignan, napalunok sya.
Siguro nakita nyang naiinis ako sa kanya?
"Excuse me? May kailangan po ba kayo?" Mataray na tanong samin nung kaninang Haliparot na nagtanong kay Zeid.
"Wala naman. Kailangan lang namin yung apat na lalaki na yan." Nakangiting sabi ni Jhaycee.
"Ano naman kailangan nyo sa kanila?" -Haliparot 1.
"At saka mas nauna kami sa inyo. So ibang boys na lang ientertain nyo." -Haliparot 3.
"Excuse me lang ha? Mas nauna kami sa inyo." -Keana.
"Kadarating nyo nga lang eh tapos kayo nauna?" -Haliparot 2.
"Mga baliw ba kayo?" -Haliparot 1.
Ako naman yung sumagot. "Sa ganda namin toh, mukang baliw? Kayo yung baliw. Nababagay nga kayo sa Mental eh." Saka ako tumawa ng peke at nakipag-apiran kela Jhaycee.
"Umaarte ba kayo ng ganyan dahil mga boyfriend nyo tong mga lalakeng toh?" Napatigil ako sa pagtawa nung nagsalita na naman yung pinaka haliparot na hipon. She's looking intently at me kaya tinignan ko sya ng masama.
"Oo." Sabay sabay na sagot nila Keana, Jaraica at Jhaycee. Kelan pa nila naging boyfriend mga toh?
"Eh ikaw? Isa rin ba sa kanila ay boyfriend mo?" Tanong naman sakin nung pinaka-haliparot habang naka-ngisi.
Tinignan ko sya saka ko nilipat tingin kay Rhobert na may maliit na ngiti. Huh! Ngiti pa more. Tignan natin kung maka-ngiti ka pa sa isasagot ko.
"Hindi. Wala kong boyfriend sa mga yan." At dahil dun nawala ngiti ni Rhobert at nanlaki lang mga mata.
Pati sila Jhaycee at Brine nanlalaki din mga mata na nakatingin sakin. Pake ko ba?
Ginalit mo ko Rhobert eh. Magtiis ka bwisit!
"Ibig sabihin ikaw lang free sa kanilang lahat. Pwede ka ba mamaya? Yes na ba sagot mo sa invitation namin?" Tanong na naman nung pinaka haliparot kay Rhobert na nakatingin pa rin sakin.
Sige! Um-oo ka lang sa kanila Castro. Tototohanin kitang ibreak mamaya!
Inirapan ko si Rhobert saka umalis sa pwestong yun kung nasaan buong barkada at grupo ng mga haliparot. Mabuti pa sa cottage na lang ako magstay at kumain ng kumain! Grr!
Pagkadating sa cottage ay may nararamdaman akong tao sa likod pero di ko pinansin. Umupo lang ako at kumuha ng mga junk foods at nagbukas nung alak. Bahala sya sa buhay nya!
Hindi naman talaga ako umiinom. Pag may party lang ganun. Pero trip kong uminom ngayon kaya wala munang makakapigil sakin!
"Mira." Boses ni Rhobert. Ibig sabihin sya talaga yung tao sa likod ko. Di ko sya sinagot.
"Mira wag kang uminom ng alak." Sabi naman ni Zeid. So nandito na pala silang lahat?
K.
Naramdaman kong naupo sa tabi ko si Rhobert at balak hawakan ang kamay ko pero tumayo na ako, hawak yung alak at pagkain ko saka lumipat sa tabi nila Jhaycee. At tabi tabi na kaming mga babae ngayon.
Tahimik lang kaming girls habang kumakain. Ilang minuto nang walang nagsasalita samin nung may biglang umagaw ng alak ko na iinumin ko na sana.
Di ko pa yun naiinuman eh!
Tinignan ko naman ng masama yung umagaw sakin nung alak ko pero si Rhobert pala yung kumuha at masama din tingin sakin. Problema nya!?
"Give me back my beer." Kalmado kong sabi pero di nya binigay at nakatingin lang sakin ng masama.
Kung nakakamatay lang yung masamang titig eh.
"Give it to me." Kalmado ko na namang sabi pero may diin bawat salita.
"No." He said fiercely.
"Give it back!" Inis kong sabi sa kanya. Nauubos na pasensya ko ha!
"Di ka iinom ng alak. Juice or soft drinks lang." What!!?
"Pero--" Di ko natuloy sasabihin ko dahil nagsalita na naman sya.
"Juice or soft drinks." Madiin nyang sabi.
"Fine!'' Padabog kong sabi saka kinuha yung coca cola in can.
Yes naiinis ako sa kanya pero di ko rin naman sya kayang suwayin. Alam kong nag-aalala lang sya sakin. Pero nakakainis talaga sya!
Kahapon dun sa mall, ngayon naman dito sa Beach. Gusto talaga nyang makipag-break ako sa kanya noh?
"Ano ba magandang gawin?" -Angeloy.
"Ah! Kantahan tayo!" -Brine.
"Great idea! Ano? Gusto nyo ba Mira, Jhaycee?" -Jaraica saka tumawa ng peke.
"Kayo na lang." Sabay naming sagot ni Jhaycee.
Halata naman na ginagawa lang nila yun para pagaanin yung atmosphere dito sa cottage na toh.
"Uhh... Jhaycee?" Nandito na pala si Zeid sa harap namin at muka syang kinakabahan. Si Jhaycee naman di sumagot at kumakain lang ng french fries ng tahimik.
"Pwede ba tayo mag-us--" -Zeid.
"Wala tayong dapat pag-usapan." Inis na sabi ni Jhaycee saka ininom yung juice nya.
Buti pa si Zeid sinusubukang kausapin mahal nya. Eh yung akin? Waley!
Naiinis ako. Naiinis ako ng sobra! Bakit di man lang nya ako subukan kausapin!? Kitang nagseselos na nga ako tapos tatahimik lang sya dyan habang nakatitig sakin. Di ko kailangan ng titig nya! Ang kailangan ko ay yung sorry nya!
"Guys? Lighten up! Tapos na yung kanina. Oras na para mag-enjoy. Gusto ko pa naman sakyan yung banana boat." Naka-pout na sabi ni Jar.
"Oo nga. Mamaya nyo na isabay yang mga LQ nyo!" -Keana.
Nagkatinginan kami ni Jhaycee at parehong tumango. Tama nga naman sila. Dapat enjoyin na namin tong bakasyon pero di ko pa rin papansinin si Rhobert.
"Okay. Sama ako dyan." Sabi ko saka nilapag yung pagkain ko sa table.
"Ako din. Gusto ko muna alisin stress ko ngayon araw." Sabi naman ni Jhaycee.
At dahil sa mga sagot namin parang kumislap mata nila dahil sa wakas ay mage-enjoy na kami. Sina Zeid at Rhobert naman napangiti.
Tinignan ko lang ng masama si Rhobert pero lalo pang lumaki ngiti nya.
Hay nako! Kahit magkagalit kami ngayon ang gwapo pa rin nya sa paningin ko.
Naglakad na kami papunta sa dulo ng beach para sumakay sa banana boat. Malamig at masarap na rin apakan yung buhangin pero mataas pa rin naman yung araw.
Habang naglalakad kami ay may parang nabubunggo yung kamay ko kaya tinignan ko iyon. At may nakita pa akong isang kamay at nang marealize ko kung kanino yun ay huli na.
Nahawakan na nya kamay ko. Hmp! Hayaan na nga!
Habang naglalakad kami ay napapasilip ako sa muka ni Rhobert at malaki na naman ngiti nya. Malamang kaholding hands kasi nya ako.
Nakadating na kami sa dulo at mag-hintay muna daw kami saglit dahil ubos na yung boat nila at may sakay lahat.
Siguro naman saglit lang kami maghihintay--
"Baby loves?" Bulong sakin ni Rhobert.
"Hmm?" -Ako.
"Kalmado ka na ba ngayon? Can we talk?" Akala ko talaga di na nya ako kakausapin. Oh sige! Pagbigyan natin.
"Okay." Sabi ko at naglakad kami palayo kela Jhaycee. Kita pa rin naman namin sila. Lumipat lang kami sa alam naming di nila kami maririnig.
"Look, what happened earlier, kasalanan lahat yun ni Brine. Nagpapacute na lang sya sa kung sino sino hanggang sa yung grupo na yun yung lumapit samin mismo. Kaya I'm sorry." He said then hug me. And alam kong wala syang pake kahit madaming tao.
"I'm really sorry..." Bulong nya sa tenga ko. Shet! Nakikiliti ako sa hininga nya!
I hug him back. "It's okay. Gaganti na lang ako mamaya sa Brine na yun." Sabi ko at bigla syang bumitaw sa yakap saka ako tinitigan.
And the next thing I knew, our lips met.
"Hoy tama na yan! Ayan na yung banana boat." At bigla naman kaming napabitaw sa isa't isa. Yumuko na lang ako kasi naman nakakahiya! Tapos nagtatawanan pa sila. Tapos eto ring boyfriend ko nakikitawa sabay akbay sakin.
Bakit parang ako lang yung nahihiya? Pinagtutulungan nila ako! Huhuhu!
Sumakay na kami sa banana boat. 4 lang pwede sumakay sa isang boat kaya kaming girls magkakasama at magkakasama din ang boys kahit labag sa kalooban nila. Pft.
Habang umaandar ay enjoy na enjoy kami at basang basa. Pagkababa ay nilapitan ko agad si Rhobert na nakatitig lang sakin. Problema nya?
"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya pero ngumisi lang sya, which gave me goosebumps.
"Nothing. You're just really sexy in hot pink bikini and you look hot." Mahina lang pagkakasabi nya pero namula na ako ng sobra.
Nalimutan ko nang naka bikini nga pala ako. Jeez! Bakit parang mas lalong uminit?
"Excuse me?" Napatingin naman kaming lahat dun sa nagsalita. Teka? Sya yung babae dun sa elevator kanina ah?
At pag kaharap mo sya mas kita yung cleavage nya.....
"I just want to apologize for what my friends did earlier. It's so embarrassing kaya I'm really sorry." Saka pa sya yumuko kaya mas lalong nakita cleavage nya. Napasilip naman ako sa boys na yumuko ng konti para makita cleavage ng babaeng toh.
Kinurot ko sa gilid si Rhobert dahilan para mapatayo sya ng deretso. Pervert!
"Ahh. Ayos lang yun." Sabi ko habang nakangiti at ngumiti din sya.
"I'm Raquisha." She said saka inabot kamay nya na tinanggap ko naman saka nakipag-shake hands.
"Mira." Sagot ko. "Hope we'll have a nice conversation next time." Sabi nya saka kumindat kay Rhobert.
Nanliit naman mga mata ko. Type ba nya boyfriend ko?
Yumuko ulit sya saka tuluyang umalis.
Kahit umalis na sya nanliliit pa rin mata ko dahil sa naiisip kong type nya si Rhobert.
"Pft. Relax. I'm all yours." Natatawang sabi ni Rhobert saka hinawakan kamay ko. Pero sinamaan ko lang sya ng tingin at tumawa naman sya.
"Tigilan mo ko Cast--" And for the second time, this day, our lips met again.
Nakapikit sya kaya pumikit din ako at saktong naghiyawan mga kabarkada namin.
Hay nako! Palibhasa alam nyang isang kiss nya lang, napapa-kalma na ako.
--------------------
Votes and comments for Chapter 3. Thank you!
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top