Chapter 2 - Grand Vacation

.

Mira's POV

"MIRA! BUMANGON KA NA DYAN AT MALE-LATE KA NA!!!" Napa-balikwas naman ako sa masarap kong tulog at agad hinanap yung towel ko. Late na ako sa school waa--

Wait? School? Teka nga malilimutin na ako. Kaka-graduate ko nga lang pala kahapon ng high school kaya bakasyon na namin! Jusko.

Niloloko na naman ako ni ate Alice!

"ATE ALICE WALA NAMANG PASOK EH GANDA NG JOKE MO!!!" Sigaw ko pagkabukas ng pinto ng kwarto ko at nakita ko si ate Alice na tawa ng tawa sa labas ng kwarto ko.

"Hahahaha! Aminin! Kinabahan ka na ma-late dahil terror teacher ang first subject mo, wahahaha!"

"Oo na. Pinakaba mo ko tss." Sagot ko. Kainis! Ganda ng trip ni ate Alice.

"Ngayon matuto ka na! Bakasyon na kaya pwedeng pwede nang gumising ka ng late."

"Yeah." Ang saya lang dahil natapos ko na rin ang high school! At sisiguraduhin kong matatapos ko din ang next school level na papasukan ko.

"Nga pala, kaya kita ginising dahil may naghihintay sayo sa baba. Bumisita ang iyong mga kaibigan at iyong BOYFRIEND!!" Bigla naman ako nag-panic sa narinig ko.

Nandito sila!!? Pati si baby loves ko!!? WHAT!!!?

"Bakit ngayon mo lang sinabi!?" Naiinis kong sabi kay ate Alice staka kinuha towel ko at pumasok agad sa banyo para maligo.

Ayan! Hadalian mode tuloy ako ngayon!

"Sorry! Pinag-tripan muna kita eh. Haha!!"

Aish. Nakaka-loka si ate Alice! Mas naging hyper sya ngayon pwera may boyfriend na sya eh! Nako!

Naligo ako ng ubod ng bilis, para ngang nagbuhos lang ako ng isang tabong tubig eh. Nag-toothbrush at nagbihis.

Ang suot ko lang ngayon ay isang oversized shirt at mini shorts. Hadalian na din ang pagbo-blower ko ng buhok. Kaloka!

Nagsuklay ako saglit staka tinignan sarili ko sa salamin.

Ang masasabi ko lang.... ang ganda ko talaga! Bagay talaga kami ni Rhob! Hihihi.

Bumaba na ako at narinig ko agad ang ingay ng boses nila Jaraica, Keana at Jhaycee. Nandun din sila Zeid, Angeloy, Brine at syempre ang boyfriend ko.

Lahat sila busy sa pagkwekwentuhan at pagkain nung cake na hinanda ata ni manang Remy. Pero yung isa busy sa pagtitig sakin.

Oke naman. Baka malusaw ako nyan.

"Bakit ang sarap nung black forest cake na toh?" -Kea.

"Kasi Merced Bakeshop ang nag-bake nito." -Jar.

"Mas masarap pa rin yung Red Velvet cake!!" -Jhaycee.

"Gusto mo bilhan kita mamaya ng red velvet cake? Ha bebe ko?" -Zeid.

"No thanks. Mas masarap pa rin talaga yung black forest. Diba guys?" -Jhaycee.

"Yeah!!" -Kea and Jar.

"Boom basag! Hahaha!" -Angeloy and Brine.

"Luh! Basag na naman ako. Uwi na ko!!" -Zeid.

"Sige umuwi ka, basta wag ka nang babalik ha?" -Jhaycee.

"Joke lang naman. Bakit ako uuwi eh nandito pa yung mahal ko?" At inakbayan pa ni Zeid si Jhaycee. Si Jhaycee naman tinignan lang si Zeid ng masama.

Ang kukulit talaga nila!

Napatingin naman ako sa lalakeng kanina pa titig na titig sakin na nilapitan ako. Nginitian ko lang sya ng ubod ng tamis. Sana lang kiligin sya sa ngiti ko.

"Hi." Sabi nya sakin habang naka-ngiti din. Ang gwapo nya ngumiti omg! Asdfghjkl kinikilig ako!

"Hello." Sagot ko naman sa kanya ng naka-ngiti at mas lalong lumaki ngiti nya. For sure kinilig rin sya sa ngiti ko sa kanya. Lakas kaya ng charms ko pagdating sa kanya! Hihi!

Wala nang nagsalita sa amin at nagtitigan na lang habang naka-ngiti.

Kaso may nanggulo ng moment namin, nakita ko na lang yung flying unan na saktong tumama sa ulo ng baby loves ko. Sakit nun haha!

"Aray!" Napahawak si Rhobert ko sa likod nya staka tinignan kung sino yung nambato na halata namang si Brine. Tawa sila ng tawa nila Angeloy at Zeid dahil sa pangbabato ni Brine kay Rhobert.

"Brine gusto mo masapak?" Iritadong sabi ni Rhobert sa kanila pero mas lalo lang lumakas tawa nila. Nako pinagti-tripan na naman nila baby loves ko!

"Hahaha! Moment nyo parang nakita nyo crush of your life. Para pa kayong nahihiyang ewan." Sabi ni Angeloy na natatawa pa rin. Dahil dun natawa na rin sina Jhaycee.

Oo nga naman. Parang first time magusap ganern? Haha!

"Feeling teen agers mga teh? Hoy 21 years old na tayo." Sabi naman ni Jar. Palibhasa wala pang nahahanap na boyfriend eh. Puro crush lang muna iniisip nya. Halos lahat ng makita nyang gwapo crush na nga. Ganun sya katindi.

"Inggit ka lang kase wala kang ka-forever." Pang-iinis ni Angeloy kay Jar. At etong namang si Jaraica biglang binato si Angeloy ng unan. Ayun sapul!

"Wag ako Geloy! Peste ka." Inirapan lang ni Jar si Angeloy at napakamot na lang sa ulo si Angeloy.

Minsan naiisip ko kung may something ba itong dalawang toh. Na baka dinadaan lang nila sa inisan yung pagka-gusto nila sa isa't isa.

Galing ko talaga mag-imagine!

Natawa na lang ako habang pinapanood sila. Ang sarap nila panoorin kahit parang nagkaka-gulo.

Si Kea nakikipag-agawan nung cake kay Brine. Si Jhaycee naman tinatarayan si Zeid sa mga banat nito sa kanya. Si Jar nakikipag bangayan kay Angeloy.

Ganto kabaliw mga kaibigan ko. Crazy people.

Habang pinapanood sila ng natatawa, naramdaman ko yung isang braso na kumapit sa bewang ko at hinila pa ako lalo palapit sa kanya. At ngayon? Dikit na dikit katawan namin.

Tinignan ko naman sya at nakatitig sya sakin habang naka-ngiti. Nainlove na naman toh sa kagandahan ko. Hay nako!

"Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko pag ngumingiti ka o tumatawa." Mga banat mo Baby loves! Hay!

"Dapat na ba akong kiligin?" Taas kilay kong tanong habang naka-ngiti sa kanya.

"Ofcourse. At magagalak ang puso ko nun panigurado." He said. Aww! Ayaw q na bh3! Kinikilig na talaga ako!

"Hoy tama na lampungan. Kailangan pa natin mag-shopping ngayon!" Sigaw naman ni Jhaycee kaya napa-tingin ako sa kanya pero di pa rin inaalis ni Rhobert pagkaka-hawak nya sa bewang ko. Okay lang talaga puso ko.

"Shopping para saan?" Tanong ko.

"Di ka ba nasabihan ni Kea na may outing tayo?" Tanong naman nya.

"Nasabihan. Eh diba next week pa naman yun?"

"Anong next week? Bukas na yun!! Dun tayo sa Palawan. Kaya dapat may plane ticket ka na dahil dun tayo magbi-beach!!" Excited na sabi ni Jar. Napa-nganga na lang ako. Bukas na pala yun pero wala pa akong plane ticket!!?

"Kaya mag-shopping na tayo ngayon para sa mga susuotin natin!" Naexcite naman silang tatlo. Wala ba silang gamit na pang-swimming?

"Bakit kailangan pa bumili? Eh may beach shorts at shirt naman tayo pang-swimming?" Nagtataka kong tanong.

"Well... since college na tayo staka nasa legal age naman na tayo. 21 years old na nga tayo eh. May bibilhin tayong mahalaga!'' Naeexcite na sabi ni Kea at nakipag-apir pa kay Jar.

Huh? Ano naman yung bibilhin na mahalaga?

"So isasabay na rin natin ang pag-bili ng groceries!!" Sabi ni Jhaycee.

"Kayo na lang. Wala pa akong plane ticket for tomorrow." Sabi ko. Ang plano ko ay bumili ng ticket mamaya at baka mauna flight nila bukas kaya medyo mahuhuli ako.

"WHAT!!?" Sabay sabay na sabi ni mga lukaret.

"Kailangan kasama ka bukas! Hindi pwedeng kulang ang barkada." -Jhaycee.

"Boring ang outing kung kulang kaya dapat kasama ka." -Kea.

"Eh kasi ng--" Napatigil ako sa pagsasalita ng may nakita akong plane ticket sa harap ko. Plane ticket talaga, I swear!

"Nagpa-book na ako for two kagabi kaya wala ka nang dapat problemahin." Naka-ngiting sabi sakin ni Rhobert.

"Dalawa talaga? Pano kung meron na akong plane ticket ngayon edi nasayang lang toh?" Sabi ko. Alam ko kasing nagtitipid sya dahil may gusto syang bilhin pero eto, binili nya ako ng ticket.

"You're my priority so it's okay. No need to worry." At hinalikan pa nya ako sa cheeks ko. Chumachansing lang tong lalakeng toh eh haha!

"O ayan. Binigyan ka na ng ticket ng boyfriend mo. So I guess, sasama ka na samin?" Mas mabuting pagbigyan na lang tong mga toh para wala nang problema.

"Oo na." Napa-irap na lang ako sa kawalan.

"Yehey!!" Sabay sabay nilang sabi staka nag-apir.

"Kukuhanin ko lang yung bag ko." Sabi ko saka pumanik sa taas para kunin yung wallet, cellphone ko. Ayos naman siguro yung suot ko. Mini shorts and oversized shirt. Mukang maganda pa rin naman ako kaya okay na toh.

Fast forward. Nandito na kami sa Department store ng mall na toh at hulaan nyo kung ano yung sinasabi nilang bibilhin na mahalaga.

"Bi! Bagay sayo tong bikini na toh. Since may kaputian ka naman, babagay na sayo tong navy blue for sure." Sabi sakin ni Kea.

My goodness. Tama kayo ng nabasa. Bikini daw yung bibilhin nilang mahalaga.

"Seriously? Wag kang maniwala kay Keana. You look hot in this pink swimsuit! Kitang kita curve ng body mo dito Mira!" Sabi naman ni Jar.

Sa totoo lang kanina pa nila pinagtatalunan kung anong bikini ang babagay sakin. Lahat kasi sila naka-pili na at ako na lang ang hindi.

Eh hindi naman kasi ako interisado sa mga bikini na yan! Nakaka-loka.

"Beach shorts na nga lang susuotin ko bukas kaya wag nyo na ako ipili." Sabi for the fifth time and again, tinignan nila ako ng masama for the fifth time.

"Wag ka ngang kj! Minsan na nga lang tayo mag-swimming eh." -Kea.

"And duh? Malaki na tayo kaya di na tayo pwedeng puro beach shorts and shirt. Pwedeng pwede na nating ilantad ang kaputian at kakinisan natin!" -Jar.

"Kahit pwede nang ilantad, ayoko pa rin. Kayo na lang." Sasagot pa sana sila kaso kinuha ni Jhaycee yung hawak nilang bikini na para sa akin. Pumunta sya sa counter at binayaran yun. Pagkatapos ay nilagay na sa paper bag yung mga bikini at binigay yun sakin ni Jhaycee. Kinuha ko naman.

"Bakit mo sakin binibigay toh?"

"Kasi sayo yan. Yan yung pinili nila Jar sayo diba? Edi sayo yan."

"Pero diba sabi ko na di ko susuo--"

"In case na mag-bago isip mo at in case of emergency lang yan." Paalala nya saka ngumisi.

Pero ano daw? Emergency?

"In case of emergency?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Yes. Beach pupuntahan natin. At dahil may gwapo kang boyfriend ay for sure, madaming aaligid na girls dyan. So bantayan mo at patunayan mo ang isang sexy at maganda na katulad mo ay pag-aari na si Rhob. Ganern!" Sabi nya at nagpalakpakan naman sila Jar at Kea.

Mga pinag-iisip nito. Hay nako!

Sa loob ng 5 years ay madami nang babae ang nagpapansin sa kanya pero dedma lang sya at sakin binigay buong pansin nya. At staka malaki tiwala ko sa kanya na di sya basta basta magpapa-landi sa iba. Masyado nya akong mahal para gawin ang bagay na yun.

At staka walang kwenta ang isang relasyon kung di kayo nagtitiwala sa isa't isa. Diba?

"May tiwala ako sa kanya. Sa loob nga ng 5 years never ko syang nakita pansinin yung mga lumalandi sa kanya. Ngayon pa kaya?" Natatawa kong sabi.

"Oo nga. Tama si Mira. Palibhasa kasi ikaw nagseselos kaagad pag kinausap nung isa nating kaklase si Zeid." Pangri-realtalk ni Jar kay Jhaycee at humalgalpak na kami sa kakatawa ni Kea.

"Manahimik ka nga." Inirapan ni Jhaycee si Jar pero namumula naman sya.

"Anyway, tara na at baka naiinip na yung boys dun sa Timezone." Sabi ko.

"Imposibleng naiinip yun. For sure naeenjoy nila yung mga pang-boys na laro dun. Katulad nung basketball or car racing." Sabi naman ni Kea. May point sya.

"Ang sabihin mo nalang kasi Mira eh namimiss mo na boyfriend mo." At tumawa naman silang tatlo.

"Ah basta! Oo na! Puntahan nalang natin sila." At buti nalang pumayag sila.

Pagdating namin doon ay nakita namin na madaming babae ang naka-tingin sa kanila. Naglalaro lang sila ng basketball pero yung kagwapuhan ng apat na toh ay nangingibabaw pa rin. Kung yung iba ay nakaka-diri tignan pag pawis na pawis na yung muka, sila ang hot nila tignan.

Pero sa kanilang apat ay si Rhobert my baby loves pa rin ang pinaka-gwapo at hot.

"Ayan! Panalo. Daming ticket nito." -Brine.

"Idol ka talaga Rhob." -Angeloy.

"Mas gwapo pa rin ako." -Zeid.

At after nun, nagtawanan sila. At dahil gwapo silang tumawa, halos mangisay sa kilig yung mga babaeng pinapanood sila.

"Bakit ang daming hipon?" Iritadong sambit ni Jhaycee habang palipat lipat ang tingin sa mga babae staka kay Zeid.

Selos alert! Selos alert!

"Grabe ka naman." -Kea. Oo nga naman.

"Totoo rin naman kasing mga hipon sila." Inis na sabi ni Jar habang naka-tingin kay Angeloy na hanggang ngayon ay tawa ng tawa.

"Chill lang kayo guys." Tinaasan ako ng kilay ni Jar at Jhaycee.

Tong mga toh. Kung makapag-selos parang sila.

Tinamaan ka ba? Oo ikaw nga na nagbabasa nito. Tinamaan ka ba sa sinabi ko na nagseselos ka kahit WALA namang kayo?

Awts. Sorry bh3. Realtalk lang yan.

"Di ka ba nagseselos?" Taas kilay na tanong sakin ni Jhaycee.

"May tiwala nga kasi ako sa kanya." Todo smile pa ako habang sinasabi yun. Proud kasi ako.

"Kahit tignan mo si Rhobert ngayon?" Sabi ni Jar habang naka-taas din ang kilay pero napatingin naman ako kay Rhob.

May lumapit sa kanyang babae na halatang nagpapa-cute sa kanya. Kinakausap nya si Baby Loves ko at dahil mabait at hindi naman snob tong boyfriend ko minsan ay kinausap din nya yung babae with matching smile pa!!

Kumunot noo ko at parang naka-ramdam ng inis. Sino ba tong haliparot na toh na kung makapagpa-cute ay akala mo naman bagay sa kanya. Eh muka nga syang hipon/piranha/pusit/tilapia o.. basta! Muka syang isdang malansa!

Kumulo na yung dugo ko nang nakita kong hinampas ng mahina nung babae si Rhob sa braso nya. Halatang nangtya-tyansing.

Di lang pala sya seafood, may lahing linta rin pala tong babaeng toh.

May humawak sa pareho kong braso. Pagtingin ko sa kaliwa, nakita ko si Kea at sa kanan naman ay si Jar. Pinipigilan ba nila ako sa pwede kong magawa sa babaeng ito?

"Wala naman akong gagawin sa seafood na yun na may lahing linta. Kaya di nyo na ako kailangan hawakan para pigilan." At nagulat sila sa sinabi ko.

What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Whoa! Anong seafood?" Natatawang sabi ni Jar.

"Bukod sa pagiging hipon at isa din syang piranha, octopus, pusit, crab, balyena tapos kasing lansa din nya yung tilapia. At may lahi pa syang linta." Kumulo lalo dugo ko nung binigyan nung seafood na babae na yun ng bimpo si Rhobert para punasan siguro yung basang pawis nyang muka.

At nararamdaman ko din na gusto ng babaeng yun na sya mismo ang mag-punas ng pawis ng boyfriend ko!!

Di ko na napigilan at lumapit na ako nung akmang pupunasan na nung babae si baby loves ko. Di ko hahayaan na hawakan nya muka ng mahal ko noh!

Paglapit ko ay mukang di pa nila ako napapansin dahil busy sila sa pagkwe-kwentuhan. And seriously? Napaka-pabebe ng boses ng babaeng toh!

"Uhm.. gusto mo ako na lang magpunas ng pawis mo?'' Haliparot! Nandito na yung girlfriend oh!?

"Ah wag na. Salamat nalang. Sige mauuna na ako ah. Baka hinahanap na ako ng girlfriend ko." Medyo natuwa naman ako dito kay Rhobert. Atleast napatunayan ko na di nga sya nakikipag landian sa iba. Aminado syang may girlfriend sya.

"Girlfriend? Really? Akala ko single ka and ready to mingle with everyone." Aba ayaw maniwala? Tumingin ka kasi sa kaliwa mo para makita mo ang girlfriend ng lalakeng nilalandi mo!

"Not really. So I'm sorry? Sina Angeloy or Brine na lang. Sila ang single sa grupo namin." At tinuro naman ni Rhobert si Angeloy at Brine na nakikipag-kwentuhan din isa sa mga girls.

Pero nagulat ako sa sagot ng babaeng toh at gusto gusto ko na syang sabunutan hanggang sa makalbo sya!

"But I want you..." Di ko na napigilan at tumikhim ako at tumingin naman sila sakin pareho.

Si Rhobert ay agad napangiti ng makita ang maganda kong presensya habang ang babaeng seafood na 'to ay tinaasan ako ng kilay na parang nagtatanong na 'sino ka ba?'

Tinaasan ko lang din sya ng kilay na nagsasabing 'back off bitch'. Kala mo papatalo ako sa isang seafood? Over my gorgeous sexy body, NO!

"Excuse me?" Tanong nya.

"Why? Dadaan ka ba? Oh sure. Welcome na welcome kang umalis." At umalis pa ako sa pwesto ko at sinign ko pa yung daan na pwede nyang daanan.

Nagsalubong naman yung kilay nya na halatang nagagalit at sa gilid ng mata ko ay nakikita ko si Rhob na pinipigilan tumawa.

"Di ako aalis. I'm just asking if you need anything from us?'' Ang taray mag-tanong ng babaeng toh. Muka pa rin syang seafood.

"Oh. I need something to this guy so..." Lumapit ako sa kanya ng konti para magka-eye to eye contact na kami ng walang epal. "Can you leave now?" Maayos akong nagtatanong. Sana lang maayos din syang umalis bago ako di makapag-pigil.

"Why should I leave my guy to you? Hindi ka kati-katiwala." Napantig naman tenga ko at feeling ko any moment ay ililibing ko na ng buhay ang seafood na toh!

My guy? Kelan pa nya naging pagmamay-ari si baby loves ko!!?

"Oh dear. Hindi sya sayo. So paki-alis yung phrase na 'my guy' sa sentence mo kanina."

Halatang napipikon na sya. "Who the hell are you to care about our relationship!?'' Kakameet nyo lang, relationship agad? Wag feelingera bh3.

"Ate wag kang feeling na may relasyon kayo. Uso mahiya sa girlfriend oh!?" Bat ba kasi ayaw pang umalis ng babaeng toh?

"Girlfriend? Where?" Nakangisi pa sya habang sinasabi yun.

"Nasa harap mo lang naman. Ang girlfriend ng lalakeng ito ay ang babaeng kasalukuyang nakikipag-debate sayo." At ako naman ang ngumisi. Mas lalo akong gumanda nun for sure.

Nagulat naman sya. "I-ikaw ang girlfriend?"

"Yes. So now you know, STOP. FLIRTING. WITH. MY. BOYFRIEND." Eto pag sumagot pa 'to, sorry na lang. Ubos na ang patience limit ko.

Gulat na gulat sya at narinig ko na yung lalake sa likod ko na tumawa at staka ako inakbayan.

"So ngayon Miss Raziel, naniniwala ka na bang may girlfriend ako? I'm sorry but we gotta go." Sabi naman ni Rhobert sa babaeng toh.

So Raziel pala pangalan ng babaeng toh? Hindi halata sa seafood nyang itsura.

Tumango na lang sya sa boyfriend ko at inirapan ako at umalis na. Huh. Serves you right. Echosera.

"Galing ng sagot ah?" Sabi ni Rhobert ng natatawa. Sinamaan ko na lang sya ng tingin staka hinampas ng malakas yung kamay nyang naka-akbay sakin. Napabitawa naman sya sa sakit.

"Aw!! Bakit ka namamalo?"

"Uso kasi itago kagwapuhan sa susunod ng wala ng babaeng seafood ang lumandi sayo!" Naiinis ako sa boyfriend ko ngayon. Kaloka! Dati naman iniisnob nya yung mga babaeng mag-tatangka palang landiin sya. Pero yung Raziel na yun di nya pinigilan. Paki-explain nga sakin yung kagaguhan nya.

"Tapos ngayon hinayaan mo pa syang landiin ka. Sa harap ko pa. Ako ba'y iniinis mo talaga ha, Rhobert Castro?" Alam nya na pag tinawag ko sya sa buong pangalan nya ay galit na ko.

"Aww. Sorry na baby loves." At niyakap nya ako na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"I'm really sorry baby loves. Sorry." Paulit ulit nyang binubulong sa tenga ko yung word na 'sorry' at alam ko naman na sincere sya dun kaya papatawarin ko na sya.

"Sorry...."

"Oo na. Apology accepted." Sabi ko at nagulat na lang ako nung bigla nya akong halikan sa lips. Smack lang naman.

Nakakaloka naman tong lalake na 'to. Wala man lang pasabi kung hahalikan nya ako o hindi!

"Baby loves?"

"Hmm?" Sabi ko.

"I love you 'til death took us apart. I love you to the moon and back. I love you sagad hanggang bone marrow." Sabi nya at napangiti nalang ako.

"I love you too, Mr. Castro."

"Tama na lampungan! Nasa Mall tayo guys. Baka nakalimutan nyo lang." At napabitiw naman agad si Rhobert dahil sa sinabi ni Jhaycee na todo ngisi sa amin.

Pero bumitaw man sa yakap si Rhobert, he hold my hand tightly na parang never nya ako ile-let go.

"Tara, Just Dance tayo!" Pag-aaya ni Angeloy.

"Tara! Pambato naming girls si Mira." Staka nag-apiran sina Jhaycee, Keana at Jaraica.

"Fine." Sabi ko na lang. Namiss ko rin ang sumayaw so why not? Pagbigyan.

Pagdating namin ay agad iniswipe ni Angeloy yung card nya and instantly pwede nang pumili ng kanta na gagamitin pang-sayaw.

Pero sa isang iglap, may katabi na akong babaeng di kakilala and in an instant? Magkalaban kami.

Pataasan ng points and goodness. Maganda sya pero mas angat talaga kagandahan ko. Charot. Ang hangin ko na in fairness.

And di talaga ako makapaniwala. Sya pa yung pumili ng kanta na sasayawin namin.

Hayaan na nga. Pagbigyan na lang.

I dance gracefully like what other told me pero yung kalaban ko. Ang galing din sumayaw. Mas swabe pa nga yung kilos nya.

Natapos na yung kanta at sya yung nanalo. Well, magaling din naman kasi sya sumayaw.

Huminga muna ako ng malalim bago sya hinarap at nakita kong umiinom sya ng tubig. Naramdaman ko naman na nasa likod ko sina Jhaycee dahil nagsalita sila.

"Ang galing mo talaga Mira." -Jhaycee.

"Game lang yan wag ka mag-alala " -Jar.

Sasagutin ko na sana mga pinagsasabi nila ng may nagsalitang di pamilyar ang boses. Mukang boses yun nung nakalaban ko.

"Nice moves." Puri nya sakin. "But still, the computer declare that I'm the winner." Ewan ko pero parang ang yabang nya pakinggan sa part na yun. Tss.

"We have the same dancing skills. And yeah, the computer decide for you to be the winner. Congratulations." I'm being cool here. Ayoko makipag-away.

"Thanks!" Then she smile sweetly at me. "Anyway, my name is Mira. You are?" Nagulat naman ako sa sinabi nyang name. Parang nagulat nga rin sina Jhaycee at Rhobert eh.

"M-mira?" Takang tanong ko. Naninigurado lang ako.

"Yes. My name is Mira Dijaña Lee." She proudly said.

Di ko nga pala nasabi sa inyo. Muka syang koreana sa puti ng skin nya at singkit nyang mata. Muka syang chinita. Yun pala yung surname nya halatang Korean.

"Well... I-i'm Mira Aguinaldo." Sya naman yung nagulat sa sinabi ko pero ngumiti din agad sya.

"Same name huh? Well hello again Mira. It's a pleasure to have a one-on-one dancing battle with you." She smile sincerely and muka naman syang mabait pero di ako komportable sa kanya.

"Yeah thanks. It's nice to meet you too Mira." Para akong nahihiyang ewan dahil parang binanggit ko rin pangalan ko which is pangalan rin nya.

"Well I need to go. Hope we meet again for second round of our one-on-one?" She ask. She's really friendly kahit parang ang yabang niya kanina.

"Yeah sure." I smile back.

"Okay. Aasahan ko yan! Babye!!" At umalis na sya. Cute nya magtagalog infairness. Halatang di pa sya sanay.

"Astig ah!" Sabay na sabi ni Jar at Kea. Problema ng dalawang toh?

"Huh?"

"Na-astigan lang kami sa inyong dalawa. Pareho kayong magaling sumayaw." -Kea.

"Tapos pareho pa palang 'Mira' pangalan nyo." -Jar.

"Parang pinagtagpo talaga kayong dalawa?'' -Kea.

"Oo nga! Destiny!" -Jar.

"Destined to be your new friend! Yiiee!" -Jar and Kea.

Well new friend? Not a bad idea. Masaya nga iyon eh.

"Pakisabi nga sakin, pag ba talaga 'Mira' pangalan eh magaling sumayaw?" Tanong ni Brine na nakapag-patawa samin.

"Mabuti pa kumain na lang tayo. Gutom na ako!" Di naman halatang gutom na si Zeid noh?

Nagtatawanan kami ng maramdaman kong may humawak ng kamay at para akong natigilan dahil naramdaman ko hininga nya sa leeg ko! AIZUWBDHSHWHS RHOBERT!!!!

"Don't worry, for me? Your dancing skills are the best." At feeling ko namula ako ng sobra! Mas mapula pa sa kamatis.

"Mira? Ayos ka lang? Bakit namumula muka mo dyan?" Takang tanong ni Jar sakin na dahilan para mapa-tingin silang barkada sakin.

Mas namula pa ata ako nung tumawa ng mahina si Rhobert. Bakit ang sexy ata pakinggan nung tawa nya? Why!? WHY!!?

"U-u-uhmm... a-ano... mag-babanyo lang ako saglit. B-bye!" Sabi ko at tumakbo ng ubod ng bilis pero bago ako makalayo ng tuluyan ay narinig ko na naman sexy na tawa ni Rhobert! My goodness!!!

--------------------

Medyo sabaw haha sorry pero I need your votes and of course comments. Thank you!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top