Chapter 19 - Amusement Park of Quarrels

.

Mira's POV

"What should we ride next?" -Keana.

"Hmm.. Gusto ko naman ng peaceful ride. Like that!" -Jaraica.

"That? Carousel!? Wag yan! Pambata masyado!" -Angeloy.

"Huy. Seryoso ka ba talaga na tumutol ka sa girlfriend mo? Bawas points yun boy!" -Brine.

"G-girlfriend!? She's not my girlfriend and totoo rin namang boring and pambata lang ang carousel!" -Angeloy.

"Hey! I can hear you so stop calling that ride boring when it's not! And I'm not his girlfriend, anuba Brine!" -Jaraica.

"Oy chill lang kayo. Pagbigyan mo na ang girls, Geloy." -Zeid.

I almost sigh because of what I'm witnessing. My friends are too enthusiastic right now na umaabot pa ata sa isang petty fight ang simpleng pamimili lang ng sunod na sasakyan na ride dito sa amusement park. Pero di naman lahat ng nasa barkada namin ay kasing ingay at gulo nila Angeloy ngayon. Napalingon ako gilid ko, nakita si Rhob na tatawa-tawa lang sa nangyayareng asaran habang hawak ang kamay ko. Mukhang di niya feel makisali pa sa petty fight ni Geloy at Jar. As usual, ang gwapo niya lalo pag tumatawa. Napatingin naman ako kay Zeid na napilitan lang sumama pero eto, sa halip na mag-enjoy ay taga-saway lang sa mga kaibigan namin. Sunod naman akong napalingon sa kabilang gilid ko at nakita si Jhaycee na nakatingin lang sa paligid with her cold eyes and I could feel her irritation just by being beside me. Mukang di nga rin talaga niya feel sumama ngayon. 

And just by looking at my bestfriend, my urge before to sigh eventually happens. I sighed because of what's happening right now. Naalala ko bigla yung mga pangyayare kahapon at kung bakit umabot ang barkada sa decision na mag-amusement park kami ngayon.

Flashback.... 

"W-what? Jhaycee really rejected Zeid!?" Jar asked in a shocking tone.

"It seems to be true. Kaya rin siguro nag-aya ng inuman si Zeid kahapon." Brine said then sighed after. 

After ko malaman kay Jap at Jhaycee mismo na binasted niya si Zeid ay saktong tumawag din sakin si Rhob na susunduin kami at kasama din niya sila Brine at Angeloy. Naging stressful pa nga ang simpleng pagalis namin ng club dahil ayaw umalis ni Jhaycee, claiming that her night out is still not finished and that she's not yet drunk. Which is obviously a lie sa kahit sinong makakakita, kaibigan man niya o hindi. 

Bago lumabas ay babayaran ko na dapat ang bill ko at ni Jhaycee dahil libre naman daw ang kay Kea at Jar dahil nainvite lang sila pero pinigilan ako ni Jap at siya na daw bahala sa bill namin, he said that its his own fault kung bakit alam ni Jhay ang club na iyon at mukhang nahumaling pa doon. After dumating nila Rhob ay may kanya-kanya silang sasakyan so syempre sa boyfriend ko ako sumama kasama si Jhaycee na sa likod nakaupo. Si Jar at Angeloy ang magkasama sa iisang sasakyan, at si Kea at Brine naman sa sarili nilang sasakyan. Si Zeid lang talaga ang wala dahil umalis na daw sila Rhob doon na sobrang lasing na si Zeid at hinayaan na lang nila magpahinga at wala rin naman alam si Zeid na nasa club si Jhaycee. Matapos namin ihatid si Jhaycee sa kanila ay nagdecide kaming mga naiwan na dumaan muna sa isang coffee shop na bukas pa para mag-kape para mawala ang kalasingan at pagusapan ang nangyayare sa dalawa naming matalik na kaibigan. 

"Nung nakaraan ko pa napapansin na parang may problema si Zeid everytime na magkasama kami during classes. He's spacing out most of the time but I honestly don't have time to ask him..." Medyo guilty na sabi ko. Who wouldn't be guilty? Ako ang pinaka-bestfriend ni Jhaycee and yet wala akong alam na may nangyayareng ganito. I'm also supposedly to be the most closed person to Zeid literally since we're blockmates at nakakasama ko sya palagi sa bawat klase. Ako ang pinaka-close sa kanilang dalawa pero eto, wala akong kaalam-alam na may problema sila. I'm too busy in my training in student council. 

"Mira, stop feeling guilty over things na wala kang control." Napalingon naman ako sa boyfriend ko matapos marining ang mga salitang lumabas sa bibig niya. I suddenly feel te urge to cry. 

"Oo nga Mira! All of us, should feel guilty kasi kung ganoon. We're all busy and too preoccupied in handling our own studies and situations. Sadyang yung sitwasyon nila mukhang humantong sa ayon, ganon...." Keana said. She also sighed after then tried taking a sip onto her coffee.

"Ano kaya nangyare talaga? Sobrang malala kaya?" -Angeloy.

"Based sa mga pinagsasabi kanina ni Zeid, mukhang wala rin siya clue kung bakit sya biglang binasted ni Jhaycee." -Rhobert. 

"Zeid actually also said that Jhaycee rejected Zeid through a phone call only." -Brine. Those words truly beceame a shock for me and my other friends. I know Jhaycee, she knows the importance of speaking in a sincere and formal manner. Hindi yung ganoong sa phone lang. 

"I mean-- for all these years, obvious nang sasagutin ng 'yes' ni Jhaycee si Zeid! Para ngang sila na talaga diba? Wala lang official label." I totally agreed on what Keana said. 

"Baka naman may chance pa sila? Mukhang sa ilang weeks na busy tayo ay hindi na rin sila naguusap. Maybe they just needed to talk again and this time, it will be a proper talk." I've said what has been swimming on my mind. I beleieve hindi ako matatahimik dahil may problema ang mga bestfriend ko.

"True! Communication is the key!" Pagsang-ayon naman sakin ni Jar.

"Pfft.Communication nga talaga pero ang ironic marinig syo besh." Natatawang sambit naman ni Kea kay Jar. Nagets ko naman agad pinopoint out niya at mukhang nagets din ng iba samin.

"Huh?" -Jar. Nakakunot na ang noo niya ngayon sa pagtataka.

"Apply mo din iyon kasi sa sarili mo para naman magkaroon na kayo ng mutual understanding ni Angeloy na deserve nyo." Tuluyang sinabi ni Keana ang mga tumatakbo na sa utak namin at pare-pareho kaming natawa dahil doon. Samanatalang si Jar at Angeloy ay namula. Looks like the realization finally hits them?

Nauwi sa asaran ang seryoso sa na usapan  na tumagal din ng ilang minuto. Medyo nilamig na rin ako dahil sa simoy ng hangin dahil sa labas kami nakaupo at isang tank top lang ang suot ko, mukhang napansin din ni Rhob na nilalamig na ako kaya naman nagulat na lang ako nung inalis niya ang suot niyang black jacket at pinasuot sakin. I smiled sweetly and appreciatively at my boyfriend as I wear the warm jacket that has a familiar scent, it smells the same with the perfume I have given Rhobert before. 

"Serious speaking, sould we try helping those two? Baka simpleng misundestanding lang at kailangan lang talaga nila mag-usap." Biglang singit ni Jar sa gitna ng asaran.

"We can try. Pero paano?" Keana sadly says. Lahat naman kami ay natahimik at napaisip.

What can I do to help those two to reconcile despite of whatever problem do they have?

Sa gitna ng katahimikan ay biglang nagsalita si Brine which made us think that its a good start para makapag-usap ang dalawa.

"How about we go on a group trip? Gala? As in tayong buong barkada para di sila makatanggi."  -Brine.     

End of Flashback.... 

And because of that, we have arrive into a plan to have a group date at itong amusement park ang napili ni Brine for some reason. Sobrang biglaan pero game lang kami para kela Zeid at Jhaycee na mukhang nabulabog din namin at sapilitan isinama kahit tumanggi kaninang umaga si Jhaycee saying that she wants to rest. We don't know if that's true or umaayaw lang siya dahil may potential na makasama si Zeid sa gala na ito dahil we're all in the same circle of friends.

Sana nga muna magawa namin ang goal ng group date na ito at hindi puro pag-aaway kung saang ride ang sasakyan muna. Katulad na lang ng ginagawa ngayon ng mga kaibigan ko. 

"Did we really come here to enjoy or panoorin lang away nila?" Rinig kong bulong ni Jhaycee sa gilid ko. Mas nakakunot na rin ang noo niya ngayon.

"I'll stop them." Sagot ko naman sa kanya sabay tawa ng mahina, isang pilit na tawa. Mas naasar at papalpak lang ang plano namin dahil sa isang petty fight. Jusko day!

"Guys!" Pag-agaw ko naman sa atensyon nila na mabuti naman at pinansin nila. 

"Bato-bato-pick na lang at kung sino manalo, yung ride na gusto niya unang sasakyan natin." Samit ko haang nakangiti at nagkagulo sila ng kaunti dail doon pero agad din namang nagharap si Jar at Geloy. Agad naman namin sila pinalibutan, nagtatawanan at panay cheer sa mini game na mangagayre sa dalawang ito. Si Keana ay panay cheer kay Jaraica at si Brine naman kay Angeloy na sinalihan din ni Rhob.   

"Oh game! Game na!" -Kea.

"Pag natalo ka pre sinasabi ko sayomagdusa ka sa carousel kasama girlfriend mo--pfft!" -Brine.

"Shh! At anong girlfriend na naman? Hindi nga kami!" -Geloy.

"Bato-bato-pick-- AAHHH WHY DID I LOSE!?" - Jar.

"Heh, goodbye carousel na. Mauuna tayo sa anchors away!" -Brine.

Our group is so chaotic right now. After matalo ni Jar kay Geloy ay nagtalunan naman ang boys pwera kay Zeid na tawang-tawa lang sa tabi nila. Lumapit naman ako kay Jar matapos lumapit ni Rhob sa boys para makipag-apir after nila manalo. Napansin kong nakasunod lang sakin si Jhaycee.

"Why do we need to ride an extreme ride the moment we arrived here?" Jar said as she pouts. We're all watching how the boys celebrated. Napailing na lang ako sa kaguluhan nila.

"Wala naman masama na extreme ride agad." -Keana. Tutuol pa sana si Jar g biglang magsalita si Jhaycee na mukhang napansin din naman ng boys.

"Pero--" -Jar.

"If you really don't want to ride and extreme ride yet, we girls only or kahit ako lang, pwede kita samahan sa carousel." Jhaycee suggested na hindi ko alam kung susuportahan ko or ano. Hindi ba parang mas malabo magkausap sila Zeid at Jhaycee kung hihiwalay kaming girls sa boys? 

"Oy oy! Bakit biglang hihiwalay kayong mga babae?" -Reklamo ni Brine. 

"Oo nga! Sadyang nanalo kami kaya doon tayo sasakayn. Ganoon nyo ba kaayaw sumakay ng extreme ride?" Pagsang-ayon naman ni Angeloy. Diretso naman silang tinignan ni Jhaycee.

"It's already obvious na ayaw ni Jar pero ikaw itong namilit. Wala ka ba respeto or pake talaga kay Jar?" Malamig na sagot naman ni Jhaycee na pare-pareho namin kinagulat. Agad naman namin tinry pakalmahin si Jhaycee dahil ang simple at normal na asaran at away kanina ay mukhang magiging seryoso pa. 

"J-jhay, i-it's okay! Trip ko lang talaga ang peaceful ride p-pero kung iisipin nga naman masyadong pambata ang ride na iyon kaya ayaw ng boys." Nakangiti ngayon si Jaraica kay Jhaycee na halata namang peke.

"Oo nga girl, saka nanalo naman sila Geloy talaga so ipush na natin yung gusto nilang ride." Sambit nama ni Keana na sinangayunan naman ni Angeloy na mukang hindi nagustuhan ang tono ng boses ni Jhaycee.

"Mira suggested playing that para matahimik tayo at makapag-enjoy na at nanalo ako, fair and square. Kaya di ko alam kung ano kinakagalit mo at kung ano din point ng sinabi mo--" Natigil sa pagsasalita si Angeloy ng may humawak bigla sa balikat niya at nakita namin si Zeid na seryosong nakatingin kay Gelo ay umiiling sa kanya, a sign na tumigil na sya at huminto naman nga si Angeloy na.

After pigilan ni Zeid si Geloy sa pagsasalita ay pare-pareho kami natahimik saglit. An awkward tension can be felt in the air in our circle of friend right now. Pero dir in nagtagal iyon noong tumalikod n si Jhaycee samin at nag-umpisang maglakad. medyo natakot ako doon dahil tuluyang umalis si Jhaycee ngayon.

"j-jhaycee! Where are you going?" Nag-aalalang tanong ko at pagpigil sa kanya sa paglalakad. Nilingon niya ako sagit ata saka sinabing,

"Anchors Away. Hindi ba't iyon ang gusto ng boys after nila manalo?" Simpleng sagot niya bago tuluyang maglakad. Medyo napangiti ako doon at narinig kong nakahinga ng maluwag sila Jar at Kea pati na rin ang boys pwera nga lang kay Zeid at Angeloy. 

Agad naman na namin sinundan si Jhaycee, pumila para sa extreme ride na gustong gusto umpisahan ng boys. Maya-maya lang din ay nakasakay na kmi sa ride pero bago iyon, sinigurado ko muna na magawa namin ang goal ng group date na ito kaya in a secret way, pinilit ko na magkatabi sila Jhaycee at Zeid by making sure na ang ibang girls ay katabi ang partners nila. Sana isipin lang nila na coincidence lang ito at maramdaman nilang kailangan nila mag-usap. I need to encourage and create some ways for them para lang talaga magkausap sila. Kahit pa secretly lang.

Gusto ko silang magka-ayos.

Pero, ayon, I guess not really everything works the way you want, huh? Sa gitna ng ride ng Anchors Away ay napuno ng sigawan kaming magkakabarkada. Some were scared, but most of us enjoyed it. Kasali si Jhaycee sa bakas ang takot sa mukha and normally, kung katulad pa kami ng dati ay kakapit agad sya kay Zeid, who would definitely comfort her wile trying to enjoy the experience. But today, she never did kahit mukhang paiyak na sya sa takot.

Pagbaba namin ay ang ingay namin agad, una dahil sa tawanan at kwentuhan ng boys smantalang sila Jar naman ay panay reklamo na akala daw niya ay mahuhulog na siya, mukhang nagsisisi na tinabihan si Geloy maupo sa dulong-dulo dahil mas feel talaga doon sa part ng ride na iyon pagbaligtad. Pero maingay man karamihan samin, sila Jhaycee at Zeid ay tahimik pa rin. Doon ko rin napansin na parang namutla si Jhaycee at gusto siyang iapproach ni Zeid dahil na rin siguro sa pag-aalala.

Gusto ko rin sana lapitan si Jhaycee but I think this is one of the best opportunity for Zeid to approach Jhaycee at makapag-usap na sila. Pero bago pa tuluyan makalapit at makapagsalita si Zeid ay naunahan na sya ni Jhaycee na inaaya si Keana ngayon sa restroom. Inaya din naman ako ni Kea pati na rin si Jar kaya kaming girls na rin ang sumama papuntang restroom. 

After sa restroom agad naman namin nakita ang boys na naka-abang sa labas at may naisip agad sila na sunod na extreme ride na sasakyan. Pero dahil mukang gusto muna ng girls ng awat mula sa extreme rides ay nauwi ulit sa bato-bato-pick ang pamimili ng ride and this time, its Keana vs Brine. 

 "Air Race!" -Brine.

"Ay hindi, iba naman! I wanna ride a boat with you!" -Keana. 

Brine blushed at what the girl he's been dating said to him pero mabilis din sya naka-move on at hindi pumayag. Honestly kaya naisip ni Keana ang boat ay para by partner ulit ang pagsakay which means its a chance para makapag-solo sila at makapag-usap, she texted me this habang nasa banyo para di pa rin makahalata si Jhaycee. Hindi ko rin maintindihan bakit tumututol pa si Brine, hindi ba niya nagegets kung bakit boat gusto sakyan naman? Nakalimot na ba sya sa goal ng gala na ito? Wait a minute-- si Brine nga pala nakaisip ng plano na ito pero mukhang siya  din ang unang nakalimot! 

Nag-start naman maglaro ang dalawa ng upto 5 points pero sa kasamaang palad ay natalo na naman kaming girls at nagdiwang muli ang boys at agad kaming hinila papunta sa Air Race na mukhang nakakahilo ulit dahil sa bumabaligtad na ride. As we go, Keana could only glare at Brine na tatawa-tawa lamang kasama si Angeloy at ang boyfriend ko. Seeing their laughs did actually made me annoyed for some reason.

Agad kaming nagsisakay pero bago pa tumabi si Zeid kay Jhaycee sa ride ay nahila agad ni Jhaycee si Jar sa tabi niya na pare-pareho namin kinagulat dail mas halata ngayon na ayaw niya makatabi si Zeid. Unlike kanina sa unang ride na sinakyan namin na di sya kumibo pero never rin siya nagtangka tignan man lang si Zeid. Napatingin ako saglit kay Zeid at hindi man ganoon kahalata ay napansin ko na nasaktan sya sa action na pinapakita ni Jhaycee. As a result, kami ulit syempre ng boyfriend ko ang magkatabi, Brine and Keana, Jhaycee and Jaraica, lastly are Zeid and Angeloy. The ride started at nawala rin na bigla ang focus ko kela Jhaycee dahil napatili na rin ako sa sobrang gulat at takot ng nakabaligtad kami ng ilang segundo. I swear, this extreme ride can kill me! 

Bumalik lang sakin ang memories noong nag-date din kami ni Rhobert sa amusement park na ito, may mga rides din na nagkanda-hilo ako ut hindi naman niya ako dinala sa ride na ito dahil mukhang alam niyang mahihilo ako ng bongga. Sa gitna tuloy ng buong ride ay mahigpit ang hawak ko kay Rhob na mahigpit din naman hawak sakin he's laughing and trying to make me calm and enjoy throughout the whole ride experience. Pero hindi ko nagawa mag-enjoy at pagbaba ay masama lang ang pakiramdam ko habang inaalalayan ako ni Rhob.

"Baby, are you okay?" Mahinang tanong sakin ni Rhobert. I tried to smile and nodded at him para hindi sya mag-alala. Seriously, damn that ride. Literal na nahilo ako at any minute ay tatakbo na ako ng banyo pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Pero bukod sa sumama ang pakiramdam ko ay nairita na rin ako dahil may panibagong extreme ride na naman na sinusuggest sila Brine at Angeloy. 

"EKstreme Tower Ride naman! Mate-test talaga tayo doon!" Sabmit ni Brine sabay halakhak.

"Pwede rin doon sa Disk-O-Magic! Sikat din iyon na attraction eh!" Pagsang-ayon naman ni Angeloy.

Dahil sa mga rides na sinuggest nila ay ako na ang unang napatutol. "Guys! Can we take a break from those extreme rides first? Madami pang ibang rides na pwede i-try!" I exclaimed, obviously trying to stop them. Bakit puro rides kung saan malabo magkausap ng solo sila Jhaycee at Zeid ang pinipili nila!? 

"Ang babaduy kaya ng mga pinipili ninyong girls." Sagot naman sakin ni Brine and yes-- I FEEL MORE IRRITATED. At mukhang naramdman iyon ni Zeid at Rhobert dahil sinubukan na din nila pilitin sila Brine at Angeloy. 

"Brine, kanina pa kayo napagbibigyan. Hayaan nyo muna makapag-pahinga yung iba." -Rhobert. 

"Wala naman masama sa ride na pinipili nila Jaraica at Keana. Yung rides naman nila i-try natin?" -Zeid. Angeloy and Brine suddenly scoffed at them.

"After letting them have fun yesterday? We deserved this bro, ano ka ba!" Sambit naman ni Brine at mukhang bumalik tuloy ang pagka-asar ni Kea sa kanya dahil doon.

"Excuse me? Nagsabi naman ako sayo kahapon and you said yes. Nag-inuman rin naman kayong boys kahapon!" Sagot ni Kea.

"Agreed. Nagsabi din ako sayo, Geloy. At hindi ba't parang masyadong late bigla ang reaction ninyo?" Pagsang-ayon din ni Jar. 

Mas mag-aaway pa sana sila ng pumagitna si  Zeid dahilan para malipat ang atensyon namin pare-pareho sa kaniya, pati si Jhaycee na nakikinig lang kanina pero mas halata ang pagkairita.

"Okay! Stop fighting guys! We will ride the boat in Swan Lake whether you guys like it or not." Zeid said with a hint of authority in his voice so no one dared to defy, especially us girls na super okay mag-boat at naisip ko rin na ito na ang chance na makapag-solo ang dalawa. 

Pagdating sa Swan Lake ay by twos lang daw ang pwede na sasakay ng kada swan boat na pabor naman sakin. This is a big chance for Zeid and Jhaycee to talk privately at sana nga maayos nila. It felt weird and illegal na makialam ako sa dalawa pero nag-aalala lang ako. Lalo na't alam ko deep inside their heart na malabo sana sila umabot sa punto nila ngayon. Hindi naman talaga sila dapat umabot sa punto na ito.

"Sana mag-kausap na sila 'no?" Sambit ko kay Rhobert na nasa tabi ko habang pinagmamasdan ang isang swan boat medyo malayo samin, doon sumakay sila Jhaycee at Zeid. 

Instead of a reply, I hear Rhobert's sigh which makes my head turn at his direction. After seeing me look at him, tinignan niya ako ng diresto at saka nagsalita. "Bakit ba gustong gusto mo magkausap sila?"

Napataas naman ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya. "Para magkaayos sila. May chance pa, maybe this was all a misunderstanding na kaya pa naman solusyunan pag nagkausap sila. Did you already forget what we are discussing yesterday?"

"I know. Gusto ko rin maging okay sila pero sa akin lang naman, dapat siguro hayaan na lang muna natin sila, maybe at their own pace and time maging okay din sila." Sambit niya pero tumutol ako doon.

"You know how broken Zeid is at ang laki ng changes kay Jhaycee, she became addicted to alcoholic drinks and a party girl! I don't mind is he became interested in partying but not because of what's happening to them. Mas maaga, mas okay sila magkausap at maisaayos ito."

I probably sounded like a whiny brat as I exclaimed that to Rhob. Masisi ba ninyo ako? I felt so guilty knowing nothing on what's happening to my bestfriends. Nagpromise ako sa kanila, kay Jhaycee lalo, na I will be there if they need some help or someone to talk to pero ano nangyare? Wala ako despite them being actually there when I've had my own issues.

Napakunot na din ang noo ni Rhobert dahil sa pinagsasabi ko. "Are you seriously saying that? Yes, the after effects to them are not healthy. Pero base sa sinasabi mo, ginagawa mo silang parte ng responsibilidad mo kahit hindi naman dapat at pinipilit ang bagay na sila dapat mismo ang magkaroon ng resolve sa sarili na ayusin ito."

Halos mapatahimik ako sa sinabi ni Rhobert dahil tama ito pero, "Pero wala rin naman masama na itry na tulungan sila diba? There's nothing wrong with letting them try to talk! We all decided that maybe, communication is the key to this problem. Kaya nga tayo umabot sa planong magkaroon ng group date hindi ba?" Ayaw kong magpatalo. What's the point of this trip if the goal will never be met? No way! 

But instead of an appropriate answer, he smiled sarcastically at saka sinabi ang mga katagang, "Communication is the key, huh? I think that sounds ironic to come from you."

Immediately, my irritation aroused. My mind is becoming a mess, full of guilt and stress from my bestfriends' almost ruined relationsip and now because of what my boyfriend is trying to say and act. Hindi ko rin maintindihan kung bakit mula sa problema nila Jhaycee at Zeid ay unti-unting nalipat ang argument namin sa akin.

"May problema ba tayo? Why are you being sarcastic to me?" I asked in a serious and calm manner kahit ramdam ko na sa totoo lang ang pagkairita sa loob ko. He just looked directly at me.

"Nope. Wala." Walang kwenta niyang sagot na mas lalo lang nagpa-irita sakin.

"Then! Why the hell are you saying that? That having proper communication with your loved one sounds ironic when it comes from me? May ginawa ba akong mali sayo!?"

"You came to a club without my knowledge." He said in a serious but anger can also be felt in his  tone. 

"And?" Tinaasan ko sya ng kilay. "Sinabi ko na sayo kagabi pa lamang diba na I tried to call you bago ako pumunta doon pero hindi ka naman sumasagot. I have no choice kundi tumuloy na talaga doon dahil nag-aalala ako kay Jhaycee!" I almost gasped when I remember the minor quarrel earlier with my friends. "What? Are you seriously acting in the same way like our friends did earlier? Like Brine and Angeloy to Kea and Jar?" 

"No--"

"Eh kung ganoon, ano? I thought we're okay. Alam kong kagabi mo pa sinasabi sa akin na hindi okay ang pagpunta ko sa club na iyon but I've already explained it right? Maayos naman tayo kagabi eh. Bakit ang late naman ng reaction mo?" Di ko na napigilan ang pagkuwestiyon sa kaniya at dadagdagan ko pa sana ng mapatahimik ako sa sinagot niya, probably the reason kung bakit ang ironic daw na manggaling sa akin ang 'communication is the key'.

"You almost never share anything to me. You always proceed with thinking and planning at magugulat na lang ako may nangyayare na pa lang ganoon." He said, his words are laced with frustration. Nagsalita naman ulit siya.

"Our friends aside, ako na boyfriend mo ay hindi mo rin sinasabihan. I'm not informed that you are being recruited to join the student council and the fact na tinanggap mo kahit makakasama mo pala doon si Cyrus na halata namang may problema kayo na hindi ko din alam kung ano kasi nga hindi ka nagsasalita. You're not trying or didn't even planned to tell me, didn't you?" Napapikit siya ng mariin matapos sabihin iyon na para bang pinipigilan niya ang sarili niya kahit may mga nasabi na siya. 

It all hit me. In my 5 years relationship with my boyfriend, never sumagi sa isip ko na ikwento pa kay Rhobert ang nakaraan ko. Because I've always believed that past isn't important, especially that kind of past. Why should I bother reminiscing about that past if the present I currently have are full of hope, happiness, proofs that betrayals would never happen again in my life. I am living my best life with my friends and Rhobert until he showed up again.

Hindi ko alam kung bakit pa sa amusement park na ito, kung saan group date namin, date namin ni Rhobert, na ang goal ay dapat mapagbati si Zeid at Jhaycee ay napunta sa akin. I understand my boyfriend's frustration but it also only build up my own frustrations.

"Rhobert," I seriously called him, trying my best to not cry at di ko rin alam akit ako naiiyak. Dumilat din naman siya at tumingin sakin. "I'm sorry pero akala ko naintindihan mo ako all these past months and weeks. Kasi ako ganoon din sayo eh. Your meetings with your dad na masaya ako dahil tinatanggap ka na niya pero never ka rin naman nagsalita. I don't know your own feelings or opinion about it."

His words hit me pero eto ako, ayaw magpatalo at mukhang ganoon din siya. Nagtitigan pa kami ng ilang segundo at hindi ko sya mabasa sa ilang segundo na iyon. Ako ang unang bumitaw at saka nag-aya na pabalik. "Bumalik na tayo sa port area."

Wala nang sali-salita na binalik kami ni Rhobert sa entrance ng lake. Di pa ubos ang time ng paggamit namin ng boat pero wala na akong pake doon. Pagbalik namin ay dali-dali akong umalis sa boat at plano nang umalis. 

"Mira, sandali lang. Mag-usap muna ta--" Napalingon ako kay Rhobert naman nung pigilan niya ako para mag-paalam na rin pero saktong nakita ko din si Jhaycee na pababa ng boat, naghahadaling umalis at napalagpasan pa kami ni Rhobert.

Her eyes looks like about to cry?

Di ko na pinansin si Rhobert na naiwan sa kadarating lang sa gilid niya na si Zeid at agad na hinabol si Jhaycee pero dahil medyo madami rin tao na pala kaya di ko na rin siya makita. Sinubukan ko pa maglakad-lakad pero hindi ko na talaga siya makita sa kasamaang palad.

I sigh to myself. "I hopes she's okay." Tanging nabulong ko sa sarili ko habang nag-aalala sa bestfriend ko, tuluyang nawawala sa isip ang naganap samin ni Rhob. 

"Mira?"  

Mabilis na napalingon ako sa likod ko matapos marinig ang isang pamilyar na boses. At hindi naman ako nagkamali sa nakitang tao na may-ari ng boses na iyon.

"What are you doing here Mr. Espinoza?" I noticed his slight smile after I greeted him, it's not really a greeting but a direct question.

"We're not even in the student council for you to call me that." Mahinang sambit niya na narinig ko pa rin naman kaya tinaasan ko siya ng kilay at napailing na lang siya dahil doon, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. 

"I'm here because of a business meeting but right now, Marky and I are only having a field viewing habang hindi pa tapos mag-meeting ang owner, lola ko at si lolita-- ah, I'm here with your brother and lola by the way." Pagsagot niya sa tanong ko na naging dahilan para kabahan ako dahil naalala ko pakiusap ko kay Cyrus kahapon. 

"You're here with kuya and lolita!? And what business meeting?" Mabilis napagtatanong ko na medyo kinagulat niya ut he answered calmy regardless.

"A tourism project. Our airline, your advertizing company, and this amusement park will have a joint contribution regarding the project." Halos mapanganga ako dahil sa sinabi niya at nabanggit pa niya ng isa sa mga pagmamay-ari naming kumpanya. It will definitely be a big project pero bago iyon, pinanlisikan ko muna siya ng mata, hindi pa rin nakakalimot. 

"You're with lolita and kuya... hindi mo naman sinabi sa kanila diba?"

"Alin?" He slightly tilted his head as he ask. 

"Na nagpunta akong club at ikaw pa naghatid sa akin!" Asar kong sabi which make him chuckle a bit. What the heck is wrong with him!? 

"Nope, I didn't tell them so please, release yourself from some anxiety." He gave me a gentle smile which almost made my eyes widen. Naudlot ang sasabihin ko sanang 'thank you' noong mapansin ko ang mata ni Cyrus na nakatingin sa likod at sabay noon ay narinig ko ang isang pamilyar na oses na naman kaya mabilis na napalingon ako roon at halos madurog ako nung nagkatinginan kami ng mata sa mata.

"Not only you did go to that club without asking or waiting for me, you came with him?" Mahinang tanong niya which sounded disbelief.

Kung kanina ay palaban ako at ayaw ko na siya munakausapin, the tables have turned at ako ngayon ang hindi makasagot at gusto sya kausapin para linisin ang usaping magkasama kami ni Cyrus sa pagpunta ko sa club. Cyrus was also part of the reason of our argument earlier so this will be the effect in him of course.

Lalapitan ko sana siya pero nag-signal ang kamay niya na uminto ako na ginawa ko naman. He looked at me now with disappointment for some reason. "Alam kong bad mood ka rin sakin ngayon kaya wag. Mabuting magpalamig muna tayo sama ng loob." Is all he said bago lumiko na at umalis hanggang sa tuluyang mawala sya sa paningin ko dahil na rin sa dami ng tao. 

"Mira." May tumawag mula sa gilid ko at nakit si Cyrus na mukhang nag-aalala. "Are you okay? You're crying! I can talk to him, I'll explain that it's my fault. Just wait here--" Tuloy-tuloy niyang sabi pero inilingan ko na lang. Rhobert is right, I'm still mad about earlier and maybe, its better to talk next time na lang muna.

All of those fight, petty quarrels, and Zeid and Jhaycee's issue about their relationship only made me realize about the positive effects of communication but it should not be hurried and forced like what I'm trying to do today.

--------------------

If there are someone out there who's still reading this, here's a new update. Hope you've enjoyed the little angst. Thank you for reading! See you in next chapter!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top